Chapter Eight: A moment with her

[SETH'S POV]

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama dahil sa pagod. Last rehersal na kasi namin ngayon dahil bukas ay flight na namin papuntang Dubai. First destination namin ay ang Dubai. Tatlong bansa ang pupuntahan namin para sa world tour at una nga ang Dubai. Isang buwan din ang itatagal ng world tour kaya sunod-sunod ang rehersals namin.

Kailangan ko ng matulog dahil maaga pa kami bukas. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaang lamunin ng dilim.

Naalimpungatan na lang ako ng may maramdaman akong humahaplos sa pisngi ko, agad ko itong hinawakan kaya nagtaka ako ng maramdamang maliit ito, makinis at malambot ang balat. Kamay ng babae? At sa hindi malamang dahilan bigla kong nakaramdamang napakislot ang puso ko.

"Sino ka?"- Tanong ko sa kanya na may mapanganib na tono. Gusto kong bitawan ang kamay niya dahil hindi ko nagugustuhan ang hatid nitong kilabot sa akin pero hindi ko siya pwedeng bitawan baka bigla siyang tumakbo, takasan pa ako.

Hindi niya ako sinagot kaya nagtaka ako. Bumangon ako at aabutin ko na sana ang lampshade para buksan ito ng magsalita siya.

"Don't."- Mahina pero sapat na para marinig ko. Napakunot na lang ang noo ko ng parang pamilyar ang boses niya hindi ko lang alam kung saan ko narinig. Muli kong aabutin ang lampshade pero muli niya akong pinigilan.

"Please, don't"- pakiusap niya saka niya marahang tinanggal ang pagkakahawak ko sa kamay niya at naramdaman ko na lang ang paghawak at pagsalikop niya sa mga kamay namin na siyang ikinagulat ko at ikinataka ko din.

"Who are you?"- Nagtatakang tanong ko at hinayaan na lamang siya.

"It's just me hubby."- Malumanay niyang sabi at narinig ko ang mahina niyang tawa na siyang nagpalukso sa puso ko ng marinig ko ang itinawag niya sa akin. Bakit ko nararamdaman ito? Tama pa ba ito?

"Gee?"

"Yes, hubby. . . I'm sorry if I can't show myself to you for now. It's just, it's not yet the right time."

"Then when is it?. . . I want to see you already. Why can't you just show yourself to me? Why are you doing this?"- Narinig ko siyang mahinang tumawa kaya mas lalong lumukso ang puso ko.

"Patience, hubby. Patience. . . soon. Just wait."- Tipid niyang sabi kaya napanguso na lang ako.

"Now. Go to sleep. You have a flight tomorrow. You don't want to be late do you?"- Sabi niya at akmang bibitawan na sana niya ako ng higpitan ko ang pagkakahawak sa kanya. Natigilan naman siya.

"Stay with me. Just for tonight, please??"- Pakiusap ko. Hindi siya sumagot pero ramdam ko ang pag-upo niya sa tabi ng kama at dahan-dahang nahiga sa tabi ko.

"Okay. I will stay for tonight. Now go to sleep."

Kahit hindi niya kita ay tumango ako at muling nahiga pero paharap na sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay niya at iniyakap ang braso ko sa kanya.

Bewang niya ang nayakap ko so I conclude na bahagya siyang nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard. Hinayaan ko na lang ito at mas hinigpitan pa ang yakap ko sa kanya. Hindi pa ako nakontento at idinantay ko ang ulo ko sa dibdib niya. tsaka isinuksok ang mukha ko sa leeg niya. Ang bango niya. Dinig na dinig ko din ang tibok ng puso niya. Malakas at mabilis katulad ng sa puso ko. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko kaya mas nakaramdam ako ng antok.

Ngayong ramdam na ramdam ko na siya masasabi kong maliit ang katawan niya. Petitte nga siya. At ang sarap yang yakapin. Para bang ginawa talaga siya para sa akin dahil saktong- sakto at pasok na pasok siya mga bisig ko.

Her warmth is keeping me comfort. Mukhang nahanap ko na ang the best place to sleep at yun ay sa tabi niya habang nakayakap ako sa kanya. Hiling ko lang na sana ay hindi ito isang panaginip dahil hindi ko na siya gugustuhing pakawalan pa.

