Screwed

02.

Magkadikit ang kilay ko habang naglalakad papasok ng school.

"Ugh. Second year nako... "

Alam mo ba yung feeling na yan? At ito pa...

"Ugh. May pasok na naman!'

Yan ang pinakamasakit. Tapos na ang maliligaya kong araw kasama ang kama ko, tapos na ang mga sandali namin ng mga libro ko. Nagwakas ang pahinga, at kasunod na noon ay parusa.

Nagulo ko ng bahagya ang buhok ko, nadislocate ang bangs ko na abot ilong na dahil sa katamaran ko di ko na nagupitan. Medyo humahaba na rin pala ang buhok ko, sumasayad na s'ya sa balikat ko.

"Magpapagupit ba ulit ako?"

May biglang pumulupot na braso sa leeg ko at ibinaba ito ng biglaan, "Yooow, Jin!"

"Bwiset ka Drei"

"Aga mo ah," niluwagan n'ya ang pagkakagapos n'ya at tinignan ako. Medyo malapit ang mukha niya kitang kita ko ang itim na itim na Iris nya na masarap tusukin.

"Bitiwan mo ko." nagtry akong kumawala pero mas lalo n'yan nilapit ang sarili niya.

"Luh, muntanga to! Pasalamat ka mabango kang ungoy ka!"

"Naligo ka ba?" napahinto ako saglit sa sinabi n'ya, loko to ah. Kahit kailan... Di ako umaalis ng bahay ng hindi naliligo, pero ibang usapan kapag di ako umaalis ng bahay.

Ibinaba ko ang kamay ko na kanina pa pinipilit kumawala sa pagkakagapos sa kanya.

"Oh, galit kana- aray!" buti nga sa'yo. Panalo talaga yung tatalon ka lang para matamaan ang baba nya. I'm still happy I have my 5'6 height, at kahit meron syang 5'8 na tangkad, iba pa rin ang may brain sa labanan. Talo pa rin ni David si Goliath. Pagdasal na lang natin na magdislocate yun.

Naglakad na ko habang may ngiting tagumpay iniwan ang kababata kong malakas mangbwiset.

Hayaan n'yo siya dyan, nanggigigil ako sa kanya napaka bully. Parang si kuya lang, di ako tinitigilan. Di na nagsawa nu'ng bakasyon wala nang ginawa kundi guluhin ang personal space ko, dahil wala nang ginawa kung di manggulo sa bahay.

"Punta ka sa practice?" halos napatalon ako sa gulat, napakabilis maglakad naabutan agad ako!

"Wag ka ngang manggulat!" sigaw ko sa kanya, inikutan ko s'ya ng mata at nagmadali ulit maglakad.

"Napakasungit nito, meron ka ba?" bigla na lang s'yang humarang sa harap ko. Nakakagigil na talaga ah, napakaingay n'ya!

Nararamdaman ko na yung mga mata sa gilid. Kung ako lang siguro yung tao, di naman nila ako titingnan pero kasi nasa harap ko ang isa sa mga Sikat sa school na to.

Huminga ako ng malalim, "Wala."

60% pagtitimpi

"Sure?" sunod nyang tanong. Nambwi-bwiset talaga diba?

"Ang sabi ko... Wala." ngumiti pa ko ng konti. Naiinis na talaga ako eh, sobrang pinagtitinginan na kami eh, ganda pa ng topic ng isang to. Feeling ko tuloy lahat sila nakatingin sa palda ko! Napayuko tuloy ako. Nakakaconcious na ah!

"Grr. Nakakabwiset na talaga ah!"

"Naiinis kana?" napakagaling talagang mangpikon aba!

Naramdaman kong pinatong n'ya ang kamay niya sa ulo ko, "Jinieya asar talo" bulong niya.

Di ba? Nakakatuwa s'ya? Pero kala nyo ba kinikilig ako sa ginagawa nya? Siguro kung ibang babae yan sa school baka maihi na sa kilig, ang pinagkaiba lang ay maiihi ako sa inis!

"Asar talo?" iniangat ko ang tingin ko sa kanya, parehas kaming ngumiti pero iisa lang sa amin ang makakangiti pagkatapos nito.

"Ah! Aray!" daing niya pagkatapos kong sipain ang 'where it hurts" n'ya.

Syempre tumakbo agad ako! Bwiset tong lalaking to, mamaya ka sa'kin.

After ng bell, diretyo agad ako palabas ng room. Kailangan kong lumabas agad at magbihis para sa Practice mamayang 3pm ng Team. At isa pa, kailangan kong unahan si Andrei sa Gym. Para naman makabawi ako, kapal ng mukha ng isang 'yon para magtrip-an ako sa harap ng maraming tao. Nanggigigil talaga ako, sasabunutan ko talaga titili n'un kapag nakita ko!

Mag-isa lang ako sa Changing room kaya mabilis akong nakapagpalit. Perks talaga kapag di ka madaldal at wala kang kaibigan ay marami kang oras. Heheh, napaka lowkey kakawawa ko talaga.

