MAHIHIYA sana si Gilbert sa sarili dahil aksidente siyang napatid at napahiga sa lalagyan ng mga malilit na bola sa Toy Store pero nang makita niya ang dalaga na tawang-tawa sa harap niya ay hindi niya mapigilang mapangiti.
Kanina pa sila asa Toy Store at mukhang hindi nito mapigilang ma-conscious. Napansin niya ring pinagtitinginan sila at iyon ata ang rason kung bakit na-conscious ito. Idagdag pang may sinabi rito ang isang salesperson na biglang nagpamula ng mga pisngi ng dalaga na ilang beses na ikinailing nito. Binalingan pa siya nito at tinanong kung narinig niya ba ang sinabi ng salesperson. At umiling naman siya dahil hindi niya naintindihan sa bilis ng pagkakasabi ng kausap ng dalaga.
Napailing na naman ito saka siya inunahang pumunta sa ibang stall. Sumunod na lang siya at sinubukang kausapin ang dalaga ngunit parang nawalan na ito ng mood. Walang emosyong kumuha na lang ito ng basket at dumampot ng mga ilang laruan.
Hindi rin siya nito kinibo. Hanggang sa iyon na nga, aksidente siyang nahagip sa lalagyan ng mga bola at nahulog doon. And this time, her laughter isn't even soft. It has a distinct sound to it that just sounds good on his ears.
Kung ang paggawa ng mga nakakatawang bagay nga siguro ang magpapatawa rito ay gagawin niya na palagi. Pero... masakit nga lang ang partikular na pangyayari sa katawan.
"Sir? Ma'am? Ano pong nangyari diyan?" tanong ng isa sa mga saleslady. Nakakunot ang noo nito at naglipat lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Tumatawa pa rin si Marieke at nahihiyang ngumiti na lang si Gilbert sa saleslady.
"Um... I slipped and I landed here and..." lumingon siya sa dalaga na ngayon naman ay umayos na ang ekspresyon, tumikhim.
"Ako na po ang bahala sa kanya," ani ni Marieke sa saleslady na tumango bago may sinabi na hindi niya narinig dahil pabulong.
"Sus, mamili sana ng lugar na paglalandian. Dito pa talaga."
Pero sa binulong naman ng saleslady na iyon ay nawalan na naman ng ekspresyon ang mukha ng dalaga. Napailing ito bago iniabot sa kanya ang kamay. "Here."
Inabot niya iyon at tinulungan siya nitong makaalis mula sa lalagyan ng mga bola. Muntik pa nga itong mapabalikwas at mahulog kung hindi lang niya ito nahatak pabalik. "A-Are you okay?" parang bigla pa siyang nagka-mini heart attack dahil sa nangyari.
Marahan itong tumango bago binawi ang pala-pulsuan mula sa kanya. Itinaas na nito ang dala-dalang basket at naglabas ng phone. Inilabas na rin niya ang sa kanya dahil alam niyang doon na ito sasagot.
Marieke:
I'm done here. Sa labas na lang tayo bumili ng pang-wrap ng mga ito.
Tinignan naman siya nito at tumango siya saka magaang ngumiti. Tumango rin ito pabalik at may t-in-ype na naman.
Marieke:
Can you wait for me outside?
Gil:
But, who will carry the packages?
Marieke:
Ako, sino pa ba?
Gil:
They look heavy
Marieke:
Kaya ko to. Please go out.
"Are you sure you're okay?" tanong niya rito nang hindi na siya makatiis sa biglang pagiging malamig nang pakikitungo ng dalaga sa kanya. Wala naman siyang maalalang may ginawa siyang masama rito.
Nag-iwas lang ito ng tingin at nauna na. Nag-vibrate ulit ang phone niya at isa lang ang katagang naroroon: please. Napakamot siya ng kaliwang kilay at sumunod na lang. Lumabas na siya at hinintay ito mula roon. Pero kahit asa labas siya ay nakalingon pa rin siya sa direksyon nito. Para itong robot na binigyan lang ng instructions na tumayo sa harap ng cashier at panoorin ang paggalaw ng mga laruan sa scanner. May sinasabi ang cashier dito at tango o iling lang ang sagot ng dalaga. At nang matapos na ay balewalang kinuha lang nito ang mga binili nila at nagbayad.
