Chapter 3

III

| ABS |

Nagising ako kinabukasan na may nararamdamang mabigat sa aking katawan. Tila ba may nakapatong saking isang mabigat na bagay. Before I conclude something, naalala ko kaagad ang nangyari kagabi.

I suddenly open my eyes and boom. Nakayakap pa rin sakin hanggang ngayon si John. Nakapatong ang kanyang kanang paa sa katawan ko. Ginawa nya talaga akong unan. Mukha ba akong pillow sa kanya?

Tapos ang lapit pa ng mukha nya. Napakalapit ng mukha nya sa mukha ko. I also heard his low tone of snore. Pinakatitigan ko ang mukha nya, shit ang gwapo nya lalo sa malapitan. Hindi ko alam kung ilang minuto akong napatitig sa maamo nyang mukha.

Bago pa man may makakita sa ganitong posisyon namin ni John ay dahan-dahan kong inalis ang pagkakayakap nya sakin maging ang pagkakapatong ng kanyang paa sa katawan ko. Buti nalang hindi sya nagising sa ginawa ko, tulog na tulog pa din sya.

I make one last minute of stare on John bago ako nagtungo sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Tiyak ano mang oras ay manggigising na si Nanay Emma. Mabuti na 'yong wala syang maabutang kahina-hinala. Dahil hindi ko talaga alam ang ipapaliwanag kung magkagayun man.

Paglabas ko ng banyo, inaamoy-amoy ko ang aking hininga kung fresh na ulit. Amoy panis kasi kanina pero hindi ako bad breath, sadyang nag-iiba lang ang klima pag galing sa mahabang pagtulog. Napatigil lang ako sa pag-amoy nang makitang gising na si John. Humihikab pa ito tanda na bagong gising lang sya.

"Good morning."

Nahihiya man ay hindi dapat nya mahalata iyon. Kalma lang dapat ako. Umupo ako sa tabi nya para ayusin ng konti ang unang ginamit ko.

"Morning. Mag-ayos kana tapos sumunod kana lang sa baba pag okay kana."

Papatayo na sana ako nang bigla nya akong pinigil. Kaya naman nilingon ko sya sa ginawa nya to understand why. Di nya naman ako pipigilan kung wala syang sasabihin eh.

"Bakit?"

"Salamat. Nakatulog ako ng mahimbing."

Bigla ko ulit naalala kung paano nya ako yakapin kagabi. Matindi man ang pagkailang na naramdaman ay binalewala ko iyon dahil gusto nya. Besides wala namang malisya dahil yakap lang naman iyon. Wala namang masama sa yakap diba? Its a friendly hug, wag kayong ano.

"Wala iyon. Una na 'ko sa baba."

"Sige, susunod ako."

Pagbaba ay hindi ko natagpuan si Nanay Emma. Tanging sila Ate Maya lang ang nadatnan kong naghahanda ng almusal. Baka may pinuntahan.

"Si Nanay po?"

"May binili lang sa labas. Dessert daw, wala namang sinabi kung anong klaseng dessert."

"Kanina pa po ba sya umalis Ate?"

"Wala pang limang minuto bunso. Baka pabalik na rin 'yon."

Niyaya ko silang mag-almusal dahil nakaramdam na din ako ng gutom pero tumanggi silang sumabay sakin. Mamaya nalang daw sila kakain pagdating ni Nanay Emma.

Hindi ko na pinilit baka matagalan pa si Nanay Emma sa pagbalik. Habang nagsasandok ng makakain ay sya ring pagdating ni John. Binati nya ang lahat ng isang magandang umaga.

"Mag-almusal kana, sabayan mo si bunso."

"Salamat po."

Agad pumwesto sa tabi ko si John. Umakto naman ako na parang wala lang. Deretso lang ako sa aking ginagawa. Naglalagay ako ng ketchup nang basagin nya ang katahimikan.

"Ayaw mo ng pritong hipon?"

