Nakaupo ako sa kama. Nakatitig sa bintana. Kagaya kanina ay muli akong napahawak sa dibdib ko. Bakit ganito yung pakiramdam ko? Nakita ko ang isang libro sa study table ko. Tumayo ako, kinuha ko ito at sinulat ang petsa ngayon. I will never forget this date.
-
Pagbaba ko ay nadatnan ko si Mama na naghahanda ng almusal. Naupo ako. "Mukhang ginabi na kayo ni Yejin sa pag uwi ah." Malambing nyang tugon.
"Ah... Opo Ma. Nag enjoy po kasi kami."
Naupo siya sa harap ko. "Mabuti naman at nag enjoy ka." Ngumiti siya na may halong pang aasar.
"Nag iisip ka na naman ng kung anu ano Ma."
"Wala naman akong ibang iniisip. Masaya lang ako kasi masaya ka."
Napahawak na naman ako sa puso ko. "Paano nyo po nasabi na masaya ako?"
"Nakikita ko dyan." Tinuro nya ang mga mata ko. "Kahit hindi mo sabihin, kahit hindi mo pa inaamin dyan sa sarili mo... alam ko ang sinasabi ng mga mata mo."
Hindi na ako nagsalita. Umiwas ako sa mga titig ni Mama at kumain na.
Katulad ng aming napag usapan. Tinuruan ko si Yejin sa mga lessons nya. Busy kaming dalawa maghapon dahil na rin gusto kong maka-catch up siya sa mga naiwan nyang aralin.
"Isolve mo yan ... kukuha lang ako ng merienda." Sabi ko. Tumango naman siya. Bumaba ako para kumuha ng makakain. Pagbalik ko ay nadatnan ko siyang tulog na pero hawak nya padin ang lapis nya. Napangiti ako. Sinilip ko ang sinasagutan nya. Perfect nya lahat. Dahan dahan kong nilapat ang palad ko sa ulo nya. Hinawi ang buhok nya. Nilapit ko ang bibig ko at bumulong "Good job." Doon... muli kong naramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko.
-
Naikarga ko na lahat ng gamit nina Mama at Tita Rian sa compartment ng kotse. Ngayon kasi ang alis nila para mag out of town.
Huminga ng malalim si Mama. Nilasap ang malamig na hangin. "Malapit na mag snow."
"Oo nga. Makakapag bakasyon pa tayo before winter." Sabi ni Tita Rian.
"Magpakabait kayong dalawa okay."
"Yes ma." Sagot ko
"Yejin, be a good girl. Wag mong sasaktan si Jiwoo." Sabi ni Tita Rian. Natawa naman ako ng bahagya.
Pagkaalis nila ay saka kami pumasok sa school. Naglalakad kami papasok sa gate nang maisipan kong biruan si Yejin. "Concern na concern sakin si Tita Rian ah."
"Assuming ka."
"So... alam nya bang may hidden talent ka ng pagiging sadista?"
"Alam nya.. kaya nga pinagbabawalan nya ako eh."
"Ah... dapat na pala akong matakot para sa sarili ko."
Tinignan ko siya ng masama, "Alam mo kahapon okay ka pa eh. Ngayon nababaliw ka na naman Jiwoo."
"Hahahahaha! Paminsan minsan kailangan ko rin mabaliw." Nilapit ko ang mukha ko sa kanya pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko kaya naman agad akong lumayo. "Oh sya! Sige na. Pumasok ka na. Bye!" Kaway ko sabay takbo
___________________________________________________________
Kakaorder ko lang ng pagkain nang makita ko sina Chris at Yejin na nakaupo sa isang table. "YONG HWA!" kumaway si Yejin at inaya akong maupo doon sa kanila. Tumabi ako sa kanya.
"Kumain na kayo?" Tanong ko pagkalapit ko
"Yes yes yes." Maganang sagot ni Chris.
"Himala wala kang baon ngayon Yejin."
"Ah... oo, wala kasi si Mama ngayon eh. Nasa out of town sila ni Tita Minso."
"Tita Minso? Yung Mama ni Jiwoo?" - Chris
Tumango siya. "Oo kaya ayun... alone ako ng mga ilang araw."
