Mangga
"Ang gwapo talaga ng apo ni Don Dimetrio!"
"Oo nga! Simula pagkabata crush na crush ko na siya!"
"Hindi lang gwapo, matipuno pa!"
"Hindi lang 'yon! Sobrang bait pa!"
"At mabango!"
Iyon lamang ang ilan sa mga bulungan ng mga babae sa labas ng simabahan nang bumaba kami ni Dimitry sa sasakyan niya.
Mga bulag ba ang mga babae dito? Sabagay, probinsyana nga naman. Mababa ang standards. Gwapo? Matipuno? At ano iyong huling narinig ko? Mabait? Okay, mabango siya dahil naaamoy ko ang mamahaling pabango niya kapag kasama ko siya pero iyong mga nauna? God.
"Sino 'yong babaeng kasama niya?"
"Baka girlfriend?"
Pwede bang masuka? Ako? Girlfriend?At pwede bang tigilan nila ang pagbu-bulungan nila? It's so annoying!
"Mukha naman hindi! Ang layo nga nila sa isa't isa eh!"
"Mukhang mataray.."
"Maganda sana siya kaso nakasimangot."
Napairap na lang ako. Hindi ba talaga sila titigil sa bulungan nila? Nasa loob na kami ng simbahan at bulungan pa rin sila ng bulungan. At talagang sa likod pa namin sila pumwesto para mag-bulungan.
"Can you stop buzzing like bees? And don't you know how to whisper in a discreet way? So annoying."
Nilingon ko na sila at inirapan. Nagulat naman sila sa ginawa ko at umiwas na lamang sila ng tingin sa akin.
"Tash."
Tinignan naman ako ng katabi kong ito na para bang nagbabanta siya.
"What? They're annoying me. Kung sa 'yo okay lang kasi tuwang tuwa ka sa mga pinagsasasabi nila sa 'yo. Pwes ako hindi!" sambit ko na gigil pero pabulong dahil nasa loob na nga kami ng simbahan.
"Ano bang sinasabi nila sa akin? Wala nga ako naririnig eh.." aniya at ngumisi.
Sinamaan ko siya ng tingin. Halata namang narinig niya lahat. Feel na feel ng loko!
Magsasalita na sana ako pero agad niyang itinaas ang index finger niya para patigilin ako. Tumunog na rin ang kalembang, indication na magsi-simula na ang misa kaya naman tumayo na din kami.
The mass ended. Almost two hours ang itinagal nito. Nainis pa ako kay Dimitry noong kakantahin na ang The Lord's Prayer dahil bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Disgusting. Hindi na lang ako nakipagtalo dahil nasa loob kami ng Simbahan. Akala ko uuwi na kami pero hindi pa pala. Lumapit si Dimitry sa Pari nang makalabas na ang ibang mga sumimba.
"Oh, Dimitry. Kamusta ang lolo mo?"
Nag-mano si Dimitry kay Father kaya naman bigla niya akong tinignan at sinenyasan na mag-mano rin ako. What?
Dahil nakatingin na rin sa akin si Father ay nag-mano na rin ako.
"Aba, may girlfriend ka na pala. Sa wakas." sambit ni Father at saka tumawa nang nag-mano ako sa kaniya.
"You're mistaken, Father. I'm not his girlfriend."
Nawala naman ang ngiti ng matandang pari saka tumitig sa akin.
"Ah, Father? Siya nga po pala si Atasha. Iyong apo po ng mga Dela Cuevas."
Tila nawala naman ang pagtataka ni Father at saka tumango.
"Kaya pala pamilyar sa akin. Kamusta ka na hija? Ang tagal mong hindi nakabalik dito sa atin."
Kumurap lang ako at hindi nag-salita. Kaya naman si Dimitry na ang sumagot para sa akin. Bakit ba kasi halos lahat ng mga tao dito ay kilala ako?
"Narito po siya para matutunan kung paano pinapalakad ang negosyo nila."
Napataas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Kakatapos lang ng misa ay nagsi-sinungaling na. But, in the contrary, it's good that he lied about my punishment. Tsk.
"Bilang punishment po sa katigasan ng ulo niya.."
Salubong ang kilay ko sa sinabi niya kaya naman napatawa na lamang si Father.
"Makulit pa rin hanggang ngayon.." sambit ni Father habang nakangiting nakatingin sa akin.
Why do he sound like he knows me? He sounded like he have witnessed my childhood. Bakit ganito sila dito? Masyado ba talagang sikat ang pamilya namin?
"Siya nga pala, Dimitry. Papunta na ako ngayon sa inyo para sa lolo at lola mo."
