Maaga akong pumasok na ako lang mag-isa. Naglalakad ako papasok sa University nang makasalubong ko si Kyun.
"Goodmorning Yejin…"
"Goodmorning din." Bati ko
"Bakit di kayo sabay ni Jiwoo?"
"Ha? Ah… eh… kasi …" nagsimula ng maglaro ang mga daliri ko habang kausap si Kyun. "Matagal kasing magising yun nauna na ako kasi baka ma-late ako."
"Ha? 6:40 palang ah. 8:30 pa naman pasok nyo."
"Ah… hahahaha!"
"Teka… nag-" bago pa man siya magsimulang magtanong ulit ay
"Ba-bye!" Kumaway na ako sabay takbo palayo sakanya.
"Jiwoo, baka makalimutan mo itong jacket mo." Inabot sa akin ni Mama ang blue na jacket ko. "lumabas ka na at baka naghihintay na si Yejin doon."
"Sige po.
Lumabas na ako pero wala akong nakitang Yejin na nakatayo sa labas. "Bakit wala siya?" napatingin ako sa relo ko. "7:30 na ah." Pupunta na sana ako sakanila nang makita ako ni Tita Rian.
"Oh- Bakit nandito ka pa?"
"Po?"
"Akala ko sabay kayo ni Yejin kanina?"
"Pumasok na po si Yejin?"
"Oo. Maaga siyang umalis. Siguro 6:15 umalis na sya."
Napakamot ulo nalang ako sa sinabi ni Tita Rian. Anong topak nun at iniwan nya ako? Tsk.
Nagriresearch kami sa library ni Chris nang maisipan ko siyang tanungin tungkol sa sinabi sa akin ni Jiwoo. "Chris…"
"Hm?" tumingin sya sa akin
"Paano kung sabihin sayo ng lalaki na wag kang magpapaligaw sa iba?
"Gusto nya kanya ka lang."
"Ah… ibig sabihin gusto nya ako- I mean… gusto nya yung babae?"
"Oo."
"Ahh…" nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Jiwoo na pumasok sa library. Agad akong tumayo sa kinauupuan ko at nagtago sa gitna ng mga bookshelves.
"Chris, si Yejin?"
"Ha? Andito lang sya- Teka… nasaan na yun?"
Woooo… sorry Chris pero kailangan ko ng umexit dito. Patalikod akong humahakbang nang dahan dahan nang bigla akong may nabunggo.. napaharap ako sa kanya at napayakap siya sa akin. nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Inangat ko ang tingin ko at-
Nakatawa siyang nakatingin sa akin. "Iniiwasan mo ba ako?" napanganga ako nang makita ko si Jiwoo. Tumingin siya sa paligid sabay hila sa akin papunta sa dulo.
"Anong ginagawa natin dito?"
"Edi mag uusap." Sagot nya
Nilapit nya ang muka nya sa muka ko. "Teka… masyado ka ng malapit."
"Alam ko." Nilapit nya pa lalo ito sa bandang tenga ko at binulong na "Watashi wa anatagasuki." Pagkatapos nun ay lumayo siya. Ngumiti siya sa akin. Samantalang ako nahihiwagaan.
"Ano yung sinabi mo?"
"Malalaman mo din yan."
AT umalis na siya.
Nakaupo ako sa garden. Pinipilit isipin kung ano yung sinabi ni Jiwoo sa akin kanina.
"Ok ka lang?" nagulat ako sa nagsalita mula sa likod ko. Si Yong Hwa lang pala.
"Kanina ka pa dyan?"
"Kararating ko lang." tinaas nya ang dala nyang paperbag. "Nagdala ako ng pagkain."
"Ah… " tumabi sya sa akin.
Nilapag nya ang mga pagkain na dala nya. "kumain ka na." sabi nya.
Pinagmamasdan ko si Yejin habang kumakain.
Natutuwa ako kasi ang cute cute nya habang masayang kumakain ng sandwich. Hindi ko namamalayan na habang nakatingin ako sa kanya ay nakangiti na ako.
"Bakit ka nakatingin?"
Dahan dahan akong umiling at sumagot ng "wala lang."
