Jinji's POV
"Bakit nandito ka pa rin ha?" Tanong ni Drei sa kin habang nagpupunas ng buhok n'ya, kakagaling nya lang sa cr, naligo.
"wala lang," sagot ko, ni di ko sya tinitingnan naglalaro kasi ako ng wii nya na nagagamit lang twing nandito ako.
"Edi umuwi kana!" bulhaw nya sa tenga ko, napangiwi naman ako at nabitawan ang hawak kong controler.
S'ht talo tuloy ako!
"Bweset ka!" hinampas ko sya ng unan na pinakamalapit sa akin.
"hala sadista talaga oh!" hinawakan nya ang unan at kinuha sa kin. "Umuwi ka na taba!"
Nanlaki ang mata ko, " oy kapal mo! Di lang ako ang tumataba!"
"Sino pa?"
"Ikaw malamang!" inikutan ko pa sya ng mata. "kala mo naman napakaslim mo?" tumalikod ako saglit at kukunin sana ang controler para makapaglaro ulit pero tinawag nya ko kaya lumingon ako sa asungot.
"So mataba na pala to?" nakataas ang tshirt nyang gray at kitang kita ko ang 6 abs na meron sya na tinatago.
"oo ang taba ng abs mo!" tumalikod akong muli at umupo na.
Oh akala nyo sisigaw ako at magbabato ng unan? So cliche ah. Sanay na ko sa asungot na yan nakita ko na nga yung 'Ano' nya eh.
Pero nung bata pa kami nun, di ko lang alam yung itsura ngayon kung nag mature na, haha! Ano bang pinag-iisip ko?
"Oy Jin, bakit ka nga nandito?" tumabi sya sa akin at kinuha ang isa pang controler. "alam ko may kailangan ka sa akin."
Tama sya, meron nga kong kailangan sa kanya. Kailangan ko kasi talaga ang tulong nya kay Yato eh.
mhm.. Bango ah. Napatingin ako kay Drei na nakatutok na sa screen ng tv. Aba gumagwapo si Drei ah. Ang kinis n'ya sa part na 'to.
"Oy." nagulat ako nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko bago pa man umabot yun sa mukha nya. "Ginagawa mo?"
"Ha?" ano bang ginagawa ko? "ah may something-"
"Oy Jin, kung ano man yang kamanyakan ang iniisip mo tigilan mo ko ah."Tumayo sya at nagpaka-ekis ekis ng braso nya, "Umuwi kana, di kita type alam mo yan!"
Sinampal ko naman agad sya sa kafeel-ingan nya. "Kapal mo, may kulangot sa mukha mo kadiri ka!"
Agad nya naman hinawakan ang mukha nya at nakita nya yung kulangot sa palad nya.
"Dinikit mo to no!?" inikutan ko sya ng mata.
"kadiri ka, kamanyakan agad? baka ikaw ang manyak! tss."
Umupo ako sa kama nya at tumingin sa kanya na diring diri sa sarili nyang kulangot, sarap hampasin ng tsinelas eh.
"Drei."
nagtataka syang tumingin, "ano?"
"si Yato..." kinagat ko ang dalawang labi ko bago magsalita, "need ko s'ya..."
"ANO?" nakakabinging sigaw sakin ng asungot na 'to, "SO DAHIL DI KITA TYPE SI YATO NA LANG GANUN?"
"TANGA!" balik ko ng sigaw na may kasamang sipa sa mukha nya. Buti na lang talaga kaya ko pang maabot ang ulo nya kahit sobrang tangkad nya na sakin.
"aray ko!" nakahawak na sya pisngi nya kung saan lumanding ang paa ko.
"Napaka mo eh!" inayos ko ang uniform ko, shet sana di nya nakita, nakapanty pa naman lang ako, sheet lang.
"hihingi ako ng tulong para mapasali si Yato sa Team natin!"
Nastop ng konti si Drei tyaka umayos din. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha nya dahil sa sipa ko, pero ito sya ngayon sobrang seryoso.
