Chapter 1

        *****WARNING*****

PLAGIARISM is a CRIME....

This only a Fiction that could be happen in reality. This is author big imagination and mind craziness. This is my fantasy story, but if it is have any person who like any situation in the story happens well it is co-incidence only.

Don't be publish of any format of media, off course you have a permission of the author itself.

THANKS!!!

Sorry for my wrong gammar also I'm not really excellent in English so if I have wrong grammar or wrong spelling feel free to correct me.

Please... Vote and comment...

This is your lovely author...

JanssalveTimwat

Love yah!!!😘😘😘

******************************

"Tay!!!" Tawag ni Euris mula sa malayo ng malawak na hacienda ng mga Emperal.

"Oh, anak Euris! Andito kami ng nanay mo." Malakas na sabi ng isang may edad na lalaki na nakaupo sa tabi ng puno kasama nya ang asawa at ilang mga katrabaho.

Kasama din doon ang may ari ng hacienda na si Don Felmon Emperal.

Kaagad na pumunta sa pwesto nila ang mag tu- 23 anyos na si Euris.

Nakita sya kaagad ng matanda.

"Aba! Badon, ang ganda pala ng unica ija mo." Bungad kaagad ni Don Felmon.

"(Natuwa) Salamat po." Magalang na sabi ni Euris sa matanda.

"Oo nga po, Don Felmon. Alam nyo po bang ipinag sayaw pa yan nilang dalawa sa Obando." Sabi naman ng isang manong din doon.

Natawa lang ang magulang ni Euris.

"Oh? Talaga? Parang Hindi yata, kase naman sa ganda nito, parang pinaghandaan ang pagkakabuo sa kanya." Pambubula pa ng matanda.

Natawa na lang si Euris at ang ibang nakakarinig. Nag hahain na ang dalaga sa malaking lamesang naadoon.

Kumakain na sila... Nakisalo ang Don Felmon sa panghalian ng kanyang mga trabahador.

"Ilan taon na ba itong si Euris, Badon. Hindi mo naman nakukukwento sakin na may anak ka palang babae." Sabi ng Don.

"23 anyos na yang anak namin. Nag aaral na lang ng Tesda na tungkol sa pananahi. Pangarap nya kaseng maging designer balang araw." Sagot ng ina ni Euris.

"Talaga! Aba magaling, maganda na may pangarap kaysa wala." Sabi lang Don.

"Oo nga po, siempre po.... Pangarap kong maiahon ang mga magulang ko sa kahirapan. Para sa pagtanda nila, hindi sila mahihirapan... Lalasapin na lang nila ang ganda ng buhay." Sabi naman ni Euris.

"Alam mo, Ija... May anak akong binata, nag aaral sya sa America at uuwi nitong susunod yata na buwan. Basta pagka granduate nya ng College, uuwi na sya dito para sya na ang mag patakbo ng aming company sa maynila. Sa America lang yon nag aral ng College pero sabi nya dito sa pilipinas ang mundo nya." Kwento ng Don.

Napatango tango na lang ang mga nakakarinig habang kumakain.

"Mukha yatang malungkot kayo, Don Felmon?" Tanong ng isang ale doon nang makita nila ang sumunod na expression nito.

"Kase naman, pinahahanap ko na sya ng mapapangasawa, kaya lang wala pa daw syang mapili. 26 na kaya yon. Mataas kase ang standard sa babae saka napaka seryoso sa buhay. Nag aalala lang ako na baka, mawala ako sa mundo na hindi ko manlang nakita ang apo ko sa kanya." Mahabang sagot ng doon.

"Wag naman po Don, paano naman kaming maiiwanan nyong sa hacienda nyo lang umaasa ng pangkabuhayan?" Sabat kaagad ng manong doon.

"Wag kayong mag alala.... Mas masipag sakin si Fredie. Kaya sigurado na hindi nya mapapabayaan lahat ng mga maiiwanan ko." Napatawang sabi ng Don sa salag ng manong.

Araw ng linggo.....

Nasa Mall sina Cassy at Euris. Magkababata ang dalawa. Halos magkapatid na rin sila magturingan.