Pagdating nito ay tinanguan lang siya nito saka naunang maglakad. Sumunod naman siya at hindi na nagtanong. Baka mainis lang ito sa kanya.
::
Hanggang sa pagdating nila sa Orphanage ay hindi pa rin kinikibo ng dalaga si Gilbert na ipinagtataka naman niya. Siniguro din nitong sa likod siya sa halip na sa tabi nito. Hinati na lang nito ang dala-dala para siguro hindi siya mag-insist na kunin dito iyon kung sakaling sinarili nito ang pagbubuhat ng mga regalong dala nila.
Nako-conscious na ch-in-eck niya ang phone niya para sa mga posibleng chat nito ngunit ni isa ay wala siyang natanggap. Ayaw niya namang pilitin itong kausapin siya. He's worried though. At hindi niya rin matagalan na hindi siya kinakausap nito. Funny. Nung asa Dutchy siya ay kaya niyang walang kausap ng ilang araw.
Pero simula nang makilala niya si Marieke ay parang hindi niya kakayanin na hindi siya nito kinikibo. Kahit na pansin niya namang hindi rin talaga ito madaldal. Sadyang kinokonsidera lang siya nito kaya sumasagot sa mga sinasabi niya o kinakausap siya minsan. Unless, subsob ito sa trabaho sa ganoong sitwasyon niya ito hindi makausap. Isang area na magkaparehas sila dahil pati siya ay hindi rin makausap kung ganoon.
Ngayon, kating-kati na siyang magsalita. "Fraulein Marieke?" tanong niya. Hindi na siya nakatiis. Napapiksi ang dalaga nang marinig ang boses niya. Liningon siya nito at kumurap-kurap. Nagka-ekspresyon na ang mukha nito, pagkagulat at pagtataka.
"A-Ano?" tanong nito. Her voice sounds scratchy.
Are you okay? is what he wants to say. "Are ve there yet?"
"Ah." Umiling ito at hindi na muli nagsalita. Naghintay naman siya at may sasabihin na sana nang saglit itong lumingon. May hawak itong bote ng mineral water at iniaabot sa kanya. Sa bote ito nakatingin at hindi sa kanya.
"Oh. Um, Zhanks," kinuha niya ang bote mula sa kanya at tumango lang ang dalaga. Iinom na sana siya nang may inabot na naman ito sa kanya. It was a bar of chocolate. "Zhanks..."
Tango lang ulit. Sa tingin ba nito ay gutom na siya kaya siya nagtanong niyon? Hindi pa naman pero nakarandam siya ng appreciation dito. Kulang na lang siguro ay i-assure siya nito na makakarating din sila at mas makakain siya nang maayos.
Binuksan na niya ang chocolate at hindi na rin nagsalita. Baka magsalita rin ang dalaga pagdating nila sa orphanage. Sa ngayon ay magtitiis na lang muna siya.
Hindi naman ganoon katagal nang makarating sila sa naturang lugar. May malaking gate na gawa sa bakal ang orphanage. Sa taas ng gate ay ang pangalan niyon in cursive: St. Luke's Orphanage. At sa baba niyon ay ang address ng lugar. Mukhang malawak naman sa loob. May isang playground na may slides, swings, monkeybars, at seesaws. May mga bata na naroroon at naghahabulan. May dalawang madre na nagbabantay sa mga bata mula sa gilid. May nag-iisang bahay na nakatayo sa gitna at tantiya niya ay mga limang palapag. At sa labas, bukod sa playground ay may dalawang matatayog na puno ng mangga.
Gamit ang libreng kamay ay binuksan ng dalaga ang gate. At dahil gumawa iyon ng ingay ay lumingon ang mga batang asa playground. Isa-isang tumakbo ang mga iyon at para silang mga artistang dinumog. Nakita niya naman ang unti-unting pagsilay ng ngiti sa mga labi ng dalaga at gumaan na ang loob niya. It was like medicine for an unknown sickness.
::
Nagpanting ang mga tenga ni Marieke nang marinig ang tanong ng isang bata kay Gilbert. Asa katabing lamesa lang ang binata kasama ng dalawang batang babae. At nagtanong na naman ang mga ito ng tanong na kanina pa umiinis sa kanya.
"Kuya, you're so handsome, are you... Are you Ate Marieke's boyfriend?"
