"Kailangan na kitang layuan." Para akong nabingi sa sinabi ni Jiwoo. Tumalikod siya matapos nyang banggitin ang mga katagang yun.
Hinawakan ko ang kamay nya. "H-hindi ko maintindihan bakit…" hindi nya ako tinignan.
Hindi ko mabasa ang mga mata nya. "Simula sa araw na to' … putulin na natin kung anuman ang namamagitan sa atin."
"Hindi ko maintindihan ano bang sinasabi mo Jiwoo? Bakit ka nagsasalita ng ganyan? Yan ba talaga yung sasabihin mo sakin kaya mo ko pinapunta dito?"
"Yejin-"
"Sabihin mo sakin na nagbibiro ka lang." tinignan ko siya ng diretso sa mata. "hindi ko alam anong meron… anong nangyayari… anong iniisip mo … bakit mo to' sinasabi sakin! Hindi ko alam!" nagsimula ng lumabo ang paningin ko. Nagsisimula ng lumabas ang mga luha ko. "Ano bang ginawa kong kasalanan bakit mo to' sinasabi sa akin ngayon?"
Dahan dahan nyang inalis ang pagkakahawak ko sakanya. "Balang araw… maiintindihan mo din." Saka sya naglakad palayo.
Doon na tumulo ang luha ko. Hindi ko na napigilan ang mga paa ko pero kusa akong tumakbo para habulin si Jiwoo. Niyakap ko siya sa likod.
"Ipaintindi mo please?" umiiyak na ako habang yakap yakap siya. "Alam ko hindi pwede … pero gusto kong malaman mo na… mahal kita."
Bumuntong hininga siya. Muli nyang inalis ang kamay kong nakapulupot sa bewang nya. Hindi ako makahinga sa kakaiyak… hindi ko alam anong nangyari… bakit siya nagbago? Bakit nya yun sinabi? Hindi ko alam… hindi ako makaisip ng dahilan…
Sobrang sakit. Habang inaalis ko ang kamay nyang nakayakap sa akin. Naglalakad ako palayo sa kanya nang hindi siya nililingon… habang pinipigilan ko ang mga luha kong bumagsak.
Pag uwi ko sa bahay. Dumiretso ako sa kwarto. Nakita ko ang plane ticket ko na nakalapag sa study table ko. Hinawakan ko ito at doon nagsimula ng bumagsak ang mga luha ko.
Kung alam mo lang gaano din kita kamahal…
Ang bigat sa dibdib ng mga pangyayari. Yumuko ako. Hindi ko alam anong dapat kong gawin ngayon…
-
(Bago magkita sina Jiwoo at Yejin)
Flower Shop
"White rose nalang kaya ibigay ko sakanya? Ano sa tingin mo?"
"Sigurado ka ba sa gagawin mo? Talaga bang magtatapat ka na kay Yejin ngayon?" tanong ni Kyun.
Tumango ako. "kung di ngayon? Kailan pa? Kapag nakaalis na ako?" ayoko ng aksayahin ang oras ko. Gusto kong malaman ni Yejin yung nararamdaman ko para sakanya.
"Hindi ba parang masmasakit yung gagawin mo? Aamin ka sakanya tapos aalis ka?"
Nahinto ako sa pagpili ng bulaklak. Tumingin ako kay Kyun at ngumiti. "Maiintindihan nya siguro bakit ako aalis."
Dala ang bulaklak na napili ko. Dumaan muna ako sa bahay. Nadatnan ko sina Mama at Tita Rian na nakaupo sa sala. Mukang seryoso ang pinag uusapan nila. Nakita ko sa center table ang isang sobre.
"Anak, maupo ka." Sabi ni Mama.
Naupo ako sa tabi nya kaharap namin si Tita Rian.
"Nagkausap na kami ng Mama mo…" napatingin ako kay Mama. Anong ibig nyang sabihin? Anong pinag usapan nila? "Layuan mo na ang anak ko."
"P-po?"
"Alam kong gusto mo ang anak ko. Pero hindi kayo pwede."
"Pero tita… Bakit po? .. hindi ko po maintindihan… handa naman po akong maghintay-"
"Hindi ikaw ang problema Jiwoo." Natigil ako nang sabihin nya yun. "Mabuti kang lalaki. Pinagkatiwala ko sayo ang anak ko dahil alam kong maayos kang tao. Kahit kailan hindi ko naisip na pababayaan mo si Yejin. Ngayon palang humihingi na ako ng dispensa pero … ayokong madawit ang anak ko sa problema ng pamilya nyo."
