WebNovelDamn Feels100.00%

Parang Tanga lang

Jinji's POV

Nakayakap pa rin ako sa estranghero, di pa rin ako makagalaw.

Bumagsak kaming dalawa sa sahig. Buti nalang nasa ibabaw ako iwas untog—teka! Ang bigat ko kaya!

Bumangon agad ako at yumuko ng 90° sa taong kahit papano ay sumagip sa akin.

"Sorry, di kita nakita!" nakitang tumayo na ang lalaki.

"Y-Yato?" siya nga. Nagpapagpag sya ng damit nya na medyo nadumihan dahil sa pagbagsak namin.

Shet, sya yung niyakap ko? Nagkadikit kami? Luhh, ano tong parang tren na nasa dibdib ko.

Hala, Jinji kumalma ka!

"Anong nagyayari sa loob?" tanong nya habang nagpapagpag ng uniform n'ya. "Bakit ka sumisigaw?"

"Ah..." lumingon ako sa pinto ng gym na nakabukas pa rin at madilim na sa loob.

Agad kong sinara yun. "Kasi may narinig akong kalampag sa storage room, at biglang namatay yung ilaw kaya napatakbo ako hehe."

Katulad ng nakaraan, bored pa rin ang mukha nya sa akin.

"May ginagawa yung caretaker sa likod ng gym, yun yata yung narinig mo. About sa ilaw, brown out sa buong school." casual nyang sagot.

Bakit ang dami niyang alam?

"Paano mo naman nasabi?" sabi ko bigla, ewan kooo di ko rin alam bakit yan ang lumabas sa bibig ko!

"Dahil yun ang nakita ko at nabalitaan ko sa tv." sagot nya rin sa tanong ko. Mukha akong tanga sa mga pinagsasabi ko, wala na kong kasense-sense!

"Umiiyak ka ba?"

Tumingala ako sa kanya, pinahid ko ang luhang kumalat sa mukha ko.

"Di ah." pagsisinungaling ko, "pawis to!"

"Sinungaling." natigil ako nang marinig ko yung sinabi nya. Napatitig ulit ako sa kanya, namiss ko yun ah.

"Oo, hehe sinungaling nga ko." natatawa kong sabi sa kanya. Medyo nagsoft na rin ang mukha nya, parang kahit anong oras magkakaroon na ng emosyon.

"Di ka na nagbago no?" komento niya pa, sabay abot ng tissue sa akin na kinuha ko agad.

"Nasan pala si Drei," napatigil ako sa pagpunas ng mukha ko, naalala ko kailangan kong parusahan yung ungas na yun sa pag-iwan sa kin.

"Umuwi na after ng practice." sagot ko.

"Ah, ganu'n ba. Akala ko magkasama kayo, lagi kayong magkasama diba?" naglakad na siya, at nauna sa akin.

Mabilis ko naman s'yang sinundan.

"Hindi ah, twing pauwi lang—"

"Nakita ko kayo magkasama kaninang umaga." sabi n'ya. Napalunok ako sa nalaman ko, nga pala malamang makikita niya kami dahil magkablock lang kami. Kala niya siguro boyfriend ko si Drei?

No way!

"Close na kayo no?" Luh!

"Di ah!"

"Namumula ka, may gusto ka ba sa kanya?"

"Wala!" napatakip ako ng bibig ko napalakas yung sagot ko, kahit sya nagulat. Mukhang tanga rin kasi tong Yato na to, pagkatapos akong awayin nung mga nakaraang araw ngayon para feeling close ulit ang isang to!

"I mean, kaibigan lang ang tingin sa kin ni Drei at ganun din naman ako sa kanya." sagot ko, medyo kalmado na kesa kanina. Pero di pa rin nagbabago yung dibdib ko sa pagkabog, parang nababaliw na yung puso ko.

Nagwawala!

"Ah Ganu'n ba?" sabi nya. Tumango lang ako sa sarili ko. "Akala ko kasi kayo na."

Napatingin ako sa kanya, seryoso ba s'ya?

"Seryoso ka?" tanung ko, sa dami daming i-ship sa akin si Drei pa?

"Bakit? Okay naman si Drei ah." sabi n'ya pa, medyo chine-check ko s'ya malay ko ba baka nagbibiro lang to.