Medyo downgade pa nga dahil asawa naman ang tingin ng iba pang mga assuming na nakakita sa kanila.
It's already bad enough that people mistaked her before as an opportunist who married a foreigner early. Tapos, hanggang ngayon pa ba naman? Gusto niya tuloy magalit sa mga rason kung bakit may mga ganoong stigma. Kung wala sanang ganoong stigma ay hindi sila pagtitinginan ng masama.
Ni wala pa nga silang ginagawang kahit anong indicator na sila. Magkatabi lang silang naglalakad. May at least limang metro ang layo sa pagitan. Tapos...
"Boyfriend? Me? Do ve look like we're dating?"
Bumaling ito sa kanya at tumalim ang tingin niya bago nag-iwas ng tingin. Ngumiti siya sa mga bata na nakatoka sa kanya. Pero tinalasan niya ang pandinig para malaman kung anuman ang sasabihin nito.
"Opo!" energetic na sagot ng batang nagtanong rito.
Narinig niya ang nerbyos na pagtawa ni Gilbert. Pati na ang tunog na nagmula sa pagkamot nito sa batok. "Ve're not dating. Fraulein Marieke is my friend. And I don't think she'd really like me enough to even consider dating me."
Gusto niya namang matawa sa sinabi nito. Hindi naman iyon ang pinakarason. Hindi ba may gusto ito sa iba? At bakit nga ba sinasagot pa ng binata kung pwede namang iba na lang ang pag-usapan nila ng mga bata?
"Pero ang pogi niyo po! Bakit ayaw ka ni Ate kung pogi ka po? And mukha ka pong mabait!" pag-i-insist naman ng bata. "Kung ako po si Ate, kukunin ko po kayo agad."
Narinig niya naman ang marahang pagngiti ng binata at gusto na niyang sumabat sa usapan ng dalawa. Bata pa ang kausap ni Gilbert pero sa mga pinagsasabi! Ganito na ba ang mga bata ngayon? Hindi na kasi siya updated simula ng sh-in-ut niya ang sarili sa kwarto. Wala siyang social media dahil nung asa NIIT siya noon ay napaka-toxic ng mga ganoong sites, lalo na ang Facebook.
Andaming binabalandra ang mga personal na impormasyon, may nagdradrama, may nagpaparinig, may kung ano-ano ang pino-post. In fact, hindi na nga siya mahihirapang mang-hack ng tao kung gusto niya.
Madali na lang. People, after all, post their complete names, their phone numbers, their birthdays, and some even post their addresses. And well, she didn't want that.
Pero, ayun na nga, hindi siya updated kung paano ba mag-isip ang mga kabataan ngayon. And as far as she's concerned, lima lang ang PC sa orphanage. Wait... sino ba ang nagpabaya at--
Naputol ang lahat ng pag-iisip niya nang marinig niya ang naging sagot ng binata.
"Fraulein Marieke is very capable, you know? I kinda feel intimidated when I feel like she doesn't really need me around. She can stand on her own and it's not really required for her to date someone to prove that to someone else, you know?" wika ng binata saka narinig niya ang marahang paggulo nito sa buhok ng bata. "And you're too young for this conversation. For now, you should just focus on being a kid, okay?"
"Pero ang boring po maging bata! Gusto ko nang tumanda!"
Gusto niya namang matawa na ngayon sa sinabi ng bata pero nagpigil siya. Mas natamaan siya sa sinabi ng binata. So, he thinks she's strong, huh? Naningkit ang mga mata niya. Siguro ang mas dapat tawanan ay siya. Masyado niyang ipinakita sa mga tao na kaya niya ang sarili niya kaya sa oras na kailangan na niyang humingi nang masasandalan ay wala nang gustong sumalo sa kanya.
::
Kasalukuyan na sila ngayong naglalakad papunta sa ipinunta naman talaga nila sa Dagupan: ang unang destinasyon ng binata. Tahimik na naman sila at mukhang nakuha naman ng binata na walang siyang mood na magsalita.
Ibinulsa na niya ang mga kamay kahit na hindi naman malamig kung takipsilim sa Dagupan. Kung asa Baguio pa sana siya ay maja-justify niya ang pagtatago ng mga kamay sa bulsa. Nakatingin lang naman siya sa daan at tinitignan ang likod ng sapatos ng binata na nauunang maglakad sa kanya.
