Medyo maaga akong nagising. Tumingin ako sa mga kasama ko sa kwarto... lahat sila ay tulog pa pero walang tao sa kama ni Jiwoo. Nandun siya magdamag? Dahan dahan akong naglakad palabas at dumiretso sa kwarto kung saan nagpahinga si Yejin pero wala ding tao doon. Nasaan sila? Dumiretso ako sa sala. Nadatnan ko silang tulog. Nakahiga si Yejin sa balikat ni Jiwoo. Pinagmamasdan ko sila habang tulog. "Hayst ... ang aga aga ang sakit na ng puso ko. Ganito nalang siguro ako... laging masasaktan." Napabuntong hininga ako. Napansin ko ang suot na scarf ni Yejin... Teka.. Kay Jiwoo yan ah. Tsk.
"Oh! Yong Hwa! Kanina ka pa gising?" Sigaw ni Shiela na siya namang kinagulat ko.
"Sssshhhh..." sabi ko pero natigil din kasi nagising na ang dalawa.
Tumingin si Jiwoo sa wristwatch nya at sinabing "6:40 na pala." napatingin siya sa amin ni Shiela. "Kanina pa kayo dito?"
"Ah... eh... hindi. kakagising lang din namin."
"Ahhh..." tumingin siya kay Yejin na medyo inaantok pa. "Yejin... mag ayos ka na. kakain tayo sa labas ngayon."
"Teka... lalabas kayo?" tanong ko
"Easy... lahat tayo." ngumiti siya. "Binanggit yun ni Luisya kahapon na sa labas daw tayo kakain." pumunta na sila sa kwarto nila.
Nilapitan naman ako ni Shiela. "Alam mo ... may something talaga sa dalawa na yan, nafi-feel ko."
"Tigilan mo nga ako." Kahit pa alam ko na meron... hindi ko aaminin ang nakikita ko. Pero bata pa si Yejin.. hindi pa nya maiisip ang mga bagay na katulad nito.
________________________
Nandito na kaming lahat sa restaurant. Nagpareserve sina Lianne at Luisya ng table para sa amin. Nang marating namin ang table ay hinila ko ang upuan sa tabi ni Yejin at si Yong Hwa naman ay sa kabilang side. Nagkatinginan kami ... parang may kuryenteng bumabalot sa pagitan naming dalawa. Tsk.
Habang hinihintay namin ang mga pagkain ay nagtanong si Luisya.
"Ok na ba kayong dalawa?"
"Oo okay na kami. Pasensiya na kayo kahapon." Sagot ko
"It's ok. Ikaw Yejin? Ok ka na ba? Hindi ka na ba nilalagnat?"
"Hindi-" natigil siya nang hawakan ko ang leeg nya kung mainit pa siya at si Yong Hwa naman ay sa noo. Napanganga siya. Ganun din ang mga kasama namin. Napangiti naman ang iba ganun si Luisya.
Sabay namin inalis ang pagkakahawak namin ay Yejin. "Wala na siyang lagnat." Sabay naming sagot na lalong nagpangiti sa lahat.
Nagkatinginan kami. Tsk... akala nya siguro nakalimutan ko na yung inamin nya sa akin kagabi.
"Pakiramdam ko nasa isang palabas ako." Narinig kong sabi ni Luisya.
Napaiwas naman ako ng tingin.
________________________
Nakaramdam ako ng pagkailang sa nangyari kanina. Ano bang nangyayari sa kanila? Bakit ganito ang pakikitungo sa akin ni Yong Hwa? Hindi ako makatingin sa kanilang dalawa. nakayuko lang ako habang kumakain.
"Kita nyo ... nahiya na tuloy si Yejin dahil sa inyong dalawa." Sabi ng isa naming kasamahan.
Ngayong hapon ang uwi namin. Kaya naman hindi na rin kami nagtagal sa restaurant. Bumalik na kami sa bahay para mag ayos ng mga gamit namin. Binitbit ko na ang mga gamit ko at dinala na sa bus. Paakyat na sana ako nang makasalubong ko si Yong Hwa na pababa mula dito.
"Iaakyat mo na yan?" Tanong nya.
"Ah... eh.. O..oo." medyo ilang kong sagot.
