"Tapos ka na?" Tanong ni Nathan sa lalaki, ng tumango ito ay agad niyang kinuha ang pinagkainan nila at sya na mismo ang maghugas. "Maligo ka na, Susunod ako." Bilin nya sa paakyat nang si caleb. Nagpasyahan niyang sasama ito pag-uwi nya para hindi lang silang dalawa ni sarah sa iisang space. Nandidiri sya pag naiisip nya ang eksinang naganap noon.
Bitbit ni nathan ang bag nila ni Caleb ng bumaba ito sa sala, Si sarah naman, nasa labas na ng bahay at naghihintay sa binata. Nang makita ang bag na dala nito saka si caleb na nasa likuran ni nathan ay kumulimlim agad ang mukha nya. Ano na ang gagawin nya, nandito na naman ang asungot.
Pinagbuksan pa ni Nathan si caleb ng pinto ng passenger seat saka pumasok sa drivers. Ni isang sulyap wala itong itinapon sa dalaga na syang ikinagalit nito, bitbit ang travelling bag, asar na pumasok sa back seat si sarah. Lagi na lang. Aaminin nyang mas maganda ang mukha ni caleb pero babae sya, lalaki ito.
"Matulog ka muna pag-inaantok ka, may neck pillow ako na nakasabit sa likuran mo." Alok ni nathan, halata kasing antok na antok na si caleb, mamumula pa ang gilid ng mata nito.
"Don't rub your eyes." Sabi ni Nathan bago gamit ang kamay niya ay minasahe nya ang baba ng mata ni Caleb na sya namang ikinapula ng pisngi nito.
"Ang Cute mo pag nag-bu-blush ka." Sambit pa nito na lalong nagpapula sa pisngi ng binata.
"Tahimik, Matutulog na ako." Sabi ni Caleb saka pumikit. Nahihiya sya sa ginawa ni nathan. Alam niyang ginagawa lang nito iyon dahil sa dare pero hindi nya maiwasang mag blush.
Natawa naman si nathan nang makitang pumikit agad ang kasama. Halatang nahihiya ayaw lang aminin. Pero in fairness, ang lambot ng mukha nito ah, ang kinis pa. Nag concentrate na lang sya sa pag-dri-drive, kailangan niyang pumunta kasi agad sa shop kasi may delivery sila.
"Sir." Pagbabasag ni sarah sa katahimikan, pinakiramdaman pa nya muna na mahimbing nang natutulog ang kasama bago sya nagsalita.
"Ano yon?"
"Sir, kasi malapit na ang due date ng bills ko saka magbabayad sana ako ng tuition pero malayo pa kasi ang sahuran kaya kung pwede sanang mangutang muna." Sabi ni sarah habang medyo yumuko, kita kunti ang ilang bahagi ng boobs nito.
"Sure, Sa office mamaya, gagawa ako ng IOU, pwede kitang pautangin ng fifty thousand tapos kaltasan na lang natin ang sahod mo." Alam ni nathan na kulang pa ang sinabi niyang amount sa kailangan nito, kasi noon sya ang nagsettle ng bayarin, may fifteen thousand pa itong hindi nababayaran sa credit card, tapos two months na overdue ng tubig, kuryente saka internet. And don't start with the tuition. Dati kasi itong full time scholar sa pinag-aaralan pero napalpak sa isang subject kaya kailangan na nitong magbayad ng half at hindi naman kaya ng pride nito na magtransfer sa mas murang school, kawawa nga ang magulang nito sa probinsya, halos kada-linggo silang nagpapadala tapos gagastahin lang ni sarah sa mga gamit na signatured, gustong-gusto kasi nitong mag-asal mayaman.
