"hmmm.... Euris, wag sabihing crush mo na agad yun?" Napansin kase ni Cassy na habol ng tingin ni Euris ang binata.
"Bakit naman hindi, eh, ang bait naman nya." Sabi kaagad ni Euris, ngunit nasa paalis na binata ang mga mata nito.
"Infairness, gwapo ang nakabangga sayo ah." Pakli ng isa.
Saka medyo nagkatawanan ang lahat maliban kay Euris na hindi nya makalimutan ang mukha nito at pakikitungo nya sa dalaga.
"Halika na kase, sumama kana at baka mabangga ka uli jan. Kase naman nasa gitna ka ng daan." Sabi na lang ni Cassy.
Sa kwarto ni Euris....
Hindi makatulog dahil sa paulit ulit na naalala nya ang binatang baka bangga sa mall.
'ano kayang pangalan nya? Ang bait bait nya.' sabi ng isipan nya.
Paikot ikot sya sa higaan nya.
"Euris, Anak? Bakit gising ka pa? Diba may pasok ka pa bukas?" Sabi ng nanay nya na parang nag aalalang baka mapuyat sya.
"Sige po nay, pipilitin kong makatulog." Sabi ni Euris habang nakahiga.
"Ano ba yang iniisip mo? Nakita kase kitang may iniisip kanina at naka ngiti ka pa?" Sabi ng nanay nya at pumasok sa loob saka umupo sa may tabi ni Euris habang naka higa ito.
"Wala lang nay, naka bangga ko lang sya sa mall." Sabi ni Euris.
"Hmmm... Lalaki." Sabi lang ng nanay nya at napangiti.
Natawa si Euris ng bahagya. Alam kase nyang alam na ng nanay nyang parang may crush na sya sa isang binata.
"Wag muna mag aasawa ha, hanggang boyfriend lang muna. Sabi mo... Ibibili mo pa kami ng malaking bahay saka....
"..... Oo naman nay, hindi ko nga alam kung sino yung tao na yun na bigla na lang bumangga sakin e." Dugtong ni Euris sa nanay nya.
"Hmmm... Basta, aral muna ha. Bago yang lovelife na yan. Kahit saan naman, nahahanap yan." Sabi ng nanay nya.
"Upo nay, promise." Sabi kaagad ni Euris.
"Sige na, tulog na. Baka tanghaliin ka bukas." Sabi ng nanay nya.
Sa bus....
Naka upo si Euris suot ang uniform nya ng Tesda.
May lalaki namang naka jacket na tumabi sa kanya.
"Hi miss." Sabi ng lalaki.
Napalingon kaagad ang dalaga na noo'y nakaharap sa bintana ng bus.
"Hi, ikaw yung....
".....yes, ako nga. Nakita kita dito kaya dito na ako sa tabi mo umupo." Nakangiting dugtong ni Jeras sa sasabihin ni Euris.
"Wow! Amizing...." Imik na lang ni Euris habang napapangiti.
Kita namang nag pipigil ng kilig ang dalaga.
"By the way, I'm Jeras Niory." Pagpapakilala nya.
"Euris Salome naman." Nakangiting inabot ni Euris ang kamay ni Jeras para sa pagpapakilala.
"Saan ka nag aaral?" Tanong ni Jeras.
"Tesda lang." Sagot lang ni Euris. "Ikaw ba?" Tanong kaagad ng dalaga.
"3rd year College, bussness management..." Natatawang sagot lang ni Jeras.
"Ahhh... Ilan taon ka na ba?" Natatawang tanong ni Euris.
"24 years old na, nito lang birthday ko." Sagot nya. "Ikaw ba?" Tanong din kaagad.
"23 lang..." Sagot kaagad ng dalaga.
"Mas matanda ako ng isang taon pala sayo." Sabi na lang nito kaagad.
Napangiti lang si Euris.
"Pwede ka ba sa sabado? Pasyal lang tayo sa park na alam ko." Sabi nito kaagad.
"Oo naman. Sige." Natatawang sabi lang ni Euris.
"May cellphone ka ba?" Inilabas kaagad ang touch screen nyang cellphone.
"Oo meron." Inilabas naman nya ang de keypad nyang cellphone.
Nagpalitan sila ng number.
"Ahhh, paano gamitin yang cellphone mo, puro touch screen kase ako e." Sabi nya natatawa.
"Sige, ako nang bahala. Kahit paano alam kong gumamit ng touch screen buti na lang may bestfriend akong may cellphone na ganito." Sabi ni Euris.