Nagtataka siguro sya kung bakit iyon lang ang hindi ko ginagalaw sa hapag. Allergic kasi ako sa hipon, sila Nanay Emma lang ang may gusto. Isinusumpa ko man ay hindi ko ipinagbawal na ihain kasi ako lang naman 'yong allergic sa hipon. Bukod sakin wala na.

"Allergic ako dyan."

"Ahhh parehas pala tayo."

Wala sa oras ko syang tinignan. Telege be? Ayokong bigyan ng kahulugan. Baka nagkataon lang na parehas kaming allergic sa iisang seafood.

"Really?"

"Bata pa lang ako allergic na."

"Ako din eh. What happen to you kapag inatake ka?"

"Nangangati ang buong katawan kaya di maiwasang magsugat sa kakakamot. Ikaw ba?"

"Iba sakin eh. Nakakamatay sakin ang hipon kasi nauubusan ako ng hininga kapag inaatake."

"So you better be careful baka makakain ka ng di mo alam."

"I always do."

Bigla ay may tumikhim sa likod namin. Si Kuya Garry, nagpaparinig ata. Hindi na kasi kami nakakain dahil nagkikwentuhan na lang tungkol sa hipon. Humingi naman ng paumanhin sa kanya si John samantalang ako ay napangisi nalang sa kanya.

Patapos na kaming kumain nang dumating si Nanay Emma. May dala-dala syang cassava cake. Sarap! Bigla akong natakam. Natikman ko na kasi kaya tested na masarap talaga sya.

"Good morning po."

Pagbati ni John kay Nanay Emma. Hindi ito sumagot bagkus ay ngumiti nalang ng pilit. Wala pa talaga syang tiwala kay John. Mahirap sya magtiwala sa hindi nya kilala and I know the story behind pero wala akong dapat ikwento dahil hindi ko dapat ipinagsasabi kung kani-kanino lang.

"Good morning anak. Gusto mo ng cake?"

"Morning po. Yes Nay, tapos na rin naman po akong kumain."

Binuksan na nga agad ni Nanay Emma ang karton ng cake. Humiwa sya ng isa tsaka inilagay sa isang platito. Hindi na sya naghiwa pa.

"Heto anak. Bibihis lang ako saglit. Kain lang kayo jan."

"Sige po Nay."

Pagpasok ni Nanay Emma sa kwarto nya, ako na ang nagkusang kumuha ng cake for John. Inilagay ko rin ito sa isang platito tsaka inilapag sa harapan nya.

"Salamat."

"Pasensya kana kay Nanay Emma. Ganun lang talaga sya kapag hindi pa nakukuha ang tiwala ng isang tao."

"It's okay, I understand."

"So you better get her trust. Okay?"

"Sure. Basta para sayo."

"Ikaw talaga. Kumain kana nga."

Right after kumain ay naligo na kami. Pero syempre pinauna ko na sya, iisa lang kasi ang banyo dito. Kakaadwa naman kung magsabay kami, di pa kami close. Charot! Parang sinabi ko na rin na gusto kong magsabay na kami pag close na sa isa't isa. Ugh!

I texted Mommy kung kailan sila makakauwi. Hindi ako agad nakatanggap ng reply. Sabagay, I'm not her or I must say their business kaya mas priority nila yon. Makatanggap man ako ng reply siguro gabi na or kinabukasan. Reason? Busy. In what? Business!

Lumabas si John na nakatopless. Nagulantang ako sa mga nakahaing pandesal. Hindi ko na hinayang matigagal ako sa abs nya. Hinablot ko ang tuwalya at walang pagpansing pumasok ako sa banyo.

Napasandal ako sa pintuan nang maalala kung gaano kalalaki ang mga pandesal sa katawan nya. Mukhang bagong luto ang mga ito, mamasa-masa pa.

He's so hot!

Sa mga iniisip ko uminit ang buong banyo kaya naligo na ako bago pa ako mapaso sa sariling init. Paglabas ko wala na si John, nakabihis na siguro. We're going out today dahil ngayon ang umpisa ng iba't ibang kasiyahan sa pista. At ang una kong naisipang puntahan ay ang mga rides, I really loves rides since then.