Ako si Savannah Laurel, 20 years old at kasalukuyan akong nagtatrabaho sa pampublikong aklatan dito sa Baguio City.
Dalawa nalang kami nang lola ko ang magkasama ngayon matapos biglang maglaho ang mga magulang ko sa di malamang dahilan nung limang taong gulang palamang ako, tanging ang maliit na bahay ng pamilya lang namin ang naiwan nila sa akin na siyang tinutuluyan namin ngayon ni Lola.
Isang purong hapon ang tatay ko kaya heto at ang bahay namin ay tulad nang mga traditional na bahay nang mga hapon.
Ang buong bahay ay binubuo nang mga pintuang dumudulas pakaliwa, mga tinatawag na shoji-style na bintana, at ang sahig ay puno nang tinatawag nilang uri ng floormat na tatami.
Pagpasok sa loob nang bahay ay agad kong iniiwan ang sapatos ko sa pabas para isuot ang pambahay kong tsinelas,
Lahat ng gawain ng isang hapon ay itinuro na rin sa akin ni lola kahit na minsan ay hindi ko rin ito ginagawa dahil isa rin naman akong pilipino at ayokong matali sa isang uri ng tradisyon.
Ang kwarto ko ay tulad may pintuan ding dumudulas at mga shoji-style na bintana at sa isang espasyo ay may nakalatag na futon sa mga tatami floormat sa kwarto ko, dun ako humihiga...oh diba?! Japanese Style talaga ang 'peg!
"Mukhang hindi tiwala ang problema mo kundi yung mga tao mismo!"
Paidlip na ako nang biglang pumasok yun sa isipan ko.
Bakit nga ba ayaw na ayaw ko sa ibang tao?!
Well, yun ang mga dahilan na ayokong isipin pa, sapat na sa aking gumagalaw pa rin ako at humihinga hindi ko na kailangan nang kahit ano pang rason para magpatuloy sa araw-araw kong ginagawa.
Pagkagising ko sa umaga maliligo ako, mag-aalmusal, isusuot ko ang puting helmet ko saka ko patatakbuhin ang apat na taon ko nang kulay pink na scooter at maririnig ko ang ilang busina nang mga sasakyang makakasabay ko habang binabagtas ko ang daan papasok sa trabaho.
Pagkatapos kong ipark ang motor ko ay dadalhin ko papasok sa loob ang helmet ko, ilalapag ko ito sa gilid nang upuan ko, ilalagay ko sa ibabaw nang mesa ko ang shoulder bag ko,
kukunin ang hindi ko pa tapos basahing libro at sisimulan ko itong basahin hanggang sa may lumapit sa akin at magtatanong o kung minsan ay magpapatulong, kakain ako sa desk ko, magpapatuloy sa pagbabasa, lilipas ang isang araw at uuwi na ako hanggang sa mag-uumaga na naman ulit at ganun na naman ang takbo ng buhay ko.
Wala akong nakikitang mali sa takbo ng araw ko at wala akong planong hanapan ito nang mali.
"Para sayo,"
Inalis ko sandali ang tingin ko sa librong binabasa ko at tumingin ako sa ibabaw nang mesa ko kung saan may inilagay si Steven nang dumaan siya papunta sa desk niya.
Isa itong kulay pulang rosas! Busy ang iba pa sa kanilang mga trabaho dahil may mga kustomer na nagpapatulong sa kanila kaya naisip kong lingunin si Steven at paglingon ko ay nakita ko siyang nakatitig sa akin saka ngumiti at kumindat nang magtama ang mga mata namin.
Oh diyos ko! Please wag ganito. Wala akong oras para sa mga ganito, alam ko na ang ibig sabihin nito dahil marami na rin akong nabasang love story at wala akong planong mag-over think.
Mabilis kong inalis ang tingin ko sa kanya at pinasok ko sa drawer ng mesa ko ang binigay niyang rosas.
Kung pwede ko lang ibalik sa kanya ito ginawa ko na kaya lang sigurado akong magpapahaba na naman ito ng pag-uusap namin kaya mas mabuting wag na lang talaga.
