31: Phantem the swift, a bit of hidden Lesson. And the Adventure to MagicalBeast lands. 

31: Phantem the swift, a bit of hidden Lesson. And the Adventure to MagicalBeast lands. 

.

.

"oh bat ka natahimik jan".

Sabi ni Ahri na tila gumising sa lahat. Nanatiling tahimik si Chris.

.

"ok ka lang ba?"

Nag aalalang sabi ni Bliss. Tila mas umaamo na ito kapag kapiling nya si Chris.

.

"---intriguing---, mukhang hindi ko na kailangan pang magtago sa mundong ito".

Kalmadong sinabi ni Chris. Pero ramdam ni Ahri ang nakatagong Killing intent mula sa sinabi ni Chris. 

.

'Sino kaba talaga sa nakaraang buhay mo, ----na maske ako, na halos pumatay ng 1,500,000+ Monarch ay hindi ko kayang magparamdam ng ganyang klaseng level ng intent'.

Hindi na ito inisip pa ni Ahri at lalong wala syang maalalang pangalan na mas nakakatakot kesa sa pangalan nya na kayang magpaluhod ng milyon milyong WorldGods. At kayang wasakin ang isang Mababang planeta sa isang galaw lang ng daliri.

(anong klaseng Stage na yun grabeh!, napakalayo hindi namin ma-reach!! )

.

## paalala: lahat ng nasa kwentong ito ay kathang isip lamang, pero kung may gusto kayong ihalintulad---- maaari din, nasa inyo na yan kung medyo halintulad sa beliefs nyo, in your religions, or political conflicts, relations, at etc etc. Maaari. Kasi karamihang nakapaloob sa kwentong ito ay base sa Kulay ng isang tao. (true colors)----##

.

*ohh, well said boss, back to the story na tayu----*.

.

"sino sya Blana?,"

Curious na lumingon si Chris kay Blana. 

.

"ah eh, kilala sya ng karamihang estudyante. Sya ang tinatawag nilang Sword Swift Phantem."

Sabi naman ni Blana. 

.

"----kilalang Girl Charmer"

Dagdag ni Gilbert na tila may pagsamba sa tono nito. 

.

"---Swordsman with style, at kilalang artista sa CrystalScreens(TV) at Fashion Model---"

Patong na Dagdag naman ni Jake. 

.

"----isa sa mga top handsome participant ng World Tournament---"

Dugtong ni Lucas. 

.

"----Dream Boy ng halos lahat ng Teen Girls, at idolo ng tulad kong Astig---"

Tila ganun ding dagdag ni Box. 

.

Nanlaki naman ang mga mata ni Chris na parang magkakasya na ang (5pesos) sa mata nya. 

.

"ganun sya kasikat?, oh well. mukhang talented lang sya kapag may Background sya."

Sabi naman ni Chris. Na tila dismaya konti sa nalaman nyang background ni Phantem. (kumbaga Makapit sa patalim yung lalake).

.

"hindi ah, alam ng lahat na nag-sasarili syang mag cultivate at lalo na kilala ang kanyang makamandag na sword intent sa murang edad nyang 18 ay nakapatay sya ng isang Peak Epic stage cultivator".

Sabi ni Blana na tila nainis sa sinabi ni Chris. (woah kilalang kilala nya ata si Phantem--- lalo na siguro yung Boss ng grupong iyon)

.

"ah ganun ba Bes. He he he. Mukhang special sya para sa iyo".

Sabi naman ni Jane na may nakakalokong ngiti. Sabay kiliti sa likod ni Blana. 

.

"huh?, ehh?, ----hindi ah"

Nahiyang umiwas sya ng tingin kay Chris. (ooops halata nga mukhang may puppy Crush dati si Blana kay Phantem)

.

-----

.

"Phantemo my broyo--- malakas ba sya-oh? I mean yung si Chris-ow"

Sabi ng tila Rap artist na kasamahan nilang may buhok na afro at payat na katawan yow. (napapa yoyow pa yung editor oh. ha ha ha)

.

*Word of the day, "yOw" ----*

.

Napatingin si Phantem sa kanyang kanang kamay-oh. 

"Oo, malakas sya".

Matipid nitong sagot-oh sa kasama-oh. 

.

Nabaling naman-oh ang pansin ng batang pinuno nila-oh. 

.

"maliban sa aken, sa tingin mo sino pa sa kanila ang malakas? "

Tanong nitong young boss nila-oh. 