Pero seryoso eh.

"Katulad nang sinabi ko kanina, magkaibigan lang kami ni Drei." seryoso rin ang sagot ko sa kanya.

Di ko alam bakit ganto yung nararamdaman ko pero halatang gusto niya kong i-ship kay Drei. Kalaban nga ang turing ko dun, di pa pumapasok sa utak ko na magkagusto kay Drei since laging pangit yung pinapakita niya sa sakin.

Gwapo nga, malakas naman ang tama!

Medyo tumahimik ang pagitan namin, di ko rin kasi alam yung sasabihin ko eh, kahit siya kasi tahimik. Di ko alam kung paano ko sisimulan. Paano ba makipag-usap sa kababata mong matagal mo ring di nakita?

"Uh, Yato... " tawag ko sa kanya.

"Mhm." tanging respond nya, tipid ah. Di man lang bumuka ang bibig ah.

"Uh, kasi baka ano yung mga pinag-iisip mo ah tungkol sa amin ni Drei..."

"Okay lang, di naman ako nag-iisip ng ganung malisyosong bagay tungkol sa inyo ni Drei." bigla nyang sabi.

Luh? Biglang ganun? Tyaka teka, malisyoso agad?

"At isa pa," medyo naiwan ako sa likod n'ya, di ako makapaniwala sa mga sinasabi n'ya ngayon ah. "sa tingin ko naman di ka type ni Drei."

Lumingon pa s'ya sa akin at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Ang taba mo, Jiji."

Nanlaki ang mga mata ko, binanggit nya yung pangalan na tinatawag nya sa akin nung bata pa kami pero sa di magandang paraan.

Ano daw? Mataba ako?

Di ko lang pala maririnig ang mga salitang 'yon kay Drei, pati pa naman dito sa First crush ko? I am fully convince, naimpluwensyahan nga sya ni Drei.

Damn you, Drei. Grrr!

Napatingin tuloy ako sa ibaba ko, yung tyan ko di pa naman ganun kalaki ah. Tapos kaya ko pa 

naman ang sarili kong bumahit, ang kapal din nito!

Di na ko nakasabat sa sinabi n'ya, di ko na kaya eh. Magpapakatotoo na ko, nasaktan ako eh, okay lang na marinig ko kay Drei yung mga 'yon eh pero iba pala kung kay Yato na galing.

Letse, bakit parang nanlalabo ang mata ko? Umiiyak ka Jin? H'wag kang umiyak!

"Umiiyak ka ba?" narinig kong sabi ni Yato, medyo parang nagsoft yung boses n'ya. Ano pagkatapos n'ya kong sabihan ng gan'un bigla syang babait?

Nagtry akong punasan ang luhang lumalabas ng kusa sa mata ko, mukha akong tanga talaga. N'ung mga nakaraang aksidenteng nangyari sa akin, wala akong pinunasang luha sa mga mata ko.

Pero ngayon parang mas malala itong nangyayari sa akin. Kainis aba!

"Di ako umiiyak-" nagulat na lang ako ng biglang umangat ang mukha ko. Nakita ko si Yato sa harap ko at nakangiti.

Luh? So nae-enjoy n'ya 'tong pagpapaiyak sa kin?

"Iyakin ka pa rin pala, Jiji tch." Kinurot n'ya ang dalawa kong pisngi. "Di ka pa rin nagbabago."

Tumalikod na s'ya at naglakad na papalayo. Di ko na s'ya sinubukan pang sundan. Parang di ko na kaya, parang mamamatay na ko today... dahil sa kilig.

Napahawak ako sa dibdib ko, "Bakit n'ya ginawa iyon?"

Di ako makahinga parang di pa nakakamove on yung puso ko sa ginawa ni Yato. Bakit gan'un? 

After Five years bakit parang ganun parin?

Waaaah, tapos parang kanina lang nilait n'ya ko at umiiyak iyak pa ngayon para akong tangang 

pangiti ngiti.

"Parang baliw!" sabi ko sa sarili ko, sinasampal sampal ko pa yung pisngi ko kasi nakangiti 

habang naglalakad.

"Parang piniga lang naman nya yung pisngi mo akala mo naman hinalikan ka! Baliw! huhuhu ang gwapo nya!"