Isang simpleng babae at isang basag ulong lalake. Paano nga ba nagkatagpo itong dalawa?
Isang third year high school si Naizmin Zin Del-Valle o mas kilala bilang Zin. May pagka-matalino at pagiging pilosopo. Mayroon siyang magulo na nakaraan, kung saan siya lang palagi ang sinisising dahilan. Cold palagi ang kanyang personality pero minsan ay palaban...
Samantalang, kilalang brutal, nambubuyo at may-itsura ang pinaka-mayaman na estudyante sa kanilang paaralan. Maituturing bully at masasabing spoiled siyang tao pero ang totoo ay kinukubli niya lang ang tunay niyang nararamdaman, ang mapait niyang nakaraan, na nagpabago ng kanyang katauhan...
Ngunit isang araw ay kanya muling makikilala, ang babaeng nagpabago ng buong katauhan niya, ang babaeng misteryoso at matalino... hahanapin niya ang tunay na katauhan nito, na dahilan kung saan magbabago ang kanyang paningin sa buhay at ituturing inspiration...