Nang mga lumipas na sandali ay hindi ako makapagconcentrate sa ginagawa ko dahil alam kong nakatitig siya sa akin mula sa likuran, halata yun sa mga ikinikilos ng mga kasamahan namin na nakatingin sa direksiyon niya at saka sila titingin sa akin,
minsan ay nahuhuli ko pang ngumingiti sina Rosie at Jane na sa unang pagkakataon ay hindi late.
"Okay guys!"
Biglang tumayo si Steven sa harap ko nang dumating na ang oras para sa lunch break namin.
"Ngayong araw na 'to ay sasaluhan tayo ni Savannah sa tanghalian!"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko yun at dahan-dahan kong naibaba ang librong binabasa ko.
"Oohh! Ganun ba?! Mabuti naman"
para bang nakahinga nang maluwag si Thomas habang sinasabi yun.
"OMG! Savannah, mabuti naman alam mo bang matagal ko nang gustong mangyari ito?!"
Nakangiti pang lumapit sa akin si Rosie habang sinasabi yun.
"Well, mas masaya naman talaga ang kainan pag marami"
Pati si Jane ay mukhang masaya rin.
"Ang mabuti pa ay magcelebrate tayo!"
Giiit ni Steven na siyang kinatuwa nang lahat.
Ayoko. Ayoko nang ganito! Ayoko nang pinalilibutan ako, ayoko nang nagkakatuwaan sila kasama ako, ayokong makipagkatuwaan!
Pero heto ako ngayon at nakaupo sa couch kasama sila.
Nasa gitna ako nina Rosie at Jane sa harap naman naming isa pang couch nakaupo sina Thomas at Steven at sa isang maliit na mesa sa pagitan namin nakapatong ang iba't-ibang klase ng ulam.
Lahat ng tao dito ay may kanya-kanyang baon nang kanin at ulam lang ang binibili sa labas pero sa araw na ito ay meron ding isang bucket na puno ng yelo at limang bote ng vodka!
"Savannah, wag kang mag-alala hindi naman yan masyadong malakas ang tama. Hindi ka malalasing sa isang bote lang niyan,"
Nakangiti pa si Thomas habang sinasabi yun.
Wala akong pakialam kung nakakalasing siya o hindi, ang kinaiirita ko ay ang hindi matapos-tapos nilang pag-uusap at pagtatanong sa akin.
"Saang University kaba galing?"
"Sa Xavier University"
"Balita ko maganda ang unibersidad na yun, totoo bang maraming magagandang chicks dun?!"
"Thomas, tumahimik ka nga"
Agad siyang sinaway ni Rosie nang itanong niya yun.
"Pasensya kana, masyado lang siyang masaya na kasama kana namin ngayong kumain"
Nakangiting paliwanag ni Jane kahit ang totoo ay wala rin naman akong pakialam sa mga tinatanong niya at sa mga pinagsasabi nila.
"Alam mo ang mabuti pa lumabas tayo minsan para naman mas lalo pa nating makilala ang isa't-isa"
Ang suhestiyon na yun ni Rosie ay muntikan nang magpasuka sa akin. Ang totoo niyan kanina pa ako nagtitiis sa lugar na ito dahil bukod sa walang tigil nilang tanong ay napapansin ko ring kanina pa nakatingin sa akin si Steven.
"Magandang ideya yan, buti pa nga. Ano sa tingin mo ngayong linggo? Pwede kaba?"
Tanong ni Jane na mabilis ko namang sinagot nang
"May gagawin ako ngayong linggo"
Na siyang nagpatahimik sa lahat.
"Uhm...uminom na lang tayo guys!"
Sa wakas ay nagsalita na rin ang kanina pang hindi kumikibo na si Steven.
"Cheers!"
Toss ni Thomas pero hindi ako sumali sa cheers nila na nagpatahimik ulit sa buong paligid.
Natapos ang inuman namin nang hindi ko namamalayan at nang nakabalik na kami sa aming mga desk ay lumapit sa akin si Steven.
"Nag-enjoy kaba kanina?"
Tanong niya at inangat ko naman ang mukha ko para harapin siya.
"Hindi ko alam"
Nalaglag na naman ang panga niya sa sinabi ko at binalik ko na ang tingin ko sa mga papeles na inaayos ko.
"Marunong ka bang ngumiti? Mula nang makita kita hindi pa kita nakikitang ngumiti alam mo ba yun?!"