"Ganoon po ba? Sumabay na po kayo sa amin.."
"Hindi na, hijo. May sasakyan naman ako. May pupuntahan pa yata kayo.." sambit ni Father at malaman na tumingin sa akin.
Oh goodness. Iniisip niya bang may date kami? Yuck. Iniisip niya pa rin bang girlfriend ako ng damuhong ito? Iniisip ko pa lang ay nasusuka na ako.
"Sure po kayo, Father?"
Tumango si Father at ngumiti. Nag-paalam na din naman siya kaya kami naman ay lumabas na din ng Simabahan.
Nauna na ako kay Dimitry na mag-lakad dahil may binili pa ito. Nang bumalik siya ay may supot siyang dala dala.
Nang makalapit siya sa sasakyan ay agad niya itong pinatunog. Inirapan ko siya at saka sumakay sa back seat. Ang init init tapos hindi pa muna niya binuksan ang sasakyan bago siya bumili ng kung ano man 'yon.
Tahimik lang ang naging byahe namin pabalik ng mansyon. Buti na lang at hindi ako sa kung saan dinala ng damuhong ito.
Pagbaba ko ay dire-diretso ang lakad ko papasok sa mansyon. Ramdam ko namang nakasunod sa akin si Dimitry.
"Kainin muna natin itong binili ko." aniya bago pa ako makatapak sa unang step ng engradeng hagdanan.
Tinignan ko siya tapos ay tinignan ko ang supot na dala niya at siya ulit. Tinaasan ko siya ng kilay. Hindi ko kakakainin 'yan lalo pa't sa bangketa niya lang binili.
"Malinis 'to." saad niya na tila ba nabasa ang nasa isip ko.
Inirapan ko lang siya at saka nagpatuloy na sa pagtaas. Nang makapasok ako sa kwarto ko ay agad akong nag-palit ng damit. Nahirapan pa ako kanina sa paghahanap ng isusuot ko dahil sabi ni Dimitry ay masyado daw revealing at sexy ang mga damit ko.
"Miss Atasha.."
I was in the middle of watching a movie when a heard a knock and I heard one of our maids calling me.
"What?" sigaw ko nang hindi binubuksan ang pinto.
"Pinapatawag po kayo ni Sir Dimitry."
Umirap ako sa hangin.
"Why?" sigaw kong muli at hindi pa rin binubuksan ang pinto.
"Bumaba raw po kayo. Iyon lang po ang sinabi niya."
Padabog akong tumayo at saka pinatay ang TV. Pag bukas ko ng pinto ay naroon ang katulong namin na nag-aabang.
"Where is he?" mataray kong tanong.
"N-nasa dining room po."
Pagkasabi niya non ay nilagpasan ko na siya at bumaba na ako para puntahan ang damuhong iyon. Naabutan ko naman siyang nakaupo at kumakain.
"What?!"
"Kumain ka muna. May gagawin tayo." aniya at iminuwestra sa akin ang upuan sa harapan niya.
May nakahain na doong pagkain na kulay orange. Tinaasan ko siya ng kilay ng makalapit ako.
"Kumain ka na.." aniya sabay subo sa kulay orange na pasta.
Umupo ako at tinignan ang nasa bowl. It's a pasta and it's color orange. It has chicharon bits on top.
"Is this a palabok?" tanong ko kay Dimitry na tila sarap na sarap sa pagkain na 'yon.
"No, it's not." saad nito sabay iling.
Kumunot ang noo ko at tinignan ulit ang pasta sa harap ko. Wala nga namang shrimps and squids and also boiled eggs. But it looks like a palabok to me only that it has a thicker round pasta.
"Luglog ang tawag diyan."
"Lug— what?"
Tumawa lang siya at itinuro ang pagkain na nasa harapan ko.
"Kumain ka na lang."
Inismiran ko lang siya at saka tinikman ang pagkain na 'to. In fairness, okay naman siya.
(A/N: Alright, iyong luglog ay parang palabok siya para sa mga hindi alam. At sa mga alam naman ang luglog, iba kasi ang luglog sa amin. It's an ordinary luglog. Kaunti lang ang sahog niya. Actually, ung pinaka sauce ng pasta at chicharon lang ang meron. Ewan ko. Iyon ang inuuwi sa amin lagi every Sunday. Actually, nakabalot siya sa dahon ng saging tapos pa-triangle siya or more like a pyramid ganon. Haha! Share ko lang.)
Inantay niya akong matapos kumain bago siya tumayo at sinabing sumunod ako sa kaniya. And because I'm trying to be a "masunurin" ay sinundan ko siya.
