63: Lara and Goryo.

63: Lara and Goryo.

.

.

Ang 200 peak Saint stage na ipinadala sa mga mining sites, ay parang mga Demonyo na naglitawan mula sa impyerno.

.

Nagtagal ang mga labanan at bawat Mining machines at mga mining grounds ay nabawi ng DragonNest sa kamay ng mga syndicate or DarkForces organizations. 

.

Bawat Mining grounds ay nilagyan ng Barrier at tanging mga may Dragonian Blood lamang ang makakapasok sa mga ito. At bawat isa ay nasa Saint grade Barrier.

.

Ganun nga at lumipas ang isang linggong pagbawi sa 120 mining sites sa DragonNest at DarkinBlaze boundary area. 

.

-----

.

Bam!!! ----(heavy hit)

.

"rrraaaagghhh!!!, ipatawag ang back up mula sa DarkForces dito sa HQ ng VenomTang!! "

Sigaw ng Lalakeng mala Nazi ang mga outfits, (Gray german uniforms at World War II, uniforms)

.

*Halintulad lang naman guys---he he he*

.

-----

.

Lumapit ang isang Naka itim na Cloak, at may ganun ding uniform sa lalakeng nagagalit sa harapan ng meeting room. 

.

"ssshh!, huminahon ka muna----"

Sabi ng lalakeng ito na may hawak na golden compass. 

"---mukhang mismong Bagong Reyna ng DragonNest ang may kayang labanan ang ating branch. Hindi pa natin sya lubos na kilala kaya----ehh?! "

.

Nag uusap palang sila sa meeting room ng lumitaw ang isang anyo na hindi pamilyar sa kanila. 

"hey guys, balita ko plano nyong pasukin ang lupang pangako-----kaya pasensyahan nalang"

Sabi ng isang lalakeng nasa edad na 30 pero wala silang maramdamang aura sa katawan nito. 

.

"I-isang SageSaint!!! "

Agad na sigawan ng mga nasa meeting room. 

.

Naglabasan na sila ng mga armas, bagamat lahat sila doon ay mga peak at Saint stage experts, napakalayo ng taglay nilang lakas para harapin ang isang SageSaint. 

.

Sa isang suntok ng lalakeng dumating na iyo sa sahig ay agad naglabas ng makasirang kalilasan na earthquake at ganun nga mag litawan mula sa lupa ang mga giant Earthen spikes na naglalaman ng Intent ng isang SageSaint.

.

Sa isang iglap at nawasak ang buong 2km radius na lugar ng DarkForces branch na iyon sa kamay ng lalakeng ito. 

"whew, buti dumating ako sa oras".

.

(a land of EarthenSpikes----ang daming dugo sa mga spikes na iyon!!!)

.

Mukhang ito na nga ang uncle ni Bianca na nagmula sa unsealed black mountain o sa Dungeon realm.

.

May isa pang dumating na anyo, at babae ito medyo may pagkahawig sa features ni Bianca.

"Honey, natapos ko na yung ilang grupo malapit sa DragonNest boundaries tiyak namang hindi na sila gagambala pa sa lupain natin".

Mukhang ito nga ang tita ni Bianca. At may mas malakas na intense Aura sa katawan nito. 

.

(mas malakas ang tita nya kesa sa uncle nya)

.

"tsk. Masyado kang extreme Darling. Tiyak akong naliligo na sa Lava ang mga lugar na nilusob mo".

Sabi naman ng uncle ni Bianca. 

.

"hmmfp, natural lang, gigil nila si Niece, at isa pa sya na ang Reyna sa DragonianFortress tiyak akong magiging katulad nya si Sis. He he he."

.

*Lara: age unknown, nagmumukhang 30, long Brown hair, greyish eyes, fair skin complexion, height 5'7"*

.

*Goryo: age unknown, nagmumukhang 30, short scarlet hair, dark brown eyes, moreno skin color, height 6'5"*

.

-----

.

Nakaramdam ng 2 malakas na aura ang mga nasa malapit na lugar, ang mga hidden experts or mga nag-cucultivate ng insights at elemental laws ng Nature. 

"mukhang, dumarami na ang mga bilang ng nasa DragonNest, at ngayon may SageSaint na din sila".

.

"hindi ko inaakala magkakaroon ng SageSaint ang continent na iyon. Mas mabuti narin ito para sa karagdagang pwersa ng panig nating mga tao----".

.

"sadyang nagpapahiwatig na ang nalalapit na DarkAges, base sa prophecy".

.

