Zin's POV
Umulit na naman ang pinaka-ayaw kong panahon... ang PASUKAN.
Kasalukuyan akong nasa gate ngayon ng pinaka-bago kong paaralan... ang Vint International School o mas kilala bilang VIS. Sinimulan ko nang maglakad papasok... Hindi iyon masikip gaya ng inaasahan ko sapagkat malaki talaga ang gate nila, hindi gaya ng nakaraan kong paaralan kung saan kinakailangan mo pang maki-singit bago makapasok. Gaya ng nakasanayan ay maraming kagaya kong estudyante na naglalakad papasok. Karamihan sa mga ito ay naka-uniporme kaya kapansin-pansin talaga ang mga freshmen kagaya ko.
Bumungad sa akin ang ilang malalaking buildings na sa tingin ko ay nasa mga pito ang bilang at pare-parehas na lima ang palapag. Ang iba naman ay mga halls o kaya'y libraries. Kamangha-mangha talaga ang paaralang ito, pansing malinis at maayos ang paaralang ito na kung pagkukumparahin sa nakaraan kong paaralan ay kalahati lang ng lupa ng paaralang ito. Kapansin-pansin din ang itsura ng mga estudyante rito, nakakasigurado akong mga dugang bughaw sila at kung hindi man lahat ay paniguradong mangilan-ngilan lang ang mga hindi gaanong mayaman.
'Kakaiba ang paaralang ito.' nabanggit ko na lamang sa isip ko...
"WAAAAAAAHHHH!!!! Nandyan na ulit sila!!!"
"YIEEEEEEEE!!!!!!"
"GIBBBBBBBBSSS!!!!!!"
"THE BIG THREE IS BACK!!!!!!!!!!"
"Tss" singhal ko sa mga babaeng nagtitilian, sa tingin ko ay mga kasing idad ko lang rin sila.
At nahagip ng aking paningin ang kanilang tinitilian. Tatlong mga lalaki mukhang ka edad ko rin. Pansing mayayaman at may itsura ang mga ito. Mula sa kaliwa ay nasa dulohan ang lalaking naka-pula na damit, kasunod nito ang lalaking naka-kahel na checkered at nasa dulo naman ang lalaking naka-itim na t-shirt, nakamaong din ito ng itim at sapatos na itim, kung hindi ako nagkakamali ay siya ang lalaking tinilian kanina na si Gibs.
'Tss, bakit naman kaya naiiba ang lalaking iyon?'
Maglalakad na ako paakyat ng hagdan sa isang entrance building...
*BLAAAAAAAAAAAAAG!*
'Kingina sino yon!' sabi ko sa aking isip nung may pumatid sa akin.
Nagsalubong bigla ang aking kilay at dahan-dahang tumayo. Una kong nakita ay ang pagmumukha nung tinatawag nilang Gibs.
Ipinag taka ko ang pagkasalubong ng kanyang kilay sapagkat siya naman ang pumatid sakin.
"Bakit mo ako tinignan ng masama!" dinig ko ang galit na boses nito na hindi ko namalayang hinablot ang aking braso upang marinig ko ang kanyang sinabi.
"Tss ang ingay mo" singhal ko sa kanya.
"Sagotin mo kako ako!" malakas na sigaw nito kaya nagtinginan sa banda namin ang mga estudyante at nagsimula nang magbulungan.
'Kingina!'
"Bakit? Manliligaw ba kita?" pamimilosopo ko sa tanong niya.
Nanginig ang kanyang bagang at dinampot ang jacket ko gamit ang dalawa niyang kamay, ngunit hindi kinaya ng lakas niya ang bigat ko kaya hindi niya ako nagawang iangat sa sahig, at biglang isinandal niya ako ng padabog sa pader.
"Gibs tama na..." sigaw ng lalaking katabi nito dahilan upang sa kanya mapunta ang atensyon ko, siya yung lalaking naka-pula.
Hindi ito pinansin nung Gibs bagkus mas-lalo niya akong isinandal sa pader dahilan upang sumakit ang likuran ko ngunit hindi ako nagpakita ng ano-mang reaksyon.
'Wag na wag mong sasagarin ang pasensiya ko'
"Matapang ka ha!" mas lalo niya pang inilapit ang mukha niya sa akin, sa sobrang lapit niya ay nararamdaman ko ang kanyang hininga sa pisngi ko.
"Oh my god!" sigaw ng babae sa likod, maputi ito at mukhang mahina parang ka-edad ko rin halos.
"Chloe, isipin mo nga namang may humamon sa akin ngayon" sabi nitong Gibs sa babae sa likod.
"Gibs, you promised to me right, do'nt do the same mistake you have done" sabi nung Chloe.
