Naghikab ako at nagstretching first thing in the morning. Sabi nila, nakakatangkad daw yun at napansin ko ring nakakapagpagising sa diwa.
Sana all nang nagse-stretching nagigising sa katotohanan na panahon na para magmove-on dahil hindi ka niya mahal.
Opps. Joke lang. Hahaha. Ewan ko sa'yo Pen.
Tinignan ko ang oras sa aking cellphone.
WHAT? 8:30 am na! The fudge. 8 am ang usapan namin nina ate Wincelette! Talk about Filipino time.
Sana matapos namin ang mga paperworks. Ayoko magcram dahil ayoko pangatawanan ang label ni Mark sa akin na praningning.
I opened my messenger account para magcheck ng messages. Baka nagchat na rin ang mga kagrupo slash friends ko. Mahirap na, baka maligaw ako. Napagkasunduan kasi namin na sa boarding house nalang ni ate Wincelette gagawa ng projects at assignments. Pinag-isa na namin para isang bagsak lahat at matapos na.
Malapit lang yun dito sa amin pero hindi pa kasi ako nakakapunta do'n kaya hindi ko alam ang exact place.
Lahat sila alam na kung nasaan yun dahil minsan, doon nila ginagawa ang kanilang thesis. Minsan naman kina Ailou. Minsan kina Arnaisa. Maliban lang sa bahay nina ate Van. Masyado kasing malayo, nasa baryo pa.
Ako lang naman yung naiba, eh. Pero okay lang. Papasundo nalang ako kay ate Wince.
-*-*-*-
Madams
Vanessa Fulgencio: Wait lang mga madam, ha. Para pa ako ng tricycle. Mahirap kasi makapara dito baka malate ako.
Penelope Marie Barluado: Okiee. Papunta na rin naman ako.
Wincelette Ria Ampuller: Kanina ka pa otw @Penelope Marie Barluado.
Penelope Marie Barluado: Wahaha. Peace ate. Napasarap kasi ang tulog ko.
Wincelette Ria Ampuller: Gusto ko mangga. Haha.
Ailou Basa: Meron si @Penelope Marie Barluado HAHAHA
Penelope Marie Barluado: Try ko itakas. Hahaha.
Wincette Ria Ampuller: faster @Penelope Marie Barluado lol
Seen by Arnaisa Dagadas, Penelope Marie Barluado, and Ailou Basa
-*-*-*-
Pagkatapos ng mabilisan kong pag-aayos ay nagmamadali akong lumabas ng bahay bitbit ang laptop ko at mga notebook.
Shiz! Yung mangga nakalimutan ko pala. Kaya bumalik ako sa loob para manungkit lang ng mangga. Mabigat din yung panungkit pero kinaya ko naman.
Sino ba ang ini-expect mong tutulong sa'yo kung'di sarili mo rin. Be independent kasi hindi lahat ng tao nabibiyayaan ng prince charming. Tsaka kahit pa may prince charming ka, girl hindi ka naman kumpol.
Buti pinayagan ako ni papa na manungkit ng mga mangga sa puno namin. Usually kasi, against siya sa pamimigay ng mga mangga sa mga kaibigan ko pero kapag kaibigan niya inuubusan niya kami.
*Bzzt*
My phone vibrated. I quickly got my phone from my pant's pocket to see the message.
Mayroon kang 1GB for VIDEO EVERY DAY with your GIGA subscription.
Only to be disappointed dahil network lang naman pala ang nagtext. Akala ko naman kung sinong importante. Haha.
Kainis. Araw-araw nalang yan nagte-text. Minsan naiistorbo pa ang tulog ko, hindi naman ganun ka importante. Sana tao nalang yung nagtext. Like update sa council, sa acads, groups, etc. Ganon.
Asa ka pang may magtext ng: "good morning bebe quh. Kain na u. Love u. Ingat. Mwa. Tsup tsup." Di naman yun importante sa buhay ko. Sanay na ako dyan. Gastos lang yan sa load.
Bumaba ako sa carwash station kagaya ng napag-usapan namin ni ate wince. Binuksan ko ang GC para ichat siya. Wala kasi akong load pantext eh.
Wala naman akong itetext. Sayang lang ang ipapaload ko kung ganon.
Bakit pa ako magpapaload ng pantext kung pwede namang i-chat nalang.
Mabuti pa magpaload nalang ng net. Makakanood pa ako ng k-pop online, FB, Instagram, at messenger.
Iyon nga lang, dahil kuripot ako sa load, can't view photos ako lagi. Oh well, food is priority kesa sa load.