IV
| Trip |
Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko si John at Nanay Emma na seryosong nag-uusap. Maybe John's making his moves na to get Nanay Emma's trust. Break a leg sa kanya.
Alam ko hindi naman mahirap kunin ang tiwala ni Nay Emma, mahirap lang talaga syang magtiwala agad sa bagong tao. Kabilang na roon si John.
Sa nakikita ko ay mukhang magkakaayos naman ang usapan nilang dalawa dahil nakita ko ang mga ngiti sa kanilang mga labi.
"Oh anak andyan kana pala. Ang gwapo mo Nak" Sabi ni Nanay Emma ng makita nya ako.
"Salamat Nay." I said with a wide smile on my face. Minsan ayoko talagang pinupuri lalo na kapag may ibang tao kaming kasama. Medyo nakakahiya pero nakakahiya talaga.
John also look at me, sinipat nya ang buo kong tindig. Well, pinaghandaan ko talaga tong araw na ito. First time namin ni John na lumabas na kami lang. Malamang dahil bagong magkakilala palang kami. I only want this day to be memorable, not only for me but for the person whom I'm with.
"You look gorgeous," pagpuri ni John sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang sa sinabi niya. Why so serious? Mukha tuloy syang sincere sa pagpuri nya sa akin. So I replied with a smile to him.
I'm wearing an outfit that suit for amusement park. In my head, I'm wearing my favorite cap. It's best for protection against direct sunlight. For my body, I'm wearing button down shirt and striped tank top. Bale mukhang sando na dinoblehan ng long sleeves. For my lower part, I'm wearing a tailored short, high socks, and a sneakers. In my hand, I'm usually wearing my fave watch.
(Tignan ang pictures kung ano ang itsura ng outfit ko pero hindi po ako ang nasa pictures, model ko yan.Charot!)

"Lets go?" Pag-aya ko sa kanya. We need to get there bago pa dumagsa ang maraming tao. Baka hindi pa namin maenjoy ang mga rides.
"Nay alis na kami. Sumunod po kayo ah?"
"Sige, anak. Magpakasaya kayo, susunod kami."
"Okay po. Bye!"
Hindi sila makakasabay samin ngayon sa kadahilanang mas gusto nilang magluto ng mga ihahanda. Ayaw din naman nilang tumulong kami ni John, mag-enjoy nalang daw kaming dalawa.
Sasakyan ni John ang ginamit at siya ang nagdadrive. Pagkaupo ko ay agad akong nailang nang titigan nya ako. What's with this man? Makatitig naman 'to wagas.
"Anong klaseng tingin yan huh? Tigilan mo nga, nakakaloka ka." Reklamo ko. I can't hold my breath anymore kung magpapatuloy sya sa ginagawa nyang pagtitig sakin.
"Pinaghandaan mo ba 'tong araw na 'to?" He asked then smiled as if something is good in his mind. Kung ano man iyon, ayokong malaman.
"Ofcourse. I want to make this day remarkable for me and it's my goal. How about you?"
"Same as you pero may kakaiba."
Tinignan ko sya nang may pagtataka. Tila gusto kong iparating sa kanya kung ano ang kakaibang iyon. This guys gives me a shock right now.
"Kakaiba? What is it?"
"Gusto mo ba talagang malaman?"
Tsk! Papilit din ang isang ito ah. Do i really need to answer that? Pinag-iisip nya ako ng kung ano-ano.
"Yeah. Spill it out." I don't know why I said that. I supposed to ignore the different he mention. Maybe I was being curious. Di bale na nga tutal nasabi ko na rin naman.
"I want to make this day remarkable with you." Napatulala ako sa kanya nang sabihin nya ang mga katagang iyon.
Seryoso sya habang sinasabi nya 'yon. Hindi nya magawang lumingon sakin dahil nakafocus sya sa pagmamaneho. Nakatitig lang ako sa kanya. Did he meant to say that or he's making fun of me?
"What? Hindi ka naniniwala? I'm serious."
He maybe notice that I'm not gonna believing him. Halata naman kasi sakin ang pagtataka at kawalan ng paniniwala sa sinabi nya. She mean it or not, I don't care. Maybe its his way of fooling people.
"Whatever. Just keep on driving."
Alam kung nasaktan sya sa sinabi ko. After my last words, hindi na sya nagsalita. Better, baka kung saan pa kami mapunta. Ayokong makipag-away sa kanya.