"Sleep tight, hubby. Sweet dreams."- Huling narinig kong sinabi niya at nakaramdam na lamang ako ng may malambot na bagay na dumampi sa noo ko bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

Nagising akong magaan ang pakiramdam ko. Naunahan ko pa nga ang alarm clock ko ei. Nakangiti akong tumingin sa tabi ko sa pag-aakalang may katabi pa ako pero agad din itong nawala ng makitang wala akong katabi at tanging isang malaking unan lang ang yakap ko.

Ano yun? Panaginip lang? Pero hindi ei. Parang totoo talaga. Nandito siya kagabi at tinabihan pa ako sa pagtulog. Pero na saan siya?

Agad akong bumangon sa kama at lumabas ng kwarto para hanapin siya dahil sa pag-aakalang nasa labas lang siya ng kwarto. Pero nanlumo ako ng makitang wala siya sa kahit saang parte ng bahay. Siguro nga panaginip lang yun. Tsk.

Babalik na sana ako sa kwarto ng mapatigil ako sa may kusina at napatingin sa hapag kainan. May nakahaing pagkain sa mesa pero sa pagkakaalam ko wala si manang Pilar ngayon. Nagpaalam siya sa akin nung isang araw dahil uuwi siya ng probinsya nila. Kaya sino ang nagluto nito? Egg, bacon, fried rice, at coffee, may kasama pang slices of pears. Umuusok pa ang kape kaya alam kong kani-kanina lang ito ginawa.

May nakita akong sticky note na nakadikit sa hawakan ng tasa ng kape kaya kinuha ko ito at binasa.

'Don't forget to eat your meal, hubby.'- your wifey

Yan ang nakalagay sa note kaya napangiti ako. Nandito siya. Nandito siya kagabi at nandito din siya kanina at ipinagluto ako. Hindi nga ako nananaginip kagabi. Totoo ang nangyari kagabi.

Ibinaba ko ang note at agad na bumalik sa kwarto para maligo at magbihis. Binilisan ko na lang ang paggalaw dahil baka lumamig na ang pagkain. Hindi ko pwedeng sayangin iyon lalo na't siya ang nagluto.

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong nagtatakbo sa kusina at naupo sa harap ng mesa. Magana akong kumain at hindi mapuknat-poknat ang ngiti ko sa labi habang kumakain.

Bakit ganun? Iba yata ang hatid na sarap ng pagkain neto ngayon? Pare-parehas lang naman ang lasa ng egg at bacon kapag naluto di ba? Bakit parang ito yata ang pinakamasarap na natikman kong luto ng egg at bacon? Sobrang sarap din ng fried rice at yung coffee, kuhang-kuha ng panlasa ko.

Takte! Nababaliw na yata ako. Can somebody slap me? Baka nananaginip lang ako. On second thought wag na pala. Dahil gugustuhin ko na lang manatili sa panagip. F***! Nahihibang na nga yata talaga ako.

Pagkatapos kong kumain ay agad na akong umalis ng penthouse dala-dala ang bagahe ko at dumiretso na ako sa agency namin. Dun muna kasi kami magkikitang lahat para sabay-sabay na kami papuntang airport.

Sumakay ako sa bago kong sasakyan at nagmaneho na patungong agency. Pansin ko din ang pagsunod ng dalawang itim na kotse sa akin. Linampasan ako ng isa at nauna sa harapan ng kotse ko. Naiwan namang nakasunod ang isa.

Mga bodyguards ko sila na itinalaga ng asawa ko para bantayan ako, yun ang sabi ni Sebastian nung isang araw nagulat na lang akong may mga men in black na nakatayo at nakaabang sakin sa labas ng penthouse.

Nung una natakot ako dahil baka may kung anong gawin sila sa akin. Malay niyo kinikidnap na pala ako di ba? Pero sinabi nilang bodyguards ko daw sila at ipinadala sila ni Sebastian. Ayaw ko pang maniwala kaya wala silang nagawa kundi tawagan si Sebastian at yun nga sinabi niya na mismo sa akin na ang asawa ko nga ang nag-utos na bigyan ako ng bodyguards.

Lima sila at mas malaki lang ng konti ang katawan nila kesa sa akin. Hindi sila kagaya ng mga bodyguards na maton ang katawan. Mga nasa 30's lang din ang edad nila kaya mabata-bata pang tignan.

Hindi na ako tumutol pa kahit ayoko sana ang kaso sabi ni Sebastian kakailanganin ko sila para sa world tour namin. At least makakasiguro akong ligtas kaming papasok at lalabas ng ibang bansa. Kapag kasi dinudumog kami ng mga fans namin halos magwala na sila kaya nahihirapan ang mga bodyguards namin sa pagpigil sa kanila kaya may mga nakakalusot.