Napaisip ako... edi ibig sabihin ... magkasama sila ni Jiwoo sa bahay? Este DALAWA LANG SILA SA BAHAY? Medyo naging makulit ang laman ng isip ko. Thou di naman ganun si Jiwoo pero kasi-
"Yejin!" Napatingin kami lahat sa sumigaw. Lumapit siya sa amin. "Sabay tayong uuwi mamaya ha."
"Sige. Nga pala, thank you."
"Bakit?"
"Kasi tinuruan mo ko kahapon."
"Ha? Tinuruan ka nya?" Tanong ko.
"Oo."
"May problema ka ba dun?"
"Wala." Agarang sagot ko.
Paglabas namin sa canteen ay bigla nalang nagsalita si Jiwoo. "Sige na aalis na kami nito. May klase pa siya eh." Paalam nya. Tsk.
"Ay! Oo nga pala. May klase pa kami. Sasabay na ako sa kanila Yong Hwa. Bye!" Paalam ni Chris.
-
Kapaparada ko lang ng kotse ko sa garahe nang maalala ko na naman yung sinabi ni Yejin kanina na mag isa lang sya sa bahay.
___________________________________________________________
Malapit na kami sa bahay nang magsalita si Jiwoo. "Sasamahan kita sainyo ah."
"Ano? Wag na."
"Kung makapagsalita ka ... parang may gagawin ako sayo ah."
"Ha? Hindi ah. Basta... wag na. Ok lang ako." Sabi ko
Pero deep inside hindi talaga. Nasanay kasi akong kasama si Mama eh. Nasanay akong may nag aasikaso sa akin. Ngayon lang nya naisip magbakasyon which is good nakahanap na rin siya ng kaibigan kaya naman minsan dapat matuto din ako.
Dahil sa pagkain na pinainit ko lang ay naitawid ko ang dinner ko. "Ano kayang gagawin ko pagkatapos nito?" Tumingin ako sa wallclock. "6 pm?" Napabuntong hininga ako. Napakabagal ng oras.
Knock knock
"Sino yun?" Agad akong nagtungo sa pintuan at binuksan ito. "Jiwoo?"
"Ano? Malungkot?" Ngumiti siya. Nakapajama siya na black at white shirt. Pumasok siya. "Anong kinain mo?"
"Anong ginagawa mo dito?"
"Yung tanong ko muna. Nauna akong magtanong eh." 😑😑😑
"Tsk. Kumain ako ng-" nahinto ako kasi parang nahiya akong magsabi ng pinainit ko lang yung kinain ko.
"Pinainit mo lang yung kinain mo nu?"
"Paano mo nalaman?"
"Gawain yun ng dalawang klase ng tao." Naupo siya sa sofa
"Ano? Dalawang klase ng tao?"
Tumango siya. "Isang taong tamad at isang tao na di alam kung ano ang gagawin." Tumaas ang kilay ko. "Nandun ka sa pangalawa." Tumayo siya at nilapitan ako. "Hinawakan nya ang kamay ko. Hinila nya ako papunta sa kusina. "Maupo ka dyan ipagluluto kita ng masarap na dinner." Tinitignan ko siya habang naghahanda ng rekado.
"Hindi mo pa sinasagot yung tanong ko."
"Na alin? Anong ginagawa ko dito?"
"Oo."
"Nandito ako para pasayahin ka." 😂😂😂 tumawa siya. "Joke. Nandito ako para samahan ka."
"Samahan? Eh... kaya ko naman yung sarili ko ah."
"Talaga lang ah. Kaya pala kahit dinner di mo maisurvive."
Napayuko ako. After 15 minutes ay may pagkain na. "Kumain ka na." Naupo siya sa harap ko.
"Ikaw di ka ba kakain?"
Umiling siya. "Kumain na ako sa bahay."
Nagsimula na akong kumain. Tinikman ko ang luto nya and wow... masarap siyang magluto.
"Masarap ?" Tanong nya
Tumango ako. "Oo. Masarap. Saan ka natutong magluto?"
"Kay Mama."
Infairness. Lahat na ata nasa kanya na. May lalaki pala na almost perfect na? Kung titignan mo kasi mukha syang tamad.
