"Tagal naman ni Sir Pama," reklamo ni Ailou habang palinga-linga dito sa lounge. Bigla niya akong tinapik kaya napalingon naman ako kaagad sa tinitingnan niya. "Uy! Andyan na ang adviser niyo madam."
"Maam!" I quietly exclaimed. Sa wakas, dumating na ang kanina ko pa hinihintay!
Pagkatapos kong magpaconsult, lumabas na ako ng faculty room nang mabigat ang loob. Sinong hindi bibigat ang loob, eh napagalitan ako! Wala naman akong kasalanan pero nadamay na rin ako dahil sa katamaran ng iba diyan. Tsk. Kainis.
Ang sakit ha. Matapos nang lahat ng effort ko, ganun? Nagbabadya ang mga luha sa aking mga mata. Nararamdaman kong umiinit na ang mga mata ko at may nagtutubig na rin. Pagod na rin ako.
Pero ano pa nga bang magagawa ko? Syempre, kesa magmukmok at magsayang ng luha, gagawin ko nalang ang mga suggestions ni ma'am. Ate Kath and I will figure this out.
Kaya namin 'to. Sus, kinaya ko nga ang paulit-ulit na heartbreaks noon, ito pa kaya? Heh. Ako si Penelope Marie Barluado. Hindi ako magpapatalo sa mga ganyan dahil strong ako, no.
"Oh." Inilapag ni ate Kat ang isang plato na may cake, spaghetti, at biko.
"Yey! Thank you! Anong meron?"
"Birthday ni sir Leganes. Binibigyan kasi kaming mga GIA ng mga foods everytime may pakain sa faculty at office. Sayang naman, hindi ko maubos. Kamusta? Ano pang kailangan gawin?"
"I-proof-read mo nalang itong RRL at Introduction na part, ate."
She left me there for her duty sa office habang ako naman ay nagsimula nang magtitipa sa aking laptop. Syempre habang lumalamon ng cake at spaghetti. Hindi masyadong masarap pero gutom ako so walang may pake. Haha.
Ano pa ba ang idadagdag ko rito? Isip ako nang isip. Umiikot ang mata ko kung saan, baka sakaling may sumulpot na idea at inspiration sa mga kapwa ko estudyante rito sa hall. Bigla akong napalingon sa gilid at likod ko.
I don't know if it's just me? Pakiramdam ko kasi may nakatingin sa akin. Ayokong isipin yun dahil di ako sanay sa ganung klaseng atensyon. It's weird na may nanonood sa bawat galaw ko. It's creepy. Hindi ako makagalaw nang malaya. Para akong nababato. Kailangan kong mag-ingat sa bawat galaw ko.
Alam mo yung feeling na ultimo pangungulangot o pagpunas ng pawis di mo magawa dahil parang may nakamasid sa bawat galaw mo? Ugh.
But I ignored the unnecessary thoughts and feelings. Guni-guni ko lang siguro yun. Oo. Tama. Wag ko na nga yun isipin. Ang mahalaga, matapos ko na ang pagsusulat at pag-e-edit ng thesis at mga gawain sa school para more free time for myself.
Pilit akong nagfo-focus sa mga dapat kong gawin. Kinuha ko ang notebook na nagsisilbing scheduler ko. Parang may pumisik sa katawan ko at bigla akong bumilis kumilos. Kailangan ko na palang matapos ang first two chapters nitong thesis at ang mga requirements! Pero teka...
Oo nga pala, kailangan na namin magmeeting para sa reporting at sa community extension. I quickly opened my facebook account and announced it at our class GC.
LeZZGO PSYCHOS
Penelope Marie C. Barluado:
Good evening! Calling my groupmates @Wincelette Ampuller @Ailou Basa @Arnaisa Dagadas @Vanessa Kleitz, Available kayo bukas? Gawa sana tayo ng project at magmeeting nalang rin sana for the food.
Keith Lopez:
HAHAHA. Project sa ano yan?
