62: The Changes of Seasons. 

62: The Changes of Seasons. 

.

.

Nagsi-alisan na ang mga HumanAlliance leaders at nag-paiwan ang grupo ni Bianca dahil narin sa request ng HeadMaster ng HumanAlliance.

.

Nagtungo sila sa terrace area ng Meeting room. 

.

"Ms. Bianca, alam kong kararating mo lang galing sa isang Sealed Dimension space tama ba? "

Hula naman ng babaeng HeadMaster.

.

Ganun nga at ngumiti si Bianca.

"oo, hindi lang ito Dimension. Isa itong Realm na naka konekta sa mundong ito"

Sabi naman ni Bianca. Halatang mas matanda si Bianca kesa kay HeadMaster. 

.

Huminga ng malalim ang HeadMaster at lumingon kay Bianca.

"Ms. Bianca, maaari mo bang ikwento o ilarawan saken ang mundo noong panahon ninyo dito sa mundo?"

.

At nag umpisang ikwento ni Bianca lahat ng mga gustong malaman ng HeadMaster patungkol sa kaganapan noong 100,000 yrs ago. 

.

-----

.

Matapos ibahagi lahat ng mga nalalaman ni Bianca patungkol sa nakaraan ay binigyan nya ng isang kahon kagaya ng mga natanggap nina Jegger at Sully sa kanya. 

.

Napatulala naman ang HeadMaster.

'S-Saan nya nakuha mga ito!?, masasabing kaya nitong pabilisin ang pag Qi-gathering ng Saint stage. ----At ganun ding malakas pa bisa nito sa High levels ng SageSaint stage, 10 times mas mabisa kesa Soul stones.'

Nakaramdam sya ng greed pero ng maalala nya ang mga naikwento ni Bianca na sa panahon nila merong isang Dragonian ang nakatapak sa tinatawag na Tyrant stage. Or susunod na stage sa SageSaint stage. 

.

(matagal pa ma-eexplain yung stage na iyon)

.

*yah pabanggit banggit nalang muna sa ngayon guys. he he he. Dagdag hints*

.

-----

.

Lumabas na si Bianca sa Floating Fortress at naghihintay ang isang matandang lalake sa labasan ng membrane. Ito yung lalakeng loyal sa DragonNest at masasabing dating humahawak sa pwesto bilang Lesser-Representative ng DragonNest continent.

.

"ibigay sa kanya ang kanyang reward".

Utos ni Bianca sa dalawang kasama nito. 

.

"opo kamahalan".

Yumuko sila at lumapit sa matandang Saint stage expert.

.

Naglabas sila ng isang kahon na kagaya ng ibinigay ni Bianca sa HeadMaster.

.

At isang DragonianClan Robe at may Crest na ScarletDragon sa likod. Halatang kasing tibay ito ng mga Battle outfit garments. 

.

Yumuko ng todo ang matandang lalake sa kanyang natanggap, at ganun nga ay hindi mapigilan ang luha sa mga mata nito. Natural ang ganitong reactions sa mga nakatira sa DragonNest. Masasabing ito ang lugar ng mahihirap, at mahina sa Cultivation resources. At ngayong dumating ang DragonianClan sa dati nitong lupain, tiyak babalik sa dating sigla ang DragonNest continent.

.

(the Awakening of Sleeping Giant)

.

*woooh, babangon din ang DragonNest sa kahirapan!!, one of the Ancient powerful continent!!*

.

-----

.

Napansin ito ni Bianca, at tila kayang bumasa ang mga mata nya ng puso ng isang tao. 

"nabasa ko ang puso mo, masasabing tapat ka sa katungkulan mo--- nasa iyo kung gusto mong sumama saken sa DragonianSect, mas makakatulong ka sa Ating mga kababayan".

Sabi ni Bianca sa matandang lalakeng ito. Naglalaman ng sincere at confidence sa bawat salita nito.

.