It's my only way for Dad to lift my punishment as soon as possible.
Sinundan ko si Dimitry na nag-lakad palabas sa likod ng mansyon. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Why are we here?
Tinignan ko si Dimitry na biglang tinawag ang isa sa mga maids namin. Nag-punas muna ito ng kamay niyang basa at puro bula. Nang tignan ko ang banda kung saan siya galing ay nakita kong naglalaba pala siya.
"Bakit po, sir?"
"Kami na muna ni Atasha ang mag-lalaba. Tumulong ka na lang muna sa loob na mag-linis."
Nanlaki ang mata ko at agad na tinawag si Dimitry.
"Dimitry!"
Lumapit ako sa kanila at agad siyang pinaharap sa akin.
"Are you freaking out of your mind?!"
Umiling siya at saka hinarap muli ang katulong na mukhang natakot sa pag-sigaw ko.
"Sige na, Fely. Tulungan mo na lang sina Manang Flor sa loob."
"S-sigurado po kayo, Sir?" Nag-aalangang tanong ng katulong kay Dimitry pero sa akin nakatingin.
Tinignan ko naman siya ng nagbabanta. Subukan mo lang na umalis, hindi ka na talaga makakabalik pa dito sa mansyon kahit kailan.
"Yes, Fely. Don't mind her. She needs to learn how to do her laundry on her own."
Sinamaan ko ng tingin si Dimitry dahil sa sinabi niya. Agad namang umalis ang katulong sa harap namin kaya ngayon ay kaming dalawa na lang ni Dimitry ang narito.
"Anong tinatayo tayo mo diyan? Let's go."
Nag lakad na siya papunta sa laundry area ng mansyon. Tinitigan ko lang siya ng masama at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko.
Siya naman ay tumingin sa akin at nanunuyang itinuro ang washing machine. Inismiran ko lang siya at tumalikod na para pumasok na ulit sa loob ng mansyon ngunit natigilan ako nang nag-salita siya.
"Hello, Andres?"
Agad akong napalingon sa gawi niya. Naka ngising aso siya ngayon habang nasa isang tainga niya ang kaniyang phone.
Sinamaan ko siya ng tingin at nag-martsa ako palapit sa laundry area kung saan naroon siya.
"Wala lang naman. I just wanna update you about her. Nagiging masunurin na.." aniya at hindi pa rin mawala ang ngisi sa kaniyang labi.
I mouthed him, damn you!
Humalakhak lang siya at saka ako tinalikuran.
"Mukhang nagugustuhan na niya nga dito eh.."
Masama ang tingin ko sa malapad niyang likod. Nakakairita talaga siya kahit kailan. Sinong nag-sabing nagugustuhan ko na dito? Mas lalo ko ngang kinamumuhian ang lugar na ito dahil sa kaniya!
Patuloy pa rin siya sa pagkausap kay Kuya sa telepono niya habang nakatilod sa akin. Nung una ay akala ko nagloloko lang siya pero nang tumagal na ang pakikipagusap niya ay doon ko lang napagtantong totoo nga. Tinignan ko ang timba at tabong nasa harapan ko ngayon. Puno ito ng tubig. Isa lang naiisip kong paraan para naman makaganti sa pang-iinis niya sa akin. Huh. Akala mo ha? Maong na maong ka ngayon, pwes!
"Sige, Andres. Bye."
"Dimitry." Tawag ko sa kaniya kaya naman agad siyang napalingon sa akin.
Kasabay ng pag-harap niya sa akin ay ang pag-saboy ko sa kaniya ng tubig galing sa tabo. Pinuntirya ko talaga ang pantalon niya dahil kapag nabasa ito ay mabigat. Kumuha pa ulit ako ng tubig sa timba at isinaboy ulit sa kaniya.
"Oops." Sambit ko at ngumisi sa kaniya na ngayon ay naka simangot na sa akin.
Halata namang nagulat siya sa ginawa kong pag-saboy ng tubig sa kaniya. Muntik pa niyang mabitawan ang hawak niyang phone pero nasalo niya rin ito at mahigpit na nahawakan.
"What the—.."
"Oops. Akala ko puno."
Matalim niya akong tinignan ngunit inismiran ko lang siya at ibinalik ang tabo sa timba.
Nang lingunin ko siya ay sa pantalon na niya siya ngayon nakatingin. It's soaking wet. Tumawa na lang ako sa naging itsura niya. Nakasuot pa siya ng sapatos at ngayon ay palagay ko basang basa na rin ito.
"Bakit mo ginawa 'yon?"
Nangagalaiti niyang tanong sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay habang nakahalukipkip sa harap niya.