Ngumiti siya sa akin. "Inlove ka nu?"
"Ha? Ako?"
"Oo, natutulala ka kasi tapos napapangiti ka pa. Kaya feeling ko inlove ka."
Umiwas ako ng tingin sakanya. "kanino naman ako maiinlove?"
"Yan dapat ang itatanong ko sayo. Sino nga bang maswerteng babae?"
Nagkatinginan kami… should I say… 'Ikaw. Ikaw yung maswerteng babae.' Paano ko ba sasabihin sakanya na sya yun?
"Ano kasi-"
"Yejin!" napalingon kami sa sumigaw.
Ang timing talaga ni Chris kahit kailan. Napakagat labi nalang ako ng wala sa oras.
-
Naglalakad kami pauwi nang mapansin nyang tahimik ako.
"Ok ka lang ba Yong Hwa?"
Tumingin ako sakanya. "oo Chris. Bakit?"
"Kanina pa parang mahaba yang mukha mo… may nangyari ba?"
"Oo meron."
"Ano?"
"wag mo ng alamin."
"Di nga… ano nga yun?"
"Wala ding sense kahit malaman mo."
"Ay iba…" huminto siya. "Isa Lee Yong Hwa!"
Humarap ako sakanya. "Isa kang malaking sagabal…"
"Ako?" naglakad siya papalapit sa akin. "Bakit?"
"Sasabihin ko sana kay Yejin lahat kanina."
Natahimik siya sabay "Hahahahahaha!"
"Anong nakakatawa?"
"Sorry ha. Hahahahaha! Pero kasi di mo naman ako ininform na magtatapat ka pala kanina edi sana hindi ko kayo hinanap."
Napabuntong hininga nalang ako. "kaya nga diba.. ayaw ko na sanang sabihin sayo pero makulit ka."
Maglalakad na sana siya pero bigla siyang bumalik. "Paano kung unahan ka ni Jiwoo?"
"Si Jiwoo?" napaisip ako. Waaa .. isa pa siya sa mga iniisip ko.
Nakaupo kami nina Mommy sa dining area habang hinihintay na makapagprepare ang mga katulong ng dinner.
"Lianne, kamusta kayo ni Jiwoo?" tanong ni Mommy.
Hindi agad ako nakasagot sa tanong nya. Dahan dahan akong umayos ng upo habang nag-iisip ng isasagot ko sakanya.
"Lianne…" sabi nya na naghihintay ng sagot ko.
"Ahh… eh… we're good."
"How 'Good'?"
"We're friends."
"Friends? Aren't you two dating?"
"Ahh… eh.. Mommy, kasi…"
"Lianne, you should do the first move. Remember… you can't find someone as perfect as him."
"Yes Mommy."
Lumabas muna ako para maghanap ng maiinom. Nagpunta ako sa grocery para bumili. Habang naghahanap ay sakto namang nakasaubong ko si-
"Bae Kyung?"
Napatingin siya sa akin.
"Ikaw si Lianne diba?"
"Yes. Akalain mo yun… naaalala mo ko?"
-
Naupo kami sa malapit na park dito sa grocery.
"So … anong gusto mong pag usapan natin?" tanong nya.
"I've been waiting for you to ask that…"
"Really?"
"Yes… may mga bagay akong gustong malaman…"
"like?"
"Bakit ka galit kay Yejin?"
"Dahil sinaktan nya ang bestfriend ko."
"Bestfriend mo?"
"Yejin… hintayin nalang kita sa labas ha." Sabi ni Chris habang nasa loob ako ng CR.
"Sige."
Lumabas ako sa cubicle kasabay ng pagbukas ng katabing cubicle. Lumabas doon si Lianne. Nagkatinginan lang kami saka ako umiwas. Naghugas ako ng kamay. Kumuha ng tissue at ipinunas sa mga basang kamay ko.
"Tignan mo nga naman…" napatingin ako sakanya nang mag umpisa siyang magsalita. "Ngayon alam ko na bakit gusto ka ni Jiwoo."
"Ano?" napahinto ako sa pagpupunas ng kamay.
