Entry#22

Once upon a time, there were five dumb eggs who got lost in a big city. The five eggs walked and walked. Exhausted and thirsty as they were, two of them collapsed. The eldest egg didn't know what to do. She panicked and fell into a comma. The other two followed and eventually, together, they died---

"Huy, madam!" I jerked off because of ate Van's shout. It wasn't that loud yet it was enough to electify me back. My heart beated so fast I felt like all my blood went up to my head.

"Ano?" I answered, slightly raising my voice and creasing my forehead to the person who interrupted my train of thoughts. Masama bang matulala? Eh sa pagod na'ko eh.

She tilted her body slightly. "Ay? Suplada?"

The blood subsided back to its original level. "Wag mo kasi akong ginugulat ate.," I replied calmly this time.

Napasquat na ako. Kinapa ko ang firmed muscles ng hita ko. Limang oras na kaming paikot-ikot. Tatlong maling jeep na ang nasakyan namin. Plus ang bigat pa nitong mga bitbit ko.

"Ay, sorry naman? Kanina ka pa kinakausap, di ka sumasagot. Okay ka pa ba? "

"Oo nga. Okay ka lang?" Ailou asked.

"Haha. Okay lang yan, Pen."

Nope. As long as hindi kami nakakarating nang matiwasay sa resthouse nina Baron, Hindi okay. Saan kami matutulog, aber? Gusto ko na ipahinga ang nananakit kong likod pero ni Wala nga akong mahigaan.

Napaupo na rin sila sa gilid mg kalsada. Pinanood namin ang pagdaan ng mga sasakyan, ang paglipas ng mabilis na takbo ng oras dito sa busyng highway.

"Hay," Ailou sighed.

"Hay," Arnaisa and I can't help but also take a deep breath. Makakarating pa kaya kami sa aming paroroonan? O baka naman, dito na kami magpapasko at magiging pulubi na lang? Charot. Charot lang.

"Ate? Tawagan mo kaya sina Baron?"

"Hindi ko siya ma-contact."

Ibinaling ko ang tingin ko sa kaliwa at nag-isip. "Sino pa bang kasama natin sa bahay? Di'ba 25 tayo per house?"

"Sina Keith at Heidi," kunot-noong sagot ni Arnaisa. Tss. Ang taong masungit, gutom o may issue sa tulog, ganyan.

Ate Wincelette fidgeted her phone.

"Hello?"

She was busy chatting and texting and calling our classmates/housemates. Well, what choice do we have but to ask for their help? Since sila ang naunang nakarating sa resthouse. Even though we didn't parted ways nicely and we had a few arguments in our GC, aarte pa ba kami para sa isang maliit na bagay?

Grrrrk. "Guys, nahihilo na'ko," sabi ko.

"Gutom na'kooooo," reklamo ni Arnaisa.

"Madam pen alam kong may pagkain ka dyan,"

I opened my sling bag and gave her two biscuits. One is presto peanut butter flavored, and the other is skyflakes.

Napapikit ako pero maya-maya'y napadilat dahil sa boses ni ate wincette na bumasag sa katahimikan. "Tara na. Susunduin na lang daw nila tayo sa SM Lanang," aniya.

I slowly got up. Hinila ko naman pataas ang braso ni Ailou dahil nahihirapan daw siyang makatayo. "Magdiet ka na kasi," suggestion ko, na ikinatawa naman niya.

"Oo na!"

🌻🌻🌻

Bumungad sa amin ang isang mataas at malapad na puting gate. Nasa loob ng isang subdivision ang bahay nina Baron kaya ibinaba na lang kami ng jeep sa highway saka nagbagtas papunta rito. Sa wakas, nakarating din.

Hinawi ng ale pabukas ang gate. Wow! Jjinja daebak! Isang palapag lang ang bahay nina Baron pero malapad ito. Brown at puti ang pintura ng bubong at mga dingding. Sementado lahat sa labas maliban sa mga santan na nakapalibot sa pader na bakod.

"Hello po. Good afternoon po," bati ko sa ale. Nginitian niya ako pabalik at malugod na pinapasok. "Sulod na mo, ga,"

"Manang, luto na ang lunch?"

"Unya dugay-dugay, sir, hapit naman 'to maluto,"

Baron then turned to us. "Tara, pasok."

Hmm. Typical modern house. White Walls, and decent interiors. Unakyat kami sa isang maliit na hagdan. May mababaw na pahabang terrace ang kasunod non tapos may tatlong pintuan sa gilid.

Lumulusot mula sa pader ang pamilyar na tawanan. Mabuti din pa lang nadelay kami ng dating, eh, no?

"Hahaha! Sinong mukhang itlog?" sabi ng boses ni Heidi.

"Ikaw, Sino pa ba?" mapang-asar na sagot naman ni Keith.

"Wow. Ako pa talaga? Baka--" Heidi's counter-argument got interrupted when ate swung the door open. "Oh, hi pen."

"Hi," I greeted back. It would be rude for me to not answer back when she said it so nicely that you would think it's not fake at all. Well, for the sake of courtesy, yes for peace. Go with the flow.