We're suppose to be happy but I did some immaturity action. Ayan tuloy, hindi nya ako kinakausap o pinapansin man lang kahit sinusulyapan ko sya. No emotion in his face that makes me guilty of what I did.
Is it really my fault?
Argh!
Nakarating kami sa parking lot nang walang imikan. Aaminin kong kasalanan ko naman. So, me, myself and I need to fix this misunderstanding between us. I stop him when he was about to go out from the car.
"Let's talk first."
Umupo sya ng maayos pero di sya tumitingin sakin, di sya namamansin. Galit nga sya, confirm. Hindi ko alam kung pano sisimulan pero aminado ako na kasalanan ko so I need to say something. I need to make something good now.
"Sorry na."
And in that moment, tumingin sya sakin. Seryoso, tumitig kaya nailang ako bigla. Inialis ko ang tingin sa kanya sa hiya. Ayan na naman kasi sya sa titig nyang nakakatunaw ng icing.
"Look at me." he commanded.
Dahan-dahan naman akong tumingin sa kanya.
"Sorry saan?"
"Sa sinabi ko kanina, natarayan kita."
Seryoso kaming dalawa na nakatingin sa isa't isa. Kung may seryoso man talaga samin, sya yon. Kahit anong gawin ko naiilang pa din ko sa tinginan nya sakin.
"Anong sinabi mo?"
Wait. Jinojoke ba ako nito? Imposibleng di nya maalala dahil mas nauna siyang nanahimik at di nalang namamansin bigla. So I conclude na naoffend sya sa sinabi ko kanina but as of the moment pakiramdam ko pinagtitripan nya ako.
"Nantitrip ka ba?"
Ilang saglit syang nakaseryoso bago binitawan ang kanina pa nya siguro pinipigilang tawa. Sabi ko na nga ba eh, pinagtitripan lang nya ako. Abay kalakas ng apog nyang pagtripan ako.
Tawa lang sya ng tawa habang pinapanuod ko. Unti-unti rin akong nakaramdam ng kaunting inis sa ginagawa nya. Kaya bago pa sya mamatay sa kakatawa, inunahan ko na. Sinapak ko sya sa ulo gamit ang kamay ko.
"Aray ko naman. Masakit yon ah." Reklamo nya nang matigil sya sa kakatawa.
"Malamang, nilakasan ko eh. Mahiya ka nga pinagtitinginan ka oh."
Bawat tao kasing napapadaan sa parking ay napapatingin sa gawi namin kaya kitang-kita ang pagtawa nya.
"Wala silang paki. Sakit ah. Grabe ka sakin."
Reklamo nya habang hinihimas-himas ang ulong sinapak ko. Buti nga sa kanya, quits na kami sa pantitrip nya sakin.
"Nakakatawa yong itsura mo kanina. Akala mo talaga galit ako?"
Binuksan ko na ang kotse tsaka lumabas. Naiinis pa rin ko sa kanya baka masapak ko ulit sya. Lumabas na rin naman sya at lumapit sakin.
"Alam mo panira ka ng araw. Umayos ka nga, John."
"Ito naman di na mabiro."
Tinusok-tinusok nya ako sa tagiliran kaya napapaigtad ako. Malakas pa naman ang kiliti ko sa parteng katawan. Pinitpit ko ang kamay nya malikot.
"Ano ba? Nakikiliti ako. Hindi ka nakakatuwa. Masaya ka?"
"Masaya ako kasi kasama kita."
Di ko na ulit napigilan ang sarili kong batukan sya sa ulo. Ang corny nya ah, ihulog ko to mamaya sa ferris wheel eh nang matauhan sya. Kabagan sana sya sa pinagsasabi nya.
"Aba, nakakadalawa kana ah. Masakit!"
"Corny mo kasi. Tara na nga.
Naglakad na kami papasok para makabili ng tickets for two. Madami na rin ang tao kaya kailangan na naming makuha agad ng ride-all-you-can na tickets. Sya ang nagbayad ng lahat.
"Seryoso ka?"
"Oo nga, pambawi."
Kinindatan nya ako bigla. Agad nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Kadami pa namang tao sa likod namin.
"Magtigil daw John, daming tao oh."
"Wala silang paki."
"Attitude ka din nuh? Ate Chunaaa ka."