VI/Can't help it

TO: Yejin

Hintayin nalang kita sa may stoplight. May bibilhin lang ako saglit sa convenient store. Ingat ka.

Text ko kay Yejin. Habang nakapila sa may cashier ay tumitingin ako sa cellphone ng pwede naming puntahan mamayang uwian. Weekend naman na, gusto ko siyang makapag unwine kahit papano. Normal lang ang araw and I should act normal too kahit pa may narinig ako kagabi. Ayoko siyang mailang sa akin. Pagkatapos kong bumili ng maiinom ay nagtungo na ako sa stoplight kung saan kami magkikita. "JIWOO!" Napatingin ako sa kabila. Nandun siya nakatayo habang malaki ang ngiti at kumakaway. Sana lagi siyang ganyan. Ngumiti lang ako sa kanya. Tumakbo siya papunta sa akin. That smile was the most beautiful thing I've seen today. Nagsisimula palang ang araw pero nakikita ko na ang sigla sa mga mata nya. Tila bumagal ang oras habang tumatakbo siya papalapit sa akin, parang nawala ang ingay sa paligid at parang tibok nalang ng puso ko yung naririnig ko.

"Bibili ka lang sa convenient store kelangan mo pa kong iwanan?" Reklamo nya.

Ngiti lang ang naisagot ko sa kanya. Sabay na kaming naglakad patungo sa bus stop.

"Bakit di mo dinala yung motor mo ngayon?" Tanong nya

"Wala lang. Gusto ko lang magcommute." Dumungaw kaming dalawa sa bintana. "Gusto mong gumala mamaya?"

"Saan naman?"

"Kahit saan."

"Libre mo?"

"Sige." Simpleng sagot ko.

3 PM. Katatapos lang ng klase ko. Tinext ko agad si Yejin na magkita kami sa may gate ng School.

"Jiwoo !" Tawag ni Kyun

"??" Tinignan ko lang siya.

"Saan ka pupunta? Parang madaling madali ka."

"Ah.. may lakad kasi kami ni Yejin."

Napangiti siya. Inakbayan nya ako. "Yan na nga ba sinasabi ko e. Alam mo naiinlove ka na dyan."

"Tigilan mo nga ako. Sige na aalis na ako " Tumakbo na ako palayo sa kanya.

__________________________________________

Pinagmamasdan ko ang lugar na nilalakaran namin. Hindi siya gaanong crowded. Hindi rin gaanong maingay. Tama lang. Parang pang chill lang ang lugar.

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

"Kakain tayo ng masarap." Ngumiti siya.

Dinala nya ako sa isang Seafood restaurant kung saan pwede kang mag ihaw ng kahit na anong gusto mong klase ng seafood. Nagserve na sila ng mga pagkain. Nag iihaw naman si Jiwoo ng pusit.

"Anong naisip mo bakit mo ko dinala dito?" Tanong ko

"Pambawi ko to' sayo kasi ... parang feeling ko nagkatampuhan tayo nung nakaraan na nag usap tayo sa rooftop." Tinitignan ko sya habang nag iihaw siya. Akala ko .. ako lang ang nakaramdam ng ganun. Pati pala siya. "Sorry ah... nag alala lang kasi ako nun dahil nakita ko yung takot sa mga mata mo."

"Ok lang yun. Sorry din kasi nagalit ako sayo."

Pagkatapos naming kumain ay may isa pa siyang naisip na puntahan. Nagpunta kami sa isang park na malapit dito. Hinila nya ako at naupo kami sa gilid.

"Anong ginagawa natin dito?"

"Makikinig tayo sa banda."

"Banda? As in dito?"

Tumango siya. "May gusto ka bang kanta?"

"Ha? Ah... eh..."

"Kung may gusto kang kanta ... irerequest natin."

"Talaga?"

"Oo." Binuksan nya ang bag nya. Naglabas siya ng dalawang ballpen at papel. "Sulat mo dyan yung kantang gusto mo tapos ganun din ako. Saka natin ibigay dun."

"Ah... sige." Sinulat ko ang gusto kong kanta sa kapirasong papel. Tinupi ko ito saka ko binigay kay Jiwoo. Ganun din ang ginawa nya.