"Akala ko nga kasi puno. Kaya diniligan ko."
Lalong nalukot ang mukha niya sa naging sagot ko. Gigil niyang itinuro ang sarili niya.
"Mukha ba akong puno?! At sinong matinong tao ang magdidilig ng puno?!"
I swear. His expression is priceless. Hindi ito maipinta. Serves him right. Sa ilang araw ko dito ay lagi niya akong iniinis kaya ngayon ako naman.
"Why? Hindi ba pwedeng diligan ang mga puno?"
Umiling iling lamang siya at tinignan muli ang basa niyang pantalon. Ilang saglit lang ay bigla na lang niyang kinalas ang kaniyang belt at in-unbutton ang pantalon niya.
"Hey! Hey! What do you think you're doing?!"
Hindi niya ako pinansin at walang pasabi niyang hinubad ang sapatos at medyas niya kasabay ay ang kaniyang pantalon kaya naman napatili ako sa ginawa niya.
"What the fuck! Napaka manyak mo talaga!"
Binato ko sa kaniya ang tabo pero agad naman niya itong nailagan.
"Basang basa ang pantalon ko dahil sinabuyan mo ng tubig. Anong gusto mo? Suotin ko 'yon ng basa?" Tinaasan niya ako ng isang kilay at saka ako tinalikuran para isampay ang kaniyang pantalon at medyas sa sampayan. Ang sapatos naman niya ay binilad niya sa arawan.
Nakatingin lamang ako sa likod niya. He's wearing a loose white shirt and a black boxer shorts. At habang sinasampay niya ang kaniyang pantalon ay napatingin ako sa matambok niyang pwet. Damn. What a blessed man. Napababa naman ang tingin ko sa thighs at calves niya. It's thick and perfectly toned. At ngayon ko mas nakita ang kaniyang honeydew na skin tone. Pantay na pantay ang kulay ng katawan niya.
"Sino ngayon sa atin ang manyak?"
Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang nag salita at ngayon ay nakaharap na sa akin. Agad ko siyang tinaasan ng isang kilay. Pero napababa naman ang tingin ko sa kaniyang t-shirt. Hindi ganoong nabasa ang boxer niya pero ang t-shirt niya ay medyo nabasa kaya naman kahit na maluwag ito ay dahil sa sobrang nipis ay bumakat ang kaniyang perfectly toned abs. Kahit naka-tshirt siya ay kita ko kung gaano ka-perpekto ang pagkakahulma nito.
"You like my butt?" aniya at nanunuya pang itinuro ang pang-upo niya. "Or my abs?" Tinuro niya din ang kaniyang abs na kahit talaga natatakpan ng t-shirt niya ay kitang kita mo pa rin.
Nanlaki ang mata ko at agad siyang sinamaan ng tingin.
"In your fucking dreams!"
Tinalikuran ko siya at tinuon na lang ang pansin sa mga damit kong nasa washing machine na ngayon. Napaka hangin talaga ng isang 'to. I get that he has those perfectly toned muscles but there's nothing special about that. Wait, did I just praise him? Ugh! No!
"Well, if you say so."
Humalakhak siya at kita kong papalapit na siya sa kinatatayuan ko.
"Hindi malilinis ang mga damit mo kung tititigan mo lang."
Natapos umikot ang washing machine kaya naman kinuha niya ang mga damit doon at inilagay sa batya na nasa paanan ko lamang. May mga tumalsik pang mga bula sa binti ko kaya napalayo ako dito.
"Don't act like it's some kind of a dangerous acid." aniya
"It's a detergent! Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang nga sabon ko? Hindi mo ba alam kung gaano kamahal ang ginagastos ko para lang ma-maintain ang kutis kong ito?!"
Umupo siya sa isang maliit na upuan at saka nag-simulang kusutin ang mga damit ko. Maarte kong pinunasan ang mga bulang tumalsik sa binti ko.
"Umupo ka na at gayahin mo ang ginagawa ko."
Tinignan ko siya ng masama.
"Nahihibang ka na talaga? I just got my nails done!"
Inirapan niya ako saka tinuro ang upuan pang maliit sa likod ko.
"Sino bang nag-sabing mag palinis ka ng kuko mo?"
Inirapan ko rin siya, "Wala! I want to pamper myself. Sa lahat ng mga pinapagawa mo sa akin dito ay deserve ko ang i-pamper ang sarili ko. Kulang pa nga ito eh! I need a facial, hair treatment, full body scrub, and spa!"
Tinignan niya ako na parang nagbabanta siya. Tinuro niya ulit ang upuan na maliit. "Umupo ka na."