Lumapit siya sa akin. "Tama nga siguro ang mga sinabi ni Bae Kyung sa akin."
"Ano namang tama ang sinabi nya sayo para isipin mong tama yun?"
"Rape victim ka ba talaga o ginusto mo din yun?" walang salisalita ay agad ko siyang sinampal.
"Wala kang alam tungkol sa akin." Tinignan nya ako ng masama. "Hindi mo alam ang kwento at kahit si Bae Kyung… hindi rin alam ang totoo."
-
Inayos ko na ang mga gamit ko. Nilagay ko ito sa bag saka lumabas ng room nang biglang may humila sa bag ko. Napalingon ako. "Jiwoo?"
"Kain tayo ng burger saka fries."
"Burger? Fries?"
Tumango siya. Nagpunta kami sa pinakamalapit na fast food dito sa school. Pinagmamasdan ko siya habang nakapila. Nagsimula akong mag-isip …
Do I really deserve him? Bakit nga ba … hindi si Lianne ang babaeng nagustuhan nya? Bakit nga ba ako? Pumalumbaba ako… napatingin ako sa labas nakita ko si Bae Kyung na bumaba ng kotse kasama ang isang babae.
"Tignan mo nga naman… nagpakita din sa akin ang dakilang daldalero."
Tumayo ako. Nilapitan si Jiwoo na nakapila. "May titignan lang ako saglit sa katapat na bookstore ha."
"Sige. Bumalik ka din kaagad." Sagot nya
Tumango lang ako at dali daling lumabas. Imbis na sa bookstore ako nagtungo ay pumasok ako sa katabing coffee shop nito. Hinanap ko si Bae Kyung na kasalukuyang nambobola ng babae. Lumapit ako at kinalabit sya..
"Yes- *BOOGSH!* napapanganga ang babaeng kasama nya matapos ko syang suntukin sa muka. "Ano bang- Yejin?"
"Oo ako nga. Ako lang naman yung ginagawan mo ng kwento kahit hindi mo naman alam ang totoo." Tumingin ako sa kasama nya. "Miss, kelangan mo na tong' layuan. Walang kwentang lalaki to'."
"Ano?!"
"Isang maling kwento pa at magpapantay yang pasa mo sa kabilang pisngi mo." Banta ko.
Pagbalik ko sa fastfood ay busy si Jiwoo na kumakain ng fries.
"Nakita mo ba yung gusto mong libro?" tanong nya.
"Oo. Ang kapal pala nun. Hindi ko alam."
Nagbabasa ako ng libro sa garden nang maupo si Mama sa harap ko.
"You look busy…" sabi nya. Hinawakan nya ang isa sa mga libro ko.
"Not really. Bakit Ma?"
"Hindi mo pa dinadalaw si kuya mo?"
"Balak ko sana next week after exam. Kailangan ko talagang mag-aral ngayon Ma."
"Malapit ka ng grumaduate. Sana pag nakatapos ka matulungan mo ang kuya mo."
"Of course I will."
Panay ang tingin ko sa wristwatch ko habang naglalakad.
Chris calling …
"Hello…"
"Ano na? Mabubulok na ko dito."
"Eto na… malapit na." Binaba ko na agad ang phone ko sabay takbo papunta sa convenient store kung saan kami magkikita.
Paglapit ko sakanya ay napatingin siya sa dala kong paperbag.
"Aba… mukang mamahalin yang regalo mo kay Yejin ah."
"Alam mo naman na special siya sa akin."
"Hayst … sana all." Nagpatuloy lang kami sa paglalakad papunta sa bahay nina Yejin. "Minsan ba naiisip mo ng magsabi kay Yejin ng totoo mong nararamdaman?" nahinto ako sa paglalakad.
"Ha? Totoong? Nararamdaman?"
Tumango sya. "Oo, ilang taon na rin kayong magkaibigan. 16 na siya.. medyo malapit na rin sya sa right age."
Hindi ako nakapagsalita. Napaisip ako… oo nga.. malapit ng mag 18 si Yejin.
"Happy birthday Yejin! Happy birthday! Happy birthday… happy birthday Yejin!" Kanta nina Mama, Tita Minso, Chris at Yong Hwa.
