May mga taong ayaw talagang masali sa kahit anumang klase ng kaganapan sa mundo. Yung tipong may giyera na nga sa harap nila pero pipiliin pa rin nilang ipagpatuloy ang paghigop sa mainit nilang kape kasama ng isang malamang doughnut.
Oo may mga ganung klase nang tao, kung iniisip niyong hindi sila nageexist nagkakamali kayo. Meron talagang ganung mga tao at isa na ako sa mga yun. Simple lang naman ang rule ko sa buhay, hindi ko pakikialaman ang iba at hindi rin nila ako pakikialaman! Ganun lang yun kadali.
Kasalukuyan ako ngayong nagtatrabaho sa isang maliit na pampublikong aklatan sa siyudad ng Baguio kung saan malapit lang din ang bahay na tinitirhan ko.
Kahit pa maliit lang ang sahod ko bilang isang librarian masaya pa rin ako dahil bukod sa kumportable naman ako sa trabaho ko ay may maayos din akong desk at upuan na mas lalong nagpapafeel sa akin na isa na nga akong marangal na empleyado, syempre may apat pa akong kasamang nagtatrabaho dito kaya hindi rin ganun kasama para sa akin ang trabahong ito.
"Good morning Savannah!"
Nakangiting humahakbang palapit sa desk ko ang isa sa mga katrabaho ko na si Rosie.
Sa lahat nang nagtatrabaho dito sa library siya ang pinakamasayahin at siya rin ang dahilan kung bakit minsan ay napagsasabihan kami ng may-ari dahil sa reklamo nang ilang kostumer sa kaingayan niya.
"Narinig mo ba yung balita tungkol kay Jane?!"
Sabi niya nang nakatayo na siya ngayon sa harap ko.
Tiniklop ko ang librong binabasa ko at nagpalabas ako ng isang malalim na hininga saka ako unti-unting nag-angat nang mukha at pilit na ngumiti.
Ayoko sa kanya! Ayokong
makipag-usap sa kanya! Ayoko sa kahit na sino, ayokong may nang-iisturbo sa akin basta ayoko lang na may lumalapit sa akin pero siya..halos araw-araw ganito ang ginagawa niya.
Minsan naiisip ko kung bakit ba siya ganito kadisperado na makausap ako kahit pa ipinapakita ko na sa kanya kung gaano ako naiirita sa kanya.
"Uhm...Rosie, alam mo kasi yung mga tao dito, ibig kong sabihin maraming mga kustomer na ang nagrereklamo dahil--"
"Ano ka ba? Magrereklamo ang mga yan hanggat gusto nila pero hindi rin naman natin pwedeng pigilan yung mga bunganga natin diba?!"
Ito ang dahilan kung bakit naiinis akong makipag-usap sa mga tao, hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko sisingit na sila! Anong paki ko kung hindi mo makontrol ang bunganga mo? Public Library ito kung gusto mong dumatdat nang dumatdat dun ka sa gitna nang kalsada at makipag-usap sa mga taong walang magawa sa buhay doon o pwede ring kausapin mo na lang ang sarili mo!
Hooo! How i wish na masabi ko sa kanya ang mga salitang yun, pero kapag sinabi ko yun siguradong hahaba lang ang pag-uusap namin at mas ayaw ko yun.
"Public library ito at natural lang na tumahimik dito!"
Nagulat kami nang biglang sumulpot mula sa likod ko ang isang lalaking kulot ang buhok.
Tama! Isa rin itong sakit sa ulo. Siya si Thomas, isa sa mga katrabaho namin at madalas niyang sinasaway si Rosie sa mga ginagawa niya at dumadagdag lang yun sa ingay.
"Huh?! Hindi ako nagtrabaho dito para magpakapipi!"
Mabilis na sumbat ni Rosie saka pinaikot ang mata kay Thomas.
"Edi sana hindi kana lang naglibrarian! Pwede ka rin namang maging sales lady na lang sa mall, dun mas mapapakinabangan mo yang bunganga mo!"
Malulutong din kung magsalita si Thomas kahit pa isa siyang lalaki at ako? Hmm! Nagpatuloy sa pagbabasa habang ang dalawang ito ay nagtatalo sa harap ko.
Wala na akong paki kung masaktan man nila ang isat-isa dahil sa mga pinagsasabi nila, ang mahalaga sa akin ngayon ay nakalabas na rin ako sa nakakasakal na pag-uusap nila.
"Pwede ba kahit isang beses lang ipakita niyo namang isa kayong mga kagalang-galang na tao!"
Natigil sila sa pagtatalo nang pumasok mula sa malaking pintuan ang nakasalamin at nakapormal na lalaki, siya si Steven at lahat ng mga empleyado sa aklatang ito ay nagpapakita ng paggalang sa kanya kaya kung ako ang tatanungin parang siya ang leader namin dito,
well hindi naman sa may problema ako tungkol dun, wala akong paki kung anong gawin nila o kung sino ang sinusunod nila ang mahalaga sa akin ay lumilipas din naman ang mga araw ko dito at nakakauwi rin ako sa bahay.
"Nitong mga nakaraang araw ay mas lalong dumami ang mga kustomer nating nagrereklamo,"
Kahit ang tono ng pananalita niya habang naglalakad papunta sa desk niya ay parang isang CEO na pinagsasabihan ang kanyang mga empleyado.
"Gusto kong ipaalam sa inyo na mga propesyonal tayong mga tao at ang mga ikinikilos niyo ngayon ay hindi katanggap-tanggap na gawain ng isang may pinag-aralang tao!"
Sabi pa niya nang nasa tapat na siya nina Thomas at Rosie at oh nasa tapat ko na rin siya.
