~Sarah~
si andrew.
Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya dito? Pano niya nalaman kung san ako nakatira? Gulong gulo na isip ko...
Ilang sandali dahan-dahan siyang lumingon sa'kin. Agad bumilis ang pag tibok ng puso ko na halos marinig ko na ito dahil sa kaba at nagsitindigan yung mga balahibo ko at nanlalamig na din yung mga kamay ko.
Nang pagkalingon niya sa'kin nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
Si steve.
Nang makita ko na yung mukha niya parang umaliwalas yung pakiramdam ko at kumalma ako. Mabuti nalang hindi si andrew. Bakit ba naman kasi hawig silang dalawa pag nakatalikod! Kung sabagay mag kapatid naman kasi sila haha. At teka, mukhang nag pagupit kasi steve, kaya naman pala eh! Pero bat ganun? bat ko naisip na si andrew yun?
"Oh sarah, nandito ka na pala. Osiya maiwan ko muna kayo." Sabi sa'kin ni mommy nang makita niya ako at nginitian ko lang si mommy at umalis na ito at napatingin na ako kay steve.
"W-what are you doing here?" Pautal kong tanong sakanya. Ano nga bang ginagawa niya dito? gabi na.
"Nahanap ko na yung hinahanap mo." Sagot niya sakin at may inabot siyang wallet sakin at nung nakita ko yung wallet nakaramdam ako ng sobrang saya. Gosh! Thankyou Lord!
"S-san mo to nahanap?" Sagot ko sakanya habang nakangiti naman ako. Napaka inportante kasi netong wallet ko. Nandito lahat ng kailangan ko, gaya ng mga pera ko tapos ID tapos nga cards ko. Pero pwede naman niyang ipabukas nalang ibigay to sa'kin eh, mag kikita naman kami bukas. Bat ngayong gabi pa, mamaya mapano siya.
"Nag linis ako sa kotse ko kanina tapos nakita ko yan sa ilalim ng upuan, dinaan ko na rin dito sainyo baka kasi kailanganin mo." Sagot niya sa'kin. nung isang araw nga pala, hinatid niya ako sa pinag tratrabahuan ko. Tapos nung nalaman kong nawawala na 'tong wallet ko, hindi ko na alam gagawin ko at halos mabaliw ako sa kakahanap.
Ilang sandali nakita ko si kuya na parang gulat na gulat sa sinabi ni steve. Oh please, iba nanaman nasa utak niya huhu.
"A-ano? Sumakay si sarah sa kotse mo?" Gulat na tanong ni kuya kay steve at tinignan ko si steve at napangiti naman ito at tinignan ko naman si kuya na bakas na sa mukha niyang gulat na gulat at gusto nang magalit.
"Oh, it's not what you think it is. It's nothing. Sakto kasing nagkita kami sa school at hinatid ko na si sarah sa pinag tratrabahuan niya dahil umuulan nung isang araw, tsaka mukhang mala-late na kasi siya, kaya hinatid ko na." Sagot niya kay kuya. Habang si kuya naman naka crossed arms parin at nakataas yung mga kilay niya bakas sa mukha niyang hindi siya naniniwala. Grabe ha, napaka ano ng utak niya.
"Harry, what are you thinking? Ano kaba, parang hindi mo naman ako kilala." Patawang sagot niya kay kuya at tinapik tapik ni steve yung likod ni kuya. Magkaibigan naman kasi talaga sila ni kuya simula pa nung nasa pilipinas kami at hanggang ngayon, pero si kuya kasi sumusumpong nanaman ka OA-yan niya.
"I'm just kidding. Oh by the way, i heard andrew came home is that true?" Tanong ni kuya kay steve kasabay ng pag akbay niya sakanya.
Napatingin sa'kin si steve na mukhang nag aalala siya dahil sa tanong ni kuya sakanya, pero sinenyasan ko siya na okay lang at nag thank you ako sakanya.
Pinanood ko silang nag uusap at nag tatawanan ni kuya habang kinakain ko yung miryendang inihanda ni mommy para kay steve. At ilang saglit nag paalam na din si steve at umalis na ito, at syempre ako bumalik nako sa kwarto ko para mag pahinga na.
Humilata na ako at tumingin ulit ako sa kisame. Grabe yung nangyare ngayong araw na to, hindi ko akalain na ganito yung mga mangyayare. At Ilang sandali nakatulog na ako.
Kinabukasan, ginising na'ko ni mommy para mag handa para sa pag pasok ko sa school. Ugghh 5:20am palang, gusto ko pang matulog!
Bumangon na ako at pumunta nako sa banyo para maligo at mag ayos ng sarili. Matapos kong mag ayos, bumababa na ako para kumain.
Umupo na'ko at umupo na rin si mommy at kuya at sabay sabay kaming nag dasal. Matapos namin kumain nag paalam na kami ni kuya kay mommy at umalis na kami. Sabay kasi kami ni kuya pumapasok kahit magkaiba kami ng pinapasukan na school.
***
~Andrew~
"Were here. Please don't cause trouble andrew, isipin mo yang reputasyon mo. At tsaka ayusin mo yung mga isasagot mo kung tinanong ka ng mga reporters, pero kung hindi mo alam isasagot mo, ngumiti ka nalang. Okay?" Bilin sa'kin ni mr kim. Tumango nalang ako sakanya at tumingin ako sa labas. Wala pa kasi yung manager ko, bukas pa kasi siya darating dito sa nyc kaya si mr.kim muna yung tutulong sa'kin habang wala pa yung manager ko. Nasa tapat kami ngayon ng gate pero hindi parin ako lumalabas dahil hinihintay ko si steve. Nauna kasi akong pumunta dito sa school para makita kung may nag bago ba o wala.
