eleven } first destination, a kiss, and ricewine

KUNG kanina ay kalmado pa ang paglalakad nila ay biglang tumakbo si Gilbert. "Gil!" bulalas niya dahil hinigit nito ang kamay niya at basta siya hinila sa kung saan. "Hey!" Nakalimutan ba nitong may asthma siya? This kind of strenous activity would... Napailing siya. May inhaler siyang dala at may dala rin siyang pills for anxiety. Kung tutuusin dapat in-expect niya na may mga magaganap talagang ganito.

She looked determined now as they went along. At buti na lang, hindi nagtagal ay tumigil din sila. Napasapo siya ng dibdib at siya na mismo ang humila sa kamay kay Gilbert. Huminga siya nang malalim at napapikit. So far, so good.

Narinig niyang nauna si Gilbert at binuksan niya ang isang mata para panoorin ito. Lumakad ito sa isang bahay na hindi niya pa mapapansin dahil nakatago iyon sa likod ng isa pang bahay at may isang malaking puno sa tabi. Sinundan niya ng tingin ang binata hanggang sa pininid nito ang doorbell na kung sa normal mang dapat mangyari ay dapat hindi bumukas. Pero, iyon ang nangyari. Bumukas ang pinto at napalingon ang binata sa kanya.

He looks scared.

Itinaas nito ang kamay saka umiling.

Nakarandam naman siya ng bundol ng kaba sa dibdib. Dahan-dahan siyang tumango at inilabas agad ang phone. She might not be able to help in any sort of physical defense but she can at least call the police when anything happens.

Pumasok na ang binata at naghintay siya sa labas. Pero hindi pa lumilipas ang mga ilang minuto nang wala sa sariling sumunod siya. Kung ano man ang mayroon sa kanya ay ang overthinking iyon. At kung hindi pa siya gagalaw mula sa kinatatayuan ay wala siyang ibang maiisip bukod sa lahat na ata ng posibleng worst case scenarios na maaring mangyari sa binata sa loob niyon. Hindi kakayanin ng konsensya niya kung sakaling mamatay o masaktan man ito at tumutunganga lang siya sa labas.

"Gilbert," tawag niya pagkarating na pagkararing niya sa loob. Mala-action star pa ang pagpasok niya dahil mukha siyang handang sumugod sa kahit na sino pero natigil siya sa nakita.

Nothing... Except the fact that the place is ransacked. Parang may buhawing dumaan sa mismong kwarto na masyadong nawili o batang hinayaang mag-tantrum. Papers were strewn everywhere. Nagkalat din ang mga kasangkapan sa bahay. Ang mga cover ng sofa, ang remote, at ang mga halaman. Pati ang mga upuan ay hindi pinatawad. Wala na ring mga takip at ang isa pa ay natumba. Judging from the look of the house, someone thought it was a good idea to search it thoroughly to find something or someone.

Nanlaki ang mga matang tumingin siya sa paligid. Lumunok siya. Gaano ba ka-intense ang mga ibang representative ng Dutchy na ito pa ang maabutan nila rito. At pwede ba ito? Paano kung may ibang mga nakatira rito? Pinatay ba nila ang mga iyon?

Lumala ang kaba sa kanyang dibdib at napatakip siya sa mga tenga. Dilat ang mga matang bumaba ang tingin niya sa sahig. Wait, if they did that then does that mean I could die?

She never thought of dying now. May oras na halos iyon na lang ang iniisip niya dahil parang mas madali na lang na matulog forever kaysa humarap sa kinabukasan na parang wala naman siyang ibang makikita.

But not now. Ayaw na niya. It doesn't solve anything. Pero... What if?

Nagulat pa siya nang biglang may nagtakip ng bibig niya at sisigaw na sana siya kung hindi lang niya nakitang si Gil pala iyon. Umiling ito saka siya iginaya sa isang kwarto. Itinulak siya nito sa baba ng isang wooden desk at sabay na nakitago roon.

Magsasalita sana siya pero narinig niya ang yapak ng kung sino mula sa kabila. Mas lalong bumilis ang mabilis na niyang paghinga at pati na ang pagtibok ng kanyang puso. Wide-eyed, she looked at Gil.

Mukha rin itong nilukob ng kaba at umiling lang ulit. His hand is shaking. Sa labas ay narinig nilang may nag-uusap. In German.

Sa dilim ay hinanap niya ang libreng kamay ni Gilbert. Nang mahanap niya ay hinawakan niya iyon nang mahigpit. Saka siya pumikit nang mariin. Kung may mangyari man ay ayaw niyang makita iyon. Nagsimula siyang magdasal. She's not expecting this. If there's anything, she's not expecting, that's it. Ang mamatay sa ganitong paraan. If there's anything, she would have chosen dying on her own hands.

