Splash!
Lahat tumingin sa pool, nandoon sina Caleb saka si mitch, parehong nahulog. Agad tumayo si nathan sa nakita, sa pagkakataon na iyon lahat na ng tao nakatinggin sa kumusyon sa pool. Si mitch kasi sumisigaw.
"You bitch! Why did you push me in the pool?" Galit na sigaw nito.
"I did not, you're the one who wants to push me down, I just drag you with me." Agad namang depensa ni Caleb sa sarili. Akala yata ng babaeng ito hindi nya alam ang plano. Nang mapansin niya na may tumulak sa kanya, agad niyang hinablot ang kamay nito. Marami din ang nakakita kaya kampante sya.
"Its just supposed to be a joke! You should be a gentleman and not retaliate." Pag dedepensa pa nito sa sarili. 'Aba, at siya pa ang naging mali sa huli?' umahon na lang siya sa pool at hindi na lang pinansin ang unreasonable na babae.
"Mitch! What did you do?" Malakas at halatang galit na tanong ni nathan, may hawak itong tuwalya na papunta kay Caleb. Lahat tumahimik ng marinig ang sigaw nito.
"Its just supposed to be a joke." Still her defense. Umahon na din ito.
"No, it's not! What if he didn't know how to swim? You didn't even ask before doing your prank! Your just being a bitch!" Nathan spat out. Paano pag hindi marunong lumangoy si caleb? Pinagsisisihan tuloy niya na umattend pa sila sa barbecue party na ito.
"Then, I'm sorry! Okay na?" naiinis na sabi ni mitch, nakita kasi niyang binalutan ni nathan ng tuwalya si caleb habang pinupunasan naman nito ang buhok. Bakit si caleb, nagagawa nitong pagsilbihan? Tapos siya, pinapagalitan lang.
"Your not even sincere!, hindi lahat tinotolerate ang pagka-brat mo! Kung akala mo na tama ang ginagawa mo or tama ang pag-uugali mo? Pwes, sasabihin ko sayo hindi!" nangangalaiting sabit nito. Lahat na ng mga tao ay nakatinggin kay nathan, lahat kasi sila kilala ang binata na cool headed at pasensyoso.
"Bro, she said sorry, what's the fuss all about? Kapatid ko iyan." Sabad ni alvin, ayaw sana niya na magsalita kaso baka mas palalahin pa ni mitch ang sitwasyon.
"No! Sorry would not patch it up!" Matigas na turan ni Nathan. Alam niya ang ugali ni mitch, sa oras na mag-co-compromise ka, ang akala na nito ay easy prey ka.
"Nag-sorry na ako diba? At bakit ka ba galit?" padabog na tanong ni mitch, asar na asar na sya, napalpak na nga ang plano nya sanang pag papahiya kay Caleb, sya pa ang napagalitan.
"Because he is my Boyfriend!" Sigaw ni nathan bago iginaya si Caleb paalis. Ayaw na niyang magtagal pa sa party kung saan kasama niya ang mga ito. Alam niyang siguradong pag-uusapan sila pag-alis nila pero wala na siyang pakialam at isa pa, basang-basa si Caleb, baka magkasakit ito paghindi pa ito magpalit ng damit.
"Okay ka lang?" Tanong ni Nathan kay Caleb, nasa bahay na silang dalawa, nakapagpalit na din ng damit ang lalaki.
"Okay lang." Maikling turan nito bago maghikab, halatang pagod na at gusto nang matulog.
"Halika dito, i-blow dry muna natin ang buhok mo bago ka matulog." Yaya niya habang kinukuha ang hair dryer sa drawer. Agad namang tumalima si Caleb, Talagang antok na antok na kasi sya.
"Sorry sa nangyari kanina ha.".sambit ni Nathan habang pinapatuyo ang buhok nito.
"What for? Ako nga dapat ang mag-thank you kasi pinagtanggol mo ako.
"Si mitch, ex ko yon. Talaga kasing ganun ang ugali nun, palibhasa spoiled, pag hindi sya napapansin or pag meron syang ayaw na tao siguradong gagawa at gagawa iyon ng gulo." Nagulat si Caleb sa narinig but at the same time, masaya din sya at honest ito sa mga pass relationships nito.
"Okay lang yun, hindi naman ako nasaktan besides dalawa naman kaming nahulog sa pool diba?" Tugon ni Caleb. Hindi naman talaga sya nagalit eh, nagulat lang talaga siya ng gawin iyon ng babae.
Nasa ganun sila ng posisyon for five minutes, nakaupo si Caleb habang nakatayo naman si Nathan hawak ang dryer. "Sorry pala sa pagsasabi ko sa relasyon natin?" paumanhin ni nathan sa tahimik na lalaki, nang hindi ito umimik, tiningnan ito ni nathan ng mabuti sa pag-aakalang galit ito para malamang tulog na pala. Tumawa na lang sya bago pinatay ang hair dryer. Tuyo na din naman ang buhok nito. Pinangko niya ito papunta sa kama at kinumutan bago sya pumunta sa bathroom, gusto niyang mag-shower muna bago tawagan si Miguel para makibalita.
"Kumusta diyan miguel?" pabungad niyang tanong sa barkada. Naka pajama bottoms lang sya habang tinutuyo ang buhok gamit ang tuwalya.
"Magulo pare, nagsisigaw si mitch at nag-iiskandalo, iniuwi na ito ni alvin kanina pero makikita mo ang disgusto sa mukha nito. Si Mark naman nag-walk-out din pati sina bianca at lea. Hindi naman sila nagbitiw ng pangit na salita pero parang galit sila sa iyo." Pagbabalita naman agad nito.
"Okay" maikling turan niya, alam niyang wala siyang magagawa pag mawawalan siya ng barkada sa pagsasabi niya ng kasarian, hindi rin naman niya masisisi ang mga ito sa kanilang reaction, ang gusto lang niya ay ang pag-unawa lang sana nila.
"Kayo pare, kumusta naman kayo dyan? Si Caleb, nasaktan ba?" balik tanong naman ni miguel, nagulat din siya sa reaction ni Nathan kanina ng makitang nahulog ito sa pool. Ayaw na ayaw ni nathan ang argument kaya kadalasan ay nagpapasensya na lang ito pero kanina talagang makikita mo na galit na galit ito.
"Si caleb, Tulog na, halatang pagod, matutulog na din ako mamaya at may trabaho pa ako bukas, nakikibalita lang ako." Paliwanag ni nathan.
"Sige bro, good night at iuwi ko si JayR, lasing na lasing." Pagpapaalam ni miguel, alam niyang hindi lang si Caleb ang pagod.
"Sige bro salamat ha."
"Parang hindi tayo sabay na lumaki ah, walang anuman."
Pagkatapos ng tawag, agad sumampa si Nathan sa kama at tinabihan ang kasintahan, yinakap ito pagkatapos ayusin ang pagkakahiga, pati din sya antok na antok na din. Bukas na lang siya mag-isip ng solusyon, ngayon habang hawak ang lalaki ay gusto niyang magpahinga. Hopefully everything would be alright tomorrow.