"Good evening everyone! Wow! It's weekend and ang dami na naman nating bisita ngayong gabi. Well... masmaganda po ang gabi kapag sasabayan natin ng mga magagandang music. Diba?" Naghiyawan ang mga tao. "For those who have request songs... please .. give it to us ... lalo na sa mga may kadate dyan. Kung inaalay nyo yan sa inyong pinakakamahal.. you can join us too para mas feel natin ang music."

Nagtaas ng kamay si Jiwoo.

"Wow! Ang ating first requester." Sabi ng guitarist. Inabot nya ang dalawang piraso ng papel. Bumalik rin siya agad sa kinauupuan namin. "Sir, request nyo to' pareho?" Tanong nila pagkatapos nilang buklatin ang dalawang papel.

"Yes!" Sigaw ni Jiwoo

"Girlfriend nyo po siya?" Nagkatinginan kami. Hindi kami nakasagot pareho. "Hahaha ! Balang araw mo na sagutin yan sir." Ngumiti sila. Habang kami nagtataka kung bakit nila tinanong yun. "The reason why we asked you is because ... you've request the same song." Nagulat kaming dalawa. "Wish you're my love by T-max."

"Nirequest mo din yun?" Tanong ko

"Alam mo yung kantang yun?" Balik tanong din nya.

Nakangiti ang lahat ng tao sa paligid. Kapwa kaming namula sa nalaman namin. Bakit pareho kami ng kantang napili? Hindi kami nakaimik pareho.

"Ok ... since ... it's your favorite song ... we'll sing it for you." Nagsimula na silang tumugtog ng mga instrumento.

_______________________________

(WISH YOU'RE MY LOVE - TMAX & J *Romanization and English*)

(nado naleul jal moleu gessuh

nega iluljool mollassuh

danghwangseuleh joshimseuleh

jaggoo nuhman booleuh janah)

Hindi kami magkatinginan ni Jiwoo habang pinapakinggan namin ang kanta. - Yejin

(ilun neh mameul dageu chyuhdo niga neh gyutcheul seuchimyun

ddo geuluhkeh ooseumyuh nan amoo gutdo mot heh

sarangi anilago nehga malligo miluh neh bwado

honjasuh ootgo itgo ilun naleul uhdduhkeh heh)

Ito na naman yung kakaibang pakiramdam kapag kasama ko siya. - Jiwoo

i don't know myself very well either

i didn't know that i would be like this

flustered, carefully, i keep calling only you

even if you urge my heart like this, if you brush by my side

and laugh like that, i can't do anything

no matter how many times i tell myself it's not love

i laugh by myself.. what am i supposed to do with myself

Malapit na ang chorus at hindi namin napigilang ienjoy ang kanta. - Yejin

(i wish you're my love

ijen negehlo wa yo

nado moleugeh sulleh ineh ohneuldo nan iluhkeh nan

ni appeh suhsungijiman sarang ggok malheh ya anayo

iluhkeh wonhago itneundeh youngwoneul yaksokhal dan han saram

geudeh janayo)

i wish you're my love.

come to me now

i get excited with me knowing it

i'm like this today too

even though i'm just a lucky star to you,

must i really say it's love for you to know

i long for it this much..

the person that i'll promise with forever

is you

Ito yung pakiramdam na kahit kelan hindi ko pa naramdaman mula sa ibang tao. Yung pakiramdam na sa tagal tagal ng panahon, ngayon pa talaga siya dumating. - Jiwoo

(ajik sarangeh suhtoolgodo hokshi neh maeumi deullimyun

ddo mi anheh daleumyun nal hyanghehsuh oosuhjwo

nuh eh geh gobek halyuh joonbihan bamsewuh senggakhan maldeul

gyulgook ni apeh suhmyun amoo maldo mot hago)

although my love is still awkward.. if by any chance you can hear my heart

if it's different from "i'm sorry", give me a smile

the words that i stayed up all night preparing to confess to you

don't come out when i'm standing in front of you

Kapwa kaming napangiti. Lahat ng tao ay kumakanta. Pakiramdam ko napupuno ng puso ang paligid dahil sa kanta. Napatingin ako kay Jiwoo... alam na alam nya yung lyrics. - Yejin