Tila naintindihan naman agad ng matandang ito ang ibig sabihin ni Bianca. Ang plano nyang gawing Sect Elder ang matandang iyon. At kapansin pansin na gustong palakasin ni Bianca ang morale ng buong DragonNest sa madaling panahon.

.

-----

.

Sa isang Pocket Dimension sa ilalim ng RoyalDungeon. Kung saan may malawak na Dimensional Space at naglalaman ng Arena sa loob.

.

Mas madaming tao dito kumpara sa Central District. At dito makikita mga Bigating DeathRow listers, na nagmula pa sa ibat ibang Dungeon grounds. 

.

Narito sina Rebecca, Joan at Megan. Sa front row ng Arena. Sila din ang batas sa Trinity Dungeon grounds.

.

Ang West, Central(Royal) at Eastern Dungeon ground ay masasabing nasa bilang na 500,000+ ang mga nakakulong sa kabuoang Trinity Dungeon. At hindi tiyak ang mga bilang ng napupunta sa DeathRow lists dahil sa weekly deaths mula sa loob ng DuelPlatform.

.

(nakakatakot naman yan, kahit sabihin mong restricted sila sa paggamit ng Qi, ---yung madaming bilang ng mga preso mismo, ang nakakatakot----)

.

*bro think about the bright side, ang PurpleMoon continent ang tinatawag na semi-sexist continent, dahil mas madami nga naman kasi ang bilang ng kababaihan kesa sa mga lalake. It means----these Dungeons are heaven for real men bro. Tapos halatang si idol ang magiging Hari ng Selda pag sumikat sya sa Underground District ---wohooo!!!*

.

-----

.

May mga nag-ch-cheer sa ilang VIP seats. At mukhang mga Nobles, etc etc in short Rich People's, na kayang magbayad sa tatlong Dungeon Chiefs ng Bless stones makapasok lang duon at makapanood ng laban. 

.

Masasabi ding Tight lipped ang mga napipiling makakapasok na outsider duon sa underground district.

.

"sigh, i miss the days, kung saan tuloy ang panalo ni Liza, kaso natigil ito ng mamatay ang kanyang alaga----sana hindi ito matulad kay Chris, ngayon pa namang malapit na si Liza sa kanya".

Sabi naman ni Rebecca kay Megan. 

.

"oh, so you mean lalong hindi na papasok pa sa DuelPlatform si Liza kung mamatay si Chris sa loob ng DuelPlatform. Naks naman siguro may dahilan lang sya kaya hindi na sya lumalaban, maaaring natakot sya sa mga nasa top 100 sa list noon".

Sabi naman ni Joan. At ganung bumaling ang pansin nito sa dako ni Liza, kung saan hindi nya kasama si Chris sa mga sandaling iyon. 

.

(hindi pa siguro required kay Chris na makapasok sa Underground district hanggat hindi ito approved nina Megan)

.

Natapos ang huling match sa loob ng DuelPlatform.

.

"oh, mukhang ako naman".

Tumayo si Liza at, ganung pumasok sa loob ng DuelPlatform.

.

At agad ikinagulat nina Megan.

.

Ang kaharap ni Liza ay isang babae na short brownhair. At medyo may kalakihan ang muscle.

.

Nag unat unat saglit si Liza. At biglang mapapansin ang mabagsik na intent sa kanyang titig. 

.

Tang!! ---(2x bell)

.

Whhoopp---(heavy fast movement)

.

Naunang Lumusob ang kanyang kalaban, at isang high kick ang agad binitawan ni Liza, na agad namang nasalo ng kalaban nito. Pero. 

.

Crack!! ------(broken bone)

.

Agad napa-atras ang kalaban ni Liza dahil sa nabali nitong kanang kamay. Halos labas na ang nabali nitong buto sa hiwa ng laman. 

"i Concede----".

Sabi ng kalaban ni Liza. 

.