"Why do I have to do that? I have plenty of maids to do that for me! Hindi sila binabayaran para lang ako ang pagawain ng mga dapat nilang gawin!"
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay iaasa mo ang lahat sa mga katulong, Atasha."
Kalmado pa rin siya pero halata mo na ang pangi-gigil niya sa bawat pag bitaw niya ng salita.
"Tsk. Bigyan mo lang sila ng pera, gagawin na nila ang kahit na anong gusto mong ipagawa."
That's the truth.
Ang kaninang kalmadong si Dimitry ay ngayon ay masama na talaga ang tingin sa akin. Tumayo siya at tinitigan akong mabuti. He looked at me with those piercing eyes of his.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay pera ang solusyon. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makukuha mo ang gusto mo gamit ang pera mo."
Nakapameywang ko siyang tinignan at tinaasan ng kilay.
"That's the truth about poor people. Pakitaan mo lang ng pera ay susundin ka na!"
Kulang nalang ay mag-buhol ang kaniyang dalawang kilay dahil sa pagkakakunot nito. May masama ba sa sinabi ko? I'm just stating a fact here.
"Atasha, ano sa tingin mo ang dahilan ni Tito Anton kaya ka niya pinadala dito? Sa tingin mo ba para lang pahirapan ka? Hindi, Atasha! Pinadala ka niya rito para matuto ka!"
"Wow. So you're a preacher now? Tsk."
Padarang niyang ibinato ang damit na hawak niya sa batya kaya naman nag talsikan ang tubig at bula galing doon.
"I get that you're born with a silver and golden spoon, Atasha! Pero hindi ibig sabihin non ay ituturing mo silang utusan mo!"
"But that's the truth! Utusan sila!"
"Tao sila, Atasha! Tao rin sila katulad mo! Tao rin sila na dapat nirerespeto! Hindi ko alam na lalaki kang ganiyan! You're so cruel!"
Nalukot lalo ang mukha ko sa sinabi niya.
"Kung makapag salita ka akala mo naman kilalang kilala mo ako! I get that you and Kuya are childhood friends pero hindi ibig sabihin non ay pwede mo na akong pakialaman! Ni hindi nga kita maalala kaya pinagtatataka ko kung paano kayo naging mag kababata ni Kuya!"
Nag-martsa na ako paalis doon at pumasok sa mansyon. Nakasalubong ko pa ang mukhang natatarantang si Manang Flor sa kusina.
"Anong nangyayari sa inyo? Bakit kayo nagsisigawan?" aniya na hindi ko naman pinansin.
Dire-diretso ako sa aking kwarto at nagkulong. Hindi ko talaga alam kung bakit maka-asta siya ay parang ang tagal tagal na naming mag kakilala. Kung pag salitaan niya ako ay akala mong kilalang kilala niya ako. Kaibigan lang siya ni Kuya. Wala siyang pakialam sa akin!
Buong mag hapon akong nag kulong sa kwarto ko. Dinalhan nalang ako ng katulong ng pagkain nang mag tanghalian pati hapunan. Siguro naman ay umuwi na iyong epal na 'yon.
Sa sobrang inis ko ay naisipan ko na lang na magbabad sa gym. Halos dalawang oras din ako doon. Wala akong ginawa kundi ang suntukin at sipain ng salitan ang punching bag na nasa isang sulok ng gym. Inisip ko na lang na mukha ni Dimitry ang punching bag. Ganoon ako kainis sa kaniya!
"I hate you!" Sigaw ko nang suntukin ko ulit ang punching bag.
"Annoying jerk!" Sigaw ko naman ng sipain ko ito.
Iyon na ang pinaka last na sipa at suntok ko kaya I gave in my all. Lahat ng inis ko binuhos ko na don.
At dahil wala naman akong tubig dito ay bumaba muna ako para kumuha ng tubig. Pawis na pawis pa rin ako nang pababa ako sa first floor ng mansyon.
Nang pumasok ako sa kusina ay nadatnan ko doon ang taong kinaiinisan ko. Bakit nandito pa 'to? Alas nueve pasado na. May bahay naman siya!
Lumapit ako sa ref at binuksan ito. Hindi pa ako napapansin ni Dimitry dahil naka harap siya sa sink at nakatalikod siya sa gawi ko.
Kumuha ako ng pitsel at isinara ko ng padabog ang ref kaya naman napalingon sa akin si Dimitry. Nanlalaki ang mata niya nang bigla niya akong makita.
"A-aw!"
Tinignan ko kung bakit bigla siyang napa aray. Nag hihiwa pala siya ng mangga. At dahil sa akin siya nakatingin ay nahiwa niya ang daliri niya. Anong tawag don mga bata? Tanga. Tama!
