Effort si Asungot

Jinji's POV

"Dapat after Sport fest mapasali mo na si Yato ah—"

"Ano? Ang bilis naman!" reklamo ni Drei sa akin, "Di ba pwedeng two weeks?"

Sinamaan ko agad s'ya ng tingin, huminto ako sa paglalakad at itinuro ang ulo kong nakabenda.

"Itong benda ko in two weeks lang din ba?"

I heard him tch'ed, tyaka s'ya dumeretso sa paglalakad. Magkasama kami ngayon papasok ng school dahil sa parusang binigay sa kanya ng mama niya.

Kailangan nya kong samahan papasok at pauwi para buhatin ang mga gamit na meron ako. One week din akong di pinapasok ng doktor, pahilumin daw muna ang sugat. Buti na lang nga walang nangyari sa utak at sa bungo ko eh. Matibay ata to, at feeling ko mae-enjoy ko ang pagkakaroon ng alalay for two weeks.

Hayyy, okay din pala mauntog ano? Kekeke.

"Uy Drei, kailan pa pala kayo naging magkaibigan ni Yato?" panimula kong tanong sa kanya dalawang blocks na lang at nasa school na kasi kami.

"Ha?" nakasimangot pa rin ang loko.

"Kailan pa kayo naging magkaibigan ni Yato," medyo nilakasan ko na medyo bingi kasi tong kasama ko. Wala talagang perpek, pogi ka nga may dipekto ka naman sa tenga at utak.

"Bakit mo natanong?" nakita kong medyo simiryoso ang mukha nya.

Bakit nga ba?

"Eh, di ba nung bata tayo lagi kayong magkaaway dahil lagi mo kong inaaway at sya yung nagtatanggol sa kin?"

Alam nyo kasi—konting throwback lang ah—nung bata pa kami, madalas akong inaaway nitong si Drei dahil daw mapayat ako. As in! Tawag nya at ng mga kaibigan nya sa akin ay Tingting, walis etc at kung ano ano pang panglinis.

At si Yato *kekeke* sya yung parang 'Hero' ko kasi lagi nya kong pinagtatanggol sa mga 'KOLOKOY', oh alam nyo na bakit ko s'ya crush ah. Lagi silang nag-aaway pero away bata lang naman. Kaya nga nagtataka ako eh, ako dapat kaibigan ni Yats pero bakit ako yung parang naging KOLOKOY ngayon?

Simula n'ung umalis sila at inawan ako, siguro naging magkaklase sila dun sa school na nilipatan nila kaya medyo close na sila *hinuhulaan ko lang* nung bumalik kasi si Drei para mag-aral ulit dito naging mabait na sya ng konti sa akin, konti lang.

May ginawa kaya 'tong Drei na to? Brinainwash nya ba si Yato kaya ayaw na sakin ni Yato? Tsss.

"Nung lumipat kami dun kami naging magkaibigan." sagot nya, di pa rin tumitingin sa akin.

"Tapos?" medyo nauuhaw pa ko sa info eh.

"Ano pa bang gusto mong malaman?" iritable na syang tumingin sa akin. Napaka naman nito.

"Kasi nagtataka lang ako, bakit..." uhmm, medyo nakakahiya. Mamaya kasi isipin nito crush ko pa rin si Yato.

"Ano?" excited? Tekaaa aba

"Ano kasi—uh. Napansim kong parang inis sa akin si Yato? Alam mo ba kung bakit?"

Nakayuko kong sinabi yung mga yun, mamaya maya pa napansin kong wala na kong kasabay. Agad akong lumingon sa kanya na naiwan.

"Huy!" sigaw ko sa kanya, limang hakbang lang ang layo ko sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin at parang bored na bored at naiinis ang mukha.

"Di ko alam kung bakit sya naiinis sayo," balik nya sa akin, "di ka nga namin napagkwe-kwentuhan eh. Okay na ba?" para syang nagdadabog na naglakad at nilagpasan pa ko ng loko.

Luh, bakit galit 'to? Sya ata yung naiinis sa akin eh. Ganto na lang ba ang galit nya dahil kailangan nyang buhatin ang gamit ko papasok at pauwi? Eh kasalanan n'ya naman.

Tch.

Hanggang sa makapasok kami ng school di na ko kinibo ni Drei, mukhang tanga lang eh! Parang curious lang ako sa friendship nila ni Yato.

"Jin" napalingon ako kay Gem na katabi lang ng upuan ko, suot nya pa rin ang makapal n'yang salamin. Kaibigan ko yan, medyo nerd at katulad kong boyish kaya siguro magkasundo kami pero medyo mature sya kaysa sa akin sa ugali at sa itsura. Kekeke.

"Ow?" inilabas ko na ang mga gamit ko para sa first subject namin.

"Ano yang bendang meron ka? Bat di pa rin yan tinatanggal? Okay ka na ba talaga, tyaka wala ka ring text or kung ano sa isang linggo di namin alan kung anong nangyari sa'yo!" tanong nya, naramdaman ko ang paghawak nya sa ulo ko. Parang sa inis niya ata gusto nya ulit iuntog ako.

"Ah, nauntog—" tumingin ako sa pwesto ni Drei, nakatungo s'ya. "Este, nahulog ako at nauntog sa kanto ng hagdan, pero okay na ko nakapagpahinga na—"

"Bakit ka pumasok agad?" galit na sabi sakin ni Gem, "nagpahinga ka muna dapat ng ilang linggo tyaka sino yung tumulak sa'yo?"

Nagpatunog pa ng mga daliri si Gem habang sinasabi yun. Tapang talaga nito, kaya walang nagtatangkang bumully dito eh.