At ganun nga ay nabuhay ang sigawan sa mga manonood, ganun namang madami ang natuwa sa VIP seats sa pagkapanalo ni Liza. Hindi nila inakala na papasok si Liza sa DuelPlatform.

.

"ang sipa ni Liza, ngayon ko lang ito nakita".

Sabi ni Joan. At bumaling ang tingin nila ni Rebecca kay Megan. 

.

"ako din----ngayon ko lang nakitang sumipa ng ganon si Liza. Pero pamilyar ang sipang iyon----kung hindi ako nagkakamali si Chris, ang original ng MartialDao na ginamit ni Liza."

.

At ganun ding hindi na tinuluyan ni Liza ang kanyang kalaban. Mapapansing may Awa pa ito hindi gaya ng iba. 

.

Pero------

.

Bago pa man makalabas si Liza sa DuelPlatform ay, meron agad pumalit sa pwesto ng kalaban nito. Isang Lalake na may Tahi-tahi sa mukha. 

.

Swwooosshhh!! (Fast attack)

.

'tiyak akong tataas ang ranking ko at makakaiwas ako sa deathrow!! '

Isang killing attack na gamit nito ang kanyang kanang kamay. 

.

Zuuuugggg!! ----(fast heavy hit)

.

Hindi na nakalapit pa ang atake ng kanyang kalaban. Dahil naunang dumikit sa kanyang dibdib ang sipa ni Liza. 

.

Tahimik ang mga nanonood sa mga sandaling iyon. 

.

Ganun ding hindi umimik sina Megan. Labag sa rule ang pagpasok at umatake ng walang Bell. 

.

Pero, ibang usapan kung si Liza ay nasa self defense mode. 

.

Nakaramdam naman si Liza ng Malamig na pawis sa kanyang likod. At ganun ding nakaramdam sya ng takot. 

'---kung hindi ko naalala ang nakita kong moves ni Chris, tiyak patay na ako sa atakeng iyon ng Tarantadong ito---'. 

.

Tila malaking pasasalamat naman ni Liza kay Chris, dahil kinopya nya ang mga galawan nito, kahit sabihing hindi sa essence o kahit sa Form lang.

.

Sumuka ng dugo ang kalaban, at ganun ding tumigil na sa pagtibok ang puso nito. 

.

Agad namang pinalibutan si Liza ng guards.

.

"hep hep hep, guys let her be."

Sigaw na utos naman ni Megan sa guards. At agad naman silang tumabi para makadaan si Liza palabas ng DuelPlatform.

.

Ganun nga ay hindi na plano pang manatili duon si Liza, alam nyang mas dadami ang maiinis sa kanya.

.

(haters gonna hate, ganun din naman kay Idol)

.

*yah may pagkakapareho sila ni Idol, medyo gothic lang kasi si Liza. or tibo nga talaga, kasi walang epekto yung Kamandag ni Idol eh. *.

.

-----

.

Lumipas ang mga araw at bawat laban ni Chris sa loob ng CentralDistrict ay hindi lalagpas sa 1minute. 

.

*WinterNights: holiday celebration nila na parang Christmas kaso, 5days holiday na may ibat ibang meaning, first day ay Couples day, second day ay ang Heroes day, ang third day ay Gifts day, fourth day ay ang HotChoco day kung saan patron Divine ang PlanetBucks sa pagbibigay ng libreng HotChoco, mga ibat ibang uri ng chocolates mapa hugis, anyo, laki at lasa----sa lahat ng branches nito----maaaring entire galaxy, Universe---mga erses, cosmoses, realms at sa... Basta yun----at ang fifth day ay ang Girls rule day---*

.

(sexist day yung 5th day guys, kung saan mga babae ang may mas lamang na karapatan sa lahat ng bagay mapa bilihin man or ----basta lahat)

.

## i feel your grief my apprentice ##

.

-----

.

Araw ng WinterNights festival at nagdiwang si Chris kasama si Denz sa Guest area ng mga visitors.

.