Bakit nga ba… wala pa si Jiwoo? Nasaan na ba ang mokong na yun?
Kumakain na kaming lahat. "Nasaan na ba si Jiwoo?" Tanong ni Chris.
"Hindi ko nga ba alam sa batang yun kung nasaan na siya. Basta maaga siyang nagpaalam kanina na may pupuntahan daw sya."
"Ah… baka nagpunta sya kina Kyun." Sabi ni Yong Hwa.
"Sorry nalate ako." Natigil kami sa pag uusap nang marinig namin ang boses nya.
"Oh… Jiwoo, halika na … kumain ka na rin." Aya ni mama sakanya. napatingin ako sa kamay nya. Wala syang dala na kahit ano. Medyo nalungkot ako sa part na yun. Siguro nakalimutan nya na birthday ko ngayon.
Tinitignan ko siya habang kumakain kami. Bakit parang wala siya sa mood?
"Yejin …" tawag sa akin ni Chris. Tumayo siya at kinuha nya ang regalo nya sa akin… "Para sayo."
"Wow.. thank you Chris."
Inabot na rin ni Yong Hwa ang regalo nya. Nakalagay ito sa silver na paperbag.
"Sana magustuhan mo." Bulong nya
Ngumiti ako. Binuksan ko ang regalo nya. Isang magandang bracelet ang laman nito. "thank you." Sabi ko sakanya.
Napatingin naman ako kay Jiwoo na nakatingin lang din sa amin. Kinalabit sya ni Tita Minso pero umiling ito. Napanguso ako… nakalimutan nga siguro nya na birthday ko.
9 pm na. Inaayos ko ang mga regalo nila sa akin sa cabinet nang biglang magring ang cellphone ko.
JIWOO Calling …
"Anong meron? Bakit tumatawag sya ng ganitong oras?" sinagot ko ang tawag nya. "Hello?"
"Labas ka." Sabay end ng call.
"Kita mo tong' taong to' kung makautos … tsk." Lumabas ako pero hindi sya ang nadatnan ko kung di si Kyun na nakaupo sa may sasakyan nya. Naka pajama pa ito at medyo nakabusangot. "Kyun? Anong ginagawa mo dito?"
"Sakay na."
"Bakit? Saan tayo pupunta? Saka nasaan si Ji-" hinila na nya ako papasok sa sasakyan.
Pinagmamasdan ko siya sa salamin. "Yan ba talaga yang outfit mo?"
"Manahimik ka. Inaantok na ako." Masungit nyang sagot.
"Kita mo to'."
Bumaba kami sa harap ng isang malaking gate. Nagtataka padin ako pero di ako pwedeng magtanong kasi wala sa mood tong' kasama ko. Ano kayang ginagawa namin dito? Pagbaba nya ay kinuha nya ang isang malaking light pink na balloon na nakatali sa may gate. Binigay nya ito sa akin.
"dapat itong balloon nanjan lang sa harap mo. Maglakad ka ng diretso pagbukas nyang gate na yan. Wag mong bibitawan yan hangga't walang nagsasabi ah."
"Ha? Bakit naman?"
"Sumunod ka nalang. Ang dami mong tanong eh. La! Sige lakad!"
Nagsimula na kaming maglakad papasok. Naguguluhan ako. Patuloy lang kami sa paglalakad habang nakasunod si Kyun sa akin.
"Maglakad ka lang. Wag kang lilingon dito sa likod."
"Tsk. Napakasungit mo talaga." Pinagmamasdan ko ang lobo na hawak ko. Sobrang laki naman nito. Halos di ko maaninag yung pupuntahan ko baka mamaya diretso imburnal pala dito. Sasamain talaga sa akin tong' si-
"Happy birthday." Natigil ako sa paglalakad nang may magsalita mula sa likod ko. Nanlaki ang mga mata ko.. napalingon ako sa likod na halos di ko manlang namalayan na nabitawan ko ang hawak kong lobo.
