30: True Geniuses, Focus of Many Powers. 

30: True Geniuses, Focus of Many Powers. 

.

.

Sa nasaksihan ng mga Elders gamit ang kanilang Aura, hindi nila nalaman ang tungkol sa Anyo at kung ano ang ginawa ni Chris dahil sa isang harang na tila gawa ito sa intent. At ito ay nagmula kay Jegger. 

.

"ano nangyare dun?, papaanong ito namatay?! ".

Sabi ni Bavix na ayaw paring maniwala sa nangyaring iyon. 

.

"mukhang umabot sa timing ang mga kasamahan nila. At napatay nila sa iisang atake ang lalakeng iyon--- mabuti nga namatay na yun, napaka walang respeto nya sa mga babae".

Sabi ng isang Babaeng Elder. 

.

Si Jegger ang pinaka seryoso ang mukha nito sa lahat. At hindi ito napansin ng Limang Elders. 

.

"aalis na ako, may importante akong pupuntahan".

Ngumiting nagpaalam si Jegger, at nawala ito kasabay ng hangin. (that speed)

.

Sa katunayan, lumitaw si Jegger sa mismong itaas nina Ahri na may layong 12,000 ft. At nakapaloob sya sa isang Barrier upang hindi sya makita o marinig ng mga nasa paligid. 

.

'Tiyak akong hindi normal ang ginamit nyang lakas kanina. Imposibleng maglabas ng ganung klaseng Aura ang tulad nyang nasa Master stage lang--- at isa pa 100% akong sya ay isa sa mga pinaka importanteng disipulo ni Jose Grande'. 

Tila sinuri nya ang Aura sa buong paligid, at nanatili parin ang ilang specks ng Aura na nagmula sa atake ni Chris kay Gamordan. 

'masasabing isa sya sa mga alas, sa paparating na WorldWar, at dumarami narin ang bilang ng mga nasa OceanicAlliances, at Lalong hindi kaya ng DemonSpiritualistClans at HumanAlliances na tapatan ang hidden Nations at Forces sa ilalim ng mga karagatang iyon.'

Huminga ng malalim si Jegger at napalingon ito sa southern horizon. 

(nabanggit nya ang HumanAlliance, DemonSpiritualistClans at OceanicAlliances----ano kayang ibig sabihin ng mga Grupong ito).

.

## malayo pa bago nyo malaman ang tungkol jan, nasa Basic Introduction palang tayo at madami pang Adventure ang naghihintay sa grupo ni Chris, at lalo na gusto rin nyang agad makatapak sa mataas na Stage para sa kanyang pag Ascend sa mas nakakataas na Realm ##

.

*bat ba kinakabahan din ako sa WorldWar na iyan. Masyadong malalim ang nakatagong Mysteries at lalong hindi tiyak ang dami ng mga kalaban at makakasama sa Giyera, hindi alam kung ilang bilang ng mga hidden experts, at ilan ba talaga ang Deities/SageSaint sa buong mundong iyon----*

.

## Ha ha ha, use your Wildest imaginations, tulad ng sinabi ko, madami pang Adventures ang naghihintay sa kanila. ##

.

Nawala na si Jegger at mukhang hindi nito alam. Na may naka-alam sa presence nya sa mga sandaling iyon at ito ay mga Deity stage experts na tila nakatago ng maigi sa ilang bahagi ng bansang iyon at maging sa nga kalapit na Continent. Pero may isang nasa malapit, at sya ay si Ahri. 

.

'hmmmfp, mukhang naramdaman din nila ang Ripples mula sa atakeng iyon ni Chris---mas mabuting magmadali na kami sa aming Cultivation. Pagkatapos ng GreatRaid na ito tila magkakawatak-watak kami'. 

Nasa isip ni Ahri ang kaligtasan ni Chris. Dahil may Soul Connection sila. 

.

Dinala nina Lucas si Chris sa safe area na sinabi ni Ahri. Nag paiwan si Ahri at kinolekta nya lahat ng mga BeastCores na nagkalat sa buong paligid, at lalo na sa tatlong epic. Hindi na nya mahanap ang beast core ni Gamordan dahil sa tuluyan ng naabo kasama ng katawan at mukhang pati narin ang kaluluwa nito. 

.

'sa dami ng napatay ni Chris at ang babaeng iyon.---- makakakuha kami ng tamang bilang para sa aming Cultivation.'

Tila kumirot naman ang kilay ni Ahri ng mabanggit nya ang babaeng nakasama ni Chris. (he he he. Ahem ahem. )

.

-----

.