Ngumiti siya at kinuha nya ang bag na hawak ko. "Ako na ang magsasakay. Saan mo to' gustong ilagay?" Pumasok na kami sa loob. Tinuro ko ang upuan na gusto ko.
"Thank you." Lalabas na sana ako nang hawakan nya ang braso ko
"Yejin..." tumingin ako sa kanya. "Alam kong iniiwasan mo ako."
"Ha? H-hindi ah."
"Ok lang. Naiintindihan ko." Nakikita ko sa mga mata nya ang lungkot. Bumuntong hininga siya. "Gusto kita." Hindi ako nakaimik sa sinabi nya. "Hindi ko alam kung pano ko pipigilan kasi alam kong bata ka pa."
"Magbabago din yan." Mariing sagot ko.
"At kapag hindi?" Sincere nyang sinabi.. "Pano kung kaya ko palang maghintay?"
"Yong Hwa-"
"Nandito ba si Ye-" natigil si Jiwoo nang makita nya kaming dalawa na nag uusap. "Nandito ka pala. Kanina pa kita hinahanap."
"Ah... Oo. Sinakay ko yung mga gamit ko."
Dahan dahan na binitawan ni Yong Hwa ang braso ko. "Kami ni Yong Hwa ang mag aayos dito. Doon ka muna sa loob."
"Sige." Tumingin ako kay Yong Hwa. "Bye." Bulong ko.
________________________
Paglabas ni Yejin ay nagkatinginan kami ni Jiwoo. "Mukang seryoso kayo."
"Oo kaya lang dumating ka."
"Ganun mo ba sya kagusto?" tumingin ako sa mata nya.
"Oo." Diretso kong sagot.
"Hindi mo siya pwedeng ligawan."
"Bakit naman?"
"Dahil bata pa siya."
"Darating din kami sa point na yun."
"Kami? Tsk." Halata ko ng napipikon sya. Sa pagkakakilala ko kay Jiwoo. Mukhang maiksi ang pasensya nya kahit na matalino siyang tao. Hindi daw sya nagpapatalo sa mga academics, mukha lang siyang walang interes sa mga bagay bagay.
Nagsipasok na ang mga kasama namin ganun din sina Lianne at Yejin. Naupo na si Yejin lalapit na sana si Jiwoo nang bigla kong hilain ang jacket nya.
"aray!" tinignan nya ako ng masama.
"Dito ka tabi tayo." Bulong ko
"Ayaw ko nga. Tsk!"
"Bakit ako? Gusto ko ba?" pinandidilatan ko sya ng mata.
"Pwede ba Yong Hwa.." inaalis nya ang pagkakahawak ko sa jacket nya. "Partner ko sya kaya bitiwan mo ko."
Tumayo si Lianne at tumingin sa amin. "Simpleng bagay hindi kayo makapagdesisyon. Tsk." Kinuha nya ang bag nya at naupo sa tabi ni Yejin.
Napanganga kaming dalawa. Natigil kami at walang choice kung di ang maupo sa tabi ng isa't isa.
Naglalakad na kami pauwi hila hila ang mga maleta namin. Nang mapansin kong parang tahimik si Yejin.
"ok ka lang?" tanong ko.
"Ha? Ah… eh… oo naman. Bakit?"
"Parang ang lalim ng iniisip mo eh. Tahimik ka din kanina sa byahe."
"Ah… eh… Ok lang ako. Pagod lang siguro."
Nakauwi na kami. Sinalubong ako ni Mama sa pinto ganun din si Tita Rian kay Yejin. Pumasok na kami sa loob napansin kong maraming binabasa ni Mama na nakakalat sa table.
"Mukang busy ka Ma."
"Ah… Oo, yung mga negosyo kasi natin abroad kailangan kong ireview ang sales. Alam mo naman si Lolo mo… masyadong sensitive sa mga ganitong bagay."
"Ganun po ba?"
"Bukas nasa University ako."
"Sige po."
"Magpahinga ka na. Magpapahinga na rin ako maya maya."
Pag-akyat ko sa kwarto ay binagsak ko ang katawan ko sa kama. Napabuntong hininga. Naalala ko yung nangyari nung isang gabi simula sa sagutan namin ni Yong Hwa hanggang sa hinalikan ko si Yejin sa noo. Hayst … ang kumplikado ng mga bagay ngayon.