Paglabas ko ng Changing room, tatlong hakbang ko pa lang mula sa pinto ng kwarto ay nakita ko agad si Andrei. Naka-cap pa ang loko at suot pa ang Soccer uniform na ninakaw nya kay Kimdap na pinsan ko, pero parang bago yata ang uniform. Loko talaga to, napaka. Nasa soccer team kasi yun. Oo, medyo nasa dugo na talaga namin yung pagiging athletic pero ako lang sa magpipinsan yung wala talagang passion pagdating dun.

Anyway, balik na tayo sa pagbibigay ng masalimuot na revenge sa Andrei na 'to. Inalis ko ang bag ko na nakasabit sa balikat ko at ini-sway ng 60 degrees mula sa likod ko, medyo 3 kilo ang bigat nito dahil sa dami kong damit na dala at medyo malaki rin to kekeke.

"Itong sa'yo kame, kame..." medyo lumingon si Andrei ng konti pero teka di naman to si Andrei! Eh?

Pero huli na ang lahat, naihataw ko na sa mukha nya yun bag ko.

Shitaw, kalabasa.

"SORRY!" sigaw ko bigla, nabitawan ko ang bag ko at napahawak na lang sa mukha ko.

Pusang Gala! Malakas yun! Malakas yung hataw ko. Pisti omg omg waaah

Nakatayo lang ako dun at nasa state pa rin ako ng gulat. Nakayuko sya at nakahawak sa balikat after 3 seconds umangat ang ulo niya at napunta sa mukha ko ang medyo Hazel pupil ng isang lalaki.

Shitaw, sarap nyang shotain.

Pero teka parang gusto n'ya kong hampasin din pabalik. Agad akong nagbow, 90° girl! Okay lang na balikan nya ko wag lang sa mukha tyaka sa gwapo nyang taglay, parang okay lang din sa akin kung mahawakan nya ko ng medyo malakas at... Masakit. Kekeke.

"SORRY TALAGA, SORRY. DI KO SINASADYA AKALA KO KASI IKAW SI DREI. I'M SORRY!"

"Jini!" sigaw ni Kimdap, tumaas lang ang ulo ko pero nakabend pa rin ako ng 90° sa gilid kasi ng mata ko nakacrossed arm na si koya na nahampas ko.

"Anong nangyari?" Tanong nito. "bakit ka sumisigaw?"

Pisti talaga nakakahiya. Di na lang ako gumalaw at nanatili sa pwesto ko. Okay na to, baka kasi tandaan n'ya yung mukha ko at abangan ako sa labas!

Ang tanga ko talaga, mas matangkad tong si koya eh. Tyaka mas maputi s'ya kay Drei, at higit sa lahat mas lean ang likod nya at mas yummy-ah letse tagala. Kahit kailan pahamak ka Drei!

"Yat, bakit anong nangyari?" tanong sa wakas ni Kimdap kay Koya. Nudaw? Yat? Name nya? Medyo weird ah.

"Tsk." ang tanging narinig kong reply niya kay Kimdap, kasunod dun ang pagkawala ng Sapatos niya sa harap ko.

Nakahinga ako ng malalim.

"Oy, Jinji anong ginawa mo? Bakit nabadtrip yun?" tanong ni Kimdap, dun lang ako tumayo ng maayos.

"Sorry." ulit ko kay Kimdap, "nahampas ko s'ya ng bag ko. Akala ko kasi si Drei eh..."

"Tanga!" Naramdaman no bigla ang kutos nya sa bunbunan ko.

"Aray ko pisti ka-"

"Tanga mo talaga, ngayon na nga lang kayo ulit magkikita ni Yato ganda pa ng bungad mo sa kababata natin."

"Tanga mo talaga, ngayon na nga lang kayo ulit magkikita ni Yato ganda pa ng bungad mo sa kababata natin."

"Teka, Yato kamo?" laking mata kong tanong ko sa kanya. "Y-yung kababata natin? Sya na ba yun?"

What the kiki. How? Yung dating maliit at payat na kababata namin? How the heck! Gumamit ba sya ng mahika or samting?

"Tanga ka talaga." sabi ulit ni Kimdap tyaka umalis sa harap ko. Aba bwisit to ah, bastusan?

"Teka!" sigaw ko, tyaka kinuha ulit ang bag ko at ibinato sa Pinsan ko.

Buti na lang natamaam ko sya kaya agad syang lumingon at masama agad ang tingin.

"Tanga ka talaga!"

"Mas tanga ka, bakit nakasuot sya ng uniform nyo?" tanong ko.

"Malamang," natawa pa sya ng konti, "Sa team namin sya sasali." kasunod nu'n ang malademonyo n'yang ngiti.

What? How? Why? Akala ko basketball ang mainsport nya?

"Utot mo, basketball ang sport n'ya!"

Pero tinawanan nya lang ako at nagcrossed arm pa ang ugok, "Bakit akala mo sasali s'ya sa team nyo?"

"Well, Sorry insan. Nakaregister na sya sa team." ipinakita nya pa ang registration paper ni Yato. Oh pak.