Zin's POV
"Sorry miss, I'm late" paumanhin ko kay miss habang nakahawak ang kamay sa door knob.
"You should be" asik nito habang nakatitig sa mata ko.
Nag-lakad ako papasok nang biglang nag-salubong ang aking mga kilay.
"Tss" tinatamad na sabi ko, nakita ko ang tinatawag nilang Gibs.
"Why do'nt you introduce yourself Miss Del Valle?" tanong ni miss, pumunta nalang ako sa harapan at tinignan ang aking mga kaklaseng naka-tingin din sa akin.
"Naizmin Zin Del Valle ang pangalan ko, galing ako sa SIS" maikling pagpapakilala ko sa sarili ko dahil hindi ako madal-dal at agad dumeretsong maglakad.
"Woi Zin, sorry hindi kita napagtiran ng puwesto, eh medyo na late nga din ako..." umangat na naman ang mabungangang boses ni Naih habang papa-lapit ako dito.
'Tss, na-una pang umalis sakin late din naman pala siya'
Wala na akong ibang nagawa...nagpa-ikot ikot ang aking paningin ngunit wala akong nakitang bakanteng upuan, nag-lakad nalang ako sa pinaka-likod upang sumalampak sa sahig. Nagbulungan naman ang mga kaklase ko...
"Here" alok sa akin nung lalakeng naka-pula.
"Okay" malamig na sagot ko at kinuha yung upuan, pumwesto nalang ako sa dulo kung saan walang katabing upuan.
"This is your first day of class... sa tingin ko ay puro pagpapakilala ang gagawin niyo sa iba pang teachers kaya maghanda na kayo..." bungad nito..."Ok my time is up, see you guys later" sabi ni miss at lumabas sa pinto. Nagkuwentuhan naman ng onti ang iba kong kaklase at biglang lumapit si Naih.
"Woi sorry talaga ha! Alam mo kase ayaw pa munang umandar ng motor ko pagtapat dun sa gasolinahan natapat din namang ubos na ang gasolina kaya ayun..." dere-deretso na namang pagbubunganga nito nang biglang lumapit ang isang babae at dalawang lalake na kung kilos ang pagbabasihan ay pansing mga bakla..."Eto nga pala si Michiko Taranza..." turo niya sa magandang babae. Tango na lamang ang naisukli ko. "Eto naman si Migz at BJ, kung mapapansin mo ay may, pagka-bakla..."
"Woi teh masyado ka ah..." sagot nung Migz.
"Miguel Agripa nga pala" pagpapakilala pa nito sakin. Muling tango at ngiti lang ulit ang binalik ko.
"Ahh... ako nga pala si Buenevito Jose Bilario, BJ for short" pagpapakilala naman sakin nung isa. Tango ulit ang aking isinagot.
"Teh ang cold naman ng friend mo" bulong ni Migz kay Naih.
"Stop meee!!! Masasanay na din kayo dyan!! Daig pa ang yelo sa lamig!!!" pag-bubunganga na naman ni Naih.
"Uyy teh, ang bunganga matutong isara" banat naman ni BJ.
"Hahahaha...ikaw BJ ah" natatawa pang aniya ni Michiko nang biglang dumating ang sumunod na guro...
*BLAAAAAAAAGG!!!!*
"Tsk, hoy! Ako nga pala ang titser niyo sa history. Itikom ang bunganga, bumalik sa upuan at makinig..." pagpapakilala ng lalaking mukhang masungit at agad namang sinunod ito nila Naih.
Naninibago talaga ako, si Naih kasi palagi ang katabi ko kahit sa SIS. Pero okay lang kasi wala naman nang magbubunganga sa akin tuwing discussion.
"Ako si Chufan Seryo, tandaan niyo na ayaw ko ang tatanga-tanga sa klase ko maliwanag. Ayaw ko rin ng mga lula at bobo, kung ganyan kayo ay mag-drop out na kayo ngayon palang. At higit sa lahat ayaw ko ng walang naisasagot sa mga quizes ko!" malakas na sigaw ni Chufan. "Hoy! Magpakilala dito isa-isa bilis! Mula sa harapan!" dag-dag pa nito na agad din naming sinunod.
Nagpakilala silang lahat, pero siyempre nung si Gibs na ang magpapakilala ay sinamaan niya ako ng tingin ngunit hindi niya rin kinaya. Parang nagliliyab kasi ang mga mata ko sa sobrang sama ng tingin.
'Tss, ayaw mo talaga ako lubayan ha'
Natapos na din sila Naih, Michiko, BJ at Migz. Dahil ako ang nag-iisang nasa likuran ay ako ang mahuhuli hanggang sa ako na ang magpapakilala.