SCHOOL
Nakapalumbaba ako habang nakadungaw sa bintana. "HUY! Ok ka lang ba?"
"Ha? Oo. Bakit?"
"Ikaw ah.. hindi ka pa nagkukwento kung anong nangyari sa bakasyon nyo."
Yumuko ako. "Ok lang naman."
"Ano ba namang klaseng sagot yan Yejin?".. biglang lumaki ang mata nya "May kapanapanabik na nangyari nu?"
Napabuntong hininga ako. "Wala. Wag mo ng alamin."
"Wag kang madamot!"
"Ang chismosa mo."
"Sinabi na ba sayo ni Yong Hwa?" nagulat ako sa tanong nya. Alam nya? Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya.
"Alam mo?"
Tumango siya na parang matagal na nyang alam. "So… sinabi na nga nya sayo?"
"Hayst… tsk." Tinignan ko sya ng masama. "Paano mo nalaman?"
"Matagal ko ng napapansin yang si Yong Hwa. Kaya lang hindi ko pwedeng sabihin sayo kasi pareho ko kayong kaibigan. Diskarte na nya yun nu." Nilapit nya ang upuan nya. "Paano nya sinabi yun?"
"Basta." Napayuko nalang ako.
"Aysus… ang damot talaga."
Tumayo ako. "Tara na nga sa cafeteria." Naglakad na kami palabas nang mapansin namin ang isang magarbong sasakyan na nakaparada sa labas. "Anong meron?"
"Nandyan si Madam President."
"Madam President?"
"Oo. Nakita mo na ba sya?"
"Ha? Ah… eh… hindi pa."
hinawakan ni Chris ang kamay ko. "Panigurado magugulat ka kapag nakita mo sya." Hinila nya ako papunta doon sa baba. Nagkakagulo ang mga estudyante sa lobby.
"Hello Madam President." Bati nila.
"Hello…" sagot nya. Hindi ko gaanong maaninag ang mukha nya dahil sa dami ng tao na nakapalibot sa kanya.
"Excuse me…" sabi ni Chris. Sumiksik kami sa dami ng tao at natigil ako nang makita ang mukha ni Madam President …
"Tita Minso?" Napatingin sya sa akin at ngumiti. Sya ang presidente ng University na to?
Nilingon ako ni Chris. "Ano? Anong masasabi mo?"
"Paanong-"
-
Malayo pa ay tanaw ko na si Jiwoo na naghihintay sa may parking lot. Lumapit ako sa kanya. Kumaway naman sya nang makita nya ako.
"Bakit nalate ka ata ng 15 minutes?" tanong nya
"Galing pa kasi ako sa library eh."
"Ganun ba? Hmmm… gusto mo bang kumain?" inabot na nya ang helmet sa akin.
"Saan?"
"May alam akong masarap na pancake house."
"Sige."
Binabaybay namin ang daan patungo sa sinasabi nyang kainan. Pinagmamasdan ko naman sya sa may side mirror ng motor nya. Bakit kaya hindi nya sinabi sa akin na Mama nya ang presidente ng school? Napapaisip ako. Parang totoo nga yung mga naririnig ko sa University na mayaman talaga ang pamilya nina Jiwoo.
PANCAKE HOUSE
Tuwang tuwa syang kumakain habang ako nag iisip padin.
"Kanina pa talaga nagki-crave dito- ok ka lang?"
"Ha? May iniisip lang ako."
"Alam mo simula nung bumalik tayo dito parang ang lalim lalim palagi ng iniisip mo." Binaba nya ang tinidor na hawak nya. "Baka gusto mong ishare yan sa akin."
Huminga ako ng malalim saka ako nag umpisa… "Kanina kasi … nakita ko si Tita Minso sa school…"
"At…?"
"Bakit hindi mo manlang sinabi sa akin na sya pala ang presidente ng school?"
Napangiti siya. "Ayaw naming mailang ka .. ganun din si Tita Rian."
"Yun ba talaga ang dahilan?"
Tumango sya. "Hindi ko rin talaga ipapaalam sayo sana kaya lang .. nakita mo na sya sa school eh." Hinawakan nya ang ulo ko. "kunwari … hindi mo nakita si Mama para hindi ka mailang kapag nasa bahay na tayo."