"Problema?"
Niyakap ako ni Mama. Maluha luha siya habang sinasabi ang dahilan, "Binayaran sila ng Lolo mo para lang lumayo sila satin."
"Ano?" napatayo ako sa sinabi nya.
"Anak, alam naman natin na si Lianne ang gusto ng lolo mo para sayo."
"Hindi pwede… hindi nya pwedeng ipilit lahat ng gusto nya." Akmang aalis na ako nang hawakan ni Mama ang kamay ko. "Jiwoo, wag … kilala mo ang lolo mo. Pahihirapan nya lang sina Yejin kapag nagkataon."
Tumayo na rin si Tita Rian. "Sumunod ka sa sinasabi ng Mama mo Jiwoo." Saka sya umalis. Natulala ako nang sabihin nya yun.
Medyo maaga akong dumating sa school. Nakaupo ako sa garden. tinignan ko ang bulaklak na nasa tabi ko. "Hindi na kita maibibigay sakanya."
Habang naghihintay ay biglang naupo si Yong Hwa sa dulo ng kinauupuan ko.
"Naaalala mo pa yung usapan natin nung nag out of town tayo?" Tanong ko
Tumango sya. "Kahit anong mangyari … wag ko siyang pababayaan." Hindi ko siya kayang ipagkatiwala sa iba but I have to. Wala akong choice. Si Yong Hwa lang ang kayang gawin yun sa panahon na wala na ako sa tabi ni Yejin. "Ngayon na ba magsisimula yun?" tinignan nya ako. Malungkot ang mga mata nya.
Ngumisi ako. Bumuntong hininga. "Bakit malungkot ka?" tanong ko
"Simula nung nakilala kita. Hindi na talaga kita gusto. Maybe because… we love the same person. Pero kahit ganun… hindi kita gugustuhing masaktan at mahirapan para lang sa gusto ng iba." Hindi ako umimik. "I promise to take care of her pero sana… bumalik ka agad. Maraming pwedeng magbago sa panahon na wala ka."
-
Nakita ko si Yejin sa di kalayuan. Naghihintay. Malayo palang ay nakikita ko na ang ngiti sa kanyang mukha. Habang papalapit sakanya… sobrang bigat ng pakiramdam ko. Mabigat ang mga paa ko at kahit ang mata ko parang anytime… lalabas ang mga luha ko.
I'm sorry I'm sorry I'm sorry I'm sorry…
Paulit ulit kong sinasabi habang umiiyak ako sa kwarto. Mga katagang… gusto kong sabihin kay Yejin. Mga katagang dapat ay kanina nya narinig. Gusto ko syang yakapin pabalik habang sinasabi na "Mahal na mahal kita."
Nakaupo lang ako sa kwarto. Nakatulala habang mugtong mugto ang mga mata sa kakaiyak. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Tumingin ako sa orasan … 11 PM na. Hanggang ngayon naka uniform pa ako.
Kumatok si Mama at Pumasok bitbit nya ang pagkain na kanina ay inalok nya.
"Anong oras na… hindi ka pa kumakain…"
"Wala po akong gana ma." Umiwas ako ng tingin. Babagsak na naman ang luha ko.
Binaba nya ang hawak nyang tray. Lumapit sa akin at niyakap ako. "Someday… you'll understand. Marami pang panahon anak… lahat ng sakit ngayon… lilipas din sa pagdaan ng panahon." Muli akong umiyak. Bakit ganun? Bakit kailangang mangyari to?
Kinabukasan… hindi ako pumasok. Tumingin ako sa bahay nina Jiwoo.
May tao kaya sakanila?
Kumatok ako sa kanila. Nag doorbell din ako pero walang sumasagot o nagbubukas ng pinto.
Nasaan kaya sila?
Dahan dahan kong pinihit ang pinto nang bumukas ito ay tumambad sa akin ang bahay na walang laman. Wala na ang mga gamit nila. Tumakbo ako paakyat sa kwarto ni Jiwoo. Wala na rin syang gamit.
Nanghina ako sa nakita ko. Nakita ko sa kama nya ang balabal na isinuot nya sa akin nung nag out of town kami sa school. Napaiyak ako nang makita ko yun.