Naramdaman naman niyang inayos nito ang pagkakahawak sa kamay niya. He locked fingers with hers. At sabay silang naghintay sa maaring mangyari sa kanila. Halos hindi na nga niya alam kung ilang oras na ang lumipas bago nila narinig ang pagsara ng pinto at ang pag-andar nang papaalis na sasakyan. She opened her eyes in disbelief.

Hindi dapat siya magtaka na hindi sila nahanap ng mga iyon o na hindi man lang nag-effort ang mga iyong maghanap. Pero, hindi niya maiwasang kabahan.

Is this a trap or--

Natigil ang pag-iisip niya nang niyakap siya ng binata. Napayakap siya pabalik rito at ibinaon ang mukha sa dibdib nito. She can hear his heart beat. Mabilis iyon.

"You're scared..." mahinang bulong niya.

"I'm scared," he laughs lightly. Humiwalay siya dito saglit para sana pabirong aluin din ito at magsasalita pa sana... pero saka lang niya napagtantong napakalapit pala nila sa isa't isa. Randam niya ang paghinga nito sa kanyang mukha. It was hot. With him so close, she can't help but think that he's pretty. He was pretty even in the dim light. "Gil..." wika niya.

And it happened. She feels his lips lightly brush against hers. Mabilis naman itong humiwalay at parang nagulat pa sa ginawa. "Oh. I-I'm sorry. I-I didn't m-mean to."

Napatanga siya rito at napasapo sa mga labi. Did he just... kiss her? Did he really just kiss her?

Halos hindi niya narandaman iyon pero masasabi niyang malambot ang mga labi ng binata. Wala sa sariling hinigit niya ito mula sa collar ng jacket nito saka inilapat ang sariling labi rito. It is soft. It was unfaringly soft.

Humiwalay siya at napatakip ng bibig. Did she really just kiss him to test if it was really soft? What the hell is going on?

"Marieke..." tumingin siya rito at maingat nitong tinanggal ang kamay niya. He leaned down and she feels his lips on hers again. Napapikit na siya at hinayaan ito.

Funny what a very life-threatening situation can do to two people. It took a few minutes before he separated from her. She was still a little dazed from what happened. Nakatulala lang tuloy siya rito kahit na dapat siguro ay may sabihin o gawin siya.

Napatikhim naman ito bago naunang gumalaw at tinulungan siyang tumayo. Nilagay nito ang kamay niya sa kanyang braso. "I'm sorry," he says.

Marahan siyang natawa. Of course. "It's okay. Um... Nangyayari iyon kung ano... Erm... Ano ba ang tamang term?" she waved her hands. "Acted out of impulse... Erm... Brought out by an event that nearly killed us."

Tumango ito at ngumiti sa kanya. Guilt.

It was her first kiss. Hindi niya pa alam paano mag-react pero hindi niya nagustuhang makita na guilt pa ang asa ekspresyon ng mukha nang humalik sa kanya.

Sure, he did it out of impulse but... Napailing siya.

Lumabas na sila at tahimik na inilipat nito ang kamay niya pabalik sa kanya. She hid it on her pockets. Tahimik ulit silang naglakad at tumigil na lang sa harap ng isang jeepney stop.

Wala itong sinabi sa kanya at wala siyang masabi rito. It took a while before he spoke. "If it's any consolation... It's my first kiss too."

Marahan niya itong sinuntok sa braso. "How about we just forget it ever happened?"

"Are you sure?"

Tumango siya at tumango na rin ito.

::

If there's anything that Gilbert had mastered in his twenty six years of existence, it is self-control. Self-control rooted from being denied so many times of what he wanted. Mga nag-ugat sa mga oras na wala siyang ibang choice kundi paghirapan ang mga bagay na ayaw ibigay sa kanya dahil mas kailangan ni Viktor or mas nakakabuti sa bunsong kapatid. Mga nag-ugat sa mga oras na kahit nagsabi na siya ay hindi pa rin siya papansinin at kailangan niya pang ulitin ang sasabihin. Mga nag-ugat sa mga bagay na sa tuwing may gusto siya ay kailangan niyang ibigay sa iba dahil mas mapapasaya ang iba.