"Ano nang pangarap mo pag katapos mo ng Tesda?" Tanong ni Cassy.

"Siguro, magtrabaho muna. Para makapag ipon ng pera at makapunta ng maynila." Sagot kaagad ni Euris.

"Talagang gagawin mo sa maynila ang pangarap mong maging designer, ano." Natatawang sabi ni Cassy.

"Oo naman, ikaw ba? Anong nang gagawin mo pagkatapos mo ng College mo?" Tanong ko sa kanya.

Mas matanda ito kay Euris ng 2 years at dahil may kaya maaga sya nag aral.

"Eto, mag tuturo na sa mga Schools. Finally, magiging teacher din." Sagot nito.

Nakakita kaagad si Cassy ng isang namahaling brand ng bag sa mall.

"Oy! Tara tingnan natin doon oh. Ang gaganda ng bagong designs nila." Sabi kaagad ni Cassy.

"Sige ikaw na lang, Cassy. Wala akong pambili nyan e." Tumatangging sabi nito.

"Libre kita dali na." Alok kaagad ng bestfriend nya.

"Hindi na. Lagi mo na lang akong libre." Tanggi nya sa bestfriend.

"Sus! Okay lang yan. Bestfriend tayo forever, diba? Wala lang yun, tara na." Yaya sa kaibigan na hinihila na sa kamay.

"Cassy, okay lang ako. Hindi ko mahilig sa bag pack, Sorry. Maghihintay na lang ako dito." Sabi naman ni Euris na pinabibigat ang sarili.

"I know, samahan mo na lang ako." Sabi nito.

"Ayoko Cassy, nanjan ang mga friends mo sa School mo e. Nakita ko kanina, Kakahiya naman." Sabi pang pagtanggi talaga ni Euris.

"Talaga bang ayaw mo, ah ah magtatampo ako." Sabi ni Cassy na nagtatampo ang tuno.

"Cassy!!!! Nanjan ka pala." Boses ng mga friends ni Cassy galing sa mismong Store ng mga bag.

"Tara, mag tingin tayo ng bag here, may sale sila now, 20% off." Sabi ng isa doon.

"Sige na, Cassy bye. Mag aantay na lang ako dito." Sabi na lang ni Euris.

"O sige saglit lang ako. Bakit kase ayaw mong sumama e?" Pagtatampo ng boses nito.

Palayo na si Cassy nang biglang may nagmamadaling lalaki na naka sumbrero ang biglang bumangga sa kalahating katawan ni Euris sa kanan.

"Ay!!!!" Napasigaw ni Euris sa kabiglaanan.

Matutumba sana ang dalaga ng biglang makapitan sya sa bewang ng binatang naka sumbrero.

"I'm sorry, Miss. Hindi ko sinasadya." Sabi kaagad nito at tinayo kaagad si Euris.

"O-okay lang kahit medyo masakit yata yung pambabangga mo. Nag sorry ka naman na e." Sabing pranka ni Euris.

"Sorry talaga, Miss." Sincere na sabi nito.

"Hoy! Sino ka at hinahawakan mo sa bewang ang kaibigan ko ha? Baka chansing ka lang!" Pataray na banat kaagad nito.

"Sorry talaga, nag mamadali kase ako e." Sabi ni Jeras na napatunghay ng maigi sa mag bestfriend.

Napatitig kagaad si Euris dito na animo, na in love for the first time.

"Kase titingin sa dinadaan ha. Para hindi ka makakabangga. Alam mo bang muntik mo nang mabawasan ang ganda nito? Ha?" Pataray pa rin ni Cassy dito.

"Okay na, Cassy... Nag sorry naman na sya e." Awat kaagad ni Euris sa bestfriend.

Habang kay Jeras naka tuon ang mga mata nito. Gagun din ang binata sa kanya.

"Oh, alis na... Tititig ka pa e." Pataray pa rin ni Cassy.

"Thanks Miss." Sabi ni Jeras kay Euris. Nakakatitig ito ng husto sa dalaga.

Ngumiti lang si Euris dito.

Habang paalis ang binata ay habol pa ito ng tingin ni Euris.