Ch. 13 jealousy

"Baka malate ako nang uuwi ngayon." Sabi ni Caleb habang inaayos ang gamit, malapit na kasi ang assessment kaya nagkanda kumahog silang ireview ang mga pinag-aralan. May isa naman silang classmate na may restaurant kaya balak nilang doon magluto.

"Ok! Text or tawagan mo na lang ako pag pauwi na kayo para masundo kita." Sang-ayon naman ni nathan, may sipon kasi ito at piniling wag na lang munang pumunta sa shop.

"Ok. Alis na ako." Paalam nito bago nilock ang pinto. Ilang buwan na din naman silang nagsasama. Wala naman siyang reklamo sa lalaki at talagang mabait ito. Medyo lang talaga siyang kinakabahan sa reaction ng mga magulang nito pagdating, darating na kasi ang mga ito this coming week.

"Caleb, kumusta ang pagluluto mo?" nakangiting tanong ni aljon, ang classmate niyang may-ari ng restaurant na kinaroroonan nila.

"Okay lang naman, patapos na din ako."

"Saan ka pala uuwi, ihahatid na kita." Mungkahi nito, umoo na lang si caleb kasi ayaw na niyang bulabugin pa si Nathan, lalo at may sakit ito.

"Salamat sa paghatid ha." Nasa labas na sila ng apartment complex at nakatayo sa parking lot, nag insist pa kasi si aljon na pagbuksan pa siya ng pinto, gusto din nitong pumanhik sa loob pero inayawan niya, hindi niya alam kung handa ba siyang sabihin sa mga classmate niya na meron siyang kinakasamang lalaki.

"Caleb, may sasabihin sana ako sayo, sana wag kang magalit." Kinakabahang sabi nito bago tiningnan ng masinsinan si Caleb, 'mangu-ngutang yata, wala pa naman akong pera' sa isip-isip naman nito, alam niyang mayaman ang lalaki pero sa itsura kasi nito, para itong nagsusumamo.

"Ano iyon?"

"Kase, Caleb..."

"Ano?"

Imbes na sumagot si aljon ay agad niyang kinabig ang ulo ni Caleb papunta sa kanya at saka hinalikan ito. Gulat na gulat si caleb, hindi niya inaasahan na gusto pala siya nito. Ire-reject sana niya ang lalaki ng biglang dumating si Nathan at agad nitong inundayan nang suntok sa mukha si Aljon. Hindi na niya alam ang gagawin, nagsusuntukan na ang dalawa, nagising din nila ang ibang tao sa apartment complex at lahat pinagtitinginan sila.

"Tama na, Nathan, ano ba!" sigaw niya habang hinahawakan ang kamay nito, tumingin lang ito sa kanya, halatang galit bago nito hinaklas ang kamay at nagsimula nang mag-lakad papasok. Gusto sana niya itong sundan pero ng makita ang itsura ni aljon ay mas minabuti niyang tulungan muna ito, buti na lang may Nurse silang kapit bahay na siyang nagbigay ng first aide.

"Kaya na namin ito, puntahan mo na ang boyfriend mo at siguradong galit." Sabi ni ella, ang nurse na kapit-bahay, tapos na nitong gamutin ang sugat ni aljon sa mukha at kalalukuyan na lamang itong nagpapahinga habang hawak ang cold compress sa pisngi.

"No! hindi ka safe doon, aalis na tayo at I-check in kita sa hotel." Agad na mungkahi ni aljon sabay tayo, nag-seselos siya habang iniisip na merong kasamang ibang lalaki si Caleb, matagal na niya itong gusto, ayaw lang niyang umamin kasi baka masira ang pagkakaibigan nila, alam din niya ang struggles nito sa pera, ang plano niya noon ay pag walang-wala talaga ito, kukupkupin niya ang binata saka siya magtatapat kaso nalaman niyang nagkaroon ito ng trabaho sa isang Cafe/Bakery at lumipat pa ito ng tinitirhan. Hindi na din ito nagrereklamo sa mga bayaran sa school.

"He is my boyfriend, at alam kung kahit anong galit niya sa akin, hinding hindi niya ako pagbubuhatan ng kamay." Depensa niya agad bago magpaalam kay ella.

"Don't worry, Mabait si Nathan." Agad din namang sabi ni ella, hindi niya alam ang totoong kwento pero sa ilang buwan nilang magkakapitbahay, alam niyang safe si Caleb kay nathan.

Kinakabahang pumanhik si Caleb, alam niyang galit si Nathan at wala siyang matinong rason para depensahan ang sarili. Alam niyang nagiging petty ito at medyo unreasonable pag nag selos kaya kailangan niyang mag-ingat kung hindi ang bagsak niya, matulog sa guest room. Nakasara ang pinto pati na din ang ilaw, nang-i punch in niya ang pin number ng pinto nila, hindi mabuksan, invalid daw, pinalitan siguro ni nathan.

Napangiwi si Caleb, Galit na talaga ito pag ganun, ilang ulit din silang nagkapikonan pero hindi umabot sa pagpapalit ng lock. Pinindot na lang niya ang door bell saka tumingin sa intercom. Alam niyang pag aalis siya ngayon, mag-chicken out na sya bukas na makipag-ayos.