"45° Mina." tumingin agad ako sa sinabi ni Jisoo, and there you are my baby boy. WaahHhH—teka kalma self. Calm down your Bilbils!
So, okay kasama nya si Kieth na asungot na laging minamanyak si Jisoo. At syempre ang kanyang B E A U—tiful n'yang faceu at ang kanyang charm na patuloy na nagpapanganga ng bunganga ko—katulad ngayon.
"Hoy Mina, yung panga mo mababali na!" agad naman sinara ni Jisoo ang bibig ko, nako lagi talagang suportado ako nitong kaibigan ko kaya mahal na mahal ko to eh.
"Kasi Jisoo, ang gwapo nya ngayon!" Inikutan lang ako ng supportive kong friend at kinuha ang braso ko para hatakin.
"Parang may samting sa kanya, nagpagupit ba sya?" Parang nagpagupit kasi si Pogi eh, ang fresh nya. Always naman!
"kulit mo Minmin, ibigay mo na yung candy ha! Wag kang papahalata!"
Yes, oo nga pala. Nakalimutan ko agad ang gagawin namin ni Jisoo, need kong mapakain ng Candy si Katsu at syempre para di halata~ need kong ilagay sa cupcake made by yours truly wehehehe.
"Uh... Good morning Katsu." bati ko nang makarating kami ni Jisoo sa table nila. Buti na lang wala pa yung ibang players ng basketball team kaya masosolo ko s'ya.
"Good morning din Mina, Ano yang dala mo?" Ay nandito pala yung asungot.
"Meron ba ako?" tanong ulit ni Keith, pero this time kay Jisoo na s'ya nakatingin. Asa naman 'to!
Seryoso lang si Katsu na nakatingin kay Keith, parang iritable rin s'ya dito. I mean sinong hindi? Napaka n'ya kaya!
"Katsu, eh... medyo nag experiment kasi ako kahapon ng cakes, at marami akong nagawa kaya ito." inabot ko nang mabilis kay Katsu yung Lalagyan ng cake. Nagulat s'ya at tumingin sa akin, syemay gusto ko yung tingin nya pero wag namang ganto katagal hulog na nga eh gagawin mo pang hulog na hulog.
Bad yan sa heart ko Baby naman!
"Salamat Min—"
"Teka, Teka nga ha!" napatingin kami kay Keith na nag iingay na naman. "Cupcake or Gayuma?"
Naramdaman ko ang pagkawala ng dugo sa pisngi ko. Pisti, alam n'ya? I mean paano? How? Ottoke? Nande?
Namagitan ang katahimikan for at least 2 seconds nang biglang magsalita si Katsu.
"Tumahik ka nga Keith, naiingit ka lang eh." sabi n'ya, saka nya binuksan ang lalagyan at kumuha ng isa.
Kinuha nya yung Blue na Cupcake, Favorite nya kasi yung kulay na blue, inamoy n'ya pa at kumagat sya... No di niya kinagat—sinubo nya lahat. Omg ang wild—wait what?!
Nanginginig ako, parang lahat ng cells sa katawan ko nagbubunyi. Napakagat ako sa labi ko, at pilit pinipigilan ang pagngiti. Nagustuhan niya yung Cupcake na gawa ko, ang saya saya ko.
"Masarap Katsu?" lumapit si Keith sa gilid ni Katsu at parang tutang naglalambing. "Penge naman, parang ayaw mong mamigay eh."
"Halata ba?" Napangiti ako. Ayaw niyang bigyan yung asungot, pinagdadamot n'ya ko—este yung Cupcake.
"Napakadamot mong nilalang ka." ngumuso na nang tuluyan si Keith, nagulat naman ako nang bigla s'yang tumingin sa akin.
"Pakiramdam ko may gayuma talaga tong Cupcake mo Mina eh, biglang naging maramot itong kaibigan ko!" napalunok ako sa sinabi n'ya, napakaingay nitong lalaking to!
"Naiingit ka lang eh, gusto mo ba ng Cupcake?" tanong bigla ni Jisoo, "Halika," kinuha ni Jisoo ang kamay ni Keith at umalis papuntang canteen.
"Ano to Jisoo? Inlove ka na ba sa akin?" sabi pa ni Keith habang naglalakad.
"Mina, umupo ka dito oh." napatingin ako kay Katsu. Hanudaw?
"Eh?"
"Upo ka dito." at nag-pat s'ya sa tabi nya.
Oh... My... Gosh... Um-effective na ba agad? I mean ambilis naman!