Madaming mga experts ang umalala sa nakaraang mga digmaan, pero mas nakaramdam silang kakaiba at mas Dangerous ang susunod nilang magiging laban sa paparating na digmaan. 

.

-----

.

Matapos ang pag sira sa mga branches ng DarkForces na nakapasok sa boundary ng DragonNest hindi na muli sila pumasok pa. At mukhang nakatanggap sila ng command sa pinaka head ng DarkForces tungkol duon. 

.

Nasa palasyo si Bianca kasama nyang nag-uusap ang kanyang uncle Goryo at tita Lara. 

.

"ha ha ha. Bianca, para ka na naming tunay na anak, syempre hahayaan ba naming pasukin nila ang Domain mo".

Proud na pagtawa naman ni Goryo. 

.

"uuyy!!, umasta ka naman na parang Adult, lagi ka nalang ganyan hmmfp, ----hindi na maiiwasan kapag tumatanda na ang isipan ng Uncle mo, he he he".

Maamong mukha naman ni Lara kay Bianca.

.

"he he. Tita, mas ok na yun, nakakatakot kasi si Uncle kapag yung dati nyang Character. he he he. Mas mabuti na sya sa ngayon".

Pabulong naman na sabi ni Bianca. At sabay sila ng tita nya na natawa. 

.

"ay ay ay. Wala na ang panahon ng kadiliman, kaya ganun din dapat ako, he he he. Napaka payapa na ng panahon ngayon at baka mas makapag concentrate na kami ng Tita mo na mag cultivate----, balak namin subukan ang PeakStage ng pagiging SageSaint, wahahahaha!! "

Ganun nga at masayahin at bibo masyado si Goryo, at hindi sya mapigilan sa gusto nyang gawin. 

.

Maske ang mga alagad ni Bianca ay hindi maiwasang ngumiti at makaramdam ng warm sa kanilang pakiramdam.

.

Mga bagay na hindi nila naramdaman noong panahon ng kadiliman, kung saan bawat sandali ay maaaring ikamatay ng kasama, kaibigan, kapamilya, at mga mahal nila sa buhay.

.

"ah, syah nga pala Bianca, dumating na ang 5 pinili ko para sa karagdagang Elders ng Sect mo. he he he. "

Sabi naman ni Goryo. At ganun nga ay pinapasok nya sa lugar na iyon ang 5 babaeng kilalang kilala na ni Bianca. 

.

"oh my!!, mga Ate!! "

Agad namang tumayo si Bianca at lumapit sa kanyang mga kinilalang ate. 

.

"abay, ang galing mo Bianca, hindi mo manlang kami tinawag ---ay tutal nasa Domain pala kami ng Momsie mo sa dungeon realm. he he he."

Sabi ng medyo chubby, na sexy nyang ate. 

.

Ganun nga at masaya silang nagsama-sama muli at nag-usap sila kung papaano nila mapapalaki ang DragonianSect sa mas madaling panahon. 

.

"ahm, Hija, may suggestion ako sayo. Tutal Mag kakayahan kang bumasa ng puso ng tao---bat hindi ka mamili sa mga magiging sect members ng mga loyal at mabigyan sila ng BloodEssence ng clan natin".

Sabi ni Lara at uminom ito ng Wine. 

.

"oh, magandang idea yan, Darling, sakto ang Density ng Nature elements at Qi-energy sa mundong ito, hindi tulad sa Dungeon realm na halos walang Nature element, at napaka sparse ng Qi-energy, tiyak madami kang maiipon na experts sa sect mo sa mas madaling panahon".

Dugtong naman na sinabi ni Goryo.

.

"---ahm, sige maghihintay pa ako ng 4 na taon, para sa pagpapalawak ng Sect ko, salamat sa payo nyo Uncle, Tita---- worth it naman kung gagamitin natin ito sa mga mapipiling loyal. "

May hawak si Bianca na maliit na Bottle, 20ml lang ito, at may laman na kalahating BloodEssence in a form of liquid. 

.

(maaaring maging solid ito, dipende sa Alchemist na nang-refine sa BloodEssence)

.

-----

.

Lumipas ang isang buwan, at nagawa na ang core area, inner area, outer area ng DragonianSect ito ay malawak na lugar at nagmistulang sampung bayan ang lawak nito. At may mga facilities narin. Mga Engineering ng modern alchemist at craftsmen ang ipinatawag ni Bianca mula sa international.

.

Ganun ding kumalat ang mga ilang clansmen ng DragonianClan sa bawat sulok ng kontinente para maghanap ng mga chosen na makakapasok sa Sect.

.

