Chapter Six: Angel

[SETH'S POV]

Napatingin lahat ng nasa loob ng café sa may entrance ng tumunog ang chime hudyat na may pumasok. Isang babae ang nakatayo sa may entrance. Nakashades ito, may maiksing buhok na hanggang balikat. Nakalong sleeve shirt siya at short na pinaresan ng flatform shoes. Ang lakas ng karisma niya kaya lahat napapatingin sa bawat galaw niya. Halata ding iba ang lahi niya. Pinaghalong Asian at Western ang mukha niya pero parang dominant ang western fitures niya. Hindi ko alam pero bigla na lang akong hindi mapakale na ewan. Hindi ko din sigurado. Basta! I just feel uneasy. Pansin ko din ang mga mapangmatang tingin ng mga babaeng customers dito. Mostly kasi ay mga babae at nabibilang lang sa daliri ang mga lalaking pumapasok dito.

Kitang kita ko kung papaano nagsitaasan ang mga kilay nila, mapaismid at mapairap. Nakakaintimmidate naman kasi ang babaeng bagong pasok. Pansin ko naman ang manghang pagtitig ng mga lalaki sa kanya na sa hindi ko malamang dahilan ay nakaramdam ako ng inis. Parang gusto kong dukutin ang mga mata nila para hindi na nila magamit pa. Kahit nga itong mga kagrupo ko ay mataman siyang tinitignan. Tsk. Nakakawalang ganang magtrabaho.

Pansin kong halos magtangka lahat ng mga kagrupo ko para lumapit sa kanya pero nauna na si Christian dahil siya ang pinakamalapit. Mukhang mapapasabak si Christian sa English dahil foreigner ang haharapin niya. Para yatang gusto kong bugbugin si Christian sa paglapit niya sa babae at burahin ang malawak niyang ngiti. Tsk. Bakit ba ako nagkakaganito? Ngayon lang ito nangyari. Tsk. Umayos ka Seth. May asawa ka na. Nababaliw na yata ako. Pati sarili ko pinapangaralan ko na.

Hindi ko na lang sila pinansin at ipinagpatuloy ko na ang trabaho ko. Naaasar pa din ako. Kainis. Idagdag mo pa ang mga maiingay na babaeng ito. Alam ko namang trabaho ito kaya wala akong magagawa kung hindi pakisamahan sila kahit medyo asar na asar na ako sa kaingayan nila. Kung pwede ko lang sanang bugbugin ang bigla- bigla na lang nanghalik sakin kanina ay ginawa ko na ei. Tapos sinundan pa ng iba kaya napilitan na lang akong ngumiti para pagtakpan ang asar ko. Nakakaletche lang. tsk.

Pagbalik ko ng counter para ibigay ang order ay naupo ako saglit dahil nangalay na ang mga binti ko sa kakatayo kanina pa. Pasimple ko ding inilibot ang tingin ko pero hindi ko nakita ang hinahanap ng mata ko.

Napatingin na lamang ako sa may second floor kung nasaan ang mga VIP rooms ng marinig na bumukas ito at iniluwa doon si Christian. So nasa VIP room yung babae? Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba o hindi. Tuwa dahil hindi na siya matitignan ng may pagnanasa ng mga lalaki dito at hindi na siya titignan ng mga mapangmatang titig ng mga babae dito. Lungkot dahil hindi ko siya makikita. Tsk. Ano ba Seth! Get a grip of yourself. Tsk.

"A slice of chocolate cake, fruit parfait, bubble tea and glass of water, all for two. Para sa VIP."- Ngiting-ngiting sabi ni Christian. Tsk. Makangiti ito akala mo nakajackpot ei. Ibinalik ko na lang ang tingin sa mga tao at napipilitang ngumiti dahil may mga nakatingin sa gawi namin.

"Oo nga pala Seth."- Napatingin ako kay Christian ng magsalita siya. Ngiting-ngiti pa din ang loko. Tsk.