Dismissal na nina Yejin. Naghihintay ako sa labas ng room nila pero laking pagtataka ko nang si Chris lang ang nakita ko.
"Oh… Yong Hwa…"
"Bakit ikaw lang? Nasaan si Yejin?" Tanong ko
"Hindi siya pumasok ngayon. Di ko nga din alam bakit di siya pumasok eh."
"Ganun ba? Hindi manlang ba nagtext?"
Umiling si Chris. Nagdesisyon akong pumunta sa bahay nina Yejin para kamustahin sya. Pagbaba ko ng kotse ay napansin ko ang bahay nina Jiwoo na patay na ang ilaw.
"Mukang lumipat talaga sya bago sila umalis." Napabuntong hininga ako.
Paglingon ko ay nakita ko si Yejin na nakaupo sa harap ng pintuan nila hawak nya ang isang balabal. Lumapit ako sakanya at tumabi.
"Kamusta ka na?" tanong ko
Hindi sya sumagot. Niyakap ko siya. "Wag ka ng malungkot. May dahilan si Jiwoo."
"Mahal na mahal ko siya Yong Hwa." Medyo hirap na siyang magsalita. Humihikbi hikbi na siya habang sinasabi nya yun. Mukhang hindi sya tumigil sa kakaiyak.
Nang madikit sa akin ang mukha nya naramdaman kong medyo mainit siya. "Yejin… parang may lagnat ka." Maya maya ay parang nawalan na sya ng malay.
-
"Salamat Yong Hwa."
"Wala po yun Tita. Dadalaw po ulit ako dito bukas kung sakali po na hindi makapasok si Yejin."
"Sige."
Aalis na sana ako nang magsalita si Tita. "Yong Hwa…"
"Po?"
"Lilipat na rin kami."
"Po? Bakit po Tita?"
Bumuntong hininga sya. "Hangga't nandito kami. Palaging malulungkot si Yejin. Hindi ko siya kayang makitang ganyan."
"Gusto nyo po bang tulungan ko kayong makahanap ng malilipatan?"
"Ano? Lumipat na si Jiwoo ng bahay?" para akong nabingi sa ibinalita ni Kyun.
"Diba nandito na si Lolo?"
"Isa pa yan. Prinoblema nya rin yang pagdating Lolo nya."
Nag isip ako… saan naman kaya lumipat si Jiwoo? Edi hindi na sila magkikita ni Yejin.
"Lianne.." napalingon ako kay Kyun. "Napagkasundo na kayo ni Jiwoo diba?"
"Ha? Kami? Ah… eh…"
"Wag mo ng itanggi. Ang tanong … handa ka bang magpakasal sa lalaking di ka naman mahal?"
"Kyun, lahat ng bagay pwedeng magbago sa loob lang ng 24 hours."
"Hayst … hanggang ngayon yan padin iniisip mo. Ineexpect mo padin na kaya kang mahalin ni Jiwoo."
"Here's your order Sir and your hot choco. Enjoy po." Kinuha ko na ang order ko.
Pabalik na ako sa hotel kung saan ako pansamantalang tumutuloy. Si Mama naman bumalik na sa mansion.
Pagdating ko sa kwarto ay inalis ko ang coat na suot ko. Naupo ako malapit sa bintana. Pinagmamasdan ko ang view mula dito sa kwarto ko.
Hindi ko alam ilang kilometers ang layo nito sa dati naming bahay. Napasandal ako sa kinauupuan ko.
Ilang araw nalang. Malapit na kong umalis.
Nilabas ko sa paperbag ang mga binili ko nang makita ko ang hot choco na inorder ko. Naalala ko na naman nung Welcome party. May halong lungkot ang mga ngiti ko.
Sana … ok lang sya.
Palabas na ako ng school nang maisipan kong bumili ng gamot para kay Yejin. Nang biglang magring ang phone ko.
Unknown number
"Hello-" natigil ako nang makita ko si Jiwoo na nakatayo malapit sa stoplight hawak ang cellphone nya. Kumaway siya sa akin.
Tumawid ako at lumapit sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko
"Dumadalaw lang habang nandito pa ko. Ikaw? Parang maaga ka atang nag out?"
"Ahh… Oo, dadalawin ko sana si Yejin."
"Si Yejin? Bakit? Hindi ba siya pumasok?"
"May sakit siya." Sagot ko.