"Naizmin Zin Del Valle ang pangalan ko" parang tinatamad na pakilala ko. Nung pabalik na ako sa upuan...
*BLAAAAAAAGG!!!*
'Hindi ba talaga ako lulubayan ng payatot na yan!'
"Ohh Miss Del Valle, sa laki mong yan ay dapat tinitignan mo ang dinadaanan mo, kita mo lumindol!" pinagkadiinan pang loko sakin ni Chufan.
"Bwahahahaha!" nag-tawanan ang lahat puwera lang kila Naih. Dinig na dinig ko pa ang lakas ng tawa nung lokong Gibs.
'King ina!'
"Quiet!" masungit na pagbawal naman ni Chufan habang naka-ngisi. Agad naman silang tumahimik dahilan upang tumayo ako sa pagkakasalampak at nakita kong muli si payatot.Tinitigan ko siya ng kaunti at saka ako nagtuloy sa kinauupuan. Ilang saglit ay lumabas na si Chufan. Nagbulungan naman sila at siyempre naki-chismis na naman si Naih.
Dahil unang araw ng pasokan ay wala kaming klase sa lahat ng subject. Pakilala dito, pakilala diyan, iyon lang halos ang ginawa namin.
*RIIIIIIIIIING!!!!*
Nag-bell na, hudyat upang pumunta sa canteen at mag-meryenda.
"Zin, halika na!" tawag sakin ni Naih.
"Susunod nalang ako, idadala ko pa yung gamit ko sa locker"
"Sige, basta nandun yung canteen sa gilid ng social hall. Punta nako!" dag-dag nito tsaka naglakad papaalis.
Inayos ko lang ng kaunti ang gamit ko tsaka ako lumabas ng room. Sakto namang naiwan din tong Gibs na to kaya nagpati-una akong maglakad. Baka pag-tripan na naman ako neto.
Pababa na ako ng hagdan ng mag-vibrate ang cp ko kaya nung nakita kong si Naih ay sinagot ko agad yon.
"Woi! O-order na kami ha, dito ka sa bandang entrance na table pumunta"
"Sig~" hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nung biglang...
*BLAAAAAAAGG!!!*
"Argh!!!" gulat na sabi ko nung biglang may tumulak sa akin sa hagdanan at alam ko na kung sino yon. Nanakit talaga ang kaliwang balikat ko.
'Kingina! Tigilan mo nga ako!'
Nang-gigil na talaga ang kamay ko at biglaan kong hinablot ang itim na damit ni Gibs. Pansing nagulat siya sa ginawa ko ngunit galit na talaga ako.
"Kingina! Kailan mo ba ako titigilan" walang emosyon na sabi ko.
"Tigilan mo nga ako! Taguro!" inis na sigaw nito.
'T~taguro?! Anong nickname yon!'
"Masakit yon ah...Sayo ko kaya gawin yon?" walang emosyong tanong ko.
"Masama na nga ang itsura, pati din sa ugali at tingin, walang maganda sayo alam mo yon!"
"Bakit mo ba ako pinag ti-tripan mo?"
"Yang tingin mo?!"
"Ano?"
"Ang sama?"
'Tss, childish'
Tinignan ko ang orasan at napansing matatapos na ang break kaya binitawan ko ang kuwelyo niya at tumalikod.
"H-hoy?!" tawag-pansin pa nito ngunit nagtuloy nalang ako sa paglakad.
Ilang minuto lang ang aking inabot ay nakita ko na ang canteen. Puno ito ng labas-pasok na estudyante. Agad ko ring nadinig ang malakas na tawa ni Naih at nakita ang kanilang lamesa na malapit sa entrance.
"Diba ikaw yung president sa student council?" tanong ni Naih kay Migz.
"Ahh, oo hindi pa ngalang nagpapatawag si dean tungkol sa aquaintance party" paliwanag sagot nito.
"Uyy...Mag-kuwento nga kayo tungkol sa VIS. May mga bullies din pala kayo rito."