"Tsk."
Inismiran ko lang siya at kumuha ng baso para makainom na.
"B-bakit ka kasi nang gugulat? At bakit ganiyan ang suot mo!"
Naka pameywang kong hinarap ang nag rereklamong si Dimitry. Hinuhugasan niya ngayon ang daliri niyang nahiwa.
"Hindi ako nang gugulat. Ang sabihin mo duwag ka!"
Lumapit ako sa sink at inilagay ang baso doon nang bigla siyang lumayo na kala mong napapaso sa akin. Hindi siya makatingin sa akin kaya tinitigan ko siya. Anong problema nito ngayon? Kanina galit na galit sa akin? Ngayon parang ang amo amo at takot na takot dumikit sa akin?
"What is your problem?" Tanong ko sa kaniya.
Naka kunot ang noo niya habang pinagpapatuloy ang paghiwa sa mangga.
"Just... go back to your room and change your damn clothes." aniya na para bang hirap na hirap huminga.
Tinignan ko ang suot ko. I'm wearing a black sports bra and cycling shorts. This is what I usually wear when I work out. What is his problem?
Tinaasan ko siya ng kilay. "You don't tell me what to do, Dimitry."
Nakita kong pumikit siya ng mariin at tinalikuran ako. Narinig ko pang nag mura siya ng pabulong. Pinatong niya ang plato na pinag lagyan niya ng mangga sa lamesa.
"Mag palit ka na lang. Please." aniya at parang hirap na hirap pa rin sa pag sasalita.
Kitang kita ko ang pawis na tumutulo sa sintido niya. At kitang kita ko din ang mabilis na pagbaba at pagtaas ng dibdib niya na para bang hinahabol niya ang hininga niya.
Tinukod ko ang dalawang kamay ko sa sink at humilig dito. Nanliliit ang mata kong tinitigan si Dimitry. Tinignan ko ulit ang suot ko. My sports bra is quite revealing. It's a push up sports bra kaya naman kitang kita ang cleavage ko.
Kung tama ang naiisip ko ay may maganda akong ideya. I just have to do this and ma-pprove kong tama ang naiisip ko.
Dahan dahan akong lumapit at tumabi sa kaniya. Nakatayo lang siya habang mariing nakapikit ang mga mata. Nang lumapit ako sa tabi niya ay para nanaman siyang napapaso. I smirked.
"Can I get some, Dimitry?" maarte kong saad at saka tinukod ang dalawang kamay sa lamesa.
Maarte kong tinuro ang mangga. Tumango siya at parang hirap na hirap lumunok. I swear. Kanina ko pa pigil pigil ang tawa ko. The Dimitry is turned on!
At dahil tinukod ko ang dalawang kamay ko sa lamesa ay mas lalong nadepina ang cleavage ko. Kitang kita ko ang pagpikit niya ulit ng mariin at pag iwas sa akin. I knew it. I'm surely turning him on. Big time.
"Ay susmaryosep! Atasha! Mag damit ka!"
Nawala ang ngisi ko nang biglang sumulpot si Manang Flor at napasigaw. Nakatingin siya sa dibdib ko.
"Mag damit ka ng maayos! Jusko kang bata ka! Hindi ka dapat nagsusuot ng ganiyan!"
Napairap ako sa sinabi niya. Ano bang problema dito sa suot ko? This is what I usually wear when I go to gym. Mas komportable at maginhawa.
"Narito ang mga kaibigan mo kaya mag damit ka! Hala sige at tumaas ka na! Ikaw naman Dimitry, bakit hindi mo naman pag sabihan itong si Atasha! Diyos ko!"
Oh, Manang. He couldn't even say a damn word coz he's loving it. He's loving the view. He's enjoying it.
Kunot ang noo kong tinignan si Manang nang ma-realize ko ang sinabi niya kaya sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad ito pabalik sa living room. Sinong mga kaibigan? Sina Lara? Narito sila?
Nasagot ang tanong ko nang makita kong pumasok sa kusina si Lara, kasunod niya si Haze at si Franky?!
"Tashy! I missed you!"
Akmang yayakapin ako ni Lara nang lumayo ako at umiling.
"I'm sweaty, Lara. Katatapos ko lang mag gym.."
"Gym, huh?"
Napatingin naman ako sa biglang nag salitang si Franky. Makahulugan ang kaniyang nga tingin at may ngising nag lalaro sa labi niya. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at kay Dimitry.
"Yes, Franky, so you shut the fuck up."
Tumawa lamang siya at umiling.