(i wish you're my love

ijen negehlo wa yo

nado moleugeh sulleh ineh ohneuldo nan iluhkeh nan

ni appeh suhsungijiman sarang ggok malheh ya anayo

iluhkeh wonhago itneundeh youngwoneul yaksokhal dan han saram

geudeh janayo)

i wish you're my love.

come to me now

i get excited with me knowing it

i'm like this today too

even though i'm just a lucky star to you,

must i really say it's love for you to know

i long for it this much..

the person that i'll promise with forever

is you

(i mameul neuggyuh bwa

nuh maneul balaneun

na eh sarang eul.. woah~

i wish you're my love

ijeh oori sarang heyo

say goodbye

nuhleul sokil soo ubssuhyo

ijen naleul huh lak heyo yonggi neh ohneul gatdolok

geudehdo neh mamgwa gatdamyun nehga wonhago itdamyun

neh gehlo wajoyo ijeh oori shijakheh bwayo)

feel this heart of mine

that longs for only you

my love.. woah~

i wish you're my love. let's love now

say goodbye. i can't deceive you

now give me permission, so i can gather courage today

if your heart is the same as mine, if you want me

please come to me. let's start together now.

_______________________________

Napagdesisyunan namin na maupo sandali sa may playground na malapit sa bahay. Nakaupo ako sa swing at ganun si Jiwoo sa kabila.

"Kelangan na natin mag ayos ng gamit bukas." Sabi nya

"Oo nga. Maya maya umuwi na tayo ah. Hahanapin tayo nina Mama."

"Opo." Sagot nya at nagtawanan kami. "Nag enjoy ka ba kanina?"

Tumango ako. "Oo. Naenjoy ko lahat. Yung pagkain natin ng seafood hanggang dun sa pagkanta natin. Lahat yun naenjoy ko."

"Alam mo... ang galing talaga eh. Akalain mo yun na isang kanta lang pala napili natin."

"Oo nga eh. Tingin mo ? Coincidence yun?" Tanong ko

Ngumiti siya. "Hindi ko alam." Sabay yuko.

_______________________________

MONDAY

"Ms. Lianne, ilalagay na po namin sa kotse yung mga gamit nyo." Sabi ng maid namin na si Kath.

"Yes please." Mahinahong sagot ko.

*Beep beep* napatingin kami sa bumusina sa harap ng mansion. Sinong- natigil ako nang ibaba nya ang bintana ng sasakyan nya. Yong Hwa? Bumaba siya mula dito.

"Boyfriend nyo mam?" Tanong ng isa pa naming maid na si Esang

"Hindi." Bumaling ako sa kay Yong Hwa. "Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundo ka. Ano pa ba?"

"Wala naman tayong usapan na susunduin mo ko."

"Hayst ... ang arte. Miss, palagay na yang mga gamit nya sa sasakyan." Utos nya

Napanganga ako sa ginawa nya. Wala akong choice kundi sumakay sa kotse nya. Tahimik lang kami sa byahe.

"Ano namang naisip mo at napadpad ka sa bahay?" Tanong ko

"Wala lang. Parang ang tagal na kasi nung huling nag usap tayo. Gusto ko lang makita kung okay ka."

"Ok naman ako." Tinitignan ko ang paligid ng sasakyan nya. "May balak ka bang dalhin to?" Tanong ko

"Wala. Papatak na ang snow ... saka hindi natin maeenjoy ang byahe kapag humiwalay tayo sa kanila."

Pinagmasdan ko ang langit. Sabagay ... mahihirapan siyang magmaneho. Pagdating namin sa university ay nadatnan namin sina Jiwoo at Yejin na naghihintay kasama ang ibang mga nakakuha din ng tickets. Napabuntong hininga ako.

"Kaya mo naman sila kasama diba?" Tanong ni Yong Hwa

"Do I have a choice?" Mataray kong sagot.

"Wala." Ngumiti siya. "Don't worry partner mo ko ngayon." Kumindat siya.