Sumunod si Bliss sa underground Hideout na ginawa ni Bojo. At nakapag palit na ito ng kasuotan. Na mas lalong nagpabago sa kanyang Character. (woah dark purple fairy dress outfit ba yun, with matching white black stockings at black shoes.)

.

"bat ka kasama ni Chris?!, isa ka sa mga ValmosCommanders at kilala ka rin ni Ms. Vera, bilang isa sa mga top nurtured Valmos---".

Sabi ni Chulie na tila nagdududa sya sa tunay na kulay ni Bliss. Na sa ngayon ay may maamong mukha si Bliss at malungkot ito sa sinapit ni Chris. 

(Girls are Girls, hindi maiwasang magduda sa ibang babae lalo na kung tungkol na ito sa lalakeng kinagugustuhan nila)

.

Mukhang naging maganda ang samahan nina Vera at Chulie at marahil ay tila nagkita na sila noon pang hindi pa exciled ang pamilya ni Vera. 

(dating soon to be wife si Chulie sa pamilya Simion, at ganun ding galing sa SimionClan si Vera kaya natural na marahil nagkita na sila dati---isa pa may pagka noble aura si Vera dahil sa awakened blood nito bilang RoyalVelphemis)

.

"dati yon, at isa pa pinatay ko na ang isa sa mga sumusunod samin na loyal kay Lunzon. At ang tanging dahilan ko ngayon para manatili dito ----ay si Chris."

Sumeryoso naman ito ng titig kina Chulie. At mukhang wala syang pake sa iniisip ng iba. Napahawak sya sa kanang kamay ni Chris na nakahiga sa isang fluffy bed. 

.

Napansin ito ng lahat at mukhang nakaramdam sina Lucas ng kakaibang lamig sa buong paligid, maging sina Gilbert ay parang mga inosenteng bata sa likod nina Ruby. (ha ha ha. Girls are Girls like i said).

.

Whooosss----(land opening)

.

bumukas saglit ang ibabaw nilang lupa, at bumaba mula duon si Ahri.

.

"Bliss ba pangalan mo?, hmmmfp. Simula ngayon parte kana ng grupong ito. At alam ko din na hindi ganung magsasakripisyo si Chris para sa buhay mo kung wala syang sapat na dahilan".

Tila kalmadong deklara ni Ahri na maaasahan si Bliss at dahil narin sa Effort ni Chris na iligtas sya. 

.

"ok, guys good news and bad news? "

Tanong ni Ahri sa lahat. 

.

"Bad news---".

Sabi naman ni Bliss bago pa man makapagsalita ang ilan. 

.

"ok, ang BadNews, ay hindi muna magigising si Chris sa mga susunod na lingo, tiyak akong magigising sya sa mismong araw ng pagtatapos ng GreatRaid."

Sabi ni Ahri habang napahawak sa kaliwang kamay ni Chris na tila sinuri nya ang kalagayan nito. 

(warmth reading, pulse reading, at aura reading. Makukuha na lahat duon kung alin impormasyon sa kalagayan at kung kailan magkakamalay ang taong nasa kondisyong ganun).

.

*woooh, advance medic skills----*

.

"---then yung Goodnews? "

Tanong naman ni Ruby. At mukhang inaabangan din ng lahat. 

.

"Goodnews, sa dami ng BeastCores na nakuha ko sa buong lugar ng naging labanan nina Chris. Hula kong makakakuha tayo ng halos 500,000+ na mga Spirit Stones. Or maaari ding i Convert sa Bless Stones".

Sabi ni Ahri at napalingon kay Bliss na tila nagbigay ng positive look.

.

"pero, wala akong sinabing titigil tayo sa pag hunt ng madaming BeastCores. Halatang gusto nyo rin masubukan ang makaharap ng mataas na Stage na kalaban."

Tila alam ni Ahri na gusto pa nilang masubukan ang layer na iyon at base sa pagkakaalam nila, hanggat naroon sina Ahri, Ruby at dagdag si Bliss tiyak walang Epic stage ang makakatakas sa kanilang tatlo. Lalo pa't tiyak namang kaya na nila ang mga Lesser stages na MagicalBeasts.

.

(wala bang Ancestors stage dun?!)

.

*wala na siguro naalala mo ba na halos 1000+ souls ng Ancestor stages ang kinain ng BloodyMary ni Rhian sa labanan na iyon*.

.

Naiwan si Bliss sa hideout at lumabas ang lahat para mag Hunt pa ng madaming BeastCores. 

'mukhang may tiwala saken si Ms. Ahri at Vera na iwan saken ang pagbabantay kay Chris'. 