Napagdesisyunan naming manuod ng TV.
"Manuod tayo ng horror." Sabi nya
"Ayoko nun. Gusto ko action."
Para siyang nagulat sa sinabi ko. "Ano? Action? Talaga? Akala ko gusto nyo puro love story."
"Hindi lahat ng babae yun ang gusto. Akin na yang remote."
Nilayo nya ang remote. Pinilit ko naman tong agawin pero pilit nya pading nilalayo.
"Ano ba? Akin na yan-" kakapilit kong agawin ay napayakap ako sa kanya. Nagtama ang tingin namin.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganun? Kapag may ganito kaming eksena. Parang nagpapalpitate ako.
___________________________________________________________
Napayakap siya sa akin and here comes the weird feeling ... pakiramdam ko lalabas yung puso ko anytime-
Knock knock
Napalingon kami pareho sa pinto at nagkatinginan. "May bisita ka ba?"
"Ha? Ah... eh..."
Nagsalubong ang kilay ko. Saka lang namin ulit narealize na nabato na kami sa pwesto namin
"Ay! Sorry." Umayos siya ng upo. "Ayaw mo pa kasi ibigay yung remote eh." Bulong nya. Napahawak ako sa dibdib ko. Kumalma ka. Nagiging weird ka na habang tumatagal ah.
Nagpunta siya sa pinto at binuksan ito. Bumungad sina Chris at Yong Hwa. Anong ginagawa ng mga to dito? Nilingon ako ni Yejin. Nagsalubong naman ang kilay ko. Hindi nya siguro inaasahan ang mga to' na darating. Nilapitan ko sila. "Bakit sila nandito? Ininvite mo ba sila mag sleepover?"
"Ha? Ah... eh... O-oo. Ininvite ko sila."
Tinitigan ko lang sya. Talaga lang ah. Hinila nya si Chris papasok at tumakbo pa sila paakyat ng kwarto. "Tara Chris, dalhin natin yang gamit mo sa kwarto ko."
"Sige."
Naiwan naman kami ni Yong Hwa.
"Tatayo ka nalang ba dyan?" Sabi ko
"Bakit ka nandito?" Nagtatakang tanong nya
"Sinasamahan ko siya. Ikaw bakit bigla kayong napasugod dito?"
"Sasamahan din namin siya." Pumasok na siya.
___________________________________________________________
Nakahiga si Jiwoo sa Sofa. Ako naman nakahiga sa sahig. 11 pm na. Hindi ako makatulog. Tumayo ako para uminom ng tubig saka naisipan kong silipin sina Chris at Yejin sa taas. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Mahimbing na silang dalawa. Napangiti ako. Hayst ... sobrang close na talaga nila. Kung hindi lang ako nag aalala... hindi ako pupunta dito pero siguro... gusto ko din siyang makita kaya ganun nalang yung naramdaman ko kanina.
(Sa bahay bago pumunta kina Yejin)
"Saan ka pupunta? Bakit nageempake ka ng damit?" Tanong ni Mama.
"Mag sleepover kami sa bahay ng schoolmate namin Ma. Uuwi din ako bukas."
"Malayo ba yun?"
"Sa kabilang village lang po yun saka madami naman kami ma."
"Ah... sige. Mag iingat kayo."
Syempre hindi ako pupunta dun na ako lang dapat kasama ko si Chris.
"Ano? As in ngayon? Sleepover?"
"Oo. Diba sabi ni Yejin... wala siyang kasama dun?"
"Oo. Pero andun naman si Jiwoo."
"Samahan na natin sya. Tara na ..."
"Anong naisip mo bakit bigla kang nag aya mag sleepover? Alam ba ni Yejin yan?"
"Ha? Ah... Eh... Oo. Alam nya. Kaya mag empake ka na."
Naglalakad kami papunta kina Yejin nang biglang huminto si Chris. "Ikaw ah. May naaamoy akong something sayo." Nanliit ang mga mata nya.
"Ano?"
"May gusto ka ba kay Yejin?"
"Wala ah. Concern lang ako."
"Muka mo."
Nauna na siyang maglakad. Napapikit nalang ako. Tsk.