-
Pagdating namin sa bahay ay sinalubong kami ni Tita Minso. Hindi ako makatingin ng maayos sa kanya gawa na alam ko na kung sino siya. Nakaramdam ako ng pagkailang. Kahit pa nag usap na kami ni Jiwoo kanina ay hindi ko parin maitago ang pagkailang ko.
"Yejin…" tawag nya sa akin. Nakangiti siya "Alam ko nakita mo ako kanina."
"Po? Ah… eh…"
"It's ok. Pero kapag nasa bahay ka na… Ganun padin tayo." Hindi ako makapaniwala na siya na si Tita Minso ngayon. Bakit ganun pakiramdam ko magkaibang tao sila. "May mga lugar lang talaga na kailangan nating magpakapropesyonal. But don't worry … still … ako padin si Tita Minso mo."
Ngumiti sa akin si Jiwoo. Kaya pala gustong gusto siya ni Lianne. 8 Pm ay napagtripan kong magresearch sa internet tungkol sa pamilya KANG. May mga pangalan pero walang masyadong pictures ang lumalabas. "Bakit ganun? For security purposes siguro."
Naghihintay ako sa labas ng room nina Yejin nang makita kong mag isa na lumabas si Chris mula dito. "Chris!" tawag ko
"Jiwoo? Anong ginagawa mo dito?"
"Nasaan si Yejin?"
"Si Yejin? Magkasama sila ni Yong Hwa."
"Ano? Bakit sila magkasama?"
Nagkibit balikat lang sya. "Pagkain nya ba yang dala mo?"
"Oo."
"Iwanan mo-" hindi ko na siya pinatapos umalis na ako agad. "Hoy!" narinig ko ang pagtakbo nya papalapit sa akin. "alam mo ba saan mo sila hahanapin? At kung makalakad ka parang sigurado kang makikita mo agad sila?" Natigil ako. "Nandun sila sa music room."
"Bakit sa music room?"
"Hindi mo ba alam na gusto magpaturo ni Yejin ng piano? At si Yong Hwa ang nagpresinta na magturo sa kanya."
"Tsk." Agad akong nagtungo sa music room. Sakto namang kalalabas lang nila mula doon.
"Jiwoo?" gulat na sabi ni Yejin nang makita nya ako. Medyo hinihingal pa ako pero sumagot na ako.
"Kumain na tayo." Yun nalang ang nasabi ko. Tumingin ako kay Yong Hwa na medyo tumaas ang kilay.
"Sige. Kumain na kayo Yejin masama atang malipasan ng gutom si Jiwoo." Tsk.
"Ahh… sige. Ikaw … hindi ka pa kakain?"
"Hindi siya sasabay satin." / "Hindi ako sasabay sainyo." Sabay naming sinabi. Natigil kaming dalawa.
"Ah… sige. Mukang … ayaw nyo magsabay."
Kumakain na kami ni Jiwoo nang mapansin kong malalim ang bawat buntong hininga nya.
"Ok ka lang?"
"Oo. Mabilis nyang sagot." Maya maya ay binaba nya ang chopsticks nya "Bakit ka nagpaturo magpiano bigla?"
"Ah… eh… wala lang pangtanggal stress saka para kahit papano hindi ko maisip yung mga masasamang alaala ko ngayong Winter."
"Naiisip mo padin ba yun?"
Dahan dahan akong tumango. Nananaginip padin ako sa gabi at sa tuwing dadalawin ako ng alaala ko na yun ay hindi maiwasang umiyak.
Nasaan na kaya ang lalaking yun? Natatakot ako na baka balang araw makasalubong ko sya.
Uwian na. Umuulan ng snow. Naglalakad ako patungo sa basketball court kung saan kami magkikita ni Jiwoo para magsabay na umuwi. Napahinto ako. Ganitong ganito din yung panahon nung araw na yun. Binuksan ko ang palad ko. Tinitignan ko ang mga maliliit na yelo na tila bulak na bumabagsak mula sa langit. Naiisip ko na naman yung nangyari nang araw na yun. Bumibigat na naman ang dibdib ko- nagulat ako nang biglang may yumakap sa akin mula sa likod ko.
