Naka upo kami sa isa mga upuan ng park na yun. Sa gitna kase ng park may rebulto doon ng agila na nakabuka ang mga pakpak.
"Alam mo ba kung bakit gusto ko ang park na to sa lahat ng mga park na napupuntahan ko." Sabi ni Jeras.
Natatanaw namin ang malaking rebulto ng agila. At doon nakatuon ngayon ang kanyang mga mata.
"Oh, bakit?" Imik ko naman na tiningnan ang rebulto na tinitingnan nya.
"Kase paborito ko ang rebolto na yan. Sa palagay ko, magkaparehas kami ng agila na yan. Mahilig kami na mamasyal at maglakbay sa kahit saan. Kaya nakabuka ang kanyang pakpak." Paliwanag ni Jeras.
"Tourism ang gusto kong course, o kaya naman pilot ng eroplano. O kaya maging isang seaman. Basta mga bagay na tungkol sa paglalakbay." Kwento ni Jeras.
"Eh, bakit naging business management ang naging course mo?" Takang tanong ni Euris.
"Ang daddy at mommy ko ang may gusto na mag business management ako. Para daw yun sa future ko dahil nag iisa akong anak nila. Nag iisang taga pagmana ng Niory corporation." Sagot naman ni Jeras.
Nakita kong may bahid ng lungkot ang kanyang mukha.
"Bakit kase hindi ka humingi ng kapatid sa parents mo nun? Para ngayon, hindi sana ikaw lang ang aasahan nila." Sabi ni Euris.
"May sakit si mommy sa puso at sa matris. Gusto talaga nilang masundan ako. Kaya lang hindi na talaga pwede. Kaya ito, nag iisa lang talaga nila ako." Malungkot na sagot ni Jeras sakin.
Nanatahimik na lang ako.
"Ikaw, mag kwento ka about sayo." Imik kaagad ni Jeras.
"Hmm... Ako, parehas tayo. Nag iisang anak lang din ako nila tatay at nanay. Walang sakit sa puso ang nanay ko pero, nag iisa lang ang ovary nya. Swerte nila na naka isa pa sila. " Sabi naman ni Euris.
"Wow! What the co-incidence. Bakit Tesda lang ang inaaral mo ngayon?" Tanong ni Jeras.
"Gusto ko. Kase gusto kong maging designer someday. Ang tatay ko kase magaling mag drawing. Sa kanya ako nag mana. Namana ko naman kay nanay ang galing sa pananahi. Kaya ito, gusto kong maging designer. Sayang naman kase ang talent ko, both." Kwento ni Euris.
Ang araw na ito ang naging umpisa ng kanilang pag uunawaan sa isa't isa. Lagi na silang mag ka-text at magkatawagan. Halos araw araw at maya't maya. Natatapos lang ang kanilang tawagan at text kapag class hours na.
Sa Park uli...
"Jeras, gusto kang makilala ni Cassy. Kung okay lang sayo, pasyal tayo sa bahay nila." Alok ni Euris.
"Ah, sige okay lang. Para makilala ko din sya, sana nga hindi sya mag taray sakin." Sabi naman ni Jeras.
"Talaga? Sige, sasabihin ko sa kanya na wag syang mag taray sayo para hindi ka ma- offend sa kanya." Sabi namang nakangiti ni Euris.
"Halika, dadalhin naman kita sa retaurant na paborito ko." Alok ni Jeras.
"Ha, sa bahay na lang ninyo. Para makilala ko naman ang parents mo." Sabi ni Euris.
"Busy sila, lagi naman silang nasa office saka na lang kapag naka leave sila, both." Tanggi naman ni Jeras.
"O- okay sige." Imik na lang ni Euris.
Araw ng linggo.
Papunta sila ngayon sa bahay nila Cassy.
"Sige, Jeras ite- text ko na ang request mo sa kanya na wag syang magtataray sayo." Sabi ni Euris kay Jeras.
"Naalala mo pa pala yun? Binibiro lang naman kita nun e." Natatawang sabi ni Jeras.