Meron ding ilan, na susubok sa mga entrance examinations, at kung papasa ay direkta sa outer or inner area ng DragonianSect. 

.

Ganito din ang mga ibat ibang Sect sa mundo, kung saan entrance examination ang batayan sa pagpili ng mga makakapasok sa Sects. Meron namang voting sakaling may ipapakilala ang isang elder or high member ng Sect. 

.

-----

.

Dalawang buwan na ang lumipas, simula ng makasakay si Denz sa metallic aircraft.

.

Clueless sya sa gamit ng red stone na ibinigay ni Chris sa kanya. 

'mukhang isa itong klase ng treasure, kung susuriin ito ng isang super-expert. maske wala man itong laman na aura or energy----tiyak importanteng bagay ito'. 

Malaki ang tiwala ni Denz kay Chris, at tila lahat ng bagay na manggagaling sa kanya ay kayamanan.

.

Nakatanggap si Denz ng message sa kanyang phone(crystal hologram)

.

"message: asan ka na, nag-umpisa na ang Pag imbita ng DragonianSect dito sa bayan. he he he."

.

'tsk, dalawang buwan pa---hindi naman siguro ako mahuhuli sa entrance examination?'.

Napa isip si Denz, napahawak sya sa red stone na iyon. Tila may idea na sya kung ano gamit ng Red stone. 

'---hindi kaya token ito para agad akong matanggap sa Sect?!.'

.

-----

.

Cell room 1994

.

Si Chris naman ay hindi parin tumigil sa pagsisipa sa ere, at maging mga kakaibang kicking postures at side stances ng katawan nya, mapa lower, Mid at High layers ng sweeping kicks. 

.

Wwwooop----(windy kicks)

.

'maaaring inaalam na ni Bro, kung anong klaseng bato ang ibinigay ko, he he he. Tiyak akong nagkamali sya ng iniisip----dahil hindi naman talaga bato ang bagay na iyon----Solidified BloodEssence ng isang PureDragon na magpapalakas sa BloodEssence ng mga may dugong dragon.'

Naupo si Chris sa kama nya, at huminga ng malalim. 

.

"oh, tapos kana?"

Tanong naman ni Liza na nasa kabilang cell lang. 

.

"yah, papabagsakit ko muna yung top ng CentralDistrict, at maaari na siguro ako pumasok sa Underground district pagkatapos nun".

Sabi naman ni Chris.

.

"wew!!, maaari kanang pumasok sa underground district noon pa, kaso mas focused ka sa trainings mo eh, kaya hindi ko agad nasabi."

Natatawang sabi ni Liza.

.

Natahimik saglit si Chris.

"ehdi diretso na tayo sa underground district mamaya".

.

-----

.

DragonianSect.

.

Dragonite mountainous east region

.

Ang Limang Elders na Ate ni Bianca ang nagsilbing Masters ng mga core members ng sect. 

.

Ang ilan pang DragonianClansmen na napili ni Lara ay naging instructors sa inner members ng sect. 

.

At ang mga Loyal Saint stage experts ng DragonNest na napili ni Bianca ay naging Instructors sa outer members ng sect. 

.

Masasabing matibay ang pundasyon ng DragonianSect at agad itong makakapasok sa Top tier 20 sects sa HumanAlliance.

.

Isang gabi at nanonood si Bianca sa harap ng kanyang Crystal desktop. Na pinag-aralan nyang gamitin sa nakaraang mga araw. 

.

(parang hawig lang sa computer or laptop. Unlimited net access, at ganun din ang RAM at ROM nito, kulang ang 350tbps at masasabing hundred times faster kesa sa nasabing example, nagkakahalaga ito ng 20bless stones)

.

*sa mga techie jan. He he he. Pangarap nyong computer specs nandun na, hologram type pa, hindi pa mabu-burn out kahit gamitin ng straight 500million years. ha ha ha. Kailangan nyo lang ay ang Qi-energy. Matipid pa sa pag-consume ng energy yan*.

.

-----

.

Pinapanood nya ang mga records na binili ng mga Alagad nya sa CrystalOrb recordings sa Arena Theatre branches. 

.

Nagpahanap sya ng recordings na kaugnay sa dragons mapa skill, techniques, or projection ng spells or skills. 

.

"hmmmfp, Chris Grande Hernandez? ----pamilyar ang 'Grande', naikwento ito ni Ama saken noon----hmmmfp".

Nakatingin si Bianca sa Giant Projection ng itim na Dragon sa ibabaw ng nawasak na Stadium. At umabot ito sa kaitaasan at hindi na makita ang dulo nito. 

"---bibisitahin ko sya sa susunod".