(ha ha ha, oh)

.

"yung babaeng katabi nya(Bliss), at yung babaeng humarap sa aten(Ahri) YoungMaster".

Sabi naman ni Phantem. (oh youngmaster tawag nya sa lalake at ano naman kaya pangalan nito?)

.

"oh syah, alamin lahat ng info tungkol sa kanilang lahat at ilagay ang team nila sa Threat lists sa Competition. At mapag-planuhan natin ng mabuti ang magiging laban sa World Tournament".

Sabi nito kay Phantem. 

.

-----

.

Hindi nagtagal ay nag-tipon tipon na ang mga Grupo ng mga nakabalik na buhay mula sa GreatRaid.

.

Dumating ang mga Elders at pumaharap si Atroxis. at mukhang sya ang isa sa magiging Speaker sa pag Announce ng Winners at top 3 squads. 

.

"una sa lahat, -----(blah blah blah) ---- at ngayon (blah blah blah). Tiyak akong excited na kayong malaman ang mga Top 3 Squad teams!!"

Mahabang speech at sa huling parte ay gumising sa loob ng mga nasa loob ng Assembly hall. May bilang na 250,000+ Squad (alive) participants.

(pasensya na hindi daw kasi sanay sa Mahahabang Speeches si Mr. Dread)

.

"ang 3rd team na nanalo ay ang BlueLancers mula sa bansang Serenity ng BlueTide continent----"

Agad namang naging usapin ang tungkol sa grupong iyon. 

.

19 member group na may mga blue cape at Bluish Armored suits, masasabing member sila ng isang Top Sect. At may mga noble air sa kanilang bawat galaw. (mga mayaman na pretty boys, pero may taglay na lakas na tila hindi magigiba)

.

"teka sila yung mga kilalang Water elemental Experts, natural na makakaangat sila sa top3---"

.

"oh my G!! ---- ang gwapo nila!!!"

Sigawan ng ilang Girls. 

.

Ahem natahimik na ang ilan ng magsasalita na ang ikalawang Elder.

.

"----ang 2nd team na nanalo Ay ang team Tyresians!, ng Desert plains ng bansang Benzoar ng DarkinBlaze continent---".

Naglalaman naman ng intent ang pagkakasabi ng elder. Halatang may distaste sya sa pagkakatawag sa continent na ito. (you'll understand sooner guys)

.

Mga 15 member group na may mga Black Cloaks at hindi malaman ang kanilang mga anyo. Pero halata sa kanilang panloob na kasuotan ang mga top tier Battle Armored Suits na gawa sa itim na metal at itim na ores. (another expensive and rich group). Hindi maaalis sa paningin ng bawat isa ang seryosong aura at tila instinctive threats mula sa grupong ito. May mga FlameHounds silang kasama (pets or contracted beasts).

.

"ohh, sila yung nagmula sa pinaka delikadong Continent at maaaring halintulad sa Central ContinentalPowers--- tsk.".

Sabi naman ng YoungMaster ng grupo ni Phantem. Naglalaman parin ito ng Pride at Brave aura sa bawat salita. (provoking one, parang may kapareho lang ito)

.

At maging si Phantem ay nakaramdam ng instinctive threat mula sa grupong Tyresians.

.

Pumaharap na ang dalawang grupo sa stage. Para mabigyan sila ng spotlight sa madaming tao. (yeah, pics here pics there----unlimited MemoryStorage mga Crystal Hologram nila. ha ha ha)

.

Natahimik ang ilan sa pag tungo ng grupong iyon sa stage. 

.

"---ok ang Champion team sa GreatRaid, ---- ay walang iba kundi ang ---- BloodMoon team ng Bansang Coryet ng PurpleMoon continent".

.

Isang grupo na may bilang na 5, at nakasuot ng Bloody colored Caped outfits, at tila may konting armored parts. At ang pinaka aabangan sa grupong ito---- lahat sila ay mga Babae, na hindi layong nasa edad na 20-25, mga fresh graduates or Top tier Sect inner members. (woah ang hot nila, pero ahem ahem. May aura sila na tila katulad lang kay Bliss, Ruby at Ahri. I sense ---threats of inferiority).

.

* ha ha ha. Tama. And again--- Girls are Girls*.

.

"woah!!, mga Dyosa"----

.

