Café Lorenzo (Part 2)

"It's all in the past now. But still, it's hunting me..."

***

(Anna's POV)

"Saan ang lakad?"-Cyrus

"Café Lorenzo."-Virgo

"Great. Do'n din kami papunta. Sabay-sabay na tayo,"-Cyrus

Habang naglalakad papuntang cafe ay nakasalubong namin sina Cy at Kerwin na kasama na naman ang girlfriend nito na naka-angkla sa kanya at all-smile sa amin--more like kay Robi pala. Parang nang-iinggit na ewan. Bwisit.

Napansin yata ni Cyrus na parang masama akong makatingin sa gawi nila kaya naman lito itong napatingin sa'kin at napatingin ulit kay Virgo na syang kausap nya.

"Anyare do'n?" Tanong ni Cy at inginuso ako. "Parang--"

Bago pa man sya matapos sa kanyang gustong sabihin ay inunahan na s'ya ni Robi.

"Parang constipated," pekeng tumawa pa si Robi habang hinahawakan ako sa kabilang braso ko. "Constipated lang talaga 'to kaya ganito. Uuwi na nga dapat 'to kaso nga lang sinabi namin na maki-CR na lang sya do'n sa cafe kasi sayang din naman yung freebies," paliwanag pa ni Robi habang nakangiti pa.

Dito lang ako humanga sa kanya. Hindi ko kaya yung ginagawa nya. Yung magkunwaring walang nangyari dati sa cafeteria--na parang hindi sya natapunan at nabangga ni Raegel--more like tinapunan at binangga pala dahil on purpose. Yung nakukuha pa ni Robi ngayong ngumiti sa harap ni Kerwin at nung girlfriend nya. Kung ako nga lang, mini-murder ko na sa utak ko si Raegel eh.

"Sus. Kunwari pa kayo. Ayaw nyo lang pauwiin si Anna kasi kakilala nya yung may-ari. Baka hindi lang doughnuts and croughnuts yung malibre nyo sa cafe n'yan. Anna sabihin mo nga du'n sa may-ari, pa-blow out naman sya sa'yo at sa mga kasama mo," biro ni Cy.

"Cy, Anong akala mo sa'kin?" Tingnan ko si Cy pero kaagad ding lumipat ang tingin ko sa nasa tabi nya. "Oportunista? Manggagamit?" Diretso kong tiningnan si Raegel sa mata habang sinasabi ko 'yon.

Alam kong ramdam nyang may iba akong pakahulugan do'n.

Sabi nga ng iba "it takes one to know one,". I mastered the art of pretending. Magaling akong magpanggap na okay lang ako--na okay lang yung mga pangyayari sa buhay ko. Magaling akong magpanggap na masaya ako.

In shortest term, MAPAGPANGGAP AKO.

Ang bottom line? Malakas ang radar ko kung mapagpanggap din ba ang taong kaharap ko. I know one when I see one. At itong girlfriend ni Kerwin? Well, I mastered art of pretending and this one in front of me? Mukhang iba ang major namin dahil ibang klase yung pagpapanggap nya compare to me pero hindi lang yata master's degree na katulad ko ang nakuha nya, pati yata doctorate, meron sya.

"Masama pala kapag constipated si Anna, mukhang hindi si Anna natin. Kung ano-ano ang lumalabas sa bibig. Tara na, guys." Biro ni Angel at nagsimula na kaming maglakad ulit. This time, kasama na namin ang tatlo.

***

Madaming tao sa café nang dumating kami.

Good news? Na-accomodate pa din kami kahit madami nang tao.

Bad news? Mare-redeem lang daw yung freebies in every single receipt worth of one hundred and fifty pesos. Kaya ayun, napilitan pa din silang umorder.

Buti nga. Hahahaha.

Gusto kong matawa sa mga itsura nila. Parang mga nalugi sa lotto. Ano ba kasing ineexpect nila? Pupunta lang kami dito tapos i-se-serve na sa kanila yung freebies? Sa panahon ngayon, wala ng libre sa mundo.

I was biting my lips hard trying to suppress my laughter because of their reaction nang masulyapan ko si Jigs sa isa sa mga table. Looks like he's entertaining the customers. I look at him as he left that table and was about to transfer to another one when he met my glance.

He smiled. Dahil sa ngiti nyang 'yon ay naalala na naman kita at pati na din sya. Magkaparehas kasi kayo ni Jigs na laging naka smiley-face. Pero mas magkahawig naman sila (na natural lang dahil kahit magpipinsan naman kayo, silang dalawa lang naman ang blood related) kaya naalala ko din pati sya.

Akmang lalakad sya palapit sa table namin pero..

"Argh! Humihilab na naman yung tiyan ko. Akala ko hindi na hihilab ulit. Guys, CR muna ako!" Sabi ko sa mga kaibigan ko habang umaarte na parang masakit talaga yung tiyan ko. Hindi ko na hinintay pa ang sagot nila at nauna na 'kong umalis mula sa kinauupuan ko.

Pakiramdam ko parang ang dugyot ko dahil sa mga sinabi ko pero wala na'kong ibang choice. Tutal naman ay bago pa man kami makarating dito ay sinabi ko na sa kanila na na-c-c.r. na'ko kahit na isa lamang 'yong alibi. Kaya naman nilubos-lubos ko na lang din ang pagka-dugyot.

Dali-dali akong umalis mula sa table namin ng mga kaibigan ko at nagtatakbong papunta sa women's comfort room bago pa man makalapit sa table namin si Jigs.

Pagkapasok ay kaagad kong ni-lock ang pinto. Binaba ko ang takip ng toilet bowl. Pagkaupo ko dito ay saka lamang ako napabuntong hininga.

Dito lang yata ako magaling.

Sa pag-iwas.

Sa pagtakbo.