I Quit

01: I quit

Jinji's POV

"I want to quit..." Sabi ko nang diretso sa harap ng kuya Kevs.

Medyo naibaba nya ang basong hawak nya bago tumingin sa akin. Obviously hindi maganda ang reaksyon nya dun, alam ko.

Alam kong hindi niya magugustuhan ang pag quit ko sa pagiging Manager ng Basketball Team nila. Pero wala na akong choice puro pasakit at sakit na lang nakukuha ko, at isa pa di na ko nakakahanap ng 'Me' puro sila ang iniisip ko.

Ayoko na.

"Quit?" taas kilay n'yang tanong sa akin, puno ng humor ang tingin nya. Para akong isang malaking joke sa kanya. Kung sa bagay, sa simula pa lang naman ay Joke na lahat ng to, dapat di talaga ako pumayag eh! Pero sa part ko rin naman ay may kasalanan ako, ginusto ko rin naman to eh pero lahat nagbabago walang permanente kaya....

"Oo kuya, ayoko na–"

"Sinasabi mo bang magqui-quit ka sa kalagitnaan ng paghahanap natin ng bagong mga members?" binaba nya ang basong hawak nya sa kalapit n'yang mesa.

Totoong nangangailangan talaga kami ng mga bagong members, marami kasing nawala ay mga seniors. Pito rin sila, at halos sila ang kumakalong sa buong Team, kaya sobrang kawalan nila.

Mainit man ang panahon, sobrang lamig ng nararamdaman ko ngayon. Nakakatakot talaga si Kuya...

Huminga ako ng malalim at binura ang mga gumugulo sa determinasyon kong umalis sa team.

"Di ko na kaya–"

"Kaya mo..." tumayo s'ya at lumapit sa bintana. Nakita kong nagpamulsa s'ya at nagsalita, "Ayaw mo lang."

"May personal na rason ako... Kaya, gusto ko nang umalis..."

Lumingon sya sa akin, nagtagal ang pagtitig n'ya para bang tinatatya ang mga salitang sasabihin n'ya. Pero di rin nagtagal ay lumabas ang malalim na buntong hininga mula sa kanya.

"Sige, wala naman akong magagawa sa gusto mong mangyari..." kumislap ang gilid ng mata ko, agad pumasok sa imahinasyon ko ang mga oras na kasama ko si Ruffy habang pinapasyal s'ya sa parke hanggang hapon dahil wala akong practice na dapat puntahan, hindi na bola ng mga player ang dadamputin ko kundi ang fluffy ball na ni Ruffy.

Mas magkakaroon na rin ako ng time para sa sarili ko, di na ko magpupuyat ng hanggang alas dos ng madaling araw dahil sa kakabasa ng Manga. Mas maaga na kong matatapos kasi maaga pa lang nagbabasa na ko!

Matr-treet ko na rin sina Gem at Claire dahil madalas akong asaring walang time sa kaibigan, eh totoo naman!

At higit sa lahat! Makakapagpart-time na ko sa pinapasukan ng kaibigan ko. Ang The Daily Dairz

Sa wakas–

"Pero... " huminto ang lahat ng imahinasyon na tumatakbo sa isipan ko. Teka, bakit may 'Pero'? Masama ang kutob ko dito ah.

"May gusto akong i-recruit mo bago ka umalis sa Team." umupo ulit s'ya sa upuan nya at hinalukay ang bag nya na nakapatong sa kaharap n'yang mesa.

"Nagjo-joke ka di ba?" He must be kidding me. Kahit kailan di ko pa natr-try na magrecruit at di ko alam kung paano, si Senpai Jen ang may kaya nun at talagang specialty nya pero nakalimutan kong wala na rin pala si Senpai. Ugh.

"Joke?" inis niyang tiningnan ang mukha ko, "Joke din ba ang ginagawa mo? Aalis ka ng Team ng ganu'n ganu'n lang, wala ka pa ngang nagagawang maganda sa Team anong iiwan mo? Alikabok?"

Napalunok ako sa sinabi ni Kuya, grabe sya ah. Tatlong buwan na kong Manager ng team, nandun ako ng manalo sila sa Division. Pero tama rin sya, wala pa kong nagagawa. Parang hangin nga lang ako na nagdadala ng alikabok na ako rin mismong nagwawalis. Tsk.

Pero buo na ang loob kong umalis, kahit siguro ito na lang pag recruit para makaalis na nang matapos na ang usapan!

"Fine. Sino ba ang i-recruit ko?"

Ibinaba nya ang Picture ng isang lalaki, "Yato Ochida."

Kinuha ko ang larawan at nakita ko ang kababata ko, napalunok pa ko ng konti di ako makapaniwalang sports n'ya rin ang basketball.

Parang wala kasi siyang hilig dito nu'ng bata kami, ako lang ang may gusto at sa tuwing niyayaya ko s'yang manuod ng laro ni kuya Kevs lagi s'yang napapangiwi.

"Kuya, di naman s'ya nag-aaral dito sa Yoshimura–" muntik na kong matamaan ng papel na binato n'ya sakin. Sadista nito!

"Tanga, syempre alam ko. This coming Sem lilipat na s'ya rito." sabi nya pa. Parang proud pa s'ya, may contact ba sila ni Yato?

Pero di yun ang nakakabahala, may isang buwan pa bago magpasukan at di ko pa rin sure kung gustong sumali ni Yato o hindi... Ibig sabihin, mananatili pa rin akong Manager!

"Teka kuya, parang ang unfair mo–"

"Wow coming from you." sumandal pa s'ya sa couch at ipinatong ang kaliwang binti sa kanan nito. "Kailan ka namin alam mo yan, pero aalis ka diba? Sana man lang may maiwan ka dahil sa ipinangako mo po."

Mas lalo pa kong na konsensya, lakas talaga ng kuya ko sa ganto eh.

"Paano kung di ko s'ya marecruit–"

"Then you'll stay."

Napabugha na lang ako ng malalim, wala na talaga akong NO CHOICE.

"Fine. Ire.." napabuga pa ko ng malalim na hininga bago sabihin ang mga salitang pinagdarasal kong di ko pagsisisihan. "re-recruit ko si Yato Ochida sa Team."