Ayoko talaga sa lalaking ito lalong lalo na sa mga tanong niya.
"Ngumingiti ako kapag natutuwa ako"
Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa mga papeles.
"Kung ganun hindi ka natutuwang nandito ka at hindi ka rin natuwa sa nangyari kanina"
Marahan ang boses niya habang sinasabi yun.
Hindi ko na siya sinagot pa dahil pakiramdam ko parang nasasanay na siyang kausapin ako at naiirita na ako.
"Bye Savannah,"
"Mag-iingat ka Savannah"
Nauna na akong umuwi sa kanila nang araw na yun dahil may natanggap akong tawag mula sa kapitbahay namin na may nangyari daw kay Lola.
"Pwede naman kitang ihatid kung gusto mo"
Alok ni Steven nang nakasakay na ako sa motor ko at isinusuot ang helmet.
Alastres pa lang nang hapon kaya maliwanag pa.
"Hindi na"
At pinaandar ko na ang scooter ko saka dahan-dahang umusad paalis.
Ano kayang nangyari kay lola?
Maayos naman siya nang umalis ako nang bahay kaya wala akong maisip na pwedeng mangyari sa kanya.
Napabuntong hininga na lang ako habang binabagtas ang daan, naisip kong napakaraming nangyari sa araw na ito.
Para bang ang lahat nang nangyari sa araw na ito ay iba sa araw-araw na takbo ng buhay ko. Sana naman ay wala nang iba pang kakaibang mangyayari!
Nasa parte na ako nang kalsada kung saan napalilibutan nang mga damo ang magkabilang gilid nito at nang mga sandaling yun ay walang ibang sasakyang dumadaan kaya mag-isa lang ako at nakahinga ako nang maluwag.
Sa wakas ay nangyari din ang isa sa mga normal na takbo ng araw ko nang bigla akong napapreno nang may marinig akong malakas na pagsabog mula sa mga damuhan.
Napatingin ako sa bandang kanan ko kung saan nangyari ang pagsabog at may nakita akong mga tig-iisang itim na piraso nang mga pakpak na lumulutang sa ire.
Parang may kung anong bumagsak sa ibaba ng mga itim na pakpak na ito. Ilang sandali pa ay nahulog na ang lahat ng mga pakpak sa damuhan kung saan may sumabog.
Ano kaya yun? Hindi ko mapigilan ang sarili kong macurious kung anong meron dun kaya bumaba ako nang motor, pinatong ko ang helmet ko dito at dahan-dahan akong naglakad papunta sa mga damuhan.
Wala akong nararamdamang kahit anumang kaba nang mga sandaling yun, wala paring dumadaang mga sasakyan kaya mas lalo akong nagmadaling marating ang parte kung saan may pagsabog akong narinig.
Napapaubo pa ako habang lumalapit dito dahil may mga alikabok pang nakakalat sa paligid maging ang ilang mga putol na damo ay nakakalat din sa paligid at nang marating ko ang parteng iyon ay hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
"Ahhhhhhhhhhhhh!"
Ito ang unang beses na napasigaw ako nang napakalakas at napakatagal saka ako kumaripas nang takbo pabalik sa motor ko.
Agad kung sinuot ang helmet ko at pinaandar ang engine ng motor, nanginginig pa ang mga kamay ko kaya hindi ko maikot nang mabuti ang susi.
"Bwesit!"
Nalaglag ko pa talaga ito sa lupa.
Mabilis ko itong inabot nang kanang kamay ko at nang mahawakan ko na ang susi ay naramdaman ko ang pagtayo ng balahibo ko.
Nakatayo na siya sa likod ko! Yung bagay na nakita ko kanina sa mga damuhan, hindi! Hindi iyon bagay, isa yung---ano ba siya? Tao ba siya? Hindi ko na alam, ayoko na talaga sa araw na ito! Ayoko na!
Gusto ko lang naman nang normal na araw pero bakit ngayon nagkaganito? Saan ako nagkamali? May nagawa ba akong kakaiba simula nung gumising ako? Wala naman akong matandaan, normal lang ang mga ikinilos ko nung gumising ako kaya bakit? Bakit nagkaganito ang araw ko?!