Chapter 4

~Sarah~

Ilang saglit pumasok na yung transferee at narinig kong nagsi-hiyawan ang lahat.

Tinignan ko kung sino ito at nagulat ako sa aking nakita. Totoo nga.

Oh my goodness! It's him!

It's andrew smith!

Napatulala ako sa aking nakita at parang bumigat yung pakiramdam ko. Bakit? Bakit ganito? Ano bang ginagawa sa'tin ng tadhana andrew? Bakit mas lalo pa niya tayong ipinaglalapit sa isa't-isa. Makakaya ko bang itago ang mga sakit at kaba na nararamdan ko?

Sa mga oras na yun hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Narinig kong naghiyawan ang lahat habang si mrs walter naman ay pilit silang pinapatahimik. Hanggang sa ibinagsak ni mrs walter yung libro niyang hawak hawak dahilan para mapatigil at mapatahimik ang lahat.

Nagulat naman ako nang bigla akong hinawakan ni kate. "Hey! Don't you have any emotions? Halos lahat kami dito nag hihiyawan tapos ikaw nakatulala lang?" Pabulong niyang sabi sa'kin. Ano ba dapat maging emosyon ko? Dapat bang maging masaya ako sa nakita ko. "Shut up." Bulong ko sakanya at nginitian ko ito kasabay ng pag kuha ko ng libro na nakalagay sa desk niya. Nag panggap nalang akong may binabasa at medyo ibinaba ko yung saliri ko para hindi ako mapansin.

"Mr. Smith, please introduce yourself. " narinig kong sabi ni Mrs.walter. sumulyap lang ako sakanila at hinintay na naming mag pakilala si andrew.

"Hello!" Narinig kong sabi ni andrew at bigla nanamang nagsi-hiyawan ang lahat, grabe hello palang naman sinasabi, pero nag hiyawan nanaman ang lahat. Pero sa totoo lang, ang lamig at ang ganda ng boses niya. "My name is andrew smith, 17 years old. And im from....excuse me miss, what's your name?" Narinig kong sabi niya, at dahil dun napangisi ako. Tignan mo 'tong taong to, babae agad!

Nanatili parin akong nakayuko at sa pag panggap na nag babasa ako ng libro ngunit napansin kong tahimik parin ang lahat ganun din si mrs walter.

"Miss?" Narinig kong tanong nanaman niya. Bakit ba kasi hindi pa tumatayo yung babae edi sana tapos na 'tong kalokohan na 'to.

Nagulat naman ako nang biglang kinurot ako ni kate sa braso. "Oww! Are you out of your---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang makita ko lahat ng tao dito sa room na nakatitig silang lahat sa'kin. My gosh sarah, anong katangahan to?!

Napatingin naman ako sa harap kung saan dun nakatayo si andrew at mrs walter. Napalaki yung mata ko nang makita kong nakatingin sa'kin si andrew ganun din si mrs walter. "Miss?" tanong nanaman ulit ni andrew. Sino bang tinutukoy nito? Ako ba? Napatingin ako sa likod ko dahil baka yung nasa likod ko yung kinakausap niya. "Hey, what are you doing? he's talking to you." Sabi sa'kin ni kate. ANO?! Ako?! Ako yung tinatanong ni andrew?! Bakit ako?!

Dahan dahan akong tumingin kay andrew, "m-me?" Tanong ko kasabay ng pag turo ko sa sarili ko at tumango naman si andrew. My gosh sarah!

Hindi, hindi ko pwede sabihin yung pangalan ko, baka malaman niya na kung sino ako, hindi pa ako handa na malaman niya ang pagkatao ko! Hindi pwede yun! Pero anong sasabihin ko kinakabahan na'ko! Oh no.

Pero teka, perez naman yung ginagamit 'kong apelyedo eh, hindi naman siguro niya alam kung san galing yung perez. Dati kasi pati rin si steve nag taka kung bakit perez yung apelyedo ko. Nung nasa pilipinas pa kasi kami, ang ginagamit talaga naming apelyedo nila mommy at kuya ay Crisostomo, Apelido ni daddy yan. Pero simula naman nung dumating kami dito sa new york ang ginamit na namin na apelyedo yung apelyedo ni mommy nung dalaga pa siya at yun yung perez.

Eh bahala na.

Magsasalita na sana ako pero biglang nag salita si mrs walter. "Okay, that's enough. Andrew, you may continue." Sabi ni mrs walter. Hooooo! Thank you! Grabe ang bilis nanaman ng pag tibok ng puso ko.