If you can't love a person, at least have some respect.

May isang double deck na Kama, kasya ang dalawang tao sa bawat Isa.

Nakaupo naman sa mga nakalatag na foam sina Heidi at Keith. Humiga na ako kaagad sa ilalim na kama. Nakaramdam ng kaginhawaan ang nananakit kong likod.

"Dito ka."

"Tabi na lang kaya tayo, no?"

"Pen, dito ka na lang kaya sa baba? Tutal maliit ka naman. Kasya ka pa dito."

Hindi ko na muna siya sinagot. Tinignan ko lang silang lahat, kasama na ang maliit na espasyo sa tabi nina Keith at Heidi. Tinignan rin nila ako pabalik, naghihintay ng sagot.

"Ano na, pen?"

"Ayoko."

"Ha? Bakit?"

"Basta ayoko maipit." Hindi ako sidecar. Hindi ako inipit.

Sa huli, ako ang nanalo. Wala rin silang nagawa kung'di ang hayaan ako sa gusto ko. Si Arnaisa at Wincelette ang nagtabi sa taas ng double-deck habang Sina ate Van naman at Ailou, sa kabilang kwarto na lang daw. Wala eh, ayaw maghiwalay nina Keith at Heidi. Nireserba rin nila ang mga kaibigan nila para tabi-tabi sa foam.

Kapag ba mahiwalay ka sa mga kaibigan mo, mamamatay ka na? Di ko talaga maintindihan. Bakit di na lang kasi first come first serve imbis first come, first reserve. Napakaunfair, gusto ko manapak.

Umalis sina Keith at Heidi para sunduin sina Diana at Jella. Sa SM na lang daw sila kakain ng tanghalian. Nagdesisyon na akong bumangon since medyo okay naman na ang likod ko. Sinimulan mo nang ayusin ang mga gamit at damit ko.

"Malapit lang ba ang clinic dito?" tanong ko sa kanila.

"Ang alam ko, isang sakay lang yun ng jeep," sagot naman ni ate Wincette na nakatihaya at nagfe-facebook. Panay ang tunog ng messenger niya habang nagtatype.

"Ah."

"Malapit lang yun sa Gmall," dagdag pa niya.

"Gusto ko puntahan, madam!" Arnaisa exclaimed. Kapag talaga usapang galaan at kainan mabilis talaga 'to. Haha.

"Sige. Tara. Kaso di ko alam yun."

"Ako bahala. Gagala tayo after ng duty."

"Okay!"

Yes! I danced internally.

🌻🌻🌻

The day went by too fast. It's already 6 am in the morning, according to my phone.

Habang naliligo si ate Wincelette, ay nakapila naman Sina Heidi at Arnaisa na medyo nahuli ng gising. Samantalang nag-aagahan na kami ni Ailou. Maagang nagigising si Ailou, naunahan pa nga niya yung alarm clock ko na nakaset sa 5:30 am.

"Salamat po sa breakfast," sabi ko kay Manang. Siya na kasi nagluto ng agahan namin. Maaga pa siyang nagising para dito.

"Salamat pud sa pagtabang," sagot niya sa'min nang may ngiti sa labi. May eyebags pa si ate. Puyat siguro 'to tapos nagising pa nang maaga. Salute talaga.

By 7:30 am, nagtatakbuhan na kaming lahat palabas ng subdivision. Pahirapan sa pagpara ng jeep since halos lahat puno. Nalilito pa ako kung ano ang sasakyan. Di talaga ako sanay dahil mas madali magcommute pag tricycle lang. Sasabihin mo lang saan ka pupunta. Then viola!

Dito, talagang dapat alam mo ang ruta ng pupuntahan mo, at dapat alisto sa pagbabantay dahil kapag nagkamali ka ng nasakyang jeep, o di ka nakapara sa tamang babaan? Sorry ka na lang pag tanga ka.

Mom was right.

Ma'am Ginny, the psychologist at the psyc clinic oriented us and gave us psychological exams that made my head almost explode. My neurons died. I hope they reincarnated sooner because I need them. Woah. I am so mind blown.

I need food. I need water. My gosh.

The five us were looking like a bunch of standing asparagus as wee stood here at the front of the clinic, eyeing the jeeps passingby.

"Hoo. Kapagod!"

"Gutom na'ko."

"Ako rin. "

"Saan tayo kakain?"

"Tara, gala."

Yung pagod na nga kami tapos may gana pang gumala 'tong si Arnaisa. Grabe. Pero kapag usapang aral daig pa sirang cellphone na kakacharge lang, lowbatt agad.

Medyo napatalon ako sa gulat dahil sa isang cellphone na nagring. Dinukot kaagad ni ate wince ang bulsa niya. Si kuya Jigs. She ignored the call but her phone would keep on ringing again and again.

"Sagutin mo na."

"Wala. Hayaan niyo siya."

"Uy sagutin mo na. Kanina pa yan." Ate Van urged her.

Arnaisa second-handed the motion. "Oo nga. Baka importante."

Her face remained stoic, but her eyes shakened, like she's suppressing something to flow down. She pressed the off button of her phone.

Something's wrong.