Nagpunta kami sa Pharmacy para bumili ng gamot. Inabot nya ang card nya.
"Bilhin mo lahat ng kailangan mo." Sabi nya. Pero hindi ko ito kinuha.
"nakakatapak ka naman ng pride eh." Biro ko.
"Please? This is the only thing I can do for her." Ramdam ko ang lungkot sa boses nya kaya naman kinuha ko na ang card nya para makabili ng gamot.
Sumama sya sa akin papunta kina Yejin.
"Dito nalang ako sa kotse. Hihintayin nalang kita."
"Sige." Sagot ko
Bumaba na ako at pinuntahan si Yejin sa loob.
Nakatitig lang ako sa kwarto ni Yejin na nasa second floor. Nakasarado ang kurtina nya.
Sorry… alam kong ako ang dahilan bakit ka nagkaganyan. Napayuko ako. Nagsisimula na namang mag ipon ng luha ang mga mata ko. Kung alam nya lang na dapat ako ang nag-aalaga sakanya ngayon.
Busy ako sa pagchicheck ng email nang biglang may kumatok sa kwarto ko.
"Come in." sabi ko
"Ms. Lianne, nasa sala po si Sir Marcus." Sabi ng maid
Si Marcus? Anong ginagawa nya dito? "Sige bababa na ako." Nag ayos lang ako ng kaunti saka bumaba sa sala. Nadatnan ko doon si Marcus na nakaupo. Lumapit ako sakanya. "Napadaan ka ata…"
"Oo. Nga pala… nagdala ako ng bulaklak para sayo." Inabot nya sa akin ang isang bouquet ng roses.
"Lianne, kumain na tayo- Marcus?" Natigil si Mama nang makita nya ito. "What brought you here?"
"Dinadalaw lang po si Lianne."
"Ganun ba? Tama lang yan. Sulitin mo habang nandito pa sya." Sabi ni Mama saka sya naglakad patungo sa dining area.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Marcus at nagkibit balikat ako. Sumunod na rin kaming nagtungo sa dining area.
Pag upo namin ay agad kong klinaro kay mama kung anong ibig nyang sabihin kanina. "Ma, ano pong ibig nyong sabihin sa sulitin na ni Marcus ang pagdalaw sakin habang nandito pa ako?"
"Hindi pa ba nakarating sayo?"
Nagsalubong ang kilay ko. Ang alin?
"Malapit ng umalis si Jiwoo papuntang England."
"Po?" sabay naming reaksyon ni Marcus.
"Yes. Siya na ang magmamanage ng mga businesses nila doon and ilang taon nalang gagraduate ka na din… susunod ka doon dahil doon kayo magpapakasal."
-
Nakaupo ako sa gilid ng pool habang nakababad ang paa ko dito.
Hindi ko akalain na mapapabilis ang pag-alis ni Jiwoo. Ibig sabihin? Talagang magpapakasal nga kami doon. Ilang taon na rin simula nung ipagkasundo kami ng mga pamilya namin- nagulat ako nang may maglagay ng jacket sa aking mga balikat. Napalingon ako.. si Marcus.
"Ayaw mo pa bang pumasok? Malamig dito." Sabi nya
Umiling ako.
"So… aalis ka nga talaga right after ng graduation mo?"
Tumango ako. "Oo. Kailangan kong pumunta dun."
"Kaya mo ba talagang magpakasal sa lalaking di ka kayang mahalin?" Tinignan ko sya. "Alam ko masaya ka… dahil malaki yung chance na makakapagpakasal kayo ni Jiwoo… pero naisip mo din bang hindi magiging sayo ang puso nya?"
"Makukuha ko din yun." Malungkot kong sagot.
"Hindi madaling gawin yun Lianne. It will take so much time and effort para makuha yun."
Pinagmamasdan ko si Yejin. Matamlay padin siya at halatang mugto ang mga mata nya. Nalulungkot ako sa tuwing nakikita ko syang ganito. Pinakain ko na siya ng lugaw at pinainom ko rin sya ng gamot. Di na kami nakapag usap pa dahil gusto ko syang magpahinga. Nagpaalam na ako kay Tita. Paglabas ko ay agad akong dumiretso sa kotse nang mapansin kong wala na si Jiwoo doon.
"Umalis na ba sya?" tumingin ako sa paligid nang tumunog ang cellphone ko.