"Nag-iisip ka na naman." Bulong nya. Lumingon ako sa kanya at hinawakan nya ang pisngi ko. Ngumiti siya sabay sabi ng "Alam ko mahirap pero sana subukan mo padin na maging positive palagi." Sa mga oras na to' hindi ko alam pero napako ang tingin ko sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko. "Tara na?"
Nakadungaw lang ako sa bintana nang makita ko sina Jiwoo at Yejin na naglalakad palabas ng school. Nakatitig lang ako sakanila habang nagtatawanan sila papuntang bus station.
"Ibaba mo ko sa mall na malapit dito." Utos ko sa driver ko.
Katulad ng sinabi ko ay bumaba ako sa mall. Nagwindows shopping muna ako saka ako nagdecide na kumain. Dumiretso ako sa isang fastfood resto. Naghahanap ako ng mauupuan nang may maaninag akong kumakaway sa dulo na table . "Yong Hwa?" lumapit ako at naupo sa harapan nya.
"Anong meron? Bakit mag isa?" tanong nya
"Anong meron bakit nandito ka?"
"Mall mo ba to?"
"Tsk."
Nagsimula na akong kumain. Ramdam kong nakatingin lang siya sa akin at natatawa. Oo alam kong nakakatawa ako dahil malamang … bakas sa mukha ko ang badtrip.
"Ang lalim naman ng pinanghuhugutan mo."
Tinignan ko siya. "Gusto mo si Yejin diba?"
Nawala ang ngiti sa mukha nya at napalitan ito ng pagtataka.
"Bakit?"
"Bakit hindi mo pa siya ligawan?" hindi nagbago ang facial expression nya bagkus ay maslalo pa itong nagtaka.
"Bakit mo nasasabi yan?"
"Sagutin mo muna kaya ako." Iritable kong sabi.
Ngumiti lang sya at sumubo ng fries. "Dapat sagutin mo muna ako…"
"Tsk." Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. "Nakita ko sila ni Jiwoo kanina …"
"And…" paghihintay nya sa susunod kong sasabihin.
"naisip ko na gusto mo din naman sya pero wala kang ginagawa."
"Talagang naisip mo yun?"
"Yong Hwa…"
"Fine. Yes. I like her at alam kong ganun din si Jiwoo. But this is not the perfect time to do what I want."
"Hahayaan mo nalang sya?"
"Hindi ko sinasabing ganun. 14 years old si Yejin. Gusto ko siyang hintayin hanggang sa tumuntong siya ng 18."
"Old school." Sagot ko
"Bakit?"
"Kaya ka nauunahan eh. Tsk." Tumayo na ako at lumabas ng resto.
Busy ako sa pagreresearch nang biglang tumawag si Kyun.
"Oh… " sagot ko
"Aba! Mukang busy ka ah."
"Kung wala kang balak na mag-aral… magpaaral ka. Ok?"
"Diba kung wala kang balak matulog… magpatulog ka version yun?" sagot nya
"Bakit ka ba tumawag?"
"Di mo ba nabasa yung sinend kong email sayo?"
"Email?"
"Oo, yung information ng bagong transferee na papasok bukas."
"wait lang." agad akong nagcheck ng email ko. "Bae Kyung?"
"Oo. Actually, pareho sila ng school na pinanggalingan ni Yejin. Tingin ko nga schoolmates sila nung elementary. Tingin mo?"
"Hindi ko alam… siguro?"
-
SCHOOL
Naglalakad kami papasok sa building nang hilain ko ang bag nya. "bakit?"tanong nya
"May kilala ka bang Bae Kyung?"
"Ano? Bae? Kyung?"
Tumango siya. Nakita kong nagbago ang facial expression nya. "bakit mo natanong?"
"Papasok na-"
"Soo Ye Jin?" napalingon kaming dalawa sa nagsalita. "ikaw nga …" lumapit sya at inakbayan si Yejin. Sa napapansin ko ay mukang iritable siya dito. Tila nagulat siya nang makita nya ang taong ito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong nya sa lalaking ito.
"So, dito ka pala lumipat-" inalis nya ang pagkakaakbay nito sa kanya.
"Hindi tayo magkaibigan kaya wag kang umastang close tayo." Humarap siya sa akin saka ako hinila palayo sa taong yun.
Nang makalayo kami ay saka lang ako nagtanong. "anong meron sa taong yun?" Huminga siya ng malalim saka siya humarap.