Hindi man nya alam, pero nakaramdam sya ng mas nakakatakot na pakiramdam mula kay Ahri kesa nung kaharap nya si Gamordan. Pero sinasabi naman ng kanyang instinct na mabait ito at loyal na kaibigan. 

.

Nanatiling naka salungbaba (like-wise) na nakatitig na may maamong mukha si Bliss sa hitsura ni Chris na nasa malalim na pagkakatulog.

'ganito pala ang pakiramdam ng katahimikan at walang gulo, walang paghihirap, patayan, at higit sa lahat---'. 

May warm feeling sa kanyang dibdib, at ganun din nagpabago sa tibok ng puso nya.

'---ngayon lang ako iniligtas ng isang lalake, at ipinaramdam nya saken ang pagiging babae'. 

Namula ang pisngi ni Bliss na parang isang Anghel sa loob ng isang painting na nakatingin sa minamahal nito. 

.

Abala naman sina Ahri at nag-umpisa silang mag Lure ng madaming MagicalBeast. At may ilan na Humanoid form, at ang ilan ay natakot at nagtakbuhan.

.

Parang isang Meat Grinding machine ang grupo nina Ahri at lalong may mga mabibigat ding kalaban at kailangan pagtulungan ng dalawa o tatlo sa kanila. 

.

"wooooh!!, kakaiba talaga ang taglay ni Chris, hindi ko lubos maisip na sya ang pinaka mababa sa cultivation stage pero mas madami parin ang napatay nya ng mag-isa lang".

Sabi naman ni Lucas. At ganun ding sang-ayon ang ilan. 

.

"noon paman, naramdaman ko na may lihim syang lakas at galing sa pakikipaglaban".

Naalala naman ni Gilbert at Jake nung una nila sinubok ang lakas ni Chris. At nasalo ni Chris ang suntok na iyon. 

(early chapters he he he. Ok naman na balikan nyu kahit ilang ulit.)

.

## Hey, Mr. Editor/Commentator, yung promise mo na lilinisin at ayusin mo ang mga Early Chapters pagpasok ng Chapter 50 ##

.

*oo na Boss, basta hidden identity yung name ko----i'm mysterious---Like you*

.

-----

.

Ang pangalan ni Chris ay alam na ng ilang Powers sa Continent dahil sa evaluation ng Elders at ganun din Approved ng PurpleMoon representative na si Jegger. At lalo na mukhang pag-aagawan ang Grupo ni Chris ng ibat ibang mga Top Tier Sects sa buong HumanAlliance. At hintayin nalang nilang matapos ang WorldTournament (Human Alliance).

.

Nakatanggap naman ang bawat isa sa kanilang mga soon Graduates ng St. Cessia ng mga messages sa kanilang mga Phones. Mula ito kay Principal Johnny. At nakalagay ng Congratulations, at mga papuri dahil sa dinagsa ang St. Cessia ng madaming bisita na nagmula pa sa ibat ibang mga Powerful Families at Sects dahil sa balitang successful encounters nila sa loob ng EvilBeast Mountainous region. Na kasalukuyan sa buong history sila ang pinaka matagal na nanatiling buhay sa loob nun at bagkus naging Victorious sila sa bawat Wave ng mga MagicalBeast. 

.

Lumipas ang mga araw at ilang lingo. Na pag Hu-Hunt nila Ahri sa mga kalapit na Layers. Ay hindi sila nagpatuloy sa huling walong layers dahil nakaramdam si Ahri ng nadaming Ancestor stages na tila dumating galing sa ibat ibang Regions na kalapit sa Mountainous region na iyon. (kumbaga back up ng MagicalBeast sa kanilang mga lupain. Upang maiwasan ang total Annihilation ng lugar na iyon---parang sa mga tao din medyo Colonial at Puno ng Conquests)

.

Hawak hawak ni Hannah, ang storage ring para sa kanilang mga BeastCores. 

.

"nasa bilang na 2,905,000 Spirit stones ang halaga ng BeastCores na ating na ipon. "

Sabi ni Hannah. Na tila nanginginig pa ang mga kamay sa laki ng halagang nasa suot nyang isang storage ring. 

(grabe namang halaga yan!!! )

.

*tsk, wala yan sa yaman na taglay ng Trading Unions. At isa pa madami pang Powers sa buong mundo na may mas mataas na yaman kesa sa halaga ng mga Bless Stones. At ito ay masasabi sa mga susunod na chapters. He he he*.

.

Ganun ding napangiti ng parang hindi makapaniwala sina Box at Lucas. (parang nasa loob sila ng isang panaginip)

.