Pero nung oras na stuck silang dalawa ni Marieke sa baba ng isang lamesa at kakaalis ng muntik o maaring makapanakit sa kanila. Nakalimutan niya ata ang self-control. He was afraid himself. And she was too. But in the darkness, she seemed to glow. Her blue hair so pretty even if it's a little disheveled. Mapungay din ang mga kulay tsokolate nitong mga mata. At siguro asa katawan niya pa ang pag-iisip na maari siyang mamatay kaya wala sa sariling inilapat niya ang mga labi rito.

Nagulat siya sa inasta. Kung ang prinsesa nga na gustong-gusto niya ay hindi niya ni minsan hinalikan. Ni isang beses hindi siya nagkaroon ng lakas ng loob na gawin. Pero sa dalaga na nakatingin lang naman sa kanya at sinambit lang ang pangalan niya sa paraang parang napakaganda sa pandinig ay nahalikan niya...

Napahilamos siya ng mukha. Hindi niya pa rin iyon makalimutan kahit na sumang-ayon naman siya sa sinabi nitong kalimutan na lang nila ang nangyari. He can't. Hindi siya maka-move on. Dahil unang-una, itataga niya sa bato na sa tanang buhay niya ay hinding-hindi niya magagawa iyon. Pangalawa, he respected her. Kissing her like that is...

She kissed back too, it's not entirely your fault.

"Tumahimik ka," sita niya sa sarili.

And yet, he can't forget how her lips felt on his. How it seems to fit his too much.

Napailing na naman siya at nagpasya na lang na buksan ang can ng San Miguel na dinampot niya kanina. Pinabili niya iyon sa dalaga nang makita nila sa counter ng hotel na tinutuluyan nilang hotel sa Tabuk. Binuksan niya iyon at sumimsim sa can.

The liquor is a good to his throat as it passes. Kung ikukumapara niya sa beer sa kanila ay mas prefer niya pa rin iyon. Parehas na walang epekto sa kanya ang alak na ito at ang alak nila sa Valwick. But it was good. He could live with good.

"Umiinom ka talaga?" narinig niyang tanong ng dalaga mula sa likuran niya. Marahan siyang tumawa at nilingon ito nang tumabi na ito sa kanya. Hatinggabi na at dapat tulog na sila gayong pagod sila sa naging byahe papunta sa Tabuk. Eight hours din ang naging byahe nila. She offered that they stay at Dagupan for the night. Pero nag-insist siyang magpatuloy na lang sila sa byahe at sa tutuluyan na lang nila sa Tabuk mananatili.

Pero iyon na nga, hindi pa rin sila natutulog.

"Gusto mong malasing ngayon?"

"Pleaze. Zis is just water to me, Miss Marieke."

Pinagtaasan siya nito ng kilay. At baka pa ito makaangal ay nagsalita siya ulit. "You don't know? Ve treat beer as water. Ve drink more beer in a day."

"Ah, wait then," anito bago siya iniwan ulit. Sinundan niya ito ng tingin. Lumapit ang dalaga sa teleponong naroroon at may kinausap sa kabilang linya. Wala siyang maintindihan sa pinagusapan ng dalawa dahil ibang lenggwahe ang ginamit ng dalaga. Nag-iwas na siya ng tingin at uminom na lang ulit.

He thinks back to the hoi\use they discovered. Iyon ang third to the last na destinasyon niya. Naikot niya ang bahay bago dumating ang dalaga. Kinabahan siya noon. Takot din sa posibleng makita.

Naisip pa nga niya na baka late na siya. He had no means of communicating with anyone. Pinigilan na din kasi siya ng dalagang makipagusap ulit kay Viktor. Kaya hindi na niya naabot muli ang kapatid. Viktor would be worried. His father... Well, his father would be proud that he survived.

Hindi naman nag-aalala sa kanya ang ama niya. Kung namatay siguro siya ay parehas lang.

He sips from the can. Wow, he's getting so sentimental.

Nang bumalik ang dalaga ay may dala itong isang bote ng alak na may nakalagay na 'Tapey' sa label. Ngiting-ngiti ito sa kanya nang itaas nito iyon. "Here you go. You're going down with this."

Siya naman na ngayon ang nagtaas ng kilay. "I told you--"

"Shh, shh," she wagged her index finger in front of him. "Tikman mo muna."

Aabutin niya na sana pero mabilis namang niyakap nito ang bote at inilayo sa kanya. "Huy, hindi diretso sa bote. Sira ka ba?"

He snorted at hindi na niya napigilang matawa. She can be pretty adorable when she doesn't even try. Kumunot naman ang noo nito at bahagya siyang siniko.

"Lasing ka na ata diyan sa San Mig mo ah."

"No, it's not really affecting me. I can valk straight."