(Back to reality)
Dahan dahan kong sinara ang pinto saka "😱😱😱😱😱😱 AHH!" Napasigaw ako ng medyo malakas. Napahawak ako sa puso ko. "Nakakatakot naman yung pagtayo mo dyan."
😐😐😐😐😐😐 - Jiwoo "Nakakatakot ba?"
"Para akong aatakihin sa puso dahil sa takot."
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
"Chineck ko lang sila. Ikaw? Kanina ka pa dyan?"
"Oo. Pinagmamasdan ka."
"Akala ko ba tulog ka?"
"Malakas ang pakiramdam ko kahit tulog ako. Alam ko ngang uminom ka ng tubig eh."
😧 napanganga ako. Ano bang meron tong' taong to?
"Matulog na tayo."
"Sus... sabihin mo yan sa sarili mo."
"Namamahay kasi ako."
"Alam mo naman palang mamamahay ka .. nagpunta ka pa dito."
Nakahiga kami pareho. Nakatitig sa kisame.
"May tanong ako." Pagsisimula ko
"Ano? Inaantok na ako."
"May gusto ka ba kay Yejin? ARAY!" Nagulat ako na may biglang humampas na unan sa mukha ko.
"Itulog mo na yang curiosity mo."
"Tsk! "Kinuha ko ang unan at hinampas ko din sa kanya.
___________________________________________________________
Maaga akong nagising. Bumaba ako para mag almusal nang datnan ko sina Jiwoo at Yong Hwa na ang lalaki ng eyebags. Kalat kalat ang mga unan.
"Anong nangyari dito?" Tanong ko "saka bakit kalat kalat yung mga unan?"
"Naglaro kami." Sagot ni Jiwoo
"Ng?"
"Hampas hampasan." - Yong Hwa
😦😦😦 wala akong nasabi sa sagot ng dalawa to' basta naisip ko lang na Masama pala silang iwan na dalawa. Dinaig pa nila ang mga bata kung magharutan. Napapatingin ako kay Jiwoo habang nasa byahe. Papikit pikit na siya. Lumingon din ako kina Yong Hwa at Chris. Ganun din yung isa.
Bumulong sa akin si Chris. "Next time ... hindi na natin sila hahayaan na magkatabi."
Oo. Talagang hindi na. Lalo pa't iniwan nina Yong Hwa ang gamit nila sa bahay. Mukhang may balak pa silang manatili doon hanggang sa makauwi sina Mama. Hayst ...
-
Katatapos lang ng klase at naisipan kong sumaglit sa library nang makasalubong ko si Lianne. Pareho kaming huminto.
"Long time no see..." sabi nya. Hindi ako nagsalita. "Can we talk?"
Pumayag ako. Nagtungo kaming dalawa sa rooftop ng highschool building.
"Hindi ako magsosorry. I just want you to know ... na wala akong pinagsisisihan sa ginawa ko."
"Bakit pa tayo nandito?" Nararamdaman ko ang pride sa pananalita nya.
"Gusto kong sabihin sayo na ... alam kong mali ang ginawa ko pero later on.. maiintindihan mo rin ... kapag nagmahal ka na." Malakas ang hangin dito sa taas. Nakatingin lang siya sa malayo. "Jiwoo and I were friends back then. Hindi ko alam bakit biglang lumayo nalang ang loob nya sa akin. Siguro dahil.. inamin ko na gusto ko siya. Hindi ko lang kung yun ba yung disadvantage pero siguro... hindi mo talaga maiiwasan na mainlove sa lalaking kaibigan mo. Jiwoo is a almost a perfect man... he's handsome, smart, rich, gentleman and also ... a loving son." Nilingon nya ako na kasalukuyang nakatingin sa kanya habang nakatayo. "Hindi mo ba ipaglalaban ang ganung klaseng lalaki?"
"Masyado pa akong bata para mainvolve sa mga ganitong usapin."
"Yes. Tama ka. 14 ka lang... and I hope... hindi ka nga maiinvolve dito. But let's see sooner or later..."