"teka sila ba yung kabilang sa mga nanalo sa National Tournament dun sa Coryet?! "

.

"mukhang sila nga yung sasali din sa WorldTournament!!--- at magkakalaban ang mga team ng bawat bansa sa loob ng PurpleMoon continent, aabangan ko ito yieeee!!! ".

.

Madaming Picture dito picture dun sa simula palang ng pag-Announce sa top 3 winners ng GreatRaid. Ang ilan naman ay kuha AuraContacts here at Aura contacts there. (parang #lang ng phone kaso, ang i-se-save ay ang Aura ng naturang tao. Na gusto mong i-contact)

.

"ok---sila lang ang mga team na halos umabot sa 1,000,000+ Spirit stones, na halaga ng mga BeastCores."

Dagdag na sinabi ng Elder announcer.

(ehhh?, parang may mali---hindi ko lang maituro kung saan)

.

*tama parang may mali talaga, hindi ko din maituro kung saan. ha ha ha*

.

May dalawang Elder na babae ang bumaba mula sa kaitaasan na parang dalawang Fairies na may maamong Aura at ganun ding hindi lalayo sa 25 ang edad nila (pero sa katunayan baka 300+ years old na sila dulot na ito ng pag-cultivate nila)

.

*no need beauty products para gumanda ha ha ha. Mag Meditate nalang kayo at mag exercise or mag gym. parang ganun na din yun, more sweat more beauty----*

.

Akmang magsasalita si Box pero pinigilan sya ni Lucas. Dahil alam nilang sobra sobra pa ang kanilang naipong halaga ng BeastCores. 

.

'bakit hindi kami natawag sa top3?, ok sana kung nasa top 5 din kami.'

Inisip ni Lucas na tila may hindi sinasabi si Chris. 

.

Ganun namang nakayuko si Hannah, dahil napalingon sina Gilbert sa kanya. Sya kasi ang nakahawak ng storage ring ng mga BeastCores. Pero tila sinabihan na sya nina Chris at Ahri kamakailan. At parte ito sa plano. 

.

"susunod ay ang nasa top 5 at ang ikaapat na team ay SwordGlazed team ng Santos Clan, ng BitterTree continent. 

Sabi ng Elder at lumingon sya sa Papalapit sa stage na team na may bilang na 25 members. Sila yung mga nakasalubong nina Chris. 

.

Mga teens nga naman na audience ay hindi maiwasang kumuha ng pictures. Sa anyo ng team na ito. 

.

(mga kilalang teams sa ibat ibang dako ng mundo. At mukhang fresh Grads at mga mag G-Graduate palang ang karamihang kasali sa GreatRaid na ito).

.

*eh panu na yung mga Ancestor stages na napasali dun?, *

.

"Ok ----ang ikalimang grupo ay ang Team Azansia---ng bansang Garuda ng SparrowSong continent".

May 15 members group, at mga tila Native style Outfits (indian style) at may mga ores na baluti sa kanilang suot. 

At agaw pansin ang mga SabreWolfs na kanilang mga Contracted beasts, at isang BloodyFeatheredCrow na nasa balikat ng inosenteng babae. (age 19), at may taglay na natural beauty. 

.

* i like that girl----hindi sya maputi pero --- i like her more*

.

Exclamations at Amazed ang karamihan dahil ang aura ng Babaeng iyon ay nasa Epic Stage na. 

.

'May heavenly Veins sya, at mukhang biniyayaan din sya ng Searing eyes'. 

Sa isipan ni Ahri. At isang pakiramdam lang nya ay alam na ang taglay nitong Cultivation Stats. Pero hindi parin nya malaman ang taglay ni Chris. 

(thats---- too hidden, well--- secrets)

.

Mas lalong nagbago ang hitsura nina Lucas at Box. Na tila hindi na nila alam kung magsasalita na ba sila o hahayaan nalang na mawala ang kanilang premyo.

(ha ha ha inip na inip na sila)

.

"guys huminahon lang, hayaan nyong matapos ang Announcement--- at sasabihin ko ang plano".

Sabi ni Chris na may kalmadong tono. 

.

Natahimik nalang at huminga sila ng malalim. 

.

Lumipas ang ilang sandali ay na Announce na ang 15 teams na may makukuhang premyo at wala duon ang team nina Chris.

.

Ng matapos na ang lahat ay, uwian na at konting salo-salo ang naganap sa Assembly hall. 