1 new message received
From: Kang Ji Woo
Thank you for always being there for her. I'm sorry.
Hayst … tignan mo to' bigla bigla nalang aalis.
-
LIBRARY
"Hindi pa ba papasok si Yejin?" tanong ni Chris habang naghahanap ako ng libro na pwede kong basahin. Tinignan ko siya. Halatang namimiss na nya si Yejin.
"Hindi pa. Baka after 2 days pa yun. Medyo mataas ang lagnat eh."
"Dinalaw mo na sya?"
"Oo kagabi."
"Ang daya mo! Namimiss ko na kaya si Yejin."
Ngumiti ako. "Alam ko pero kasi kailangan nya munang magpahinga."
"Fine."
Nagising ako. Pinilit kong umupo pero masakit padin ang ulo at katawan ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Hirap man ako sa pagtayo ay pinilit kong maglakad. Bumaba ako para hanapin si Mama. Nakatulog na siya sa sala. Siguro napuyat sa pagbabantay sa akin. Inayos ko ang kumot nya saka ako nagdesisyon na lumabas. Pagbukas ko ng pinto ay may nakalapag na basket ng prutas sa gilid.
"Kanino galing to?" naghanap ako ng note pero wala kahit isang maliit na papel. "Sinong nagbigay nito-" nanlaki ang mga mata ko. Agad akong tumakbo sa bahay nina Jiwoo para tignan kung nandoon sya pero wala akong nakita doon. Kagaya padin ng dati ay walang halos nagalaw sa bahay nila.
Nakaupo ako sa kusina habang nakatingin sa basket ng prutas na nilapag ko na sa lamesa. Maya maya ay nagising na si Mama.
"Oh… kanino galing yang mga prutas?" tanong nya
"Hindi ko din po alam Ma. Nakita ko lang po sa may pintuan."
"Ganun ba?"
"May nagpunta po ba dito kagabi?"
"Si Yong Hwa lang. Eh… nag aalala siya sayo kasi di ka pumasok."
"Ganun po ba?" Nalungkot ako. Alam ko nasa malapit lang si Jiwoo. Talaga bang lumayo na sya sa akin?
4:00 AM
Bitbit ang isang basket ng prutas. Nagpunta ako kina Yejin. Nilapag ko ito malapit sa pintuan nila. Sana maging ok na sya. Napabuntong hininga ako. Halos 10 minutes lang ang inilagi ko sa tapat ng bahay nila bago ako tuluyang umalis.
-
"Ano ba yung pwedeng inumin ng may sakit? Yung medyo maeenergize sya?"
"Ito sir. Inumin nya po yan para po lumakas siya kahit papaano." Inabot nya sa akin ang isang bottled juice.
"Thank you."
12 am. Nagpunta ako kina Yejin ulit pero nang malapit na ako ay nagulat ako nang makita ko siyang nakaupo sa labas.
Agad akong nagtago sa gilid. "Anong ginagawa nya jan ng ganitong oras?" naupo ako saglit. Sinisilip kung nandoon padin sya. "Kahit gusto ko syang lapitan at kausapin… hindi pwede. Maslalo lang syang malulungkot kapag umalis na ako."
Nakaupo lang ako sa labas. Nagbabakasaling siya nga talaga ang nagbigay nung isang basket ng prutas.
"Yejin… anong oras na.. bakit nandito ka pa sa labas?" tanong ni Mama
"Wala po Ma."
"Iniisip mo bang si Jiwoo ang nagbigay ng mga prutas na yun?"
Yumuko ako. Naupo siya sa harap ko. "Anak, bata ka pa para sa mga heartbreaks. You have to move on and be happy. Lahat ng bagay ay may dahilan at kung para sayo ang isang bagay … ang tadhana ang gagawa ng paraan para sayo." Ngumiti siya sa akin.
Tumayo na siya at tinapik nya ako sa balikat. Huminga ako ng malalim. "I hope so…" bulong ko sa sarili ko.
Pinagmamasdan ko silang mag-ina habang magkausap. Nakakamiss din pala si Tita Rian. Napaupo ako sa damuhan. Hanggang ngayon napapatanong padin ako sa sarili ko bakit ako napasok sa ganitong sitwasyon. Bumuntong hininga ako. Minsan iniisip ko talaga na mahirap din maging isang Kang Jiwoo.