-
Wala kaming teacher sa sumunod naming subject. Naisipan kong tumambay muna sa may garden para mag aral. Naupo ako sa ilalim ng puno at nagsimulang halukayin ang bag ko nang biglang may lalaking nahiga sa hita ko.
"Huy! Anong ginagawa mo?" Inaalis ko siya sa hita ko.
"Pahiga lang."
"Jiwoo!"
"Inaantok ako!"
"Tsk.!" Nagpabigat pa lalo siya. Napabuntong hininga nalang ako sa inis.
"Alam mo bang ikaw ang dahilan bakit ako puyat ngayon? Tsk. Kaya patulugin mo ako."
"Anong kinalaman ko? Eh.. maharot kayo eh-" umikot siya at nilingon ako habang nakahiga padin siya sa hita ko.
"Tinanong nya ako kung gusto daw ba kita?"
"Nino?"
"Malamang... ni Yong Hwa. Tsk." Natahimik ako sa sinabi nya. Hindi mo talaga maiiwasan na mainlove sa lalaking kaibigan mo. Hindi nga ba? Hindi ba talaga naiiwasan yun? Pinagmamasdan ko si Jiwoo habang nagsasalita siya. Ewan ko pero... parang kahit isang word na sinabi nya ay wala manlang isang nag sink in sa utak ko. "Alam ko naman na kaya nya ako tinanong ng ganun kasi- Ok ka lang?"
"Ha? Ah... eh..." naitulak ko siya bigla dahilan para malaglag siya sa damuhan.
"Tsk." Naupo siya. "Bilib na talaga ako sa lakas mo."
___________________________________________________________
LIBRARY
"Ayos na siguro tong' mga nakuha kong libro. Makapag umpisa na nga." Naghahanap ako ng table na bakante nang makita ko si Yejin na sa hula ko ay tulala sa librong binabasa nya. Nilapitan ko siya."Ok ka lang?" Tanong ko. Pero hindi sya sumagot. Tama nga ako ... tulala siya. Kinalabit ko siya. "Ok ka lang?" Pag uulit ko.
Napaangat siya ng tingin. "Ha? Ah... eh.. oo. Ikaw pala yan Yong Hwa."
Naupo ako sa harap nya. "Kanina pa kita nakita. Mukang tulala ka."
"Ah... may iniisip lang ako."
"Tulad ng?"
"Wala..."
Natawa ako. "Wag ka ng mahiya. Pwede mo namang sabihin sa akin."
"Hindi na. Siguro magulo lang isip ko ngayon."
"Ano naman yung nagpapagulo?"
Nag isip siya. "Saka ko na sasabihin sayo."
Marahil ay nahihiya pa siya sa akin. Sabagay... hindi pa naman ganun kahaba ang pinagsamahan namin kaya hindi ko rin siya masisisi na medyo alangan siyang magshare ng mga iniisip nya.
"Sa bahay ba ulit kayo matutulog mamaya?" Tanong nya
"Ha? O-oo. Kung ok lang sayo."
"Ok lang naman."
"Ako nalang magluluto ng dinner mamaya." Offer ko
"Ikaw ang bahala."
-
Naghahanda ako ng mga rekado nang maupo si Jiwoo sa lamesa.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Sabi nila tulungan daw kita eh."
Napangisi ako. "Labag ba sa loob mo?" Biro ko
"Hindi ah. Akin na nga yang kutsilyo." Inagaw nya sa kamay ko ang kutsilyong hawak ko." Ano bang ipapahiwa mo?"
Inabot ko sa kanya ang mga dapat nyang hiwain. Pinagmamasdan ko siya. "Sorry kung pinuyat kita."
"Hayst... salamat. Nagsorry din ang bruho." Natawa ako.
"Curious lang naman ako kaya ko natanong yun kagabi." Tinignan nya ako. "Nacurious ako kasi... masyadong kayong komportable sa isa't isa kahit na hindi pa naman kayo ganun katagal na magkakilala. Isa pa... bata pa si Yejin. Alam ko wala pa sa isip nya ang mga bagay na katulad nito pero tayo... tayong mga nasa tamang edad na ... makakaramdam na tayo ng iba towards sa mga nakakasama natin lalo na sa mga kaibigan nating babae."
Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Nababasa ko siya. "Kaya kita tinanong kasi-" natigil ako.
"Kasi..." naghihintay siya ng kasunod.
"Kasi..." hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko. "Bakit nga ba YongHwa?" Tanong ko sa sarili ko.
"Ok lang kayo?" Nagulat kami sa nagsalita. Si Yejin
"Ha? Oo. 5 minutes tapos kakain na tayo."
Hindi ko na nasabi kay Jiwoo ang gusto kong sabihin. Hindi ko rin kasi mailahad ang punto ko eh. Maski ako ay hindi rin sigurado sa gusto kong sabihin.
Nakaupo kaming apat sa sala.
"Bakit tayo nakaupo dito?" Tanong ko
"Balak kasi namin kayong paghiwalayin sa pagtulog." Sagot ni Chris.
"Ha? Wag nyong sabihin na siya matutulog dito tapos ako.. pauwiin nyo sa bahay." Reklamo ni Jiwoo
"Dun tayo sa kwarto ni Jiwoo." Nagulat kami sa sinabi ni Yejin.
"Ano?!" React namin ni Chris
😦 napanganga naman si Jiwoo
"Oo. Bukas lahat ng pinto. Ganun din kayo Chris at Yong Hwa."
"You mean... tabi tayo?" Sabi ni Jiwoo. "Aray!" Binatukan siya ni Yejin
"Hindi. Sa sahig ka."
Bakit kami nag come up sa ganung idea?
-
Nagtungo na kami ni Chris sa kabilang kwarto. "Oh.. maglatag ka na." Narinig ko siya pero hindi ako mapakali. Ano ba naman tong' naisip nila? "Huy! Ok ka lang?"
"Ha? Oo sige maglalatag ako."
"Lutang ka ba?" Tanong nya
"Hindi naman."
Lumiit ang mata nya. "Alam mo ikaw.. may napapansin ako sayo ah."
"Ano?"
"May gusto ka talaga kay Yejin nu?"
"Ano? Wala ha." Kinuha ko sa kamay nya ang comforter. Habang nakatingin sya sa akin ay nahiga na ako. "Matulog ka na. Kung anu ano na naiisip mo."
"Tsk. Talaga lang ah."
Naupo ako. " sinabi mo din nung papunta tayo dito."
"Kaya ko inuulit kasi nga baka sakali umamin ka na ngayon."
"Wala akong gusto dun."
"Ah.. kaya pala nandito tayo hanggang ngayon." Nilapit nya ang mukha nya sa akin. "Magkaibigan kami ni Yejin ... ok sakin na nandito tayo pero ikaw- aray!" Tinakip ko ang palad ko sa mukha nya.
"Matulog ka na."
___________________________________________________________
"Ang cute pala ng kwarto mo nu?" Nililibot ni Jiwoo ang tingin nya sa buong kwarto ko.
"Tigilan mo na yan. Matulog ka na." Sabi ko
Kinuha nya ang isang photo album na nasa bookshelf ko. Binuksan nya ito. "Baby pictures? Ang cute mo pala nung bata ka nu?" Sabi nya habang nililipat nya ang mga pahina nito.
Kinuha ko ang photo album. "Akala ko ba puyat ka? Matulog ka na kaya." Hinila nya ang photo album mula sa kamay ko kaya medyo napalapit ako sa kanya. Napako ang tingin namin sa isa't isa. Ito na naman yung abnormal na pakiramdam ko.
"Pano kaya kung.. ligawan ka ni Yong Hwa?"
"Ano?" Lumayo ako ng bahagya. "Si Yong Hwa?"
Tumango siya. "Hindi mo ba naalala yung sinabi ko sayo kanina?"
"Ah... eh..." actually, iba yung iniisip ko kanina eh.
"Sabi ko.. tinanong nya ako kagabi kung gusto ba kita? Siguro kaya nya tinanong yun kasi baka.. gusto ka nya. Malaki yung chance na ligawan ka nya in the future." Sumandal siya sa kama. "Kaya nacurious ako... pano kaya kung ligawan ka nya?"
Ano kayang sagot nya dun sa tanong ni Yong Hwa? Yumuko ako. "Hindi ko alam."