Huminga siya nang malalim. Pagkatapos nila doon ay sinabihan siya ni Sister Theodora na bumisita ulit, anytime. At biniro pa siya na sa susunod naman ay dapat iba na ang status nila ng kasama niya. Hindi niya napigilang pandilatan ito. Basta ba may kasamang lalaki ang isang babae ay agad agad na may "something" sa kanila? Hindi ba pwedeng magkaibigan lang?
Mabilis naman niyang binura ang ekspresyon at awkward na tumawa saka klinaro na may girlfriend na ang binata kahit wala pa para naman hindi isipin nitong may pag-asa sila kung sakaling ang sinabi niya ay magkaibigan lang sila.
Sadyang alam lang din ni Sister Theodora kung kelan siya nagsisinungaling pero hindi naman nagkomento.
The problem is it made her annoyed on the way.
Hindi niya naman pwedeng pagalitan si Gilbert dahil wala namang kasalanan ang binata sa kanya. Ayaw lang niyang nakakarinig ng kung ano na hindi naman totoo.
Maybe I should put more distance?
Tatango na sana siya sa naisip nang nag-vibrate ang phone niya. Kinuha niya iyon mula sa bulsa at tinitigan ang kasalukuyang chat sa kanya ng binata.
Gil:
I'm sorry that people are misunderstanding our relationship. I hope I can do something about it but you know. But I promise, I cleared it all up with the people in the orphanage. Even with Sister Theodora.
Gil:
This is why you're in a bad mood the whole day, right? I'm sorry I didn't figure it out earlier. I might have stood out a lot.
Napailing siya. Nakatanggap siya ng apology dito pero wala siyang nararandamang galit. Parang na-guilty pa nga siya dahil dinadawit niya ito sa sama ng mood niya. Ito na ang isa sa mga nakakaintindi sa kanya tapos ito pa talaga ang may gana siyang paramdamin na parang may kasalanan ito sa kanya.
Ibinulsa niya muli ang phone saka hinigit ang sleeve ng jacket ng binata. He loves his jackets. Never niya pa itong nakitang nakasuot lang ng T-shirt matapos nang asa Maynila sila noon. Lumingon ito sa kanya at may guilty na ngiting nakapaskil sa mga labi ng binata.
"Why are you so nice to me?" tanong niya na hindi naman makatingin rito.
"Vhy not?" balik tanong naman nito sa kanya. "I don't vant to add to your problems and I haven't seen any reason for me to think that I have to be rude or bad to you."
How idealistic... but ultimately helpful.
Inilabas niya ang natirang kisses sa bulsa niya. Ipinamigay na niya sa mga bata ang ibang tsokolateng naroroon. Nagtira siya para sana sa sarili niya pero...
Kinuha niya ang kamay ng binata at ipinatong ang kisses doon. "Peace offering," sagot niya bago pa ito magtanong.
He closed his hand over it and she didn't need to look up to know that he's smiling. "Zhank you."
Humarap na ito at narinig na lang niya ang pagbukas nito ng balat ng kisses. Nagpatuloy na sila sa paglalakad pero ngayon mas lumapit na siya rito nang kaunti at humawak na rin sa sleeve nito. She looked ahead.
Bahala na sila kung anong gusto nilang isipin. Kahit ano naman sigurong gawin niya ay bibigyang kwento ng ibang tao. Ang mahalaga na lang siguro ay hindi siya naapektuhan at maapektuhan pa ang pagkakaibigan nila ni Gilbert.
He wouldn't be staying for long. Hindi naman magandang sirain niya pa ang mga oras na kasama niya ito. Hindi siya palaging nagkakaroon ng kaibigan na tanggap siya kahit pa depektibo siya.
Saglit nitong ipinatong ang kamay sa taas ng kanya na parang ina-assure siya nito sa isang bagay. At ngumiti na lang siya.
She should be scared now. Scared that she's liking this kindness. Pero sa unang pagkakataon, ikinibit balikat na lang niya iyon.
At nang iniangat niya ang pagtingin ay nakita niya ang ganda ng kulay ng kalangitan. A mix of pinks, oranges, yellows, and red. A good mix. Marami na siyang nakitang sunset sa tanang buhay niya pero ito na ata ang pinakamaganda.