"gusto mo pa rin ba si Yato?" Luh?
"ano?"
"Gusto mo pa rin hanggang ngayon si Yato?" ulit nya, pinagsasabi nito?
Teka bigyan ko lang kayo ng background ah, dati kasi si Yato na 13 yrs old ay crush ko. Sobra! Kasi sobrang cute ng mukha nya at madaming nagkakagusto sa kanya dahil dun. Pero dati kasi yun... iba na ngayon!
"Pinagsasa-hayyy." huminga muna ako ng malalim, "WALA.NA.KONG.GUSTO.KAY.YATO!"Taas lang ang kilay nya sa akin at parang di pa rin naniniwala. Nakakabanas ah.
"sus-"
"Tanga ka talaga! Utos yan ni kuya kaya need ko syang marecruit!" paliwanag ko, kahit papano naman ay parang naniwala sya.
"Talaga ba?"
"Pisti to, tutulungan mo ba ko?"
"hindi, bakit kita tutulungan eh problema mo yan-aray ano ba?" reklamo nya pagkatapos k osyang batuhin ng unan nya.
"napaka mo!" tumayo na ko sa upuan ko at akmang lalabas na nang tinawag nya ko.
"Jin." lumingon ako sa kanya at parang napakalaking problema ang meron sya, nag-iinarte lang yan.
"Ano? uuwi na ko, di ba gusto mo na kong umuwi?" Joke, nagpapapigil lang talaga ako ganern! Arte ko eh.
"Bakit pa kailangan si Yato?" Tanong nya. Humarap ako ng diretyo sa kanya, seryoso ba tong si Drei? Parang totoo eh. Tho di sya nakatingin sa kin, kita ko mula dito yung seryosong mukha nya.
Tyaka ano daw? Bakit daw kailangan si Yato?
"Ewan ko kay kuya, s'ya yung nagpapa-recruit sa kin kay Yato, at kung ako ang tatanungin para sa akin... Kailangan natin si Yato sa Team." Sagot ko sa kanya. Nakita kong ngumiti sya at ginulo ang buhok nya bago tumayo at lumapit sa akin.
"Jin, di pa ba ako sapat?" LUH. "di kita tutulungan, ikaw ang bahalang magrecruit sa kanya. Di kayo makontento sa akin, tss."
"Oy ano yan?" nakatingin s'ya sa baba habang sinasabi nya yun at walang expression ang mukha. Anong meron? Ano 'to, may monthly period din s'ya?
May pagbabago ng mood ganern?
"Bakit parang ang drama mo?" tanong ko, medyo lumayo ako ng konti sa kanya para makita yung nakatungo n'yang mukha
Pero bago ko pa gawin yun ay ginulat n'ya na ko ng sigaw, kaya bumagsak ako at nauntog sa cabinet nya.
"Waaaah!" Sigaw nya, rinig na rinig ko pa yung malakas n'yang tawa pag-untog ko.
"Sira ulo ka." malumalay kong sabi, medyo nahihilo ako. Napalakas yung untog ko sa drawer nya, feeling ko pa sa bandang kanto ako tumama.
"Aray ko."
"Ano? Galing ko bang magdrama?" Yabang n'ya pa, nakapamewang pa ang loko. Sinamaan ko naman sya ng tingin, pero bigla ring tumaas ang dalawa kong kilay nang may umagos na likido mula sa ulo ko papuntang ilong.
At nakaamoy ako ng dugo.
"Shit!" sigaw ni Drei, di ko namalayan ang pagpunta nya sa akin at pagcheck sa ulo ko.
"Okay ka lang?" Tanong n'ya, "Shit di ka okay!"
Nababaliw na s'ya, teka dugo ba talaga 'to? Nasan na si Drei? Nawala s'ya, baliw yun ah iniwan ako!
"Aray ko," Siete masakit din yung balakang ko, "Ay pusit ahh!" nagulat ako, nagkalat yung dugo sa mukha ko, para akong nasa horror story-
"Bakit ka nakatayo?" Lumingon ako kay Drei na nasa pinto nya at hingal na hingal.
