After 2 months.....
Nakabalik na ng school si Len pinilit namin siyang maghome study nalang pero sabi niya mas gusto niyang pumasok ng school
"Babe sure ka ba ayaw mong magpahinga muna?" Tanong ko
"Ok lang ako babe sabi mo nga sulitin ko na ang mga dapat kong sulitin" sabi niya
"Sige labalu"sabi ko sa kanya at hinalikan siya sa noo
"Labalu too"
After 1 month....
Naglabas pasok si Len sa hospital alam kong nahihirapan na siya
Dumaan ang birthday niya sa Hospital na din siya nag birthday
Hirap na siya magsalita dahil hinahabol niya ang hininga niya...
"Iba kana sa Mark na nakilala ko hindi ka na mahiyain hindi kana takot malakas kana I'm so proud of you, alam kong kaya mo na kahit wala ako, But even though I will leave our memories will be with me forever in my heart, Mark ipangako mo sa akin na hindi ka ulit paghihinaan ng loob, Thank you for being my strength, I love you and Will love you Forever..." sabi niya
Patuloy lang ako sa pagiyak
At wala akong ginawa kung hindi halikan ang noo niya at paulit ulit siyang sabihan ng i Love you.
Len's Mom POV
"Ma Pa bantayan niyo po si Mark palagi ipapaubaya ko po siya sa inyo" bilin ni Len umiyak na ako
"Lany alagaan mo si mama at papa wag mo silang bigyan ng sakit ng ulo maging mabait ka palagi mo silang susundin" bilin ni Len sa kanyang kapatid
"Basta tandaan niyo mahal na mahal ko kayo" sabi ni Len sa amin at nilapitan namin siya at niyakap