Kalma your bilbils Mina... Breath in, breath out. Kailangan mong ikalma ang sarili mo, di pwedeng lagi kang kinakabahan sa ginagawa mo.
"Dapat kapag binigay mo to at kinain nya nakikita mo ang paglunok n'ya, syempre dapat ikaw yung nakikita n'ya okay kasi according sa manghuhula di yan tatalab kung iba yung nakita nya habang kinakain yun."
Pinaulit ulit ko ang mga salita ni Jisoo sa utak ko, nakakainis kasi dahil wala s'ya nasa Manga department s'ya ngayon at may tinatapos. Kakalbuhin ko talaga yun eh, napakabagal kasi.
Sabi kong bilisan n'yang magdrawing. Naunahan ko pa s'ya tuloy, paano kasi excited akong panuorin yung laro nila Katsu kaya ako na lang muna.
Mula sa labas ng gym rinig na rinig ko ang malakas na sigawan ng mga babae mula sa loob.
Mga haliparot... charought! Hehe biro lang. Isa rin naman ako sa kanila.
Pagpasok ko ng gym, nakita kong tambak ang kalaban nila Katsu. Di na ko nagtaka, I mean magaling talaga yung team nila as in. Di ako nagla-lie, dahil isa yan sa rason kung bakit ako nailab sa kanya.
"And we only have 5 seconds, pinasa kay number 28..." number ni Katsu, s'ya ang hawak ng bola at ng puso ko.
Ayun, five seconds na lang at tambak naman na pero makadipensa tong si kuya kala mo mananakmal ng gwapo!
Pero parang hangin lang na dumaan sa gilid nya si Katsu, sa sobrang bilis nakita kong napapikit pa ng ilang beses si kuya bago lumingon kay Katsu na pinasok na sa ring ang bola.
"Wooo!' napasigaw ako sa tuwa, galing galing n'ya talaga. Nako, hulog na nga hinulog pa lalo.
Katsu, panagutan mo tong namumuong pagmamahal sa puso ko. Huhuhu.
Sa wakas, natapos din ang game. At syempre naghintay pa ko ng mga sampung taon bago mawala yung mga babaeng nakapalibot sa team nila.
Dito lang ako sa gilid ng pinto ng gym, walang nakakakita sa akin. Ganu'n siguro ako ka-plain, hehe. Kakaiyak.
Tagal naman ni Katsu—
"Minmin?!" nagulat ako boses ng lalaki na nasa gilid ko.
"Oh bakit ka nandito? Hinihintay mo si Katsu?" sunod sunod niyang tanong.
Teka paano n'ya nalaman na nandito para kay Katsu...
"Nakauwi na s'ya kanina pa, bakit ka kasi dito naghihintay."
Nakauwi na s'ya...
"Dapat magkakasunod na araw mo mapainom sa kanya yung mga pills kasi baka di na tumalab..." bakit ganun naririnig ko yung boses ni Jisoo.
"Kanina pa s'ya umuwi?"
Nakita kong nagulat s'ya sa tanong ko, para kasing sinabi nya na tinanong ko pa ulit. Tenge leng te?
"Oo nga, kaya umuwi kana rin." utos nya, hala di pwede to. San ba yun nakatira?! Ehhhhh di ko alaaam!
"Teka nasan si Jisoo milabs?"
Kailan kong makita s'ya today.
"Asan si Jisoo? Bakit di mo siya kasama? Huyy!"
Nagulat ako nang bigla nya kong hinawakan sa kanang pisngi at kinurot yun dahilan para magising ako sa taranta ko.
"Aray koo—"
"Di ka kasi nakikinig—"
Agad kong inalis yung kamay nya sa pisngi ko pero inulit nya ulit ang pagkurot sa kabila naman! Grrrr!
"Ano ba—"
"Keith."
Napatingin kami kay Katsu.
Omg.
Si Katsu.
Akala ko ba umuwi na s'ya? Sinungaling tong Keith na 'to!
"Oh Bumalik ka?" tanong ni Keith sa kanya. Pero walang binigay na expression si Katsu.
Tumingin lang s'ya sa akin at tinawag ako.
"Mina, sumabay ka raw sa amin ni Jisoo umuwi."
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko, di ako makahinga. Parang naninigas ako sa kinatatayuan ko, parang mamamatay na ko!
"Hala, kayo lang?" whine ni Keith, "Sama ako—"
Napahinto s'ya dahil sinamaan siya ng tingin ni Katsu. Hala, magkaaway ba sila? FQ? Like Friend Quarrel?