Nagtatawanan sila sa upuan nila. Paano kase'y banu si Jeras sa de keypad.
"Bestfriend mo ba yung mataray kahapon?" Tanong nito kaagad.
"Oo, sya si Cassy." Sagot ko kaagad.
"Ah, okay! Nakakatakot naman yung bestfriend mo. Akala ko nga nanay mo yun e. Kung maka taray kahapon!" Natatawang sabi ni Jeras.
"Hindi... Ganun lang yun sa una pag di mo pa sya kilala. Mabait yun saka maaalahanin." Sabi ko naman sa kanya at natawa sa naging comment nya kay Cassy.
"Nag aaral pa ba yun?" Tanong ni Jeras.
"Oo, hindi kami magkasabay ngayon.... Kase sumabay sya sa boyfriend nya." Sagot ni Euris.
"Ahhh... Yung taray nun, nag ka-boyfriend." Pabiro ni Jeras.
"Hoy, hindi ah.... Mabait yun. Ganun lang yun sayo kase siempre hindi ka namin kilala saka very protected yun sa mga kaibigan nya. May pagka- war freak yun kapag kailangan." Depend ko kaagad sa bestfriend ko.
Sa School....
Reses namin.
"Cassy.... Nakatabi ko sya sa bus kanina...." Sabi ni Euris na may kilig ang boses.
"Sino naman? Yung bumangga sayo kahapon sa mall?" Tanong ni Cassy na nagtataka.
"Oo, Jeras Niory ang pangalan nya ay kinuha nya pa ang number ko. Saka niyaya nya akong pasyal kami sa park na alam nya." Sabi ni Euris na hindi makapaniwala.
"Odi magkaka lovelife ka na rin. Akala ko tatanda ka nang dalaga e." Natatawang sabi ni Cassy sa nakikita nyang reaction at expression ni Euris.
"Alam mo, ang sarap nyang kasama. Saka pala ngiti sya. Basta ang gaan gaan ng loob ko habang kausap ko sya. Ewan, gusto ko sya." Sabi ni Euris.
"O sige, Gusto kong makilala yang Jeras na yan. Kikilatisin ko yan." Sabi ni Cassy sakin.
"Hm. Sasabihin ko sa kanyang gusto mo syang makilala. Kapag pumayag sya, saka ko sya dadalhin sa bahay mo." Agree kaagad ni Euris sa kaibigan.
"Hi two girls... Mukha yatang masaya yang topic nyo ah." Boses ng boyfriend ni Cassy. Si Mark Vindeo.
"Kasi Mark itong si Euris... Eh, may nagugustuhan na daw. Niyaya sya ng date. Sabi ko gusto kong makilala yun." Sabi ni Cassy sa boyfriend nya.
"Aba! Kikilatisin mo rin yun kagaya noon sakin ah." Natawang sabi ni Mark.
"Siempre babe! Bestfriend ko yan, no." Sabi ni Cassy.
"Sana ganyan din kami ni Jeras kung maging kami na." Sabi ni Euris kase'y kinikilig sya sa dalawa.
"Hmmm... Malayo pa kayo nun." Sabi ni Cassy sakin. "Baka nga hindi pa yun makapasa e. Mukha kase syang galang bata." Comment ni Cassy kay Jeras.
"Hoy hindi ah, mabait sya ano ka." Depend ko naman kay Jeras.
"Hmm.. dapat ang hanapin mong asawa in the future, yung kagaya ni Mark ko, seryoso sa buhay at may pangarap sa magiging pamilya nya, in the near future." Sabi ni Cassy sakin.
Sa Park...
Sakay ng kotse ni Jeras nakarating kami sa Park na sinasabi nya.
"Wow! Ang ganda pala dito, Jeras." Sabi kaagad ni Euris na namangha sa ganda ng park.
"Diba? Sabi ko sayong maganda dito e. Tara, igagala kita jan." Sabi ni Jeras na masaya.
Nag lalakad na sila sa Park at ninanam nam ni Euris ang sarap ng sariwang hangin sa Park.
Hindi alam ng dalaga na pini picturan na sya ni Jeras ng lihim.
Napansin ko naman yun.
"Oy! Bakit ka nam pi-picture jan?" Taka ni Euris.
"Kase ang ganda mo. Kina- capture ko kaagad ang lahat ng mga ngiti mo. Na sana lagi kong makikita." Sabing nakangiti ni Jeras.
"T-Talaga?!" Napataka ko lalo.
"Oo naman. Sa lahat ng magagandang lugar, ipapasyal kita." Sabi ni Jeras sa kanya habang naka ngiti.