Prologue

How does it feel to be inlove?

Nakita ko kung paano kiligin ang isa kong kaibigan dahil sa boyfriend nya sa tuwing nagtetext ito sa kanya.

Nakita ko kung paano ma-friendzone ang isa ko pang kaibigan sa boy best friend nya.

Nakita ko din kung paano umiyak at nagkandaleche-leche yung buhay ng isa ko pang kaibigan dahil sa lecheng pag-ibig na yan.

Nandun ako. Nandoon lagi ako sa tabi nila at tahimik na pinapanood ang mga pangyayari sa buhay nila at kung paano sila nagmahal... at nasaktan.

There's this one time na tinanong nila ako kung kahit minsan ba nainlove na daw ba ako at bakit ang bitter ko, lagi daw akong may baong hugot. Tumawa lang ako. Lagi lang akong tumatawa kapag nagtatanong sila kung may lovelife ako.

So, nag-assume sila na wala akong ganun.

Ang galing kong magtago.

But they did not stop bugging me hanggang hindi ako umaamin.

After some time, I felt guilty. Hindi ko man lang alam na pakiramdam pala nila wala akong tiwala sa kanila kasi hindi naman ako nagkwekwento ng kahit anong tungkol sayo.

So... sinabi ko yung pangalan mo. Tinanong nila kung ano bang nangyari? Bakit wala ka? Bakit hindi ka nila kilala? Bakit hindi man lang nila alam ang istorya nating dalawa? At kung nasaan ka na ngayon?

Sa dami ng tanong nila, isa lang doon ang nasagot ko.

'Nasan na sya ngayon?'

'Wala na sya..'

Wala ka na...

It's just that... I can't even bear to share to them the whole story of us. It's just you're name that I disclosed to them and... that fact.

Siguro kasi alam ko sa sarili ko na I don't deserve someone like you. You're too good to be true. Minsan tinatanong pa kita dati kung fictional character ka ba.

Dahil ikaw yung klase ng lalake na dapat ipagmalaki ng girlfriend nya, pero hindi ko yun nagawa--hindi ko yun ginawa. Imbis na ipagmalaki kita sa lahat ng tao, tinago ko.

Tinago ko sa mga kaibigan ko.

Tinago ko kasi selfish ako. Kasi natakot ako. Natakot ako na baka kapag nakilala mo ang mga kaibigan ko, may mas magustuhan ka sa kanila kesa sakin. Natakot ako na baka kapag nakakilala ka ng taong 'mas' kumpara sakin, bigla ka na lang lumayo sa'kin.

Insecurities surfaced.

Ikaw yung klase ng lalaki na dapat ipinagmamalaki ng girlfriend nya... pero hindi ko yun nagawa.

Hindi ko yun nagawa kasi... kasi.. kasi wala naman talagang tayo. Wala tayong label no'n.

Medyo magulo yung set up natin no'n. At kasalanan ko yun.

Naging unfair ako. At pakiramdam ko hanggang ngayon... unfair pa din ako.

Ngayon ko lang na-realize yung mga pagkakamali ko. At kahit gaano ko pa kagusto na itama yung mga yon... wala ka na.

Hindi kana babalik pa di ba?

Diba ipangako mo sakin noon na kahit kelan hindi moko iiwan?

Pero nasaan kana ngayon? Diba iniwan mo din ako.

Sinungaling ka.

Gusto kong umiyak, maglabas ng sama ng loob, gusto kong ikwento yung nangyari satin sa mga kaibigan ko pero... tama na. Wag na lang pala. Sinarili ko yung mga magandang memorya natin kaya sasarilinin ko na lang din yung sakit. I have to face the consequences of being selfish.

Until one day, I discovered a reading and writing app. Webnovel. Yung pwedeng magsulat o magbasa ng stories for free. I don't know what has gotten into me but I signed up.

I signed up under the pen name @bitterellah. Bagay naman sa akin yung pen name diba? Pakiramdam ko kasi ampalaya juice na ang nagsimulang dumaloy sa blood vessels ko simula nung... nung nawala ka. Nung nawala kayong dalawa.

Kahit wala akong masyadong followers, I just found myself writing a story.

A story about us.

I clicked the story part button and started making the draft for the prologue of our story.

How does it feel to be inlove?

Siguro... Kahit papaano... deserving naman tayong magkaroon ng happy ending... Kahit sa story man lang.

Kahit sa webnovel man lang...

***

A/N: This may be a work of fiction... or not.