"Bakit biglaan naman yata ang punta niyo dito?"
"Akala ko kayong dalawa lang ni Lara, Haze?" tanong din ni Dimitry na nakatingin ngayon kay Franky.
Alam niyanb pupunta sila? Bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? At bakit kung mag salita ito eh parang ayaw niyang narito si Franky? Huwag mong sabihing katulad ni Kuya ay mainit din ang dugo niya kay Franky? Tsk.
"Am I not welcome here, pare?"
God. I swear. Nakaka-cringe ang pagkaka sabi ni Franky ng "pare". Pinigilan ko na lang tumawa.
"It's a good thing that you're also here. Hindi ako mabo-bore."
Tinignan ako ni Dimitry pero saglit na saglit lang iyon dahil kapag nagagawi siya sa katawan ko ay para siyang napapaso. Tsk.
Really? This is my effect to him? Well, this is my effect to everyone. He's no exception, huh. I smirked. Boys and their needs. Tsk. Boys will be boys.
"Kumain na ba kayo?" Tanong ko sa kanila.
Tumango silang lahat habang sabay sabay na umupo. Si Haze at Lara ay sa dining naupo habang si Franky ay nasa stool sa may counter.
I looked at Lara and her baby bump. It's already showing and she's really glowing. Lalo siyang gumaganda habang tumatagal.
"Lara you should rest now. Hindi ka pwedeng napupuyat. Bukas na lang tayo mag bonding." Tumango siya at tumayo na. Mukhang pagod na nga siya dahil hindi na siya nag pumilit pa. Makulit mag buntis si Lara. Binalingan ko naman agad si Haze na tumayo na rin kasabay ni Lara. "Bakit naman kasi anong oras na kayo bumyahe. Tsk."
"I told her that we'll leave tomorrow morning but she insisted. She's a beast when she's mad so I don't have a choice.." ani Haze at ibinulong na lang ang hiling linya pero narinig yata ni Lara kaya bigla na lang siya nitong piningot at hinila na papunta sa kanilang kwarto.
"For a pregnant women like your bestfriend? She's a sadist." Ani Franky sabay iling.
I agree with Franky.
"Franky, wanna catch up?"
"Sure, Tashiana."
"No alcohols." Agaran na sambit ni Dimitry kaya naman napatingin ako sa kaniya.
Sabay kami ni Franky, actually.
Ganoon pa rin ang pwesto niya pero mas kalmado na kaysa kanina na akala mong napapaso sa presensya ko.
"I didn't know your Dad's here, Tashiana."
Humalakhak si Franky kaya napangisi na rin ako. Pero si Dimitry ay hindi na maipinta ang mukha at masamang tumingin kay Franky.
"Don't mind him, Franky. Let's go?"
Naglakad na ako palabas ng kusina nang mag salita si Dimitry.
"At least change your clothes, Atasha."
"I know what to do, Dimitry." Sinagot ko siya nang hindi ko siya nilingon. Nag patuloy ako sa pag akyat at kasunod ko naman si Franky. Nang makarating kami sa kwarto ko ay wala ng humpay ang pag tawa niya.
Para siyang tangang tawa ng tawa nang makarating kami sa kwarto. Nakaligo at naka pagpalit na ako at lahat ay natatawa pa rin siya. Anong problema ng baklang ito?
Napag pasyahan naming sa pool side mag kuwentuhan. Nagtitiis kami ngayon sa juice at chips dahil lahat ng alak ay itinago yata ni Dimitry. Paano ba naman pagkababa namin ni Franky ay pagkita namin sa bar counter ay wala na ang mga alak na naka display. Patay talaga siya sa akin bukas.
Hindi ko na alam kung anong oras kami nakatulog ni Franky. Ang dami lang namin napag kwentuhan. Napag kwentuhan din namin ang nangyari sa bar isang buwan na ang nakalilipas. Hindi pa rin daw nahuhuli ang hinihinala nilang suspek kaya naman nadismaya ako.
Lagi ko pa rin naaalala ang nangyari. I was in a coma for a month because someone drugged me. I just can't help but loathe the one who did that to me. Anong naging kasalanan ko para lagyan niya ng drugs ang alak ko? Kung sino man ang gumawa non, makonsensya sana siya. My life was on the line just because of that damn party drug.
Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. Kung hindi pa ako binulabog ni Lara ay hindi ako magigising.
"What?"
Nakaupo ako sa kama ko ngayon at papikit pikit pa. Tumingin ako sa orasan sa side table ko at nakita kong alas dose pa lang ng tanghali.
"We're going somewhere so get ready!"
"Lara, I'm sleepy.."
