Ch. 8 Hindi ako bakla

Maagang nagising si Caleb, kailangan pa niyang pumunta sa school nila, absent na nga sya sa isang araw. Pagkatapos ng klase, pumunta agad sya sa Shop para magtrabaho. Pagdating na pagdating nya ay sumalubong sa kanya ang tsismis ng kasamahan nya.

"Si sarah nasa loob, Nangu-ngutang daw kay boss.".sabi agad ni Violet sa kanya noong magtime-in sya. Nakakunot noo na lang ang binata sa narinig. Hindi naman sigurong masama ang mangutang pag wala talagang pera ah.

"Don't take me wrong ha, Pero alam mo ba kung magkano ang uutangin nya?" Sabi naman ni Diana, saka ito bumulong sa tingga nya "Eighty thousands pesos lang naman." Nagulat si Caleb ng marinig ang amount na sinabi ng dalaga sa kanya.

"Para saan daw iyon? Tapos bakit ang laki?" takang tanong ni caleb sa mga kasamahan nya. Pati tuloy sya napasama sa tsismis.

"Pumasok kasi ako sa office kanina para ibigay ang kita sa umaga tapos narinig ko ang usapan nila, Para daw yata sa tuition fee nya saka overdue na bills, ginamit pa nitong collateral ang bahay nila ah." Imporma ni violet, nagmamalaki pa ito na, hindi nito alintana na bawal dapat ang makinig sa usapan ng iba.

"Tama na yan." Napa-igtad silang tatlo sa narinig, nasa likuran pala nila ang si nathan, nakahalukipkip habang nakatinggin sa kanilang tatlo, halatang naiinis ito na nagtsi-tsismis sila.

"I don't condone gossiping while working!" ani ni nathan bago tumingin kay caleb "You come to my office at once." Saka ito naunang pumasok sa office. Naiwan si caleb na nakatayo lang na parang tuod, halatang nagulat.

"Parang principal, Pag may pasaway na estudante, sasabihing 'Come to my office at once', hala ka." The ever pilyang si Diana, inaasar pa si caleb.

"Hala, punta ka na doon, naghihintay ang boyfriend mo." Biro din ni Violet, halatang hindi nila ininda na napagalitan sila kanina.

"Hin..." pabulaanan nya sana ang sinabi nito pero naalala nya ang dare. Bumuntong hininga na lang sya bago sumunod dito. Nakita niyang nakasandal sa gilid ng lamesa nito ang lalaki, halatang naghihintay.

"Ano na?" iritableng tanong nito.

"Nakapag-paalam na ako sa room mates at sa land lady namin, mamayang hapon ay pwede ko nang hakutin ang mga gamit ko." Imporma niya sa lalaki.

Nang marinig ni Nathan ang sinabi nito, ngumiti ito ng kunti bago bumalik din sa madilim na mukha. "Samahan na kita para mas madali." Sabi nito bago lumabas, naiwan si Caleb na naguguluhan sa asal ng lalaki. 'anung nakain non?' tanong nya na lang sa sarili bago dali-daling lumabas ng tawagin sya nito.

Hindi nila nakita si sarah ng araw na iyon, sabi ng boss may pinuntahan daw. Sabay nilang hinakot ang mga gamit niya papunta sa apartment nito, pagdating nila sa bahay ay agad na pumunta sa kusina si Nathan habang ina-ayos naman ni Caleb ang mga gamit nya sa guest room. Kunti lang ang gamit nya, kaya thirty minutes tapos na nya lahat, napagpasyahan niyang maligo muna bago pupunta sa kusina.

Tapos na syang maligo nang makitang wala palang tuwalya sa loob ng banyo, 'sarado naman ang pinto, kahit mag-commando na lang akong lalabas' ika nya sa sarili bago binuksan ang pinto.

Si nathan, habang hinihintay na maluto ang pork ribs niya sa oven ay naisip na wala yata syang nailagay na tuwalya sa loob. Nilinis pa kasi nya ang guest room at inalis ang dating tuwalya na naroon. Pumunta sya sa linen closet sa tabi ng kwarto ni Caleb, kumatok sya kaso walang sumasagot, 'baka naliligo' sabi niya sa sarili bago binuksan ang pinto, gusto sana niyang ilapag na lang ang tuwalya sa kama bago sya aalis ng marinig nya ang pagbukas ng pinto sa Cr, agad syang tumingin dito.

'Ang puti' ito ang unang pumasok sa loob ng utak ni Nathan, nakatayo sa harapan niya si Caleb, wala ni isang saplot, ang natakpan lang nito ay ang ari nito. Pulang pula ang mukha, leeg pati nadin ang shoulder nito, dahil siguro yon sa embarrassment. Hindi nya alam kung ano ang nakain nya para pasadahan ito ng tinggin, ulo hanggang paa. Kung ibang tao siguro si Nathan, umalis na sana ito sa kwarto at hindi na tumingin pa.

"Sorry" Paumanhin ni nathan bago umalis, nakakahiya, sumikip ang pantaloon niya sa nakita. Hindi sya bakla, never siyang nagkagusto sa kapwa nya lalaki pero kay Caleb iba, ba't tinitigasan sya. Siguro dahil sa sexual frustration lang niya, tapos parang babae ang katawan nito.

Hindi alam ni Caleb ang gagawin ng makitang nakatitig sa kanya si Nathan, nataranta sya na ewan, hiyang-hiya din sya which is hindi dapat kasi lalaki silang dalawa, kung ano ang meron nito, meron din sa kanya. Pero di nya alam eh, para nga syang tanggang hindi magkanda-uga sa pagtakip sa sarili, nakita pa nya na tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa na syang ikinainit ng mukha nya, kung may magpatak siguro ng tubig sa mukha nya, dahil sa init mag-eevaporate agad.