"Hindi ka ba naattract kay Yong Hwa?"
"Bakit mo ba ako tinatanong ng ganyan? 14 palang ako nu."
"Sabagay... tama ka. Dapat mag aral ka muna. Well.. I'm sorry."
"Sige na matutulog na ako." Umakyat na ako sa kama ko. Siya naman ay nahiga na.
Ano ba tong' nararamdaman ko?
Nang gabing yun. Kasabay ng pagtulog ko ang isang masamang panaginip. Panaginip na .. matagal ko ng kinalimutan. Ang panaginip na nagbago sa buhay ng isang batang katulad ko.
___________________________________________________________
4 AM. Tulog pa si Chris. Kinapa ko ang higaan ko at hinanap ang cellphone ko. Binuksan ko ito. "4 am na pala." Naupo ako at nag inat inat. Maya maya ay tumayo na ako para lumabas ng kwarto. Pababa na sana ako ng hagdan nang mapatingin ako sa kwarto ni Yejin. Nacurious ako kaya naman sumilip ako. Laking gulat ko sa nakita ko.
"Bakit sila magkahawak ng kamay?" Nadatnan kong nakayuko si Jiwoo sa kama ni Yejin habang hawak ang kamay nito. Actually... hawak ni Yejin ang kamay ni Jiwoo.
"So.. wala ka palang gusto sa kanya ha." Napalingon ako kay Chris na nakatayo sa may hagdan. Gulo gulo ang buhok.
"Ha?ah.. eh.. nacurious lang ako." Lumapit ako sa kanya. "Baba na tayo."
___________________________________________________________
Nagising ako. Nadatnan ko si Jiwoo na nakatingin sa akin. Hawak ang kamay ko. "Ok ka lang ba?" Tanong nya
"Ha? Ah... eh... O-oo. Bakit?"
"Para kang binabangungot kagabi eh. Hindi mo ba naaalalang nagising ka?"
Nag isip ako. "Hindi gaano. Sorry. Naistorbo ba kita?"
"Hindi naman. Halika na... mag almusal na tayo sa baba."
-
Kumakain kaming apat. "Nga pala Yejin, uuwi na kami mamaya." Sabi ni Chris.
"Ah... sige. Salamat sa pagsama nyo sa akin dito."
"Welcome." Masayang sagot ni Chris.
"Nga pala... ok lang ba kayo kagabi?" Tanong ni Yong Hwa.
"Oo naman. Bakit?"
"Wala lang." Yumuko siya at pinagpatuloy ang pagkain nya. Nagkatinginan naman kami ni Jiwoo.
Papasok na kaming apat nang iopen ni Yong Hwa ang isang bagay. "Nga pala ... next week na yung trip natin."
"Ah... oo nga pala nu? Pano pala ang set up nun? Magkasama lang kayo ni Lianne ng tatlong araw?" Banat ni Chris.
"Ah... eh... actually... naisip ko na yan e. Pero masmaganda sana kung magkakasama tayo." Ngumiti siya sa amin. "Sige .. see you later." Kumaway siya.
"Yejin, ano? Tara na?" Aya ni Chris.
"Sige." Paalis na kami ng hilain ni Jiwoo ang bagpack ko. Napatingin ako sa kanya.
Tumingin siya sa wristwatch nya at bumaling kay Chris. "Mauna ka na muna Chris, mag uusap lang kami."
"Ah.. sige." Umalis na si Chris.
"Bakit?" Tanong ko
Umakyat kami sa rooftop ng College Building. "Baka malate na ako sa klase."
"1 hour pa." Tinignan nya ako ng seryoso. Nakaupo kami ngayon dito habang nakatitig sa mga halaman. "Anong napanaginipan mo kagabi?"
"Ha?" Nagulat ako sa tanong nya. "Wag na nating pag usapan yun."
"Bakit? Bakit hindi natin pwedeng pag usapan yun? Nakita ko yung takot mo-"
"Jiwoo." Natigil siya. "Ayoko ng pag usapan yun."
"Wala ka bang tiwala sakin?"
"Meron pero hindi mo na kailangang malaman yun."