Hindi ako halos makatingin sa kanilang dalawa. Simula ng mangyari ang kaguluhan sa school. Hindi ko na sila nakita pa.

_______________________________

Natahimik ang lahat nang makita namin sina Yong Hwa at Lianne na bumaba ng kotse. Nakatingin lang kami ni Jiwoo sa kanila habang naglalakad sila papalapit sa amin.

"Mukang kami nalang hinihintay nyo ah." Sabi ni Yong Hwa

"Oo kayo nalang. Nandyan na yung bus." Sagot ni Jiwoo.

Nilapitan na kami ng driver ng bus. "Pwede na po kayong sumakay." Binitbit na namin ang mga gamit namin at nagtungo na sa bus. Medyo mabigat ang mga dala namin dahil sa pagdating ng winter. Nasa bus palang kami ay nagsimula ng umulan ng snow. Gandang ganda kaming lahat dahil unti unti ng nagiging puti ang paligid. Nagtuloy tuloy ang byahe namin hanggang sa marating namin ang isang magandang bahay kung saan kami lahat mananatili. Pagpasok namin ay nilibot agad namin ang buong bahay. Meron din itong hotspring sa loob. Halos kumpleto. Tama lang ang init dito para kahit papano ay maibsan ang lamig. Hiwalay ng kwarto ang mga lalaki at babae. Inayos na namin ang gamit namin saka ako lumabas. Nadatnan ko si Yong Hwa na hinahalo ang laman ng mug nya.

"Ano yan?" Tanong ko

"Hot choco. Gusto mo?"

Tumango ako. Pinagtimpla nya rin ako saka kami naupo sa sala habang nakatitig sa labas.

"Wow... sobrang ganda na ng paligid." Bulong ko.

"Gusto mong mag snow fight?" Tanong nya

"Sige ba..."

Pagkatapos naming uminom ng hot choco ay nagtakbuhan na kaming dalawa palabas. Inenjoy talaga naming dalawa ang winter. Sa totoo lang ... winter ang pinaka traumatic na panahon sa akin pero pinipilit kong kalimutan ang bagay na yun. Gusto kong makita ang kagandahan ng ganitong panahon.

_______________________________

Lumabas na ako ng kwarto saka kumatok sa kwarto ng mga babae. Pinagbuksan naman agad nila ako.

"Hi. Nandyan ba si Yejin?"

"Ay wala po. Nasa sala po ata siya." Sagot ng isa nyang roommate.

"Ah.. sige thank you." Nagtungo ako sala pero dalawang mug lang ang naabutan ko doon na nakapatong sa lamesa na malapit sa bintana. Napatingin ako sa labas. Nakita ko sina Yong Hwa at Yejin na naglalaro sa labas. Masayang masaya silang naglalaro sa snow at si Yong Hwa... napabuntong hininga ako. Ano kaya si Yejin para sa kanya?

"Ganyan mo ba siya kagusto?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Lianne. Lumapit siya sa akin at tumingin sa dalawa na nasa labas. "You know how old is she right?" Mapait siyang ngumiti. "14 years old. You are inlove with a minor, Jiwoo."

"Lianne, ano bang sinasabi mo?"

"Don't pretend na hanggang ngayon hindi mo alam. The last time we've talked sabi mo hindi mo alam. Bakit ba hirap na hirap kang aminin yang nararamdaman mo?"

"Kasi... kasi hindi ko alam." Yes. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang. Masaya ako. Masaya akong kasama si Yejin. Simula nung dumating siya... maraming nagbago sa akin. I care so much for her. Hindi pa ako naging ganito kaexcited na pumasok sa school at umuwi sa bahay. Hindi pa ako nag alala ng ganito sa ibang tao. I don't know who will I describe this kind of feeling but I'm happy. That's all I know.

"Mukang seryoso kayo ah." Natigil kami sa pag uusap nang makita namin si Yong Hwa at Yejin na nasa pinto na. "Ok lang ba kayo?" Tanong ni Yejin

"Yes. Kayo? Nag enjoy ba kayo sa snow?" Tanong ko

"Oo." Kitang kita sa mukha nya ang saya. "Kapag may time maglaro tayo dun sa labas ah."