"Katangahan yung tumulak sa akin," sagot ko, "tri-nay ko lang kung lilipad ako, hehe!" kapag nalaman nyang si Drei ang may kasalanan baka hamunin n'ya ng suntukan hehehe, seryoso yun.

"Bobo naman nito pwede ba yun—"

"Good morning!" napatingin kaming parehas ni Gem kay Claire na always maliwanag ang mukha,  galing sa kanya yung energy na ginagamit para i-convert into Electrical energy.

"Hi mga BFF ko!" BFF daw. "Namiss kita Jiiinji—" napahinto s'ya nang tumingin sa gilid ko, kay Drei na nakayuko.

"Anong ganap?" nagnguso pa s'ya kay Drei. "Bakit nakaharap sa lamesa n'ya tong boyfriend mo?"

Bulong lang yun pero nakakairita mamaya marinig ni Drei, magfeeling na naman!

"Ang ingay mo!" tinakpan ko nang may lakas ang bibig n'ya. Pero agad niya rin yun inalis sa pamamagitan ng pagkurot sa kamay ko.

"Aray—"

"At anu yan?" nguso n'ya ulit this time sa benda ko sa ulo, "bagong fashion trend friend?"

"Nahulog s'ya sa hagdan." casual na sabi ni Gem kay Claire. Natawa naman si Claire at may hampas pang kasama.

"Ang tanga mo friend! Pati pa naman pagkahulog sa hagdan mae-experience mo? Magjowa kana nga, baka maaga kang kunin ni Lord." ipinatong n'ya na ang gamit nya sa lamesa sa harap ko kung saan s'ya nakaupo.

Sa harap ko sya, si Gem sa kaliwa ko katabi ang bintana at si Drei na nasa kanan ko. Isang upan din bago ang huling desk ang pwesto namin. Malamig dahil malapit sa bintana, pero mas bet ko sa pwesto ni Gem. Pang-anime lang ang peg ganern.

"Jin, itutuloy mo pa ba ang pag part time sa trabaho na pinapasukan ko?" tanong ni Gem sa akin.

Ay lintik! Nakalimutan ko na agad yun! Ahhh, kainis kasi di ako makaalis sa Team huhu.

"Oo Gem, sasama pa rin ako pero need ko pa ng time para makaalis." bulong ko sa kanya, lumapit pa ko nang konti sa kanya.

"Baka after ng sport fest makakasama na ko please wag kang kumuha ng iba, please." nagpeace sign ako sa kanya with sorry face para effective.

"Sus, di naman ako kukuha ng iba baliw. Ayoko ng ibang kasama basta ipangako mo ah, after ng sport fest." tumango ako sa kanya ng sunod sunod.

"Selemet Gem!"

-----

"Ano na?" tinitignan kong magpunas ng pawis tong si Drei, Kakatapos lang ng practice at pauwi na rin kami.

"Anong ano na?" tumingin s'ya sa akin bago umupo sa bench.

Maang maangan ang effect oh, muntanga! Lumapit ako sa harapan nya at nagpamewang.

"Si Yato," simula ko, "nakausap mo na ba?"

Tumigil s'ya sa pagpupunas ng pawis niya at uminom sa water jug nya.

"Di ko pa nakakausap pero pupunta s'ya mamaya sa bahay," sabi n'ya, medyo inis ang boses pero okay lang kasi kukumbinsihin nya na si Yato na sumali.

"Talaga?"

"Oo, kaya wag kang pupunta sa bahay!" tinuro turo niya pa ko. Nanliit naman ang mga mata ko sa kanya, makapagsalita kasi kala mo naman always akong nandun once in a month lang naman! Kapal nito.

"Wag kang mag-alala, simula nang mauntog ako natuto na ko, hmf!" pagtataray ko sa kanya, tinalikuran ko na rin siya at nagstart nang mag ayos ng mga gamit na naiwan.

Wala si Ella today dahil may exam sila tomorrow, kaya ako ang mayor doma ngayong araw. Huhu.

"Byeee." sabi ng mga player, "Jin Senpai, una na po kami ingat po kayo!" nagwave na rin ako sa kanila.

At wala na kong kasama... Wait.

Hinanap ko ang asungot pero di ko makita, sheet. Nasan na iyon? Luhhh iniwan ako? Wahh, isusumbong ko s'ya kay Tita!

Akala ko pa naman tutulungan niya ko, bwisit yun!

Naisara ko na ang storage ng mga gamit sa wakas! Tapos na ang pagliligpit, nakaforty five minutes din ako dun ah. Huhuhu. Kapagod magmap!

Nagmamadali pa ko n'yan ah, kailangan ko kasing magmadali dahil ako lang ang mag-isa ayokong abutin ako ng 6 dito, dahil may mga horror stories na kumakalat dito sa School lalo na sa gym namin.

May babae daw na nagpakamatay dito sa mismong basketball ring!

Hehe, malay ko ba kung totoo pero parang nakakatakot nga diba—

*bogsh*

"Ah letse!" napatalon ako sa narinig kong tunog na nagmula sa storage room.

Omg.

Meron ba? Teka, aalis na nga ko eh!

Tumakbo na ko para kunin bag ko na nasa dulo pa ng gym, ang tanga ko bakit ko dun nilagay! Huhu.

Nang madampot ko ang bag ko, may narinig na naman akong kalampag mula pa rin sa storage room.

Letse talaga.

"Baka naman mga bola lang?" bulong ko sa sarili pero imposibleng bola yun eh malakas ehhh!

Napatili pa ko nang biglang namatay ang ilaw.

I'm doomed!

Tumakbo ako papunta sa exit, at nang akmang makakalabas na ko may biglang sumulpot sa harap ko kaya napatalon ako sa kanya.