Ang totoo niyan nasa likuran ko ang desk niya sa tabi ko naman ay ang desk ni Thomas at sa harap namin ang desk nina Rosie at ang parating late naming katrabaho na si Jane.
Napalunok sina Thomas at Rosie matapos sabihin yun ni Steven.
Ako naman patuloy lang sa pagbabasa, wala akong paki sa tatlong ito kahit ano pang gawin nila ang kinaiinis ko lang ay kung bakit nandito sila sa tapat ng desk ko.
"Mmm!"
Napatingin sila sa akin ng kunwari'y umubo ako.
"Balik na sa trabaho!"
Utos ni Steven at pumunta na sila sa kani-kanilang desk.
Haay! Salamat at masasarili ko na rin ang buong desk ko at ang paligid nito.
Tatlong linggo na akong nagtatrabaho dito at sa kanilang lahat ay si Rosie pa lang ang nakakausap ko o pwede ring sabihing nagtatanong sa akin, sa pamamagitan nang pagbati niya nang magandang umaga at pagtatanong lang kami nagkakausap.
Yung iba ay hindi ko pa talaga nakakausap, ganun katindi ang pagkamuhi ko sa pakikipag-usap!
Madalas kapag breaktime sabay-sabay silang kumakain sa lounge area at naririnig ko pa ang mga tawanan nila pero ako? Sa desk lang ako kumakain at patuloy na nagbabasa.
Hindi ako nag-aabalang isipin ang mga ginagawa nila naiirita lang ako kapag minsan ay napapalakas ang tawa nila. Ayoko rin ng maingay, ayoko sa lahat!
"Uhm...maglulunch na, baka gusto mong sumabay sa am--"
"Ayoko!"
Pinutol ko na ang alok ni Rosie habang patuloy pa rin ako sa pagbabasa. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na inangat ang mukha ko dahil naisip kong maiksi lang ang salitang "Ayoko" at ibabalik ko rin agad sa libro ang tingin ko pagkatapos sabihin yun.
Hindi ko nakita ang reaksiyon niya o sabihin na nating hindi ko na pinag-abalahan pang makita pero nung araw na iyon ay wala akong narinig na halakhakan mula sa lounge area.
Ano kayang nangyari?
"Pwede ba kitang makausap?"
Hindi ko namalayan at nakatayo na sa harap ko si Steven.
Tiniklop ko ang librong binabasa ko at hinarap siya.
Huminga muna siya nang malalim saka seryosong tumingin sa akin.
"Alam mo kasi magtatlong linggo kana rito at ang totoo niyan ngayon pa lang kita nakakausap,"
"Oo totoo yan."
Madalas akong mag-agree sa mga sinasabi ng mga kausap ko dahil bukod sa totoo naman ay para mabilis na matapos ang usapan namin. Halimbawa nalang ay kapag tinatanong ako kung "kumain kana ba?" Kapag ang isasagot ko ay "hindi" hahaba ang usapan nayun tulad nang "bakit naman?" "May problema ba kayo sa bahay?" "Naku masama sa kalusugan yan, gusto mo samahan kita kumain sa labas?" At kung anu-ano pang nakakasukang mga salita, pero kapag ang sinabi ko ay "OO" tapos agad ang usapan.
Hindi agad nakapagsalita si Steven at tinitigan niya muna ako sandali, hindi ko alam kung naghahanap ba siya nang maidudugtong sa sinabi ko pero sa pagtayo palang niya sa harap ko ay naiirita na ako.
"May trust issue kaba? Napansin ko lang kasi na parang ayaw mo sa mga tao, para kang sinasakal kapag may nakikipag-usap sayo."
Well, sabi nga nila "yung mga taong parating nag-susuot nang salamin ay matatalino"
Hindi ako agad nakapagsalita kaya dinugtungan na lang niya ang sinabi niya.
"Alam mo kasi lahat ng tao dito ay gusto kang maging kaibigan at si Rosie lang yung nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin ka, yung iba kasi nahihiya sayo...alam mo na, iniisip nilang baka hindi ka kumportableng makausap sila pero sa trabaho kasi natin kailangan nating matutong makipagsalamuha sa isa't-isa kaya kung pwede---"
"Kung pwede lang gusto kong lumipas ang araw ko sa mundong ito nang hindi pinapakialaman ng kahit na sino, at syempre hindi ko rin sila pakikialaman."
Nalaglag ang panga niya nang sabihin ko yun. Hindi ko nakikita ang punto ng pakikipagsalamuha sa trabahong ito, dapat nga ay hindi na lang namin kinakausap ang isa't-isa nang sa gayon ay tahimik talaga ang akalatan na ito. Kung hindi lang dahil sa ilang mga kustomer na nagpapatulong sa mga librong hinahanap nila ay hindi rin ako mag-aaksayang ibuka ang bibig ko.
"Ayaw mo ba sa trabahong ito?!"
Yun ang mga salitang lumabas sa bibig niya matapos ang ilang sandaling pagkatulala.
"Hindi naman sa ayaw ko sa trabahong ito,"
"Kung ganun--"
"Pero hindi ko rin sinabi na gusto ko ito"
Tumawa siya nang sabihin ko yun at dahi gawa lang sa salamin ang lounge area ay nasulyapan ko ring nakatingin sa amin sina Thomas at Rosie na kumakain dito, halata sa mukha nila ang pagkagulat.
"Napakamisteryoso mo talaga"
Utas ni Steven nang hindi na siya tumatawa.
"Mukhang hindi tiwala ang problema mo kundi yung mga tao mismo!"
Sabi pa niya habang naglalakad pabalik sa desk niya.