Pa konti konti ang pag ulan ng nyebe, pero ang mga araw na ito ay medyo lumamig pa ang klima. 

.

"inom lang bro, he he he. Ang dami mong dinalang handa ah".

Sabi ni Chris at may hawak na CelestialWine, isa sa mga patok na Sosyal na wine sa PurpleMoon continent. Nagkakahalaga ito ng 2bless stones ang isang 270ml. 

.

"sus, Bro magdiwang tayo tutal malapit kana lumabas, diba?".

Tanong naman ni Denz.

.

"hindi pa sigurado bro, he he he pero tiyak hindi tatagal ng isa pang buwan"

Nakaramdam ng pagdududa si Chris sa hinihintay nyang balita kay Megan. 

.

Tinawag na ni Chris si Liza at ipinakilala nya ito kay Denz. At maging si Megan ay inimbita di ni Chris. Dalawang araw at dalawang gabi lamang ang ibinigay na holiday visitation kay Chris. 

.

Si Anna naman ay nag-enjoy mag-isa sa mga street parades, street performances, mga bentahan sa tabi-tabi, mga ibat ibang pagkain, hindi sya nag-sawa sa mga araw at gabi ng WinterNights holiday. At lalo na sa 4th at 5th days kung saan greedy sya sa pagbili ng chocolates, tulad ng white tower choco, kitten statue of choco, choco gems and imitated artifacts, choco shakes, milky-choco, etc etc.

'mag uuwi ako ng madami---para kina ate!, yipeee!!'

.

-----

.

Malakas ang buhos ng nyebe sa DragonianSect.

.

Nagkaroon ng National meeting sa DragonNest, sa mga country leaders at maging country representatives ay ipinatawag ni Bianca sa kanyang DragonianSect, 8 miles lang ang layo nito mula sa DragonianFortress.

.

Sa unang pagkikita ni Bianca at ng mga Country leaders na ito, ay lubos na napansin nya ang kahinaan at kawalan ng resources sa bawat isa sa mga pinuno. 

'mukhang, napakalaki ang nawala sa mamamayan ng lupaing ito'. 

Naglalaman ng galit at lungkot ang nabuo sa puso at isipan ni Bianca, dahil sa mga labanan noong panahon ng kanyang mga magulang. 

.

Katabi ni Bianca ang matandang Elder na syang una nyang pinili.

"mahal na reyna, ipagpaumanhin ninyo dahil, ang mga Mining sites sa DragonNest ay inagaw ng ilang kampo sa DarkinBlaze continent".

Yumuko ang elder na ito kay Bianca, na may bahid ng kawalan ng kakayahan at lungkot. 

.

Ganun namang umapoy ang galit ni Bianca pero hindi nya ito ipinakita sa kanyang anyo. 

"Elder Gru, maaari mo bang ituro sa Amin kung nasaan ang mga mining sites----at ako na bahala sa mga grupong iyan".

Sabi ni Bianca na naglalaman ng matinding galit. 

.

At ganun nga ay itinuro ni Gru sa mapa ang mga mining sites sa DragonNest.

.

At nasa malapit ito ng boundary ng DarkinBlaze at DragonNest.

.

"Girls, i command you by the Code of Fire------"

Utos ni Bianca sa 200 peak Saint stage na kanyang mga alagad. 

.

"Masusunod ma'am"

Agad naglitawan ang 200 na mga babaeng may suot na mga fully DragonSet battle outfit.

.

Ganun nga at namangha ang mga ibat ibang leaders sa loob ng DragonNest continent.

.

-----

.

Si Bliss at Ahri ay kasalukuyang kasama si Rhian sa DemonSpiritualist alliance. Laking gulat nila dahil, may mga tao din pala sa lupaing iyon. At nalaman nila na ang DemonSpiritualist ay mga dating tao---- mistulang kagagawan ito ng mga tinatawag nilang SpiritualCores na nagmumula sa mga SpiritWells na nasa central continent ng DemonSpiritualist alliance.