"Sasabihin ko sayo kapag may oras na tayo."
Nilagay ko na sa locker ko lahat ng libro ko. Sinara ko na ito nang biglang may lumapit sa akin na masamang hangin. "Hindi mo ba ako itutour dito sa school nyo?"
"Hindi mo ba ako titigilan?"
"kaya ka ba lumipat dito dahil sa kumalat na balita sa school natin na-"
"Tahimik ang buhay ko dito. Wag mo kong subukang guluhin."
Ngumisi siya ng nakakainis. "Ah… hindi nila alam kung anong sikreto mo."
"Kaya ka ba nandito para dyan?"
Aalis na sana ako nang hilain nya ang bag pack ko dahilan para muntik kong baliin ang braso nya.
"Sige… baliin mo yan.. gawin mo din sakin ang ginawa mo sa kaibigan ko." Gigil man ako ay wala akong nagawa kundi bitawan sya. May mga estudyanteng nakakita pero hindi ko na inisip yun.
Anong ginagawa nya dito? Nandito ba siya para guluhin ako? Para ipaalala sa akin ang nakaraan ko. Nagugulo na naman ang utak ko. Napaupo nalang ako sa daan dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko.
Kita mo nga naman … dito ko pala makikita ang babaeng yun. Nakaupo ako sa cafeteria habang umiinom ng softdrinks. Kaya pala bigla nalang syang naglaho kasi lumipat na pala ng school. Speaking of … nakita kong pumasok yung lalaking kasama nya kanina. Nasaan na sya? Bakit ibang babae ang kasama nun?
Kalalabas ko lang ng library nang makita ko si Chris na nagmamadaling naglalakad. "Chris!" tawag ko sabay kaway.
Kumaway din sya. "Nakita mo ba si Yejin?"
"Si Yejin?" Umiling ako. "Hindi ba may klase kayo ng ganitong oras?"
"Hindi siya pumasok."
"Ha?"
"Oo nandito siya kaninang umaga pero hindi na sya pumasok after ng lunch eh."
"Baka naman kasama nya si Jiwoo."
"Hindi ko alam saan ko hahanapin si Jiwoo sa ganitong oras eh."
"Jiwoo, nakita mo na ba yung presentation na sinend ko sayo?" Tanong ni Kyun.
"Hindi pa."
"Sus… dapat chineck mo na… baka mamaya may kailangan tayong baguhin dun."
"Classmate ba ni Yejin yung transferee na si Bae Kyung?"
"Oo. Alam ko nasa isang klase lang sila."
"Ilipat mo sya ng section."
Nahinto sa pagtatype si Kyun. "Bakit?"
"Basta. Hindi maganda ang kutob ko."
"Ililipat ko sya ng section dahil hindi maganda ang kutob mo?" nag cross arms sya. "kailan pa naging valid reason yang masamang kutob mo?"
"Just do it."
"Wait lang… don't tell me pinagseselosan mo yun.."
"Hindi yun ganun… I have my reasons."
"Bakit-" *knock knock* natigil kami sa pag uusap nang biglang may kumatok.
Lumapit ako sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin sina Chris at Yong Hwa.
"Nandito ba si Yejin?"
"Wala. Diba dapat magkasama kayo? Magkaklase kayo eh." Sagot ni Kyun kay Chris.
Lumapit sa akin si Jiwoo "Hindi pumasok si Yejin. Baka alam mo kung nasaan sya."
"Kyun, wag mo na akong hintayin dito. Hahanapin ko lang si Yejin." Lumabas na ako at agad na hinanap sya
"Bilib din talaga ako sa charisma ng kaibigan mo." Bulong ni Kyun.
"Anong sabi mo- Teka! Nasaan na si Yong Hwa?"
"Malamang naghanap na rin yun."
"Ha? Wala manlang pasabi?"
"Masmahalaga yung hinahanap nila kesa magpaalam sayo."
May kasamaang taglay din pala tong kaibigan ni Jiwoo. Tsk. Gwapo sana eh.
Nagpunta ako sa library para icheck kung nandoon si Yejin pero wala… nagtungo din ako sa mga lugar na madalas nyang puntahan. Naisip ko na pumunta sa music room baka nandoon siya pero si Yong Hwa lang naabutan ko doon na may kausap na babae.