"Inirequest ka ng nasa VIP kung pwede daw ikaw ang magserve sa kanya? Bayad na oras mo. Sasamahan mo lang daw siya dun."- Sabi niyang may nakakalokong ngiti. Nagulat ako sa sinabi niya at parang lumundag sa tuwa ang puso ko sa narinig. Inirequest ako?

"Huh? Bakit daw?"- Kunwaring nagtataka kong tanong para pagtakpan ang kasiyahan ko.

"Ewan. Sasamahan mo lang naman daw siya ei. Wala kayong ibang gagawin uyy. Wag mo nang tanggihan. Malay mo may matuklasan kang ikakatuwa mo."- Makahulugan niyang sabi kaya mas lalo akong nagtaka.

"Anong ibig mong sabihin?"- Tanong ko pero nginitian niya lang ako at saka nagkibit-balikat. Magtatanong pa sana ako pero dumating na yung order na ibinigay ko kanina. Order yun ng mga babae sa may table 14. Sa table na may bigla na lang nanghalik sa akin kanina.

"Order for table 14."- Sabi ni Simon-hyung. Siya kasi ang incharge ngayon sa may counter. Kukunin ko na sana ito pero inunahan na ako ni Christian.

"Ako na dito. Ikaw na dun sa may VIP."- Sabi niya saka ako kinindatan at inihatid na ang order. Nangungunot na lang ang noo ko sa ikinikilos ni Christian. Tatanungin ko na lang siya mamaya.

Ilang sandali pa ay dumating na ang order para sa VIP. Kinuha ko na ito at naglakad papuntang second floor. Tanaw kasi mula sa first floor ang second floor. Hindi ko alam pero habang papaakyat ako ay pabilis ng pabilis din ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako na ewan. Tsk.

Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto kung nasaan ang babae. Heto na!! mas lalo yata akong kinabahan. Pagpasok ko nadatnan ko siyang tutok na tutok sa phone at naglalaro. Dinig na dinig ko ang sounds ei.

"G-good morning ma'am. Here's your order."- Nauutal na sabi ko at saka inayos ang order niya sa mesa. Takte. Mas malakas at damang dama ko sa malapitan kung gaano siya kaintimmidate. Hindi niya ako pinansin at nagpatuloy lang siya sa paglalaro. Nang matapos kong maiayos ay tumayo lang ako sa gilid niya at hinintay siyang matapos sa paglalaro.

"Sit."- Napakislot ako ng marinig ko ang malamig niyang boses. Teka! Sa kanya ba galing o guni-guni ko lang? Hindi ko na lang pinansin at tumayo lang dun. Itinigil naman niya ang paglalaro at saka ipinatong sa mesa ang phone niya at tumingin sa akin.

"Sit and eat with me."- Malamig niyang sabi at saka itinuro ang upuan sa harap niya.

"Huh? Auhmm.... Sorry but I can't. Wala po yun sa trabaho ko- I mean- uhmm...."- Paano ba ito? English nga pala dapat dahil banyaga ang kaharap ko. Letcheng Christian yun. Kaya siya siguro nakipagpalit sakin dahil ayaw niyang mahirapan sa pag-eenglish. May pasabi- sabi pa siyang inirequest daw ako. Lelang niya lukohin niya. Tsk.

"I requested for your service, youngman. I paid for it. Now sit and eat with me. That's for you."- Malamig niyang sabi at kahit nakashades pa siya ay alam kong mataman niya akong tinitignan. Tama ba yung narinig ko? Inirequest niya talaga ako? Hindi nagsisinungaligng si Christian? At talagang nag-order na siya ng para sa akin?.

"What?"- Muli niyang tanong ng hindi ako gumalaw. Nailing ko na lang ang ulo ko at saka naupo sa harap niya. Kita ko din ang pagsilay ng munting ngiti sa labi niya kaya napatulala ako dun ngunit agad din itong nawala. Sayang!. Sinimulan na niyang kumain kaya kumain na din ako.