.

Malakas ang pagbuhos ng nyebe sa labas ng PlanetBucks, branch ito sa syudad ng Blinkia, sa bansang Lored sa Central continent ng DemonSpiritualist.

.

"ang lawak ng lupain ninyo, at sinabi mong may mga bansa pa sa ibat ibang isla sa eastern area?".

Sabi naman ni Bliss at ganun nga namangha sya sa lawak ng powers structure ng DemonSpiritualist.

.

"yah, at ipapasyal ko kayo sa mga lugar na iyon, maganda scenery sa mga lugar na iyon".

Sabi naman ni Rhian. Napansin nyang hindi ganung na sorpresa si Ahri dahil tulala ito sa kawalan. 

"----Ahri, may iniisp ka? "

.

Yun nga at parang nagising si Ahri sa kalagitnaan ng kanyang imagination. 

"ah eh, iniisip ko kung kamusta na si Chris, nabalitaan ko kasi kay Denz na nakulong sya".

.

Ganun ding nag-alala si Bliss ng marinig nya ang balitang iyon. 

.

Ang DemonSpiritualist alliance ay may 8 continents. Lamang ito sa lupain kesa sa mga tao. Pero mas malawak ng 1,000 times ang unknown lands sa norteng bitak na lupain.

.

(my mind can't process all the ancient ruins and cities lying in wait, para sa mga makakatuklas sa kanila)

.

*Bro eh pano yan, si Boss nga Advance agad eh, nabanggit nya saten yung tungkol sa mga planeta na mas malaki pa sa mundong iyan*.

.

## spoiled na readers, nag bibigay kayo lagi ng hints. Pero ok na din para atleast may magpapaalala sa kanila----the world is not alone---##

.

-----

.

At matapos ang mga araw na iyon ay, nasabi din ni Megan kay Chris ang totoo tungkol sa 5yr na pagkakulong nito. hindi naman umalma si Chris at tinanggap agad ang sinabi nya. 

.

Central District rankings. 

.

Nagkaroon si Chris ng undefeatable record na 128 wins at zero loses sa loob ng 10 months, Ang kanyang kakaibang MartialDao ay tinawag na DanceOfDeath.

.

Hindi muna inisip ni Chris ang pumasok sa Underground at nagpalipas sya ng mga freetime sa kanyang intermediate trainings.

.

Nakausap nya si Denz sa araw ng scheduled visit at matagak itong hindi bumisita kay Chris. (9 months no visit)

.

"Bro, 5 years?, mag iisang taon ka na dito!----pero, tila hindi ka naman na bored."

Sabi ni Denz at may dala itong pagkain ni Chris. 

.

"yah, musta naman mga balita sa labas?, nagawa mo na ba sinabi ko?, may pagbabago ba?, sino nanalo sa tournament?".

Tanong naman ni Chris kay Denz. 

.

"sigh, panalo nanaman ang team BloodMoon, napaka OP nila kahit hindi nila ka-stage si Mocci. Tiyak wala syang laban sa kapitan ng grupong iyon bro. ----masasabing kalapit mo sya sa overall stats, tungkol naman sa request mo bro, yuph nagawa ko, mukhang hindi nagalit si tito mo sa balita ng iyong pagkakulong----natawa sya, nabanggit nya yung, ----ano na ngaba yun?,,, ----ah oo yung anak ng Student nya. he he he. Dito din daw kasi nakulong at baka makilala mo sya dito".

Sabi naman ni Denz na may Amazement sa boses nito. 

.

"ooohh, mukhang kakaiba mga babae sa PurpleMoon continent. he he he. Maske dito sa loob, may mga ilan na tiyak akong halimaw kapag naibalik sa kanila ang mga Cultivation rights nila. At tungkol naman sa anak ng student nya, tsk tsk tsk. Bro this Dungeons are full of Girls!!, halos malito ako kung sino si ganito at sino si Ganern!!, halos lahat dito mapuputi, maganda, chinita yung ilan, morena yung ilan etc etc. Nakaka stressed makakita ng maganda bro!! ".