At hindi namin alam kung sinasadya ba o hindi ang nagagawa nilang paghawak-hawak sa amin. Minsan nga nahihila pa kami kaya minsan nananakit din ang katawan namin. Minsan nga nakikita na lang namin na sira na ang damit namin ng hindi namin namamalayan. Masyadong agresibo ang mga fans kaya kailangan namin ng doble ingat.

Pagkarating ko sa agency agad akong nagpark ng sasakyan at pumasok sa loob. Nakita ko sa may lobby sina hyung kaya lumapit na ako. Naupo naman ako sa tabi ni Simon-hyung. Sina Kai-hyung, Azrael-hyung at Liam-hyung na lang ang kulang.

"Ngiting- ngiti ka yata ngayon maknae? Maganda ang gising?"- Nakangiting tanong ni Bryce. Mas lalo pa akong nangiti ng maalala ko ulit siya.

"Mukhang may magandang nangyari ah? Kwento na!."- Mapang-asar na sabi ni Ian-hyung at saka ako inakbayan. Talagang lumipat pa siya sa tabi ko. Ian na lang itatawag ko sa kanya dahil masyadong mahaba ang Christian.

"Akin na lang yun nuh! Sekretong malupit. Haha."- Natatawang sabi ko.

Kinulit pa ako pero hindi pa din ako nagsasalita. Wala lang. ayaw ko lang ishare sa kanila ang magandang nangyari sa akin. Hehehe. (^----^)v

Napatigil na lang ako ng biglang magring ang phone ko. Tinignan ko ito at unknown number ang nakalagay kaya nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko o hindi.

"Sino yan?"- Simon-hyung

"Hindi ko alam."- Kibit-balikat kong sagot.

"Sagutin mo."- Udyok naman ni Ian-hyung. Kaya sinagot ko ito pero nakita kong senenyas ni Bryce na iloud speaker ko kaya ginawa ko.

"Hello?"- Pagsagot ko pero walang sumagot.

"Baka prank call lang yan?"- Sabi naman ni Kris-hyung.

Ibababa ko na sana nang biglang may magsalita sa kabilang linya at ang sinabi niya ang nakapagpatigil sa akin.

"Hubby."- Isang salita lang yun pero sobra na akong nangingiti at nagtatatalon na naman ang puso ko.

"W-wifey?"- Nauutal na sabi ko pero halata mo ang sigla sa boses ko.

Nagkantsawan naman ang mga kasama ko kaya pinatahimik sila ni Suho-hyung para marinig namin ang sasabihin niya.

Pero ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa din ito nagsasalita. Dumating na din sina Azrael-hyung. Kaya hinihintay na lang namin na tawagin kami ni manager para umalis na.

"Wifey? Nandyan ka pa?"- Tanong ko.

Nakangisi namang nakikinig lang ang mga kasama ko. Siguradong pepestehen nila ako mamaya. Tsk.

"Yes, hubby."- Sabi niya kaya napahiyaw na naman sila sa kilig dahil narinig nilang tinawag akong hubby. Sinisiko naman ako ng kung sinumang katabi ko pero hindi ko na lang pinansin dahil nakatuon lang ang mata ko sa phone.

"Why did you call?"- Tanong ko kaya nakatanggap ako ng batok kay Ian-hyung at tinignan ako na para bang sinasabing 'tinatanong-mo-talaga-kung-bakit?'

"Nothing. I just want to hear your voice."- Malumanay na sabi niya at muli ay napahiyaw na naman sa kilig ang mga kasama ko.

Konti na lang iisipin ko nang bakla ang mga ito. Pero hindi ko maikakaila na kinilig din ako sa sinabi niya. Takte! Nakakabakla pero kinilig talaga ako pero hindi ko ipapakita sa kanila nuh! Hmpt! Magsasalita na sana ako ng may marinig akong magsalita sa kabilang linya. At kilala ko ang boses na yun. Boses yun ni Sebastian.

"My lady, it's time to go."- Magalang nitong sabi. Go? Aalis siya? Saan siya pupunta?

"Aalis ka? San ka pupunta?"- Nanghihinayang na tanong ko. Kita ko namang tinatawag na kami ni manager kaya nagsitayuan na kami at kinuha ang kanya-kanyang bagahe.

"I'm just going to work, hubby. I need to go now. Take care always okay? Do not skip your meal."- Huling sabi niya bago pinatay ang tawag. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam. *pout*