"Uhmmm... ano..."- Itatanong ko sana kung bakit ako ang inirequest niya pero hindi ko maumpisahan dahil nga English nga kasi dapat ei hindi naman ako ganun karunong mag-english. Tsk. Tsaka baka fan ko siya kaya niya ako inirequest. Hehe. Ang swerte ko naman. May magandang dalaga akong tagahanga. *ehem* assuming masyado Seth. -__-

"It's okey. I can understand you. You can speak on your language."- Sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Ang cold ng boses niya pero bakit parang nakikiliti yata ang tenga ko? Nakakabakla ah. Pero uyy, lalaki ako.

"Bakit mo nga pala ako inirequest dito? Pwede naman kahit si Christian na lang ei. Yung waiter na nandito kanina. Bakit ako?"- Tanong ko. Come to think of it kasi kung fan siya ng grupo namin ei pwede namang kahit sino na sa amin ay pwede. Maliban na lang kung may bias siya. At ako yun?? *grin*

"Is it bad? I like you to be my server for today that's all. And besides, don't you like it? You don't need to fake your smiles to those obsess fans of yours. And I don't like others touching my property."- Sabi niya pero ibinulong niya lang ang huling mga salita kaya hindi ko masyadong narinig.

"Huh?"- Tanong ko.

"Nothing. Just eat."- Sabi niya kaya hindi na lang ako nagtanong at pinagmasdan na lamang siyang kumain.

Maputi siya at makinis. Cute nose. Bakit cute? Kasi maliit ang ilong niya. Hindi masyadong matangos pero hindi din naman pango na akala mo ei dinaanan ng 10 wheeler na truck. Katamtaman lang siya. Mukhang malambot at masarap kagatin. Her lips. Medyo pouty siya at may katamtamang kapal. Yung hindi makapal na akala mo ilang beses tinuka ng bubuyog para magbuldge. Hindi din manipis sakto nga lang kasi at bumagay sa ilong niya. They're cute. Pinkish din ito. No trace of lipstick, natural ang pagkapinkish neto. Parang ang sarap kainin. What the f***?? The hell of you Seth!. Iniling ko na lang ang ulo ko dahil sa kung anu-anong pumapasok sa utak ko. Sayang lang at hindi ko makita ang mga mata niya. VIP siya kaya malamang mayaman siya. At dahil alam kong karamihan sa mga mayayaman ay hindi makontento sa itsura at puro retoke para lang gumanda ay inaasahan ko nang ganun din siya pero ng matitigan ko siya ng mabuti ng malapitan ay masasabi kong hindi siya ganun. Mukha namang kontento na siya sa itsura niya. At kung ako ang tatanungin hindi naman na niya kailangan iyon dahil maganda naman na siya.

"You know, staring is rude."- Napaiwas ako ng tingin sa kanya ng bigla siyang magsalita at tumingin sa akin. Nakatitig na pala ako ng matagal sa kanya. Nakakahiya.

"S-sorry."- Sabi ko na lang at saka ipinagpatuloy ang pagkain. Teka ano nga pala pangalan neto?

"Uhmm... Sorry for my rudeness but. What's your name?"- Tanong ko at mataman siyang tinignan. Bahagya siyang ngumiti sakin kaya napatitig na naman ako sa mga labi niya.

"*ehem* I thought your not gonna asked that."- Sabi niya at narinig ko siyang mahinang tumawa. Damn! Nagkakabanggaan na yata mga kinain ko sa loob ng tyan ko.

"S-sorry."- Nahihiyang sabi ko at saka napayuko.

"Angel. My name is Angel."- Sagot niya kaya gulat akong napatingin sa kanya na nakatingin lang sa akin. Ibinuka ko ang bibig ko para magsalita pero walang lumabas. Angel? Hindi kaya? Iniling-iling ko ang ulo ko. Baka kapangalan lang niya ang asawa ko. Madami namang Angel sa mundo ei. Baka nagkataon lang. Tsaka sabi ni Sebastian at sabi na din sa folder na Nickname lang ng asawa ko ang Angel at Gee. Kaya hindi iyon ang tunay niyang pangalan.