"hindi ko inakalang, magiging proud saken ang mga magulang ko----".

Hawak naman ni Box ang kanyang phone at mukhang nakatanggap sya ng papuri mula sa kanyang mga magulang at mga relatives. 

.

Hindi lang sya at mukhang kahat sa kanila ay nakatanggap din ng messages sa mga kakilala nila. Sikat na sila sa kanilang Bansa. 

.

'mukhang nabago ang takbo ng Karma sa buhay nila. At ngayon ay ginagabayan sila ng HeavensWill sa poon ng tagumpay.'

Napa isip si Ahri at lumingon ito kay Chris. Ilang ulit na nya itong kinausap sa mental connection pero hindi ito sumagot. Bilang na ang mga araw bago ang pagtatapos ng GreatRaid. At halatang pasok sila sa top 3 or top 5.

.

At sa mga sumunod na araw ay nag focus nalang sila sa pag-Cultivate. Kahit ramdam nila ang hirap sa pag sagap sa Qi-Elemental sa paligid ay hindi parin naalis sa kanilang isipan ang pagiging-Patience. 

(oo nga naman, napaka talented na nga nila dahil sa edad nilang iyong nakatungtong sila sa GrandMaster stages. At mukhang Both pa Qi at Physical). Hindi nagtagal ay nakaabot narin sina Lucas kasama sina Gilbert na makatapak sa GrandMaster stage Level1. At ito ay hindi na naging sorpresa sa lahat maliban kay Chulie at sina Bojo at Morjo. Na masasabing namangha sa taglay na talent ng mga mas bata sa kanila. (he he he. youngsters soon will surpass the Adults. Ganun din naman talaga, generation to generation. Unless nasa Deity stage kana. Tiyak yun na limit ng 1 out of a million cultivators).

.

Nagising si Chris sa naturang araw ng Assmbly at announcement ng Winners at top Raid Squads. At kasalukuyang nasa isang kwarto sya. 

.

"gising kana bro!"

Sabi ni Lucas na unang tumapik sa balikat ni Chris at nasa tabi ito ng kama. 

.

"welcome back to the living world, Brad! "

Sabi naman ni Box na may nakakalokong ngiti.

.

Ganun namang nakangiti ang ilan, at ganun din ang grupo nina Chulie. Si Bliss naman ay nasa kabilang tabi ng kama kasama sina Jane, Ruby at Vera. 

.

"mukhang nasa langit na ako----"

Tila wala sa sariling sabi ni Chris sa kanyang tanawin na may mga Diyosa sa tabi nya. 

.

Spak!! ----

.

Bumakat naman ang marka ng palad ni Ahri sa kanang pisngi ni Chris. 

.

"bumangon kana jan at tumuloy na tayo sa Assembly hall----mag uumpisa na mamaya ang pag tawag sa mga nanalo sa GreatRaid."

Halatang may gusting idagdag si Ahri sa sinabi nya---

'tandaan mo, nakatawag pansin ang ginawa mong skandalo sa EvilBeast Mountainous region---madaming naka tutok sayong Malalakas at maimpluwensyang tao---at isa pa maaaring nasa top5 tayo sa winners or, baka nasa top 20 tayo.'

Tila pinahalata ni Ahri na may mga malalakas talagang grupo na napasali sa GreatRaid. 

.

'Ganun ba, hindi ko din inaasahan, at mukhang may Deity na dumating---'

Ramdam ni Chris ang Aura ng isang Deity kahit nasa Master stage lang sya, ito ay dahil sa Vast experience at Pure Battle Instinct nya sa kanyang nakaraang buhay. 

.

Bumangon na si Chris at tumalon pababa sa kanyang kama. Ilang unat dito at duon, at maririnig ang ilang mga tunog sa kanyang katawan na parang metal na umayos sa gears. 

(ano yun terminator, gawa sa bakal ang mga bones nya).

.

Tila nasa Master stage level 3 na ang kanyang Qi, at nanatili naman sa GrandMaster stage level 3 ang kanyang Physical. (akala ko ba Peak level na sya sa GrandMaster?! )

.

*siguro yun yung total strength na nailabas nya, tila halintulad na sa peak level yung level3 nya. Ganun yun. At sa hinaharap walang makakapantay sa lakas nya sa parehong stage at levels. Maliban kay Ahri---or may mga halimaw din na talents ang hindi pa makikita sa chapters na ito*.

.

## well said guys, well said ##

.