"Mataray talaga yun, lalo na sa mga taong una palang nyang nakikilala. Kahit nga kay Mark na boyfriend na nya, mataray parin sya e. Pero ganun lang yun, expression na nya kase yun." Sabi naman ni Euris dito.
"Ahhh... Dina bali magbabait na lang ako ng husto para hindi nya talaga ako tarayan. Alam mo ba, talagang ayaw ko sa mga matataray kase ang mommy ko, sobrang mataray. Kaya sabi ko sa sarili ko noon. Hinding hindi ako mag gi- girlfriend ng mataray." Natatawa nyang kwento habang nag da-drive. Nasa pasengger naman ako naka upo.
Natawa na lang ako.
"Buti pala hindi ko minana kay Cassy ang pagiging mataray nya kundi hindi na talaga ako maliligawan ng kagaya mo." Natatawang sabi ni Euris.
"Naku! Sinabi mo pa. Buti na lang hindi ka mataray kase sayang yang ganda mo pag tumanda kang dalaga." Natatawang biro ni Jeras.
"Nandito na tayo sa bayan ng Eristo. Saan dito ang bahay nila?" Sabi kaagad ni Jeras.
"Ah, jan... Iliko mo tapos deretso ka, sa dulo kanan. Tapos yung makikita mong yellow na gate, bahay na nila yun." Pag tuturo nh daan ni Euris.
Sinubok nya kung talagang traveller nga ito.
"Okay sige..." Sabi na lang ni Jeras.
Hinayaan lang ni Euris si Jeras sa pag drive. Maya maya.... Hindi napansin ni Euris na nakarating na nga sila.
"Andito na tayo. Yellow na gate, diba?" Sabi ni Jeras.
"Aba! Ang galing mo ah. Traveller ka nga." Sabing natuwa ni Euris.
"Sabi ko sayo e. Kaya nga ako nagkaroon ng sarili kong kotse kase gala nga ako." Sabi na lang ni Jeras na ngingiti.
Nag pa-parada na lang sila ng kotse sa tabi.
"Tara." Yaya ni Euris.
Nasa harapan na sila ng bahay ni Cassy.
"Cassy.... Cassy.... We're here.... Cassy...." Tawag ni Euris sa labas.
Lumabas si Cassy mula sa loob.
"Euris... Come here, nandito si Mark. Hinihintay na namin kayo kanina pa." Nakangiting bungad ni Cassy sa dalawa.
Pero si Euris lamang ang pinapansin nya.
"Tara sa loob..." Yaya ni Euris kay Jeras nang mapag buksan na sila ng gate ni Cassy.
Nasa loob na sila.
"Tara, sabay na kayo sa lunch namin. Wala ang parents ko, kase nasa America sila kahapon pa. Niyaya ko si Mark dito kase darating ka saka yang kasama mo." Nakangiting kwento ni Cassy kay Euris habang papasok sila kusina.
Nakita nila ang dalawang katulong nila Cassy na naglilinis sa sala.
"Good morning, Ma'am Euris." Bari ng isa.
"Good morning din sainyo." Nakangiting bati ni Euris.
Ngumiti lang sa kanila ni Jeras na tila nahihiya.
Sa kusina....
"Kain tayo... Tara." Yaya kaagad ni Mark ng makita ang dalawang kasama ni Cassy.
Umupo na sa lamesa si Euris na animo'y bahay na rin nya ang bahay ni Cassy.
"Upo na Jeras, ipag hahain kita." Sabi ni Euris.
Kimulos kaagad ang dalaga para dulutan ng pagkain ang bisita nya sa bahay ni Cassy.
"Mark, sya si Jeras... Ang ipapakilala daw satin ni Euris. Nakabangga nya yan noon sa mall. Ewan, kung bakit na in love kaagad sa kanya ang bestfriend ko." Kwento ni Cassy kay Mark.
"Ahh... Ikaw pala yun pare. Kamusta na kayo ni Euris." Sabi ni Mark dito.
"Okay lang naman kami. Pasyal kunsaan saan. Date, ganyan." Sabi naman ni Jeras kay Mark.
Nasa lamesa na si Euris matapos ikuha ng plato si Jeras. Ipinag lagay pa nya ito ng kanin at ulam sa pinggan.