Hindi inaasahan ni sarah ang sinabi ni Nathan, diba dapat ang sasabihin sana nito ay sure. Tapos tatanungin kung magkano ang uutangin nya. Bakit iba? Pag kinaltasan na ang sahod niya, eh wala na syang pambili sa mga luho nya, kulang na kulang pa nga ang ipinapadala ng magulang nya, tapos makakaltasan pa. Hindi rin kasya ang fifty thousand pesos na ipapautang nito, bumili kasi sya ng bagong cellphone, fifteen thousand ang halaga, ginamit nya ang credit card niya para makabili nito. Kung hindi nagmax out ang credit card nya, sana Apple ang binili nya.
"Eh, Sir kulang po kasi yung fifty thousand." Sabi ulit ni sarah, mas yumuko pa ito, kulang na lang nipple ang hindi kita. Hindi iyon pinansin ni nathan, tumingin lang sya sa mukha nito bago nag-concentrate sa pagdrive.
"Ha? Bakit ganyan ba kalaki ang bills mo?"
"May sakit kasi ang nanay ko kaya hindi sila nakapagpadala sa akin." Ang dahilan ni Sarah, bahala na basta makabayad sya, pag malaman kasi ng mga barkada nya, siguradong lalayo ang mga ito sa kanya. Ang akala kasi nila ay may farm sila sa probinsya, ang hindi alam nang mga ito, nakikisaka lang ang magulang niya.
"Sige, pero pag mas malaki na pa sa sixty thousand, kailangang may collateral ka na, bago ka palang kasi sa trabaho kaya hindi kita masyadong mapagkakatiwalaan." Sabi ni Nathan, pati nanay nito dinamay pa para lang makautang.
"Eh, eighty thousands sana sir eh, pero nandito sa akin ang titulo ng bahay namin, pwede na ba iyon?" Halos maiyak si sarah sa frustration na nararamdaman. Hindi dapat talaga maging ganito dapat ang usapan nila eh. Pati yong ginagawa nya, hindi man lang nito pinapansin. Bahala na, kaya naman nasa kanya ang titulo ng bahay nila ay para sana gamitin niyang collateral sa banko. Sa oras naman na maging silang dalawa eh waive na din lahat ang utang nya dito.
"Okay, Mag-usap na lang tayo bukas, saan kita ihahatid?" pag-iiba nya ng usapan. Agad naman nitong sinabi ang address, isang medyo mamahalin ding apartment. Pagkahatid nya dito, gigisingin sana nya ang natutulog na si caleb pero nag-alanganin sya, Wag na lang, ang sarap ng tulog nito eh, iuwi na lang nya muna sa apartment nya saka niya imeet ang dealer nya.
Binuhat niya si caleb papasok sa loob, parang hindi ito kumakain sa gaan ng timbang, ni hindi man lang ito nagising hanggang sa ibaba nya ito sa kama. Inalis nya muna ang sapatos nito saka sinturon bago sya umalis. Tumatawag na kasi ang delivery man.
Nagising si caleb dahil sa gutom, nagulat ito nang maikatang imbes na sa sasakyan eh nakahiga na sya sa kama, nahagilap ng mata nya ang picture ni nathan kasama ang magulang sa bedside table, nasa apartment pala sya ng binata. Tumungo muna sya sa in suite toilet and bath saka nagmugumog at naghilamos ng mukha. Wala siyang makitang sapatos kaya nakapaa paa na lang siyang lumabas sa kwarto, Gabi na pala, ang apartment kasi ay open concept, kaya kitang-kita nya si Nathan na nagluluto ng pagkain.
Ang sarap nang amoy nito na syang mas lalong nagpagutom sa kanya, hinawakan pa nya ang tiyan nang tumunog ito ng malakas dahilan para mapatingin ang lalaki sa kanya 'Nakakahiya' sambit niya sa sarili nang makitang ngumiti ito sa kanya.