"Don't worry. Magi-ski naman tayo." Sagot ni Lianne. "Mag ayos na kayo. Maghahanda lang kami ng pagkain para makakain na tayo."

Lahat kami ay kumakain na. Nang biglang magtanong ang isa sa mga schoolmates namin.

"Ms. Lianne, akala ko po partner nyo si Kang Ji Woo."

Natahimik kaming lahat.

"No. Si Lee Yong Hwa ang partner ko." Sagot ni Lianne

"Sayang masbagay po kayong magpartner." Napatingin ako kay Yejin. Busy lang siya sa pagkain. Nagkatinginan naman kami ni Lianne.

"Lahat naman siguro tayo dito .. hindi ineexpect na magiging partner natin yung mga kasama natin ngayon diba?" Natigil kami nang magsalita si Yong Hwa. Kahit si Yejin ay natigil din. "Ito ang resulta ng welcome party. Tanggapin na natin yun."

"Matanong nga kita ... kung ikaw ba pipili ng magiging partner mo... si Lianne padin ba? O may ibang tao kang gusto?" Tanong ng isa naming kasama.

Lahat ng tingin namin ay na kay Yong Hwa. Naghihintay kami ng sagot nya. Napansin ko na tumingin siya kay Yejin. "Yes. I have someone in mind." Napalunok ako. Napainom ng tubig.

_______________________________

Ibang klase. Napangisi nalang ako sa sagot ni Yong Hwa. Ano bang meron sa babaeng to? Nakaramdam ako ng kaunting tensyon sa pagitan nina Jiwoo at Yong Hwa. Hindi ko alam anong mangyayari sa bakasyon namin na to'. Sobrang aga ng mga rebelasyon.

Natigil kami sa pagkain ng biglang may pumasok. "Hello everyone!" Bati ni Luisya. Bitbit nya ang mga gamit nya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Nandito ako para iassist kayong lahat. How can you enjoy staying here without thrill?"

"Thrill?"

"Yes. Play games and going somewhere to have fun." Ngumiti siya.

At ngayon maslalong hindi ko na alam anong mangyayari sa aming lahat sa pagdating ni Luisya. Wala manlang akong ka id-idea na darating pala ang baklang to' dito. Napabuntong hininga ako.

_______________________________

Mahimbing ang tulog naming lahat nang marinig namin ang sigaw ni Luisya. "Wake up my dear fellas!" Lahat kami ay agad na nagsi gising at nagtungo sa sala. "Fix yourself. Eat breakfast then come outside okay." Sabi nya. Ginawa namin ang lahat ng sinabi nya. Kahit sino sa amin ay walang idea kung ano ang gagawin namin ngayong araw. Nagkakatinginan lang kaming lahat. "For this day, mag i-ski tayo." Naexcite ang lahat dahil sa mukang masaya ang una naming activity. Sumakay na kami sa bus at hinatid na kami sa ski site. Napawow kaming lahat dahil sa ganda at laki nito. Nag picture picture muna kaming lahat bago kami nagsimula. May mga staff dito na nag assist sa amin.

Maya maya ay lumapit si Jiwoo. Sinuot nya sa akin ang helmet na hawak nya. "Marunong ka bang magski?"

Umiling ako ng dahan dahan. "Don't worry... ako ng bahala sayo."

Habang nila-lock nya ang helmet ko ay napatingin ako kay Yong hwa na kasalukuyang nakatingin samin.

Hinila na ako ni Jiwoo at nagsimula na kaming mag ski na dalawa. "Paglayuin mo ng tama yung mga paa mo. Yung alam mong makakabalanse ka ng maayos..." turo nya. Tinitignan ko siya habang nagtuturo at the same time nakikinig din. Unti unti ng nag slide ang aming snow board pababa. Naka alalay naman siya. "Dahan dahan lang Yejin." Sabi nya. Kinakabahan ako habang dumudulas kami pababa. Kasunod din namin ang iba naming kasamahan.

Kaya lang ... lalo akong kinabahan nang maramdaman kong parang bumibilis ang takbo ko. Hindi ko ito masyadong pinansin .. "Yejin! Masyado kang mabilis!" Sigaw ni Lianne. Hindi ko alam paano ko kokontrolin ang bilis kaya wala akong choice kung di sumigaw.