Nakita ko si Jiwoo na nakangiti at may hawak na bulaklak. Lumapit siya sa akin. Inabot ang hawak nyang pink rose. "Happy 16th birthday." Pag uulit nya. Nakatitig lang ako sa kanya. "Uy! Ok ka lang ba?"
"ha? Ah… eh… ano…"
"Akala mo siguro nakalimutan kong birthday mo nu?"
Dahan dahan akong tumayo.
"Tingin ka dun…" lumingon ako sa tinuro nya. Ang daming balloons… picnic style ang ginawa nya at dahil gabi … magagandang mga ilaw ang nakasabit sa puno at nakapalibot sa amin. "Sorry ah… gabi kasi hahaha! Pero wag kang mag alala isipin mo nalang day time." Hinawakan nya ang kamay ko at hinila nya ako papunta doon
Naupo kami sa may banig. Pinagmamasdan ko lang sya. Kinuha nya ang cute na basket na nakapatong sa isang maliit na table.
"Ano yan?" tanong ko
"Edi niluto ko."
"Niluto mo? Marunong ka?"
"Ano ka ba? Talented kaya ako." Kumindat siya.
Napangiti naman ako. Pinagmamasdan ko ang paligid. Sobrang effort nya sa lahat. I can't imagine na meron pa palang lalaking ganito sa panahon na to'.
"Kumain ka na tayo." Inabot nya sa akin ang chopsticks.
Nagsimula na akong kumain nang mapansin kong nakatingin lang sya sa akin.
"Bakit?" tanong ko
Ngumiti siya. "wala lang. Pinagmamasdan ko lang yung reaction mo kung ok ba sayo yung luto ko o hindi."
"Kumain ka na kasi believe me… masarap kang magluto."
Pagkatapos naming kumain ay nagpicture picture kaming dalawa. "Ipapadevelop ko to' bukas kapag may oras ako."
Tumango ako. Nakangiti ako habang nakatingin sa kanya. "Thank you." Sabi ko.
Napatingin siya sa akin. "You're always welcome." Sagot nya.
Pagsagot nya nun ay bahagya akong tumayo at lumapit sa kanya para yakapin siya. "Salamat sa lahat Jiwoo."
Napangiti ako ng yakapin nya ako. "Ikaw ang knight in shining armor ko."
Kinuha ko na ang regalo ko sakanya at inabot ito. "buksan mo."
"Akala ko talaga nakalimutan mo yung birthday ko."
"Sus… marami akong pwedeng kalimutan pero hindi ikaw."
Ngumiti sya. Binuksan nya ito. Teddy bear na may suot na kwintas ang niregalo ko sakanya. Tinanggal ko ang kwintas mula sa stuff toy at sinuot ko sakanya. "Ingatan mo yan." Sabi ko
Dahan dahan siyang tumango.
-
"Sir, ito na po yung pictures." Inabot nya sa akin ang mga pictures na pinadevelop ko.
"Thank you."
Lumabas na ako para tawagan si Yejin.
"Hello?"
"Hello Yejin, napadevelop ko na yung pictures natin kagabi."
"Sige. Pabalik ka na ba ng school?"
"Oo. Mag-aaral din kasi kami ni Kyun. Basta sasabihan kita kapag nasa school na ako."
"Sige."
End call. Nilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko nang may humintong kotse sa tapat ko. May bumaba na lalaki mula dito at yumuko siya sa akin.
"Mr. Kang Ji Woo, pinapasundo po kayo ni Mr. President."
Mr. President? "Nandito na si Lolo?"
Habang nasa kotse ay nag-iisip ako bakit biglang umuwi dito si Lolo from England. Alam ko na ang isa mga gusto nya… ang maikasal ako at paniguradong gusto na nya akong kunin para sa negosyo nya.
Dinala nila ako sa isang mamahaling restaurant. Inassist naman nila agad ako pagpasok ko. Huminto kami sa tapat ng isang private room. "Nandito po si President Kang Ok gin."
"Thank you." Bumuntong hininga muna ako bago pumasok. Pinihit ko ang doorknob ng dahan dahan. Pagbukas ko ay nakita ko si Lolo na nakaupo kasama si Mama. "Ma?"
"Jiwoo…" parang nagulat siya nang makita nya ako.