"Kain ka muna prutas at nagagalit na ang alaga mo sa tiyan." Nakangiting tudyo nito sa kanya bago itinuro ang mga prutas sa fruit basket. 'Ang ganda dito, ang sarap sigurong tumira dito, pag yumaman ako, ganitong-ganito din na style ang kukunin ko' sa isip ni caleb bago tiningnan ang kabuoan ng apartment. Two bedroom ito, malawak na sala saka ang kitchen na talaga namang ginastuhan. Ang ayaw lang niya ay parang hotel ang itsura ng sala, parang sa napapanuod sa TV na realtor, parang walang nakatira. Pero the best naman ang view, floor to ceiling kasi ang wall kaya kita ang ilaw ng maynila. Ang gusto nya, pag sya ang titira sa ganito, pipinturahan niya ng black ang panes ng windows, okay naman na ang puti na pintura, maglalagay lang sya ng isang accent wall, abstract na black and orange. Tapos ang sofa na puti papalitan nya ng single sitter na sofa na kulay black, mustard, navy blue saka red para maging statement pieces, okay lang din pala na iretain din ang puti.
Ang Daming planong gawin ni Caleb habang matamang tinitingnan ang apartment, ang hindi nya alam ay nakatingin din pala sa kanya si nathan. Tinitingnan ang reaksyon nya.
"Okay ba?" tanong nito ng tumingin sa kanya si caleb. Tumango naman agad ang binata sa pagsang-ayon bago sinabi ang komento "Okay lang, pero parang hindi sya live-in, parang inayos lang ng interior designer eh."
"Mga dalawang buwan ko palang kasi dito, tapos naging busy sa shop kaya wala akong time na iayos ang bahay, saka lagi lang din naman akong wala dito kaya okay lang, as a matter of fact never pa akong umupo sa sofa na yan, dyan ko lang hinahagis ang mga gamit ko." Imporma ni nathan. Noong sila pa ni sarah, never silang tumira dito, ibenenta nya ang apartment saka sila naghanap ng mas malaki, ayaw kasi dito ni sarah kasi malayo sa mga shopping centers. Ang malapit lang sa kanila ay pure foods.
"Ah, Pero sayang din no, Ang ganda pa naman."
"Gusto mong tumira dito?" Alok ni nathan, part sa pagyayaya niya ay dahil sa dare pero mas malaking part ay dahil nalulungkot sya, gabi-gabing umuuwi sa bahay na wala man lang kasama. Wala man lang siyang maka-usap, yung mga barkada naman niya, nagsipag-asawa na ang iba, ang ilan naman busy sa karelasyon.
"Anong gagawin ko dito?" Takang tanung ni Caleb.
"Maglilinis, magluluto at maglalaba, tapos akin ang pagkain, free rent din." Anunsyo ni nathan, di nya alam kung ano ang pumasok sa utak nya para anyayahan ito, basta ang alam niya ay magaan ang loob niya sa lalaki, napansin din niyang wala na yung kuya at opo sa bawat salita nito.
"Ha?" Bakit gusto nitong lumipat sya, Don't tell me dahil sa dare iyon.
"Pag-isipan mong maigi ang pros and cons, sa ngayon tikman mo muna ang niluto kong bicol express." Sabi ni nathan habang hawak ang isang bowl na punung puno ng ulam. Nag prito din sya ng ilang tilapia saka gumawa ng sawsawan sa kalamansi, sili saka tuyo.
"Pag natikman mo ang luto ko sigurado akong mapapa-Oo ka." Pagmamalaki nito habang nilalagyan nito ng kanin ang plato ni caleb. Nangmatikman ni caleb ang luto, muntik pa syang mag-bow, ang sarap nga, kuhang-kuha ang panlasa nya. Pati yung tilapia, ipinirito hanggang sa naging malutong talaga.
"Diba? sabi ko sayo eh." Yabang talaga nito, pero in fairness may pinagyayabang naman.
Bago sya pumasok sa inuupahan ay sinabi muna niyang pag-iisipan pa nya muna ang desisyon, sa sinabi nitong gagawin nya sa bahay, hindi naman iyon mahirap, kung may i-ha-hand wash lang sya, siguro iisang piraso lang naman. May vacuum cleaner din para sa rugs at floor. Libre pa ang pagkain saka renta. Gusto talaga nyang umuoo agad pero sinadya nyang wag munang sabihin ang desisyon, bukas na lang.