.

Tinawag nina Ahri ang lahat habang si Chris ay nauna na sa labas at naghihintay duon. 

.

"oh, bro bakit hindi tayo natawag sa mga nanalo, eh halos 1,300,000+ Spirit stone ang halaga ng BeastCores natin ah."

Sabi ni Gilbert. At sang-ayon ang lahat maging sina Chulie ay naguguluhan din. 

.

"he he he. Hannah, sabihin mo sa kanila kung ilan talaga ang nahakot natin."

Sabi ni Chris kay Hannah. 

.

"total of 2,005,000+ halaga ng Spirit Stones ang nahakot nating BeastCores".

Sabi agad ni Hannah. Agad namang napa tulala ang lahat sa halagang sinabi nito. 

.

"p-pero!!! ----".

Natigil si Jake ng magsalita si Chris. 

.

"ipinakita ko lang ang 100,000 Spirit stones na halagang BeastCores sa Elders".

Sabi ni Chris na tila nasa plano nya ito. Lumingon sya kay Bliss at Ruby. 

.

"dahil sa kadahilanan na masyado tayong maka-attract ng panganib mula sa malalakas na Competitors."

Paliwanag ni Ruby. 

.

"at dahil narin sa wala tayong High Background at malakas na Backer sa ngayon."

Dagdag ni Bliss na tila pinag usapan na nila ito kanina lang. 

.

"so pano na yan, nakuha na nila ang Rewards----ooops, teka---"

Tila may sumagi sa isipan nina Lucas at Box. At ganun ding na gets ng ilan. 

.

"he he he. Mukhang na Gets nyo, sino gustong sumama sa malalayong lugar at makapag pasyal sa lupain ng MagicalBeasts".

Sabi ni Chris. At ganun namang na excite ang lahat sa sandaling iyon. 

.

*na gets ko na din ibig sabihin ni Chris!!, ha ha ha astig, walang kwenta yung Rewards na ibibigay ng Elders. Nagbigay ito ng lesson sa grupo nila. Na kaya nilang humakot ng Yaman sa pamamagitan ng sariling kakayahan. At isa pa buong grupo na sila. At mas madami pa silang mahahakot sa labas ng Forbidden walls*.

.

(ang daya mo, inunahan mo ako dun ah)

.

Una ay dumiretso sila sa pinakamalapit na Syudad upang ipagpalit ang BeastCores sa isang Maasahang Core shop, at plano nilang mamili ng Mga Magical Herbs na kakailanganin ni Chris para sa paggawa nya ng Pills, para sa kanilang Paglalakbay. at ganun ding bumili sila ng Rations, at ilang storage rings.

.

Ganun ding Pumasok si Chris at Bliss sa Dragon Pavilion na branch ng isa sa pinakamalaking Trading Union. Binilhan nya ito ng bagong Outfit at ilang gamit na gusto nito na pasok naman sa budget ni Chris. (personal Gifts!!! ---- i sense something).

.

Sina Ahri kasama ang ilang Girls ay nagtungo sa City Markets para mamili ng kanilang gusto base sa pinaghatian nilang yaman sa BeastCores. (woah nai-convert na nila sa Spirit stones tiyak madami silang mabibili dun)

.

Habang sina Lucas at Box ay namasyal lang at bumili ng mga dadalhing Wines, Beers, Ibat ibang maiinom at makakain sa paglalakbay. (ginawa na nilang picnic yung paglalakbay nila na mag hunt).

.

Nag-paalam naman sina Chulie sa bandang iyon para bumalik sa kanilang Bansa. At nag-iwan sila ng Contacts sa grupo nina Chris. 

.

"sigurado ba kayong hindi na kayo sasama? ".

Tila reluctant konti si Vera sa pag-alis ni Chulie. (may bond na kasi sila, syempre mahirap mawalay kaagad diba)

.

"Ms. Vera, dibale mag ch-chat ako kapag nakabalik na kami. Balitaan mo nalang ako sa mga napasyal nyong mga lugar pasama narin ang mga pics. Ganun din ako at mag papadala din ako ng pics".

Sabi ni Chulie kay Vera. Ganun namang nagpaalam sina Morjo at Bojo kina Lucas at Box. Tila may mga pagkakapareha ang apat na mg iyon. 

.

Hapon ng makaalis sina Chulie, at ganun namang naghanap ng Hotel na matutuluyan sina Chris