Penelope Marie C. Barluado:
Para sa community extension sa ChemDep na subject at reporting sa Educ140, Assignment sa NATSCI 124
Keith Lopez:
Lol. Wala pa akong kagrupo. Sa inyo nalang ako, Pen.
Penelope Marie C. Barluado:
Puno na kami Keith. Lima na kasi kami.
Keith Lopez:
Ang damot naman oh! Sige na.
Penelope Marie C. Barluado:
Haha. Okay lang naman sana sa akin. Wala namang kaso. Kaya lang, baka hindi tayo i-allow ni ma'am, eh. Loaded na kasi masyado.
Keith Lopez:
Pucha naman o! Wala namang magagawa rin sa ma'am pag nakapasa na tayo ng papel. Tatanggapin niya yan. Maniwala ka sa'kin.
Penelope Marie C. Barluado:
Gusto mo bang punutin ni ma'am ang papel namin? Di ka pa nadala sa nangyari kahapon.
Heidi Vargas:
Bakit ba kasi ayaw niyo pa siyang pasalihin?
Diana Ybbara:
Mahirap talaga basta mga matatalino, madadamot rin.
Keith Lopez:
Akala niya kasi kung sino siya. Matalino? 125 LANG naman kasi yung IQ ko.
Parang umakyat lahat ng init at dugo ko sa ulo. Here we go again. Why is this GC so toxic? Imbis na maayos naman sana ang lahat, bakit kailangan pang gumawa ng gulo? Pasikat lang? Para ano? Dahil bored sila?
Stressed na nga ako sa buhay estudyante ko, dadagdag pa sila! Sarap nilang pag-untugin lahat.
I fought the urge to leave that nonsense GC. Kung hindi lang talaga dahil sa mga handouts at announcements na pinopost doon, aalis talaga ako.
Heidi Vargas:
Sa amin ka nalang. Mahirap pilitin ang ayaw, baka pumayag! HAHA XD
Diana Vargas, Keith Lopez, and 30 others reacted Haha to this
Tsk. Ito namang isa, habol nang habol kay Keith. Kunsintidor. Kahit na kampihan niya pa si Keith, si Rose pa rin naman ang mahal nun. Asa pa siya. Nakakainis siya na nakakaawa kasi para siyang tanga na habol nang habol sa taong alam niya na hindi mapapasakanya kahit kailan.
PERO IMMATURE PA RIN SILA, KAINIS! Wala akong pake kahit na kabit lang siya ni Keith at panakip butas. Malaki na sila. Sino ako para mangialam? Pero minsan gusto ko na sila bulyawan. Kahit once lang, alam mo 'yon? Ang sama kasi ng ugali. Inaano ba sila?
Bitter pa rin ba sila sa nasirang "friendship" namin? Tsk. As if.
Keith Lopez:
HAHA. Payts. Let's see kung sino ang mas may mataas na score. Saksak mo sa baga mo.
I calmed myself before I typed a reply. Yun hindi halata na pikon na ako. Syempre, ang pikon ay laging talo. Kaya kahit pikon man ako, hindi ko yun ipapahalata. I don't want to be stressed anymore. I have lots of things to think about, and to finish. I have no time for irrelevant people and petty things like this.
Penelope Marie C. Barluado
😊 If that's what you think, go ahead. Go compete with yourselves. But I know I am matured enough to understand you. Good night.
Nakita kong nagnotif pa na nagreply sila pero hindi ko na binuksan pa. Wala rin naman akong balak magreply eh. Kumukulo lang lalo ang dugo ko. Nauubusan na ako ng energy.
Madams
You named the conversation Madams
You added Wincellette Ria Ampuller
You added Ailou Basa
You added Arnaisa Dagadas
You added Vanessa Kleitz Fulgencio
Imi-nute ko nalang at gumawa ako ng another GC. Yung kami-kami lang. Yung walang gulo. Yung walang toxic na usapan at mga tao.