Walang imikan ang dalawa habang kumakain nang kanilang dinner, pasulyap-sulyap lang sila sa isa't isa. Hindi alam ni Caleb na kung bakit sa tuwing tumitingin si Nathan ay talaga namang tumitibok ng mabilis ang puso nya. Ayaw niyang magsalita kasi hanggang ngayon hiyang-hiya pa din sya sa nangyari.

"May pasok ka bukas?" si nathan na ang bumasag sa katahimikan. Ayaw nya ang tensyon na bumabalot sa kanila.

"Oo." Maikling turan ni Caleb.

"Ihatid na lang kita." Mungkahi naman ni Nathan habang nakatinggin pa din sa kasama. Ang ganda talaga kasi nito, siguro iyon ang dahilan plus ang maputi at makinis na kutis pa nito ang syang nagbigay ng reaksyon sa sarili nya. He just need to get laid. Friday na bukas, lalabas sya.

"Sige salamat." Maikli pa ding sabi ni Caleb, halatang ayaw makipag-usap sa kanya. Binayaan nya na lang, halos araw araw din naman silang nag-uusap kaya okay lang.

Friday night, tulad nang plano ni Nathan, lumabas sya para maka-pag-unwind, Bar hopping ang plano nya, kasama nya ang dalawang tropa nya na available. Ang plano nila ay maka-score din sa gabing iyon. Binilinan din naman niya si Caleb na wag na syang hintayin.

"Kumusta ang pagiging panadero." Tanong ni JayR sa barkada, si nathan kasi ang pinakaseryoso sa kanila, siya din ang pinakamabait kaya talagang nagtataka silang lahat na magbabarkada kung bakit hanggang ngayon wala pa itong sabit. Totoo yata ang sinabi ng ex GF nya, ang babae pipili ng gago na boyfriend, pag niluko sasabihin lahat ng lalaki manloloko.

"Okay naman pre, Maganda naman ang kita."

"So? May nahanap ka na ba?" nang marinig ni Nathan ang tanong na iyon, ang unang pumasok sa isip niya ang ang taong nasa bahay niya. Haist!! Nababaliw na yata sya. Agad namang nagkatiyawan ng mapansing matagal bago sya sumagot.

"Meron na ba pre? Sino? Maganda ba? Mabait? " sunod sunod na tanong ng dalawa kay nathan. Umiling na lang ang lalaki bilang sagot.

"Imposible, Ang tagal mong sumagot tapos iiling ka lang, wala! Nanlilihim ka na sa amin ah. Lumalaki na ang baby boy namin." Saka nila ginulo gulo ang buhok nito. Si nathan kasi ang pinakabata sa kanila.

"Pustahan tayo, meron yang kino-consider." Sabad naman ni miguel. Siguro kino-consider nya, di pa kasi nya alam eh, naguguluhan pa din kasi sya sa sarili.

Tumanggo na lang sya bilang pagsang-ayon para tumahimik na ang dalawa. Nag-order ulit sya ng dalawang shot ng whisky bago nag beer, masaya padin ang kwentohan nila ng may lumapit sa kanila, tatlong babae, naka mini skirt at crop top lang.

"Hello boys." Synchronised na pagkasabi nilang tatlo bago nakipagkilala, karen, wilma at abigail daw ang mga pangalan. Agad namang naki pag flirt sina JayR at miguel, si Nathan, di niya alam pero yung balak sana nyang maka-score, nawalan sya ng gana. Unang tinggin palang niya kay karen ay naisip agad niya si sarah. Iisa lang din ang gusto nang mga ito, ang pera nya. Ang gusto nya ay yung permanent na, gusto nyang mag settle down, after two years magpakasal na. Para sa kanya kahit bumalik sya sa nakaraan ay thirty two years of age sya. Ayaw na nya ang laro. Hindi na sya bata.

Lagok lang nang lagok si nathan nang alak, nakatingin sa kanya sina miguel at JayR, bukod kasi sa ito ang pinakamabait sa kanila, ayaw na ayaw din nitong magsabi ng problema nya, at least nandito sila para damayan ito, pinaalis na din nila ang pumunta sa kanilang babae. Isang oras pa ay lupaypay na si nathan.

Napagpasyahan nilang iwan na lang ang mga sasakyan nila at magtaxi nalang pauwi, lasing na si nathan at tipsy na din sila, una nilang dinaan sa apartment nito ang ngayong nang-iingay nang si nathan, lagi nitong sinasabi na hindi naman daw ito bakla, natawa nga sila nang marinig nila ito,. "Don't worry pre, hindi ka bakla" alo nila dito.

Tinatanung nila kung nasaan ang susi ni nathan nang bumukas ang pinto, isang maliit na tao ang bumungad sa kanila, 'Shit ang ganda' sa isip isip nila bago ito pinasadahan ng tinggin. Si nathan ang unang bumasag ng kanilang eye to eye contact. Bigla na lang nitong sinunggaban ito saka nito bigla itong hinalikan. Para silang nanunuod ng porno ng makita ang pagsibasib nito, mapusok, puno ng pangingingil. Aawatin sana nila ang kaibigan ng ito na ang kusang lumayo.

"Hindi ako bakla" sabi ni nathan na parang nagmamaktol. Nakayakap pa din ito.

"Alam ko, Hindi rin ako bakla" Sabi nito.

Shet, kaya pala laging sinasabi ni nathan na hindi sya bakla, lalaki pala ang naghihintay sa kanya sa bahay. Isang napakagandang lalaki.