"AHHHHHHHHHH!!!!" Nagulat nalang ako nang makita ko si Jiwoo na nasa gilid ko na at agad na hinila ang braso ko. Niyakap nya ako at sabay kaming bumagsak sa sandamukal na yelo. Inangat ko ang ulo ko at tinignan ko siya. "Jiwoo..." nakayakap siya sa akin ng mahigpit pero unti unti din itong lumuwag. Hinawakan ko ang pisngi nya. "Jiwoo!"

Minulat nya ang mga mata nya. "Ok ka lang?" Tanong nya.

"Bakit ako ang tinatanong mo? Ikaw ok ka lang?"

"Sira..." ngumiti siya. "Ikaw tong' muntik mapahamak tapos ako tatanungin mo?"

Kita mo tong' taong to' siya na nga yung muntik mapahamak dahil sa akin.. "Tsk... Ok lang ako."

"Mabuti naman."

Dumating na din sina Yong Hwa, Lianne at Luisya.

"Ok lang ba kayo?" Tanong ni Yong Hwa.

"Oo ok lang kami." Sagot ni Jiwoo.

Inalalayan na namin siya para makatayo nang bigla nyang indain ang paa nya. "Aray."

"Bakit?" Tanong ko

"Yung paa ko."

Agad kong inalis ang lock ng boots nya. May sugat siya sa binti. Nakonsensya ako. Kasalanan ko to' eh. Inalalayan na namin siya hanggang sa pakabalik kami sa bahay. Dumiretso ako sa CR para maghanap ng first aid kit kaya lang wala namang masyadong laman ito. Gauze lang ang meron. Napatingin ako sa labas. Nagsisimula na namang umulan ng nyebe. Naalala ko yung sinabi sa amin ng isang staff kanina. "Iuwi nyo po muna siya sa bahay. Malakas po ang bagsak ng nyebe mamaya kaya po magstay po muna kayo doon. Maigi pong makahanap agad tayo ng doctor na mag aasikaso sa kanya."

"Bahala na." Yun nalang ang nasabi ko sa sarili ko.

Agad akong lumabas ng bahay para maghanap ng Pharmacy. Mabilis akong naglalakad nang biglang may humila sa akin.

"Saan ka pupunta?"

"Yong Hwa?" Nagulat ako nang makita ko siya. "Bakit ka sumunod?"

"Baka mapahamak ka. Hindi mo ba narinig na babagyo?"

"Narinig kaya lang kasi.. kelangan ni Jiwoo ng gamot." Hindi ko na siya hinintay na sumagot basta naglakad nalang ako.

"Alam mo pasaway ka talaga!"

_______________________________

"Ano Luisya? Sumagot na ba yung doctor?" Tanong ni Lianne.

"Oo may sumagot kaya lang mukhang mahihirapan silang bumyahe papunta dito."

"Malakas na rin kasi ang bagsak ng nyebe."

Pinapakinggan ko lang sila habang nakahiga ako. Aligaga ang lahat kaya lang may tao akong hindi nakikita. "Nasaan si Yejin?" Bulong ko

"Guys! Si Yejin! Lumabas ata." Sabi ni Shiela na isa naming kasamahan.

"Ano?!" Nagulat kaming lahat.

"Wala din si Yong Hwa."

Pinilit kong tumayo. Kinuha ko ang bonet ko at sinuot ito.

"Saan ka pupunta Jiwoo?" Luisya

"Hahanapin ko si Yejin."

"Ano? Hahanapin mo sila?" Nagulat si Luisya sa sagot ko

"Nasa labas na si Yong Hwa. Kasama nya na si Yejin. Dito ka lang." Sabi ni Lianne.

"Baka mapano si Yejin."

"Isipin mo muna yung sarili mo pwede ba?! Lagi nalang si Yejin yung iniisip mo! Nandun na si Yong Hwa at kaya nyang alagaan si Yejin!" Galit na sabi ni Lianne.

Hapon na. Malakas padin ang bagsak ng nyebe. "Nasaan na kaya sila?" Nag aalala na ako. Naglakad ako patungo sa may pinto. Binuksan ko ito at naupo ako sa may hagdan.