"Yejin..." huminga siya ng malalim. "Nakita ko yung takot mo habang nananaginip ka. Pakiramdam ko parang totoo yung panaginip mo."
"Tama na. Please?" Tumayo ako. "Wag mo na ulit ioopen yun."
"Pero-"
"Baka layuan mo lang ako kapag nalaman mo."
___________________________________________________________
Vacant Time. Naglalakad ako patungo sa garden nang makasalubong ko si Lianne. Nag iisip ako kung babanggitin ko ba sa kanya yung trip namin. Nagkatinginan kami sabay hinto. "Ah... eh..."
"Malapit na yung.. " pagsisimula nya
"Yun nga. Oo, yan nga yung sasabihin ko sana."
"So... iniisip mo yung trip natin?"
Dahan dahan akong tumango. "Oo, medyo. Hindi na kasi tayo gaanong nagkausap since nung may hindi magandang nangyari sa school."
"Ah..."
"Hindi ba awkward kung tayong dalawa lang dun sa trip natin tapos yung iba naka grupo?"
"Naisip ko na yan." Yumuko siya. "Inayos ko na."
"Inayos?"
"Oo. Makakasama natin sila sa bakasyon. Isa pa... ayoko din na tayong dalawa. Katulad nga ng sinabi mo... medyo awkward nga naman." Naglakad na siya palayo. Kita mo tong' babaeng to' ... ang cold makitungo. Tsk.
___________________________________________________________
Malapit na kami sa bahay ni Yejin nang mapansin namin na bukas na ang ilaw.
"Nandyan na sina Mama?" Sabi nya
"Siguro."
"Sige na. Babye." Kumaway na siya sabay takbo sa kanila. Kita mo to' parang bata na matagal nawalay sa ina. Napangiti ako.
Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko sina Mama at Tita Rian na umiinom ng Tsaa.
"Tita?"
"Oh... Jiwoo, kasama mo ba si Yejin?"
"Opo. Kasama ko po siya. Nandun na po sainyo."
"Ganun ba?" Tumayo siya. "Minso, uuwi na ako ah. Baka hinahanap na ako ni Yejin."
"Sige." Sagot ni Mama.
Umakyat na muna ako sa kwarto para magpalit ng damit. Agad din naman akong bumaba para kamustahin si Mama. Panay ang kwento nya ng mga napuntahan nila. Pinakita nya pa ang mga pinamili nila ni Tita Rian. "Kayo kamusta naman kayo dito ni Yejin?"
"Ok lang naman kami Ma." Ngumiti siya. "Ano na naman yan Ma?" Pabiro ko.
"Wala lang." Inayos na nya ang mga pasalubong. "Nga pala... bago pa man mapahaba ang kwentuhan natin dito. Bitbitin mo muna tong' mga to' at ihatid mo dun kina Yejin. Mga pasalubong yan ni Tita Rian mo sa kanya."
"Sige po."
Nagtungo na ako sa bahay nina Yejin pero bago pa man ako kumatok ay narinig ko na silang nag uusap na mag ina.
"Ok ka lang ba? Gusto mo bang magpacounselling tayo ulit?" Tanong ni Tita kay Yejin
"Ok lang ako Ma. Pakiramdam ko lang nun... parang nangyari ulit. Takot na takot ako sa panaginip Ma. Pero ... buti nalang nandyan si Jiwoo."
"Dito natulog si Jiwoo?"
"Opo. Kasama namin sina Chris at Yong Hwa. Nakatulong din yun Ma para .. maiwasan kong maisip yun."
"Sinabi mo ba kay Jiwoo?"
"Hindi Ma. Baka layuan nya lang ako kapag nalaman nyang napagtangkaan akong gahasin ng isang adik."
Ano? Rape victim si Yejin?
"Kanina nga po... tinatanong nya ako eh. Kung ano daw ba yung napanaginipan ko. Pero hindi ko siya kayang sagutin."
Nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko alam na ganun pala ang panaginip nya at nangyari ito sa totoong buhay. Kaya pala nung gabing yun panay ang sigaw nya
"WAG PO! WAG PO!" umiiyak siya. "WAG PO KUYA!" Ibig sabihin... binata ang nagtangkang gumahasa sa kanya.