"Maupo ka." Panimula ni Lolo. "Kumain muna tayo bago natin pag-usapan ang dahilan ng pagpunta ko dito."
Matapos naming kumain ay pinalitan nila ng tea ang nakahain sa lamesa.
"I'll go straight to the point…" nag umpisa na akong kabahan. "Gagraduate ka na ngayong taon tama ba?"
"O… opo."
"Pumunta ka ng England. I think it's for me to train you for our businesses."
"Pero Lolo… gusto ko po sanang magstay nalang dito."
"Nasa England ang bumubuhay sayo. Our company is our life." Nag iba ang expression ng mukha nya. "Your Mom will stay here to manage our University."
"Pero- Lolo…"
"Wala ng pero pero… you are my only grandson Jiwoo… think about it." Tumingin siya kay Mama. "Minso, we have a lot to talk."
"Opo." Bumaling siya sa akin. "Jiwoo, magkita nalang tayo sa bahay. Ok?"
Nakasakay ako sa bus nang maalala kong tignan ang cellphone ko. 3 miscalls mula kay Yejin at 1 miscall and 3 messages galing kay Kyun.
Tinawagan ko si Kyun. "hello Jiwoo, saan ka ba nagsuot? Akala ko ba babalik ka sa-'
"Sorry." Sabi ko. "May biglang nangyari lang."
"Nangyari? Ano? Ok ka lang ba?"
"Oo. Magkita nalang tayo bukas sa school."
Malapit na ako sa bahay habang tinatawagan ko si Jiwoo. Saan kaya nagpunta yung taong yun? Sabi nya babalik siya sa school. Biglang hindi nalang siya nagtext o tumawag- nahinto ako sa paglalakad nang makita ko siyang naglalakad sa di kalayuan. "Jiwoo!" pero parang di nya ako naririnig. Tumakbo ako papalapit sa kanya at ginulat siya pero parang wala siya sa mood.
"Saan ka ba nagpunta- " muka siyang matamlay. "ok ka lang ba? Parang-" niyakap nya ako bigla. "may problema ba?" mahigpit ang pagkakayakap nya sa akin. May nangyari siguro kaya siya ganito.
Nagbihis lang ako saglit saka ako nagpunta sa bahay nila. Nadatnan ko syang may kinukuha sa ref.
"Ano yan?" tanong ko.
"Ice cream. Samahan mo kong kumain nito."
"Sige." Pinagmamasdan ko lang sya habang nilalagyan nya ng ice cream ang mga baso namin. Ano kayang problema… bakit matamlay siya.. Napahawak ako sa batok ko. Ano kayang nangyari? Ok lang naman siya kanina sa phone.
Nilapag nya ang ice cream sa harap ko. "Kain na."
"Nga pala … nasaan na yung mga pinadevelop mo?"
"Ah… oo nga pala. Wait lang kunin ko sa taas."
"Sige."
-
"Wow… ang cute." Sabi ko habang pinagmamasdan namin ang mga pictures.
"Hmm… nga pala.. bumili ako ng scrapbook." Natigil ako sa sinabi nya.
"Scrapbook?" bahagya akong natawa sa sinabi nya. "hindi ko alam na magkakainteres ka sa ganun."
"Remembrance lang."
"Remembrance? Bakit? Aalis ka?"
Bumuntong hininga sya. "No. Remembrance ng 20's ko."
Natawa ako. "Bakit? Bata ka pa naman ah. Iniisip mo na agad yung pagtanda?"
"Basta gawin nalang natin tong' scrapbook. Ok?"
Tumango ako. Nagsimula na kaming magdikit ng mga pictures namin. nilagyan din namin ng designs at kung anu ano pa.
"Simula ngayon sisikapin nating mapuno ng pictures tong' scrapbook na to' ha." Sabi ko kay Yejin.
"Oo naman." Ngumiti siya.
11 PM. Gising padin ako. Nakaupo lang ako sa kama ko habang pinagmamasdan ang mga pictures naming dalawa.
Hindi ko alam kung kaya ko bang malayo sayo. Hindi ko alam…
Yumuko ako. Gulung gulo ang isip ko habang papalapit ang buwan ng graduation ko.