"Ano ba talaga tunay mong Stage?, curious kami masyado bro" 

Tanong ni Box na tila hindi makapaniwalang nasa Master stage lang si Chris. At GrandMaster level 3 lang ito sa physical.

.

"he he he. Ahm. Master stage lang talaga ako at GrandMaster stage level3 ang physical ko."

Sagot naman nya na walang lihim. 

.

Lumabas na sila sa kwartong iyon at nagtungo na sila sa Assembly hall. 

.

Sa daan nakasalubong nina Chris ang mga maka Red cloaked RaidSquad.

.

"hindi ko inakalang makikita ka namin dito--- Ms. Blana".

Sabi ng tila pinaka bata sa grupong iyon, at hindi lalayo sa edad nina Chris. (20's) at sa loob ng Cloak nila ay isang fully Armored suits, na may golden tints. 

(woah ang garbo at ang yaman naman ng grupong ito)

.

"tara sa assembly hall---"

Tila patago naman si Blana sa likod ni Chris. 

.

"tara guys----".

Pero hindi nila inasahan na ang grupong may bilang ma 25 members ay humarang sa daan ni Chris. 

.

"Blana, wala ka parin bang balak kausapin ako? ". Sabi nitong lalakeng natatakpan ng Hood ang anyo sa mukha. 

.

"wala syang balak, excuse us".

Sabi ni Ahri na tila naglabas ng Aura hindi lalayo sa isang Epic stage.

.

Pero hindi ito umipekto sa grupong iyon. 

.

"mukhang sa susunod nalang kung ganon. Bilang galang sa isang expert na tulad mo Ms. "

Sabi naman ng pinaka matangkad at nasa tabi ng Batang pinuno ng grupong iyon. 

.

"hanggang sa susunod Blana".

Yumuko ito kay Blana at umiba na sila ng Daan. 

.

Sa kanilang likod nakatatak sa kanilang mga Cloak ang crest na Dual Long swords. 

.

"Bes, sino sila? "

Tanong ni Jane, dahil alam din nyang may Kakaibang background ang tunay na pamilya ni Blana. (ohhh, naalala ko hindi pa natin nakikilala yung pamilya nya pero mag-isa syang namumuhay sa City of Trock or naglayas, tumakas lang sya para mamuhay ng mag-isa).

.

"ahm. Sila ang Royal Swordsmen, mula sa Santos Main Clan na nasa bansang Necromite, kanlurang bahagi ng Kontinenteng ito---masasabi ding sila ang isa sa mga Valiant Forces sa ilalim ng BitterTree continent."

Pag-amin ni Blana, at natumpok na rin nila ang tunay na identity nya, base sa klase ng paggalang ng pinuno ng grupong iyon. (so si Blana is some kind of noble blood--- like Vera, Lanna or Ruby? ----).

.

*bagong kaalaman nanaman hatid sa inyo ni Kuya Kim. Este Mr. Dread*.

.

Napalingon si Chris sa huling member na tila may naramdaman si Chris na killing intent mula duon. 

.

Clang!!! -----(weapons collided)

.

Sa hindi inaasahang pangyayari nag salubong ang Annihilation at SilverDragon long sword ng member na iyon.

.

'Nararamdaman kong isa syang threat sa akin!, pero hindi ko naman sya kilala! ----'

Ganung agad inilabas ni Chris ang kanyang sandata para dumipensa. 

.

"Mukhang kasinungalingan lang ang tungkol sa iyo, na pumatay ng isang Epic stage physical cultivator gamit ang isang atake lang----exaggerated masyado."

Sabi ng Lalakeng ito na tila nasa edad na 25 o 26. At may Aura na nasa Epic stage. 

.

Wungggg----(heavy parting)

.

Umagwat na at inalis ang sandata ng lalakeng iyon. At bumalik ito sa kanyang grupo na hindi manlang nabahala sa ginawa nya. (parang alam nilang walang laban si Chris sa kasamahan nilang iyon. O masasabing malaki ang tiwala nila sa kakayahan nitong harapin si Chris).

.

"ipagpaumanhin ninyo, kung naging Rude si Phantem sa inyo."

Sabi ng batang pinuno ng grupo sabay talikod nito at nagpatuloy ng maglakad. 

.

Ganun ding sumunod ang iba.

.

"Mr. Chris, hanggang sa muling pagkikita, tiyak na sa Stadium Arena tayo susunod na maghaharap. "

Kalmadong sinabi ni Phantem kay Chris. 

.

Si Chris naman ay tila nanginginig ang kanyang mga kaliwang kamay na nakahawak sa Annihilation (BlackLong sword with Scarlet Coiling dragon).