"Pasalamat ka at mabait ang pinaka-mamahal ko. Pero hindi ibig-sabihin ay lulubayan na kita. Sa taba mong yan nakuha mo pang lumaban sa taong s'ing guwapo ko!" at dahan dahan niyang tinanggal ang kanyang pagkakahawak sa jacket ko.
'Kingina, wow ahh! Ikaw mismo ang pumupuri sa sarili mo! Feeling poging-pogi!' kunwari pang namanghang sabi ko sa isip ko. At lumapit naman yung lalaking naka-pula.
"Sorry talaga sa kaibigan namin, mahilig kasing manghusga yon, ako nga pala si Janver Javier, Jay-jay for short" pakilala naman nito, tango na lamang ang naisagot ko rito.
Agad naman silang naglakad papalayo at humupa narin ang mga estudyanteng nakikiusyosyo. Dahilan upang ipagpatuloy ko ang pag-akyat. Sakto namang nakita ko ang isang stand na may mga estudyante at teachers na kung hindi ako magkakamali ay mga officers. Agad akong lumapit upang magtanong.
"Maaari ko bang malaman kung saang building ang room ko, eto ang papel" ibinigay ko ang papel kung saan naka-lagay ang aking section.
"Doon sa building na iyon" turo ng estudyante na mas-matanda sa akin sa building sa bandang kanan. Tango nalang ulit ang aking isinagot at agad iyong pinuntahan.
Gibs' POV
'Hindi pa tayo tapos, pagsisisihan mo ang ginawa mo, kung hindi lang talaga dumating si Chloe higit pa diyan ang matatanggap mo' nasabi ko na lamang sa isip ko.
"Gibs mali naman na yon, dati lalake lang ang binubuyo mong freshmen, bakit ngayon babae. Tapos nangako ka kay Chloe na hindi mo na ito ulit gagawin" nangangaral na naman ang tono ng pananalita ni Superman.
"Hoy Superman, ikaw nga ay nag-sorry pa don sa Taguro na yon!" inis na talagang bulas-las ko kay Jay-jay.
"Bwahahahhaha!!! Gibs ba't Taguro?" malakas na namang halakhak ni Nic.
"Malay ko sayo!" inis na talagang sigaw ko sa kanya. Napansin ko naman ang pagiging tahimik ni Chloe habang paakyat ng building. "Uyy...Chloe b'at tumahimik kang bigla?" tanong ko habang nakangiti at dahan-dahang umaakbay sa kanya.
"Gibs, you promised to me right, what happened earlier and the worst is that she's a girl" malungkot na sabi nito habang inaalis ang pagkakaakbay ko sa kanya.
'Do'nt be like this' sabi ko sa isip ko.
"Sorry okay, ginawa ko ang lahat pero ang sama talaga ng tingin nun" sabi ko nalang habang kunot-noo.
Nasa floor na kami ni Chloe kaya inihatid ko siya. "See you" pilit na ngiting sabi ko.
"Alright" sabi nalang nito habang nakangiti, alam kong nagtatampo parin siya pero wala akong magawa.
Muli kaming umakyat at gaya ng nakasanayan ay sumisigaw na naman ang mga estudyante sa sobrang kilig sa aming tatlo.
Agad kaming pumasok sa room at umupo. Siyempre, magkakatabi kami nila Jay-jay at Nic, pero may natirang bakanteng upuan sa bandang kanan ko. Nagkuwentuhan kami sandali at gaya ng inaasahan ay dumating ang teacher.
"Ok class, good morning, I am Miss Agerser your adviser in your third year, alam ko namang ang iba sa inyo ay kilala na ako kaya hindi ko na siguro dapat pang patagalin. I will check your attendance and just raise your right hand and say 'present' ok" mabilis na pakilala ni miss. Kilala na namin siya dahil minsan ay naging subject teacher namin siya last year kaya sanay na kami.
"Roque" tawag ni miss.
"Present" si Nic.
"Javier"
"Present" si Jay-jay.
"Enrile"
"Present" mahinang sabi ko.
"Okay class we have a transferee, and she's late" sabi ni miss dahilan upang magbulungan ang mga kaklase kong babae. "Class quiet!" sigaw ni miss...
*Tok...Tok...Tok...*
"I think she's here" nagbabakasakaling hula ni miss. At nagbukas ang pinto...
(⊙_☉)
Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita!
"Kingina naman ohh..." tiim-bagang na sabi ko.
ಠ_ಠ
'Si Taguro!!!!'
🖤~END OF THIS CHAPTER~🖤
( ˘ ³˘)❤
@phoebeduldulao.g-mail.com