-
Pagbalik ko sa Hotel ay nilabas ko ang susi ko at binuksan ang room ko. Pagpasok ko nadatnan ko si Mama na nakadungaw sa bintana. Lumingon sya sa akin at ngumiti.
"Anong ginagawa mo dito Ma?" lumapit sya sa akin.
"Kamusta sila?" nagulat ako sa tanong nya. Umiwas ako ng tingin. Lumapit sya at niyakap ako. "Alam ko namimiss mo sila at ganun din ako Jiwoo." Kumalas sya sa pagkakayakap nya. "Tama na anak… kailangan natin silang kalimutan."
-
Nakaupo ako sa loob ng isang coffee shop habang hinihintay si Yong Hwa nang biglang nagsimulang umulan ng snow. Parang bumalik sa akin lahat ng alaala.
"Sir, here's your coffee" sabi ng waitress
Maya maya ay dumating na si Yong Hwa. Naupo siya sa harap ko . "Hayst… gusto mo talaga akong pinapahirapan eh. Alam mo bang masyadong malayo to' sa lugar namin. Tsk." Reklamo sya. Ngumiti lang ako.
"I have a favor to ask…"
Naglalakad ako papasok sa school nang biglang- "Yejin?" nakita ko si Chris na nakatayo sa harap ko at parang manghang mangha siya na makita ako. "My god! Ikaw nga!" niyakap nya ako. "Ok ka na ba?" tanong nya.
Tumango ako. "Oo. Sorry kung medyo matagal akong nawala."
"Sus… inaral mo ba lahat ng notes na pinadala ko sayo?"
"Oo. Thank you."
"Kung di lang kita mahal na mahal eh."
Habang nagkaklase ay natutulala ako. Hindi ko maimagine na hindi ko na makikita si Jiwoo paglabas ko ng room. Pagdating ng break time ay nagtungo ako sa garden. Napupuno na ng nyebe ang buong paligid. Ito na naman yung panahon na parang ang lungkot lungkot ng lahat … naglakad lakad ako hanggang sa marating ko ang swimming pool may narinig akong nagsasalita.
"Parang familiar yung boses na yun." Sabi ko. Sumilip ako. Nakita ko si Kyun na may kausap sa phone.
"Hindi ka ba dadaan dito? Hindi mo manlang ba ako pupunta or kahit silipin mo manlang sya… ganun ba? Hindi ka na ba magpapaalam sakanya Jiwoo-" natigil siya nang makita nya ako.
"Si Jiwoo ba yan?" nagsimula na namang lumabo ang paningin ko at bumagsak ang mga luha ko. Lumapit ako sakanya "Aalis sya?" tanong ko
"Ano kasi- Yejin…"
"Sagutin mo ko. Aalis ba sya?" kinuha ko ang cellphone nya pero call ended na. "ANO KYUN?!"
"Pupunta na sya ng England." Pagkasabing pagkasabi nya nun ay agad akong tumakbo palabas ng University. Nagpara agad ako ng taxi at sinabi na dalhin nya ako sa airport. Madaling madali ang driver sa pagmamaneho.
Nang marating ko ang airport ay agad akong tumakbo papasok at hinanap si Jiwoo sa gitna ng madaming tao. Hindi pa siya nakakaalis panigurado yun. Bumibigat na ang dibdib ko dahil sa pagod at lungkot hindi ko alam saan ko sya hahagilapin. Paglingon ko ay nakita ko syang naglalakad hila ang maleta nya at tila may kausap siya sa phone. Nahinto siya nang makita nya ako unti unti nyang naibaba ang hawak nyang phone. Doon na tumulo ang luha ko. "Jiwoo…" Nagsimula na akong ihakbang mga paa ko para lapitan sya nang bigla akong harangin ni Yong Hwa. "Anong-"
"Umuwi na tayo Yejin." Hinawakan nya ang kamay ko.
Kumalas ako sa pagkakahawak nya. "Hindi. JIWOO!" nakita ko syang sumakay sa escalator paakyat habang patuloy kong sinisigaw ang pangalan nya. "JIWOO! JIWOO!" humagulgol na ako. Niyakap ako ni Yong Hwa. Nakatingin padin ako sakanya habang umaakyat pataas na hindi manlang ako nililingon.
"Tahan na… Tahan na." napaupo nalang ako kakaiyak. "I'm sorry."