Sabi naman ni Chris, na tila tinutukoy nito ang mga ilang nasa paligid nila. Sa mga tables kung saan meron ding mga bisita ang mga nasa DeathRow lists na mga babae. 

.

Napalunok si Denz, ramdam nya ang pinagdadaanan ni Chris. 

.

(gusto kong makulong ngayon din)

.

*bro ha ha ha. Iba sa mundo natin sa lugar na iyan---goodluck nalang sa selda kung sakaling makulong ka*

.

## ha ha ha. Not-Funny ##

.

-----

.

Huminahon muna si Chris at Denz. Bagi nila ipinagpatuloy ang pag-uusap. 

.

"about sa DragonNest naman bro, may bagong Sect na ipinatayo duon last WinterNights holidays, at mukhang unti unti namang nagkakaroon ng sigla ang mga Bansa sa continent. Maging ako ay pinapatawag ng aming master sumunod na buwan pagkatapos ng WinterNights, na bumalik para mabigyan ng reward mula sa reyna----pero naisip ko baka lalabas kana sa mga araw ding iyon"

Tila proud at may intense excitement sa mga mata ni Denz, at nalaman narin nya na ang kanilang DragonNest ay hindi na kailanman masasabing mahina at nasa pinakababa ng rankings. 

.

"oh, malaking balita yan ah".

Ganun ding nagulat si Chris dahil tiyak syang alam nya na mahirap ibangon ang ganung Continente unless, may pangyayaring hindi nya naantabayanan. 

'---plano ko pa naman sanang tulungan ang bayan ni Denz na umangat sa power, pero mukhang hindi na kailangan at may pagbabago sa plano namin'. 

.

Nag isip saglit si Chris at hindi na nya naririnig si Denz na nagsasalita. 

"---Bro, payag ka? ".

.

"ehh, you mean pumasok tayo sa Dragonian Sect? ----pwede, apat na taon pa bago ako makalabas".

Sabi naman ni Chris at mukhang naka isip na sya ng plano. 

"---he he he. Unless matutulungan mo ako sa isang bagay Bro."

Sabi naman ni Chris. 

.

"kahit ano pa yan bro, sabihin mo lang"

Tatag dibdib namang sinabi ni Denz kay Chris. 

.

(sworn brothers are Blood Loyal to one another)

.

*sana ganito din sa mga tao sa mundong earth, walang traydoran, walang back-stabber, at higit sa lahat wooden na wooden hindi plastic*.

.

(bakit wooden bro? )

.

*kasi, ang kahoy, magagamit sa madaming paraan. Kung isa sa kanila plastic---nako hindi talaga magtatagal ang samahan nila*.

.

-----

.

"ok, ganito lang yan. Hintayin mo ako saglit----"

Tumayo si Chris at Lumapit sa isang babaeng guard.

.

Napansin ni Denz na tila ng fl-flirt si Chris at agad namang mahahalatang nasisilo ang guard na babaeng iyon. 

.

Hindi nagtagal ay umalis ang guard na babae na nakayuko ay halatang kinilig. At bumalik naman si Chris sa lamesa nila ni Denz.

.

"bro ano sinabi mo?"

Curious naman si Denz sa pinag-usapan ng dalawa. 

.

"Flirt bro, kailangan ko makuha ang storage ring ko, may ibibigay ako sayo na bagay---at dalhin mo ito sa reyna ng DragonNest".

Ngiti naman ni Chris na tila na-calculate nya ang mangyayari. 

.

Hindi nagtagal ay dumating ang guard na babae at kasama nito si Megan. Na agad namang nagpa-asim konti sa ngiti ni Chris. 

.

(danger!! ----danger!!! Idol mukhang nagsumbong yung na-Flirty wordy mong Girl!! )

.

*i sense selos-----*

.