"May nakaaway ata siya kanina.. kung di ako nagkakamali. Transferee yun. Bago lang kasi yung mukha nya sa paningin ko e."
Nang marinig ko yun ay nagkuyom ang kamao ko. Napatingin sa akin sina Yong Hwa at yung babaeng kausap nya. "Jiwoo…"
"Humanda sya sa akin."
Hinanap ko ang lalaking yun. Patatalsikin kita sa school na to' tandaan mo yan. Pagbabanta ko sa isip ko. Sa paglalakad ay sakto namang nakita ko siya sa di kalayuan. Agad ko siyang sinugod at sinuntok sa muka.
"Ano bang problema mo?!" napahawak siya sa muka nya at tumingin sa akin. "sino ka ba?!"
"Makikilala mo din ako." Hinila ko ang damit nya. "Tandaan mo tong' mukhang to… kapag sinaktan mo pa si Yejin… Patatanggal kita dito." Banta ko.
-
Naka receive ako ng text mula kay Yong Hwa na nakita na nila si Yejin at inuwi na nila ito. Nagmadali akong makarating sa bahay. Sakto din na kakababa lang nila ng kotse. May sinabi si Yong Hwa sakanya at tango lang ang naging sagot nya.
Papasok na sana si Yong Hwa sa kotse nang makita nya ako. Ngumiti lang sya saka siya umalis.
"Magpahinga ka na" sabi ni Yong Hwa.
Tumango lang ako. Bubuksan ko na sana yung pinto nang biglang … "Yejin." Napalingon ako sa nagsalita.
"Jiwoo…" lumapit siya at hinila nya ako papunta sa playground na malapit dito. Pinaupo nya ako sa swing saka siya naupo sa harap ko. "Anong ginagawa natin dito?"
"Pag usapan natin kung anong nangyari kanina." Seryoso ang muka nya. "Sino ba talaga yung transferee na yun?"
"Siya si Bae Kyung … bestfriend ng lalaking nagtaka akong gahasin." Natulala si Jiwoo sa sinabi ko. "Nagulat ako nang makita ko siya dito. Sa dinami dami ng lugar … marami namang school pero bakit dito siya napadpad?"
"Pinatanggal ko siya."
"Ano? Pinatanggal?"
Tumango siya. "Pina kickout ko siya dito bago magkaroon ng di magandang pangyayari."
"Pero …"
"Ayaw kitang masaktan. Kaya ko ginawa ko Yun." Hindi ako nakaimik sa sinabi nya. Ginawa nya yun? Para sakin? nakatitig lang ako sakanya habang nagsasalita siya. "Ayoko ng mangyari ulit to' pinag aalala mo ko."
"Anong sabi mo? Nakasuntok si Jiwoo ng transferee?" Tanong ko kay Chona.
"Oo Lianne, balita ko nakaaway ni Yejin yun kahapon."
Tumayo ako para hanapin si Jiwoo pero iba ang nakita ko. Si Yong Hwa na busy sa pagbabasa ng libro sa corridor.
Nilapitan ko siya sabay hila ng librong hawak nya.
"Bakit?" Tanong nya
"Anong nangyari kahapon? May nakarating na balita sakin."
"It's not your business. Samin nalang yun."
"Involved si Jiwoo ... I think I should know."
"Si Yejin ang dahilan…" nagcross arms siya. "Hindi mo na kailangang malaman." Kukunin na sana nya ang libro nya na hawak ko pero nilayo ko ito.
"Ano bang meron sa kanya at kailangang magpatalsik ng isang transferee?"
"Lianne, I told you. It's not your business."
Kinuha nya ang libro nya at saka umalis.
Napatingin ako sa rooftop at nakita ko doon ang bida ng palabas na to'. Umakyat ako. Sakto namang napalingon siya pagpasok ko.
Nilapitan ko sya… tinignan mula ulo hanggang paa.
"Hindi ko talaga maintindihan … ano bang meron ka?" Nakatingin lang sya sa akin. "Bakit kayang kaya mong bigyan ng alalahanin ang lahat ng tao dito? Pati si Jiwoo… Bakit kaya pinatalsik nya ang isang kabago bagong estudyante para lang sa isang tulad mo?"