Nakabukas yung gate at maraming taong nagsisipasukan sa loob at may mga reporters at mga istudyante ang nag hihintay sa labas ng gate. At kitang kita mula sa gate yung ganda ng school, Napakalaki at napakaluwang nito.
Ilang sandali, kinatok na nung personal driver ni steve yung kotse ko at binuksan naman ni mr kim yung bintana. Sawakas nandito sa si steve.
"Andito na si steve, mag ayos ka na at pag bubuksan na kita ng pinto." Utos ni mr.kim, at agad naman akong nag ayos ng sarili at lumabas na si mr kim para pag buksan ako ng pinto at lumabas na'ko. Tinignan ko si steve at nag umpisa na kaming mag lakad, pero habang nag lalakad kami nag simula nang dumugin kami ng mga tao at may mga guard rin na nasa tabi namin ni steve para harangin yung mga tao.
Nang makapasok na kami sa loob ng school, at hindi na nakasunod yung mga reporters dahil hindi sila pwedeng makapasok sa school.
Habang nag lalakad kami, grabe yung mga hiyawan ng mga tao at halos lahat ng tao dito sa paligid namin ay walang sawang nakatitig saming dalawa ni steve. Nagpatuloy parin kami sa pag lalakad at ilang saglit napatigil ako sa paglalakad dahil nagulat ako sa aking nakita. Hindi ko akalain na makikita ko yung babaeng nakasalubong ko sa crosswalk kahapon. Hindi ko akalain na dito rin pala siya nag aaral, what a coincidence.
Naramdaman ko din na napatigil din si steve, habang yung mga tao naman tuloy parin sa kahihiyaw.
Nakatitig parin ako sakanya dahil hawig na hawig niya talaga si sarah, at ilang saglit habang tinititigan ko siya, napasulyap lang siya sakin at umalis na din ito agad. Oh wow, siya lang yung nakita kong babae dito na iba yung pag tingin sa'kin. I like her.
"Hey? Is everything alright?" Tanong sa'kin ni steve at hinawakan niya yung balikat ko dahilan para matauhan ako.
"Y-yeah" pautal kong sagot sakanya at nagpatuloy na kaming maglakad.
***
~Sarah~
Hindi ako makapaniwalang nandito siya, anong ginagawa niya dito? Hindi ako makapaniwalang nakita ko nanaman siya. Hindi ako makapaniwalang nagkatinginan nanaman kaming dalawa.
Naglalakad nako patungo sa classroom at sobrang bilis ng pag pag tibok ng puso ko, kinakabahan nanaman ako. Sa tuwing nakikita ko siya kinakabahan ako.
Nang makarating na'ko ng room, umupo na ako sa tabi ni kate at ibinaba ko na yung bag ko.
"Thank goodness you're here. Bat ang tagal mo? I missed you!" Lambing na pagkasabi sa'kin ni kate at niyakap ako nito. Eto talagang babaeng to napaka childish pano siya magugustuhan ng kuya ko pag ganito siya.
"Where's jasmine and karla?" Nagtatakang tanong ko kay kate. Apat kasi kaming magkakaibigan. Ako, kate, jasmine at si karla. Tsaka dapat mga ganitong oras mag kakasama na kami ngayon dito sa room.
"I don't know, siguro nasa labas pa sila." Sagot ni kate sa'kin. Magsasalita na sana ako pero biglang dumating yung isa naming kaklase na si samantha at napatingin kaming lahat sakanya at mukhang hingal na hingal siya. Ano ba nangyare sakanya hinabol ba siya or something?
"Guys! Guess who's here!" Tanong niya saming lahat, ngunit ni-isa samin dito sa room walang sumagot sakanya, at nakatitig parin kaming lahat sakanya. Oo na, alam ko na kung sino, Si andrew...
"Andrew smith is here! And he will be our classmate." Malakas niyang sigaw.
ANO?! Magiging magkaklase kami?! No way, it can't be! Imposibleng mag aral siya dito, may career siya sa London. Akala ko bumisita lang siya. Oh no!
Oh please! Pinaparusahan na ba ako ng panginoon sa mga maling ginawa ko? Sana nag kakamali lang si samantha. Please!!!!
Nagulat kaming lahat sa sinabi ni samantha at bigla namang nagsihiyawan lahat ng babae dahil sa narinig nila ganun din si kate, habang yung mga lalake naman gulat na gulat din.
Oh no.
Ilang sandali, dumating na yung teacher namin at napatahimik at napatigil ang lahat na para bang naistatwa sila.
"What are you looking at? Everyone sit down! Go back to your seats, quickly!" Malakas na utos ni Mrs.Walter at nagsi-balikan naman yung mga kaklase namin sa mga upuan nila. Kinakatukan kasi naming lahat si Mrs.Walter dahil sobrang sungit niya.
Nang makaupo na at tahimik na kaming lahat, nag umpisa na siya mag salita."Today, we have a new student and i know all of you know who he is." Sabi ni Mrs walter at tinawag na niya yung transferee. Napayuko ako dahil sa kaba. Oh please sana iba, please! Parang awa niyo na please!
Ilang saglit pumasok na yung transferee at narinig kong nagsi-hiyawan ang lahat.
Tinignan ko kung sino ito at nagulat ako sa aking nakita. Totoo nga.
Oh my goodness! It's him!
It's andrew smith!