_______________________________

Pinagmamasdan ko si Jiwoo na nakaupo sa labas. Ganun ba talaga nya kagusto si Yejin para mag alala siya ng ganyan?

"Ngayon alam ko na.." lumapit sa akin si Luisya. "Alam ko na kung bakit ayaw mo kay Yejin." Nag cross arms ako. "Kasi gusto siya ni Jiwoo." Direct to the point and he's right. I hate her pero anong magagawa ko? Nasa harap ko na ang sagot. Lahat ng rason bakit dapat ko ng ayawan si Jiwoo. Pero hindi ko kaya.. "Lianne, hanggang kailan ka ba magiging ganyan kay Jiwoo?"

"Siya lang ang gusto ko. Wala ng iba."

_______________________________

Nakatitig kaming dalawa ni Yejin sa labas. Mag iilang oras na kami dito hindi padin kami nakakaalis. "Ok ka lang ba?" Tanong ko

Tumango siya. Hayst ... hindi ko talaga maimagine na nandito kami dahil kay Jiwoo. Tinitignan ko siya habang hawak ang gamot na binili namin. Parang hindi nya alintana ang panahon basta tumakbo nalang sya kanina.

Ano kayang nasa isip nya kanina? Hindi manlang ba sya nagdalawang isip na lumabas?

"Tara na." Biglang aya nya.

"Ha? Anong tara na?" Napatingin ako sa labas. Hindi ba nya nakikita na delikado sa labas? Hinila ko ang jacket nya. "Nasisiraan ka na ba? Delikado sa labas."

"Kailangan ni Jiwoo ng gamot. Tingin mo ba? May doctor na bibiyahe ngayon? Wala…" wala akong choice kundi ang samahan sya sa gitna ng malakas na bagsak ng nyebe. Kitang kita ang hirap nya. Maski ako ay hirap din sa paglalakad.

Hayst … Jiwoo, kung alam mo lang anong inabot namin dahil sayo. Tsk. Habang naglalakad kami ay tila bumabagal ng maglakad si Yejin. Hinawakan ko ang kamay nya. "konti nalang. Nandun na tayo." Bulong ko. Ngumiti siya pero halatang hirap na. Di naman nagtagal ay narating na namin ang bahay na tinutuluyan namin. Malayo palang ay tanaw na namin si Jiwoo na nakaupo sa labas. Pinilit ngumiti ni Yejin at winagayway ang bitbit nyang gamot. Pagkalapit namin ay inabot nya ito agad sa kanya.

"Siraulo ka talaga. Tsk." Sabi ni Jiwoo

"Bakit?"

"Alam mong hindi maganda ang panahon lumabas ka pa-" biglang hinimatay si Yejin. Mabuti nalamang at nasalo siya ni Jiwoo. Agad namin siyang dinala sa loob.

-

Nagpapahinga na si Yejin. Naghintay ako sa labas ng kwarto hanggang sa lumabas si Jiwoo.

"Bakit hindi mo siya pinigilan?" tanong nya

"Ayaw nya magpapigil kaya sinamahan ko siya."

"Alam natin na hindi maganda ang panahon-"

"Bakit sa tono ng pananalita mo parang kasalanan ko?" nilapitan ko siya. "Ikaw ang may kasalanan bakit kami napunta sa ganung sitwasyon."

Hinapit nya ang kwelyo ko. "Bakit? Ginusto ko ba to'? Ginusto ko bang masugatan … mailigtas ko lang sya?"

"Pareho lang tayong handang masaktan at mahirapan para sa kanya." Inalis ko ang pagkakahawak nya sa kwelyo ko. "Gusto ko si Yejin kaya hindi ko sya hahayaang mapahamak dahil sakin." huminga ako ng malalim. "Sa totoo lang hindi ko nga alam bakit sinulong nya ang sarili nya sa alanganin para lang sayo."

-

Hindi ako makatulog. Wala padin si Jiwoo hanggang ngayon siguro andun pa siya kay Yejin. Tumayo ako at sinilip ko ang kwarto kung saan sya nagpapahinga. Nadatnan kong pinupunasan sya ni Jiwoo. Nagpunta ako sa kitchen para kumuha ng beer. Naupo ako sa sofa.