COFFEE SHOP. (Gabi bago umalis si Jiwoo)
"Ano yun?" tanong ko kay Jiwoo.
"Bantayan mo si Yejin bukas."
"Bukas?"
"Oo. Pupunta na ako ng England."
"Pero-"
Yumuko sya. "Harangin mo sya para sa akin. Ayokong makita nya akong umaalis."
-
Kinabukasan medyo late na ako nakapunta sa school.
Jiwoo Calling…
"Hello…" sabi ko
"Nasa school ka na?"
"Oo. Malapit na-" natigil ako nang makita ko ang incoming call na si Kyun. "babalikan kita Jiwoo. Hello- kyun?"
"Si Yejin… pupunta ata siya sa airport ngayon, narinig nya kami na magkausap ni Jiwoo!"
Nang marinig ko yun ay Nagmadali agad akong pumunta sa airport. Tumakbo ako papasok.
Tinawagan ko si Jiwoo. "Hello…" sagot nya
"Nasaan ka?"
"Nandito malapit sa escalator-" nahinto siya sa pagsasalita. Agad kong hinanap ang escalator na binanggit nya nang makita ko si Yejin na nakatingin kay Jiwoo.
Nang makita kong humakbang si Yejin papalapit sakanya ay lumapit na ako at hinawakan ko siya.
"Umuwi na tayo Yejin."
Katulad ng inaasahan ko… makikita ko siya ngayon. Akala ko kaya ko na syang iwanan pero nagkamali ako. Habang paakyat ako ng escalator ay tumulo ang luha ko. Hindi na kita kayang lingunin. Dahil kapag lumingon ako… baka hindi na kita iwanan. Sana pagbalik ko… ako padin Yejin… ako padin sana…
1 YEAR LATER
Nakalipat na kami ng bahay. Medyo malayo ito sa school compare sa dati naming tinitirhan.
"Ano bang mga kailangan nyo sa bahay?" tanong ni Yong Hwa
"Ito oh…" inabot ko sakanya ang listahan na binigay ni Mama.
"Sige. Tara na sa grocery."
"Pwede bang kumain muna tayo?" tanong ko
"Masmaganda kumain pagkatapos mag-grocery. Magugutom ka kasi ulit kapag ngayon tayo kumain saka.. tatamarin ka ng mamili nyan kapag busog ka."
"Sabagay."
Nakapamili na kami at nagpunta na sa counter. Habang inaayos ni Yong Hwa ang mga nasa cart namin ay nagsalita ang cashier "Ang gwapo naman ng boyfriend nyo Mam."
Nagkatinginan kami. "ah… eh… hin-"
"Thank you Miss." Sagot niya
Nag order na kami ng pagkain habang pinagmamasdan ko ang fountain na nasa harapan namin. May mga babaeng dumadaan na napapatingin sakanya. Tumingin ako kay Yong Hwa.
Hinahalo nya yung noodles na inorder namin. Naghahalo lang naman sya ng noodles pero bakit ganun? Napatingin sya sa akin
"B-bakit?"
"Wala. Nagtataka lang ako."
"Saan?"
"Kasi nakatingin sayo yung mga babae."
"ahh… kailangan mo ng masanay."
"Hayst … kinakabag ata ako." Biro ko.
Nilagay na namin sa compartment ng kotse nya ang mga napamili namin. Pagdating namin sa bahay. Nadatnan namin doon si Chris na kausap si Mama.
"Ang tagal nyong dumating…" sabi nya
"Sorry na po. Alam mo naman na pag nag gogrocery kami… kumakain talaga kami diba?" sagot ko.
"Oo na. Tsk. Di nyo na naman ako sinama."
-
Nakaupo ako sa labas ng bahay. Pinagmamasdan ang school na kitang kita mula dito. Lumabas si Yong Hwa at naupo sa tabi ko.
"Ok ka lang?"
Tumango ako.
"Masaya ka ba?"
Tumango ako ulit. Tinignan ko siya. "Salamat kasi nandyan ka."
"Tatandaan mo lagi yung sinabi ko sayo noon" Bumalik sa akin lahat ng sinabi nya nung araw na umalis si Jiwoo.
"I will always stay by your side to take care of you."
Tumayo siya. "Mag-aral ka na okay. ipagdedesign mo pa ko ng bahay na gusto ko Future Architect." ngumiti siya. "Magkita nalang tayo bukas after ng clinic ko ha."
"opo."