"Sige nga. Go, walk straight."

Tumango siya at inubos ang San Mig bago nagsimulang maglakad. Maayos naman ang paglakad niya at nakabalik pa siya rito nang maayos din. Sarkastikong ngumiti naman ito at kinongrats pa siya. "Alright, subukan mo na ito then. Kuha lang ako ng shot glass," dumiretso ito sa mga nakalagay na shot glass sa lamesa at parehas na sinalinan ng alak ang dalawang baso.

Golden yellow ang kulay ng alak at wala talagang pinagkaiba sa kulay nang iniinom niya. Bukod na lang sa medyo malabnaw iyon. The beer in Valwick was clearer. Itinaas ng dalaga ang isang shotglass at ipinasa sa kanya. Inamoy niya ang naturang alak. It smells sweet.

Nakita niya namang dinampot din ng dalaga ang isang shotglass bago siya hinarap.

"You're not drinking."

Sumimangot ako. "Yes, I am."

"Zhat was not a question, schatz. It's a statement. You're not drinking."

Nagkibit balikat lang ito at balewalang sumipsip mula sa shotglass bago pa niya magawang kunin ang baso mula rito. Pinandilatan niya ito at ngumiti lang ito sa kanya. Isang nababagot at nainsultong ngiti.

He swallowed. Well, he was worried. If she's sure that said liquor will make them drunk, then he'd rather not have her drunk. Sigurado naman siyang kaya niyang i-hold ano man ang ibigay nitong alak sa kanya.

"Come on, drink, princess."

Hindi makapaniwalang tinignan niya ito. "Did you just mock me?"

Tumango ito sabay napalitan ng ngisi ang nababagot nitong ngiti. "Why, yes, princess, I am."

Napapailing na sumimsim na siya mula sa glass. And he's right, it was sweet. Sumimsim siya ulit. It's better than what he was drinking earlier. "How old is zis zapey?"

Marahan itong natawa saka umupo. "Six months. Ang sarap, ano? At ta-puy ang pag-pronounce."

"Ta-puy?"

Tumango ito saka uminom din. Medyo nagtaka naman siya kung bakit ito umupo pero pinagkibit balikat na lang niya at nagpatuloy sa pag-inom. While doing so, he asked her about the drink's origin. Apparently, it's rice wine. Dahil wine lang naman, sigurado siyang walang epekto iyon sa kanya.

...Or so he thought. Dahil makatapos niyang makainom ng limang baso ay parang umiikot na ang paningin niya. Pakiramdam niya ay mabubuwal siya. Napasapo siya sa noo at pumikit-pikit.

"You alright there?" nakangiting tanong nito. She looks amused.

Napapikit siya nang mariin. "I'm feeling dizzy. Vhy am I feeling dizzy?"

Natawa ito. Marahan siyang napamura. Hindi siya palamura. Pero masyado siyang nagulat sa epekto ng alak na nagawa niyang magmura. Napatuntong na nga siya sa pader at napahawak pa sa lamesang naroroon sa tabi. Mukha namang nage-enjoy ang dalaga sa naging reaksyon niya.

"Vhat the hell is diz?" tanong niya na hindi na rin mapigilang matawa. Napamura na naman siya. Now, he's feeling a little tipsy. Mapula na siguro ang mga pisngi niya.

"Kala ko ba hindi ka matitira?" Tumatawa pa rin ang dalaga at narandaman na niya ang kamay nito sa braso niya. Nakapikit pa rin siya dahil pakiramdam niya'y iikot na ang paningin niya kung magmumulat siya ng mga mata.

Iginaya siya ng dalaga sa kama at pinaupo siya roon. Kaya pala ito nakaupo. Damn. Iminulat niya na ang mga mata. "You..." he cursed again. "You could have told me, schatz. How dare you?"

Kinuha nito ang baso niya at marahang ikiniling. A silent question if he still want some. He nods. Ngumiti ito pabalik saka sinalinan ulit ang shotglass niya.

"Sabi mo hindi ka matitira, e," amused na wika nito. "You said any liquor is just water to you."

"Vhy are you not even reacting to it yet?" Another curse.

"Andami na nating iminura, ah."

He empties half of his glass. Nakakatawa dahil kahit natira na siya ay gusto niya pa ring uminom. Masarap ang tapey. In fact, he likes how it hit him. Sa tagal ba namang nasanay siya sa beer ay hindi na siya sanay sa ibang alak na maaring tumira sa kanya. "...I..." he sighs. "I appreciate zis liquor so much, zhank you so much for introducing it to me."

She smiles.