"Saan ka galing-ahh!" tili ko nang bigla n'ya kong buhatin pa bridal.
"Wag kang makulit, dadalhin kita sa ospital!" sabi nya pa, at sobrang seryoso ng mukha. "Wag kang matutulog ah"
Bored akong tumingin sa kanya, "kasalanan mo to."
Nasa ospital na kami at natreat na rin ako ng mga nurse, hinihintay na lang namin si kuya at Papa para sunduin kami. Wala rin kasing tao sa bahay nila that time.
"Sorry na!" nakahawak sya sa ulo n'ya at namumula ng sobra.
"Di kita mapapatawad kapag maaga akong mamatay."
"Sorry na nga!"
"..." Di na ko nagsalita, para kasing magpapast out na rin sya eh, kanina pa yan simula nang makarating kami dito. Naikwento pa ng nurse na sobrang di mapakali sa labas, at parang iiyak na raw.
"Hahaha" tawa ko sa loob ko. Tch, iyakin pa rin ah haha.
"Papatayin ako ng kuya mo." bulong nya pa, parang nangingiyak na nga ang asungot.
Kaya pala paiyak kana.
Akala ko pa naman dahil nag-aalala sya. Bwiset na yan.
"Sasabihin kong aksidente lang ang lahat, sasabihin kong nahulog ako sa hagdan." sabi ko, agad naman s'yang tumingin sa akin.
"Seryoso? Bakit mo naman gagawi' yun?"
Tumingin ako sa kanya ng seryoso, "Kumbisihin mo si Yato na sumali sa team."
Nagulat ako nang tumayo sy', "AYOKO!"
Luh, "Hoy ikaw na nga tong-"
"Ayoko nga eh, eh sa ayoko!" sabi nya, nagsispagtinginan na sa kanya yung ibang nasa bed. "Ayaw nya rin eh-"
Nakatingin lang ako sa kanya, para kasing mauubusan ako ng dugo sa kanya.
"iuuntog ko 'tong ulo ko sa pader." sabi ko na nagpatigil sa kanya.
"Bakit mo iuuntog?"
"Para makita ni kuya-"
"Wag!" hiyaw nya, napahawak na sya sa bibig n'ya, lumapit s'ya sa kin at hinawakan ako sa ulo. "Nababaliw kana ba?"
"Oo," hinawakan ko ang dalawa nyang kamay na nasa ulo ko. "Alisin mo na 'to at iuuntog ko ang sarili ko-"
"Ano bang problema mo?" Sigaw nya sa akin. Halatang bwisit na rin s'ya sa akin. Oh baka iniisip nyo nababaliw na ko? trina-try ko lang tong kababata ko baka um-effective. Baka nagagalit na kayo ah!
"Iuuntog ko ang sarili ko." kalmado kong sabi.
"Itigil mo na-ano ba?!" sigaw nya pagkatapos kong itry iuntog ang sarili ko kahit nakahawak s'ya sa ulo ko.
"Ano bang gusto mo?" HAHA! Natumpak mo rin!Tumigil ako at tumingin sa kanya.
"I-recruit mo si Yato."
"Ayoko!"
Sinamaan ko s'ya ng tingin. "Di kita mapapatawad kapag namatay akong hindi naglaro si Yato sa team natin."
"Hindi ka mamamatay!" medyo inis niyang sabi. Magkalapit pa rin kami, di niya pa din inaalis ang kamay niya sa ulo ko.
"Bago man lang ako mamatay makita ko kayo ulit na naglalaro sa court-"
"Tss, oo na!" sabi n'ya. "Ire-recruit ko na si Yats, wag ka lang mamamatay dahil papatayin din ako ng kuya mo!"
Natuwa ang loob ko, haha bilis talagang mapa-oo nitong asungot na to kapag may pagbabantang nangyayari.
"Okay!" sabi kong nakangiti at umayos na rin ng upo na parang mabait na bata.