Umamba akong hihiga ulit pero hinila ako agad ni Lara patayo. Sakit ha? Sadista talaga ng buntis na ito.
"We're going! Get ready!" Sigaw nito na nakapag pagising sa diwa ko.
Damn, girl. Haze was right. She turns into a beast.
"Tanghali na kaya, Tash! Dapat ay kanina pa tayong umaga umalis pero dahil umaga ka na nga raw natulog ay hinayaan kong tanghali na lang."
Inirapan ko siya at saka tinungo ang banyo. Ayokong makipag talo sa buntis. Hahayaan ko na lang siya. Mas lalo lang yata ako masstress sa kaniya eh. Kakaiba talaga siya mag buntis. Napailing na lamang ako.
"Are you done, Tash?" Sigaw ni Lara mula sa labas makalipas ang ilang minuto.
Pinatay ko ang shower at sumigaw pabalik, "Damn, Lara! Kakapasok ko pa lang!"
"Fine! I'll wait you downstairs!"
Binuksan ko na ulit ang shower at nag patuloy sa pag ligo. Ang selan selan niyang mag buntis ha? Paano siya natitiis ni Haze? Ugh.
Nang matapos ako sa pagligo ay dumiretso ako sa closet ko. Narinig ko namang nag bukas ang pinto ng kwarto ko at narinig ko na lang si Lara na tinatawag ang pangalan ko.
"Closet." Iyon lamang ang sinabi ko at ilang sandali lang ay pumasok na rin siya sa closet ko.
"Woah. You're closet is so pretty!"
Nag-ikot siya sa buong closet ko. Bawat sulok ay tinignan. Pati ang mga drawers at cubies ay binuksan siya.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko dahil hindi ko malaman kung anong susuotin kong damit.
"Sa isang river raw dito sa lugar ninyo! Malapit lang daw dito sa mansyon niyo. Magsu-swimming tayo.." aniya habang busy pa rin sa pag-check ng closet ko.
River? Hindi ko alam na may malapit na ilog pala dito? I mean, akala ko kasi puro taniman at palayan ang mayroon itong lugar na ito. I've never been to that river. Wala akong maalala na may pinuntahan kaming river noon.
Pababa na kami ni Lara nang matanaw ko ang tatlong lalaki— bakla ung isa, okay— na nakatayo na at mukhang naiinip.
"Sorry, guys. Ang tagal pumili ng damit ni Tash. Let's go? I'm so excited!"
"You can't swim, babe." Sambit ni Haze.
Kaya naman ang masiglang mukha ni Lara kanina ay napalitan na ngayon ng busangot na mukha.
"Fine, fine. Saglit lang ha?"
"Yes! I love you, babe!"
Habang tinitignan ko silang naglalandian sa harapan ko ay gusto ko na lang sumuka. I can't stand looking at them doing that. Cringe worthy. Napairap na lang ako sa likod nila. Magka holding hands silang nag lakad palabas. Paulit ulit pa silang nagsa sabihan ng "i love you" sa isa't isa. Kaunti na lang talaga masusuka na ako.
"You want some plastic, Tashiana?" Tanong ni Franky na tatawa tawa pa.
"You look like you're going to puke." Dagdag pa nito at tumatawang lumapit sa akin. Hinapit niya ang baywang ko papalapit sa kaniya.
Tinaasan ko siya ng isang kilay sa ginawa niya. Sanay ako sa pagiging touchy niya pero ngayon niya lang ito ginawa. Nakaka-cringe din siya minsan. Don't tell me nagpapaka lalaki na siya ngayon?
"Don't worry. Mararanasan mo din 'yan." Bulong nito sa akin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.
"Never in your wildest fucking dreams."
Tumawa lang si Franky at umiling iling. Inirapan ko lang siya at saka niyaya na siyang lumabas.
May tumikhim naman sa gilid ko at nakita kong masama ang tingin ni Dimitry sa kay Franky. Si Franky naman ay parang walang nakikita at mas lalong hinigpitan ang hawak sa beywang ko. Lumipad sa kamay ni Franky ang tingin ni Dimitry. Nag-igting ang panga nito at sa akin naman tumingin ng masama. Ano nanamang problema niya?
Tinaasan ko siya ng kilay pero umiwas lang siya ng tingin at nauna nang lumabas. Tumawa naman na parang tanga si Franky.
"Anong tinatawa tawa mo diyan? Para kang tanga."
Tinanggal ko ang kamay niyang nasa beywang ko at nag-martsa na ako palabas ng mansyon.
"Let the hunting begin." Aniya at tumawa nanaman na para siyang asong nauulol.