"Oo. Ang pinakasikat dito ay ang 'the big three' kung tawagin. Iyon sila Jay-jay, Nic at Gibs. Naku, sikat iyang mga poging iyan sa buong campus. Sige iku-kwento ko na lahat. Si Janver Javier, siya yung lalakeng naka-pula. Siya ang pinaka-mabait sa tatlo, bukod kasi sa instrikto ang mga magulang nito ay masunurin siya. Parehong business man ang mga parents niya kaya puro mga kasambahay lang nila ang kasama niya sa bahay. Talaga namang nakaka-akit ang itsura niya pati na ang mala-anghel nitong ugali. Matalino rin naman iyan, at dahil business nga ang trabaho ng mga magulang niya ay marami siyang alam tungkol sa mga brands. Isa ang mga magulang niya sa mga nag-share ng pera dito sa VIS nung ginagawa pa kaya wala na siyang kailangan pang bayaran na tuition fees. Marami rin silang kumpanya dito sa Laguna, ang ilan pa nga ay mga sikat na brands. Pinsan niya si Chloe Javier, yung nililigawan ni Gibs. Matalino iyon, siya nga ang top one nung last year. Mabait din siya at pala-kaibigan, marami ngang nagkaka-gusto diyan pero dahil nililigawan nga siya ay wala nang naglakas-loob dito. Si Nicolas Yanai naman yung naka-kahel na checkered. Kagaya ni Jay-jay ay mayaman din sila. Iyan yung lumiligaw diyan kay Michiko." paliwanag ni Migz at animo'y nagliwanag naman ang mukha ni Michiko. Para bang kinikilig sa ikinukwento. "Kagaya ni Naih ay maingay din yan at pala-tawa. Sila ang may-ari ng ibang mga hotel dito sa Laguna. Big time talaga ang tatlo, mabait naman ang mga magulang ni Nic, pero pala tawa rin kagaya niya. Siya lagi ang taga-joke pag masyadong tahimik ang paligid. Naku! Kaya iyan ang madalas kong bawalin eh. Pero talaga namang matalino ang isang iyan kagaya ni Chloe. Nag-share din ang parents niya nung ginagawa pa ang VIS kaya wala na rin siyang binabayarang tuition fees-" hindi na niya naituloy dahil may nagtitilian sa harap at dumating na nga ang tatlo.
"GIIIBS!!!!!"
"NIIIIIIC ANG POGI MO!!!"
"JAY-JAY KYAAAAAAAHHH!"
"ANG PO-POGI NIYO!!!!!"
Nagsigawan uli ang mga estudyante. Nang pupunta na sila sa lamesa nila ay sakto namang katapat pa namin kaya sinamaan na naman ako ng tingin ni Gibs. Nagtuloy nalang ako sa pagkain dahil baka sitahin na naman ako.
"Si Gibs Lohr Enrile naman yung naka-full black na iyan. Naku! Puro problema ang dinadala niyan sa campus. Taon-taon kasi ay namimili siya ng mga freshmen na bubuyoin. Lahat sila ay lalaki pero mukhang ngayon lang siya nambuyo ng babae at ikaw iyon Zin. Ikaw lang kase ang lumaban sa kanya. Takot kasi ang lahat dahil makapang-yarihan ang pamilya niya. Si Dean Enrile ang lolo niya at family of doctors sila kung maituturi. Matatalino ang pamilya niya at mabait. Siya lang talaga ang BAD BOY kung tawagin sa campus. Maysabi-sabi ngang gangster daw yan kaya takot ang ilan. Nang nag-high school siya ay nagkaroon siya ng sakit sa puso kaya kinailangan nilang pumunta sa Korea upang ipagamot si Gibs. Sumama naman ang dalawa niyang kaibigan dito dahil close nga talaga sila. Kaya mas matanda sila sa amin. Kaidad nila naman si Michiko dahil hindi siya nakapasa ngunit tumaas na ang grades niya last year. Kagaya nga ng sinabi ko ay nililigawan niya si Chloe ng dalawang taon! Sabi nga ng iba na kung mahal siya nito ay hindi paaabutin ni Chloe hanggang sa dalawang taon pero umaasa parin si Gibs kaya ayan. Tuwing may mga party ay sila lagi ang magka-partner at face of the night. Nakaka-kilig nga ang love story nila eh. Magaling din yang basketball player, mula first year ay siya na lagi ang MVP. Kung hindi lang talaga yan basag-ulo ay perfect prince na ang puwedeng itawag. Hayy...ang sarap siguro ng buhay nilang tatlo noh?" mahabang paliwanag nito.
Natahimik naman ako at pini-pilit na isilid sa aking utak ang mga impormasyong nakalap ko.
'Bad boy? Tignan natin ang galing mo'
Nang matapos kaming kumain ay naglakad na kami pabalik sa room. Sinadya kong magbagal ng pagakyat pabalik sa room. Dahil nga unang araw ng pasok ay wala kaming naging klase. Paminsan-minsan ay pinupuntahan ako nila Naih at babalik din naman sa kanilang upuan kapag may dumating nang guro. Minsan na din akong tinititigan ni Gibs ng masama, yung para bang gusto niyang manapak at ako iyon.
'Hindi naman na ako nilubayan niyang payatot na yan. Tss'
🖤~END OF THIS CHAPTER~🖤
( ˘ ³˘)❤
@phoebeduldulao.g-mail.com