"Now I know why we became partners." Nakangiti si Lianne na tumabi sa akin. "I love him .. and you fall in love with her."

Natawa ako ng bahagya. "Nung una palang na nakita ko siya.. alam ko ng nahulog na yung puso ko." Alam kong baduy pero yun talaga ang naramdaman ko eh. Nung nakita ko palang siyang tumayo sa welcome party noon .. ewan ko pero .. there's something about her that I will love sooner or later.

"Yan din ang naramdaman ko nung makita ko si Jiwoo sa school." Ngumiti siya. "Ang weird nga eh.. ang dami kong manliligaw pero nahulog talaga ako sa taong ayaw sa akin."

_______________________________

2 AM

Minulat ko ang mga mata ko. Nandito ako sa kwarto. Anong nangyari? Masakit ang katawan ko at parang nanghihina ako. Dahan dahan akong naupo. Iniisip ko ang huling pangyayari bakit ako nandito? Saka lang nag sink in sa akin na, Oo nga.. bumili pala ako ng gamot para kay Jiwoo. Tumayo ako para hanapin siya. Wala siya sa kwarto nila. Nagtungo ako sa sala pero wala din siya. Dumungaw ako sa bintana. Ok na yung panahon. Hindi na umuulan ng snow pero halos naging puti ang buong paligid. Nakatitig ako sa labas nang makita ko si Jiwoo na nakaupo doon. "Anong ginagawa nya dun?" Kinuha ko ang jacket ko at lumabas. Naglakad ako papalapit sa kanya.

Napatingin siya sa akin habang naglalakad. Pinatabi nya ako sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"

"Wala lang. Nag iisip."

"Ok na ba yung paa mo?"

Tumango sya. "Thank you." Nginitian nya ako. "Ikaw? Ok ka ba?"

"Hindi pa gaano. Nagising lang ako tapos hinanap kita." Yumuko ako. "Sorry ah. Siguro nawalan ako ng malay pag uwi namin."

"Ok lang yun. Sorry din. Kundi dahil sa akin.. hindi ka malalagay sa alanganin."

"Eh.. kundi dahil sa akin.. hindi mapapahamak ng ganyan." Sabi ko

Mula sa bulsa. Nilabas nya ang gloves nya. Kinuha nya ang kamay ko at sinuot ito. "Meron din akong dapat ihingi ng sorry." Tinignan ko siya. Ano yun? May nagawa ba syang kasalanan? "Hindi ko naman sinasadya pero gusto ko lang malaman mo na.. walang nagbago."

"Anong... ibig mong sabihin?" Hinawakan nya ang balikat ko.

"Alam ko na ang tungkol sa panaginip mo." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. "Hindi ko sinasadyang marinig. Nataon lang na pinapunta ako ni Mama sainyo." Hindi ako nakapagsalita. "Gusto kong malaman mo na... ginagalang kita at walang magbabago." Ngumiti siya. "Kapag handa ka ng iopen up yan sa akin.. nandito lang ako." Inalis nya ang scarf nya at nilagay nya sa leeg ko. "Papasok na ako." Tumayo siya.

Tumayo ako para pigilan sya. "Grade 5 ako nang tangkain akong gahasain ng isang highschool student. Mag isa lang ako nun sa room nang muntik nya akong gahasain. Halos nabuksan na nga nya ang uniform ko nung panahon na yun... nagsisimula akong mag aral ng karate..." mabilis ang tibok ng puso ko habang kinukwento ko ang masalimuot kong karanasan. "Hindi ko alam kung paano ko halos nabali ang braso nya.. basta tumakbo ako ng mabilis hanggang sa makalabas ng school-" natigil ako nang humarap siya sa akin at lumapit. Inayos nya ang scarf na sinuot nya sa akin.

"Tama na. Ngayon naiintindihan ko na." Parang gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi nya. "Katulad ng sinabi ko... walang magbabago." Hinila nya ng bahagya ang scarf at hinalikan nya ako sa noo.