-
"Uy … Jiwoo, ok ka lang ba?" tanong ni Kyun habang nagbubuklat siya ng libro. Tumingin lang ako sa kanya. "Aigoo… sabihin mo na sakin dali… makikinig ako."
"Pinapapunta ako ni Lolo sa England after graduation."
"Ano? Agad agad? Hindi ka manlang ba mananatili dito kahit 1 year? Kailangan dun ka kaagad?" gulat na gulat siya sa narinig nya.
Pumalumbaba ako. "hindi ko alam anong gagawin ko Kyun."
"Hindi mo alam kasi nandyan na si Yejin." Tinignan ko sya. "Kilala kita Jiwoo, once you set your mind… that's it. Diba nga … noon sabi mo ok lang sayo kahit saan ka pag nakatapos ka pero tignan mo ngayon ... naguguluhan ka just because you have someone you cannot leave." Inakbayan nya ako. "May paki ka na sa ibang tao ngayon, di tulad noon."
"Eh… anong gagawin ko?"
"Bakit di mo pa sabihin kay Yejin yung nararamdaman mo? Diba? Mukha namang aware siyang gusto mo siya… at muka namang THE FEELING IS MUTUAL?"
"Ang bata pa ni Yejin."
"I know… pero pag sinabi mo yun… hihintayin ka naman siguro nya?"
"Hindi ko alam… " yumuko lang. "But I will think about it."
(2 months before JIWOO'S GRADUATION)
Palabas na kami ng building nang makita kong kumakaway si Jiwoo sa labas. Agad akong lumapit sa kanya.
"Sabi ni Mama mag dinner daw tayo ngayon sa bahay."
"Bakit? Anong meron?"
"Diba nga malapit na yung graduation ko."
"Oo nga pala nu. Congratulations…" sabi ko
"Bakit ang aga naman?"
"Kasi alam kong gagraduate ka with flying colors." At natawa kaming dalawa.
"Thank you for believing me."
-
Naghahain na ng pagkain sina Tita Minso at Mama. Lahat kami ay nagtungo na sa Dining Area.
"Congratulations Jiwoo." Sabi ni Mama.
"Salamat po Tita Rian."
"Balita ko … Cumlaude ka daw ah."
"Ahh… hindi ko pa po alam. Hehe."
"Aysus… nagpapahumble ka pa .." asar ko. "Matalino talaga yan Ma."
"May balak ka bang mag abroad Jiwoo?"
Natigil sa pagkain si jiwoo. "P-po? Mag abroad?"
"Ah… eh… sa ngayon, wala pa naman siyang balak. Alam mo na fresh grad…" sagot ni Tita Minso.
Tinitignan ko si Jiwoo. Parang nagbago ang expression ng mukha nya sa tanong ni Mama.
"Nga po pala tita, gusto ko sanang ipaalam si Yejin sa weekend."
"Hmm? Weekend? Saan kayo pupunta?"
"Gusto po sana naming mag out of town kasama sina Chris at Yong Hwa."
"Ah… Oh.. sige.. basta mag iingat kayo doon ha."
-
Busy si Jiwoo sa pagdidikit ng stickers sa scrapbook namin.
"Anong naisip mo bakit gusto mong mag out of town?" tanong ko
"Wala lang. Gusto ko lang magcelebrate."
"Mabuti naman at kumportable ka na kay Yong Hwa."
Natigil ako sa pagdidikit ng stickers at ngumiti kay Yejin. "Oo nga eh." Pero to be honest … hindi pa gaano. Maybe just because… we might love the same person. Hindi ko alam anong tumatakbo sa utak nya.
-
Sinakay na namin ni Yong Hwa ang mga gamit sa compartment. Nagtungo kami sa isang resort na pagmamay-ari ni Lolo. Pinahanda ko ang mga tents malapit sa dagat. Ganun din ang mga gagamitin para sa bonfire.
Pagdating ay kumain na kami ng tanghalian. Konting pahinga… saka kami nagwater activities. Di na namin namalayan ang oras sa sobrang enjoy.