"Desisyon nya yun."
"Desisyon nya dahil sayo. Kahit kailan hindi pa siya nangealam o naging concern sa buhay ng ibang tao.."
"Parang buhay mo?" matamlay nyang sagot. Natigil ako. "Wala siguro siyang pakialam sa buhay mo kaya ka nagagalit sakin ngayon."
"How dare you…"
"Alam mo Lianne, may dahilan bakit nangyari to'… akala mo ba madali sakin lahat to? Akala mo ba masaya akong may nakickout na estudyante dito? Hindi … "
"Tama na yan." Napalingon kami sa nagsalita.
"Jiwoo?" nagulat ako nang makita ko syang nakaupo sa gilid.
Lumapit siya sa amin.
"Ano bang problema mo? Pinagtatanggol mo ba si Bae Kyung? Kung anuman yung nangyari … samin nalang yun. Ok?" hinawakan nya ang braso ni Yejin at umalis na silang dalawa.
-
Naglalagay ako ng gamit sa locker nang biglang may nagbukas sa kabilang locker napatingin ako sa pangalan BAE KYUNG … "kita mo nga naman ang pagkakataon…"
Sinara nya ang locker "What?" Halatang badtrip siya.
Napatingin ako sa malaking bag na dala nya. "Hindi ka manlang umabot ng isang linggo dito." Sabi ko
"Sino ka ba?"
"I'm BO LIANNE… kaibigan ng sumapak sayo."
"Ah.. si … anong pangalan ng gago na yun.."
"It's Kang Ji woo."
"Ah… yung knight in shining armor ni Yejin."
"at ikaw? Ano ka ni Soo Ye Jin?"
"You don't have to know." Paalis na sana siya nang muli akong magsalita.
"Nararamdaman ko na ayaw mo sakanya… don't worry… we are on the same line." Lumingon siya. "Kapag nagkita tayo ulit … magkwento ka naman sakin."
"Yun eh… kung magkikita ulit tayo." Ngumisi siya.
Kararating lang namin ni Jiwoo galing sa school. Bumaba na ako sa motor at inabot na sakanya ang helmet.
"Buti naman nandito na kayo." Sabi ni Tita Minso na may bitbit na mga tupperware.
"Ano yan Ma?" tanong ni Jiwoo
"Gagawa kami ng graham cake ni Rian. Tumulong kayong dalawa. Ok?"
"Opo tita."
Dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit. Nagpahinga ng 5 minutes saka ako bumaba. Nadatnan ko sina Mama, Tita Minso at Jiwoo na abala sa kusina.
"Doon na kayo gumawa ni Jiwoo sa dining ng graham … aayusin lang namin ni Minso yung spaghetti." Sabi ni Mama.
Nilabas ni Jiwoo ang mga sangkap para sa paggawa ng graham cake. Lumapit ako sakanya.
"Buksan ko na ba yung mga gatas?" tanong ko
"Ako nalang. Ihanda mo nalang yung mangga na ilalagay natin."
Tumango ako. Aalis na sana ako para kunin yung mangga sa ref nang bigla nya akong hilain. Napaharap ako sakanya saka Tinupi nya yung sleeves ng jacket ko. Tinignan ko sya habang ginagawa nya yun… "Para maskumportable ka gumalaw.." napalunok ako sabay iwas ng tingin sa kanya.
-
10 PM. Nagkukwentuhan sina Mama at Tita Minso sa loob habang kami ni Jiwoo ay nakaupo sa rooftop umiinom ng apple juice. Sobrang ganda ng view dito pag gabi… napatingin ako sa katabi ko na di ko namamalayan na nakatingin pala siya sa akin.
"Bakit ganyan ka makatingin?" Tanong ko
Umiling siya. "Wala lang. May iniisip lang."
"Ano?"
Tinignan nya ako ng matagal. "Iniisip ko bakit ganito ako sayo."
Hindi ako nakapagsalita sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin dun? Nagsisisi ba siyang nakilala nya ako?
"Pwede ba akong humingi ng pabor sayo?"
"Ha? Ano naman yun?"
"I know this may sound so selfish…" huminga siya ng malalim. Tumingin sya sa akin. "When you reach the right age… pwede bang… wag kang magpaligaw sa iba?"