Ganun nga at seryoso ang mukha ni Megan at naupo sa isang silya sa lamesa nina Chris.

.

"hi, i'm Megan, Central Dungeon Chief".

Nakipag kamay naman si Megan kay Denz. 

.

"hello, i'm Denz. Ahm--- Turing kong kapatid si Chris".

Pagpapakilala naman ni Denz kay Megan.

.

Bumaling ang tingin ni Megan kay Chris at sa guard na babae. 

.

"he he he. Nalaman ko ang gusto mo Chris, kaya ako na mismo mag-aabot sayo ng storage ring mo, pero ipangako mo na hindi mo sasabihin sa iba ang ginawa ko ah."

Bulong ni Megan malapit sa kanang tenga ni Chris. 

.

"ahm, sure----"

Sabi naman ni Chris, at napansin nya ang nakakalokong ngiti ni Denz, na tila kayamanan naman ito sa ibang nakakilala sa kanya. 

.

(means, bihirang ngumiti si Denz sa kanyang mga kakilala, maliban kung kasama nya si Chris)

.

'kakaiba talaga si Bro, mukhang nakalunok sya ng Heavenly-Girl magnet pill sa kung saan-saan lang'. 

Sa isipan naman ni Denz. At pilit na hindi tumawa sa lamang humor nito. 

.

Agad namang inilabas ni Chris ang isang bagay, kahit nasa tabi si Megan at yung babaeng guard. 

.

Isang red stone. Walang halong aura, walang halong energy----just a stone. 

.

"eh?, ano ito bro? "

Tinanggap naman ni Denz ang batong iyon na kasing laki lang ng kamao nya. 

.

"ibigay mo iyan sa Reyna ng DragonNest"

Hindi na palihim si Chris, at direkta nyang sinabi kay Denz kahit naroon si Megan at yung babaeng guard. 

.

Natulala naman si Megan na parang gusto nyang buksan ang isipan ni Chris at malaman nya lahat ng nakatagong lihim nito. 

.

"ehh?, sige bro, gagawin ko, aabutin ako ng 2 buwan bago ko ito maibigay sa kanya".

Sabi naman ni Denz at may sincerity ss boses nito.

.

"Bro, pano na sa ticket mo?, ----"

Akmang maglalabas si Chris ng Bless stones ng bigla syang pinigilan ni Denz.

.

"Bro, ako na bahala, he he he. Lately nanalo ako sa OnlineTournament, kaya surely sakto ang pambili ng ticket sa Aerial transport ".

Sabi naman ni Denz kay Chris.

.

"oh, mahilig ka din pala sa mga ganung bagay, oh sige. Maghihintay ako sa balita mo. At maaari ka ng maunang pumasok bilang memeber sa DragonianSect."

Sabi naman ni Chris, ay mukhang hihintayin nalang nyang magbunga ang kanyang plano. 

.

Ganun nga at sumang-ayon si Denz sa sinabi ni Chris. At umalis na sya ng hapon sakay sa Metallic aircraft pauwi sa lugar ng kanyang sinilangan.

.

Ibinalik ni Chris sa kamay ni Megan ang kanyang storage ring. 

"ayan, babawiin ko nalang ulit kapag lalaya na ako".

.

"ahm, Chris, ano relasyon mo sa reyna? "

Sobrang curious si Megan sa marinig nya. At kung ano naman gamit ng batong iyon. 

.

"ahh, wala, hindi ko nga kilala yung reyna eh. Napulot ko lang sa ilog yung bato. At ibinigay ko lang sa kanya makay ko nangongolekta sya ng mga magagandang bagay".

Ngumiti naman si Chris kay Megan. 

.

At ganun nga, ay sinubukang pakiramdaman ang tibok sa puso ni Chris kung nagsasabi ba ito ng totoo.

.

"hmmmfp, oo na sige na."

Sabi naman ni Megan. At tumayo ito at sinamahan si Chris pabalik sa cell room nito.