Gabi na. Nakaupo kami ni Yejin sa buhangin habang nakatitig sa dagat. Nilagay ko sa kanya ang balabal na dala ko.
"Kapag nakagraduate ka na. Hindi na kita makakasama ng madalas." Tumingin ako sakanya. "Syempre… busy ka na nun." Bumuntong hininga siya. "nakakapanibago siguro yun nu? Magkasama tayo sa school lagi tapos isang araw… hindi na. Pero di bale… kasi pag uwi ko makikita naman kita." Ngumiti siya sa akin.
Yun ang pinakamagandang narinig ko at ang pinakamasakit sa lahat. Sana kaya kong sabihin sakanya na "Sana nga… ganyan ang mangyari." Hindi ko siya kayang iwan at hindi ko rin kayang sumuway kay Lolo.
Maya maya ay nakatulog na si Yejin. Dinala ko siya sa tent at dahan dahan itong sinara. Muli akong naupo sa labas… dun lang tumulo ang luha ko. Gulung gulo ang isip ko.
"Sabi ko na nga ba … may dahilan talaga bakit tayo nandito." Naupo si Yong Hwa sa tabi ko. "Bakit hindi mo pa sabihin sa amin anong iniisip mo?"
"Wala kang alam." Sagot ko
"Lahat ng ayaw mong malaman namin o malaman ni Yejin lalabas din sa tamang oras." Tumingin siya sa akin. "Ayaw ko sayo pero maniwala ka… gusto kitang tulungan."
Yumuko ako.
-
"Congratulations Graduates!" bati ng dean sa aming lahat. Sabay sabay kaming nagpalakpakan. Nagpicture taking muna kaming lahat kasama ang mga batchmates namin. Nagpicture din kaming magbabarkada. Pagkatapos ng picture taking ay hinanap ko sina Mama, tita Rian at Yejin. Nakaupo sila sa di kalayuan.
"Congratulations Anak." Malaking ngiti na sinalubong ako ni Mama. Niyakap nya ako.
"Congratulations Jiwoo." Sabi ni Tita Rian.
"Thank you po Tita."
"Congrats…!" Napatingin ako kay Yejin na may hawak na bulaklak. Inabot nya ito sa akin.
"Thank you. Thank you din Mama and sayo din Tita."
"Kumain tayo sa labas." Aya ni Mama.
Nagcelebrate kami sa isang restaurant.
Habang kumakain ay iniisip ko ng magtapat kay Yejin. Gusto ko sana na kung aalis man ako ay masabi ko lahat ng gusto kong sabihin sakanya.
Pagdating namin sa bahay ay naunang pumasok sina Mama at Tita Rian. Naiwan kaming dalawa sa labas.
"Ah… eh… Yejin…" tumingin siya sa akin. "Pwede bang magkita tayo sa school ng April 1st?"
"Ha? April 1? Bakit?"
"May gusto sana akong sabihin sayo."
"Ah… ayaw mo bang sabihin ngayon?"
"Doon ko nalang sasabihin. 5 pm ha sa basketball court. Goodnight." Ngumiti ako sakanya.
APRIL 1
Ano kayang sasabihin ni Jiwoo? Pumalumbaba ako sa bintana habang naghihintay ng 5 PM.
"Yejin… di ka pa ba uuwi?" tanong ni Chris.
"Ha? Hindi na muna. Hinihintay ko pa si Jiwoo."
"Ahh… bakit? May lakad kayo?"
"May sasabihin daw siya."
Ngumiti sya. "Naku… mukang magtatapat yun sayo ah."
"Sira!" natawa ako sa sinabi nya.
Nauna ng umuwi si Chris. Nagtungo na ako sa basketball court. Tumayo lang ako doon ng saglit … di naman nagtagal ay nakita ko na syang naglalakad papalapit sa akin. Kumaway ako pero mukang wala siya sa mood.
Huminto siya sa harap ko. Titig na titig siya sa akin. Halo halong emosyon ang nakikita ko sa mga mata nya.
"Sorry Yejin."
"Ha?" nagulat ako sa sinabi nya.
"Kailangan na kitang layuan."