Nang mag sasalita na sana si andrew, biglang may dumating na dalawang babae, at halos lahat kami napatingin sakanila. Hingal na hingal silang dalawa at nakayuko ito. Nang makita na namin yung mukha, nag tinginan kami agad ni kate at nanlaki yung mata namin.

Si jasmine at karla.

San ba nanggaling 'tong dalawang to, lagot sila kay mrs walter nyan.

"Ms. Luna, Ms. Davis. where have you been? Don't you know what time it is? What are you two still doing there?! Go back to your seats! Right now!" galit na sabi ni mrs walter at nag lakad na sila jasmine at karla papunta sa upuan nila, habang nag lalakad sila nag tinginan kaming apat. kate, ako, jasmine, at karla. Nag ngitian lang kaming apat at ibinalin na namin yung tingin namin sa isa't-isa dahil baka masita kami ni mrs walter. Umupo na sila sa upuan nila na nasa likod lang naming dalawa ni kate.

Si karla (Karla Luna) pure filipino rin siya, nakilala lang namin siya nila kate at jasmine ngayong school year. Habang si jasmine (Jasmine Davis) naman american naman siya, kilala na namin siya ni kate simula pa nung grade 9 kaming dalawa, medyo nakakaintindi na rin si jasmine ng tagalog pero hindi naman gaano syempre medyo matagal tagal na rin kaming nag sasama lalo na't mahilig kami ni kate mag usap sa tagalog.

Matapos nilang makaupo, nag salita na si andrew at ipinakilala niya na yung sarili niya. Pero habang nagpapakilala siya nararamdaman kong tumitingin siya sa'kin. Ano ba?! Bakit ba??

Matapos niyang mag pakilala, nag salita na agad si mrs walter. "If you even try to talk or shout, then get the hell out of my class!" galit niyang sabi saming lahat. Lagi nalang galit nakakaloka.

"Mr. smith, you will seat next to Ms. Chantel peterson." Sabi ni mrs walter sakanya. "Thank you mrs walter, and to all of you who welcomed me. It's such a great pleasure to meet you all." Sabi naman si andrew. Matapos niyang magsalita, nagsipalakpakan ang lahat. Nakipalakpak na rin ako para hindi awkward. Matapos naming pumalakpak, nag lakad na siya patungo sa kay chantel. Tumingin ako sakanya pero nakita kong nakatingin din siya sakin habang nag lalakad siya kaya bigla kong inalis 'to. Bakit ba siya tingin ng tingin, parang nasa akin yung attention niya. Naaalala kaya niya ako? Nakikilala niya kaya ako? Ughhh anong gagawin ko!

Nang matapos na yung klase, pumunta na kaming apat na magkakaibigan para kumain ng pananghalian sa cafeteria. Sinabihan ko kasi sila kanina na labas agad kami pagka-ring nung bell, dahilan para hindi kami maging awkward ni andrew, baka kasi lapitan niya ako tapos tanungin nanaman niya ako, pero hindi ko sinabi yung dahilan kung bakit.

Kumuha na kami ng mga makakain namin at naghanap na kami ng mauupuan. Nang makahanap na kami, umupo na kami at inilapag na namin yung nga pagkain sa table.

"Hey, What happened earlier while we were gone?" Tanong ni karla. Nag tinginan kami ni kate at ngumisi naman siya habang ako pinag patuloy ko parin kumain. "Are you not gonna tell us what happened?" Tanong naman ni jasmine. Bakit ba kasi kailangan pang halungkatin yung nangyare kanina?

"While andrew was introducing himself, sarah stole his attention. So andrew noticed sarah and he even asked sarah's name." Sabi ni kate. Siniko ko yung tyan niya dahilan para masaktan siya at hindi na mag sasalita pa tungkol dun sa kanina.

"My gosh! Is that true?" gulat na pag sabi ni jasmine. Halos sabay nilang nahulog yung spoon at fork na hawak nila. Habang si karla naman bakas sa mukha niya na gulat na gulat din.

***

~Andrew~

Nagsabay na kaming pumunta ni steve sa cafeteria para kumain ng lunch, kasama din namin yung mga kaibigan ni steve na naging kaibigan ko na din. Nang makarating naman kami sa cafeteria nag hiyawan nanaman lahat ng tao dito at may mga gusto ding lumapit saming dalawa ni steve mabuti nalang hinarangan sila ng mga kasama namin. Medyo marami-rami kaming kasama ni steve kaya harang na harang talaga kaming dalawa.

"We're so lucky to have them." Bulong sa'kin ni steve. Oo mabuti nalang talaga may mga kaibigan siyang ganito. Nginitian ko na lang siya at nag patuloy na kami sa pag lalakad.

Kumuha na din kami ng mga makakain namin at nag hanap na kami ng mauupuan, madaming taong nag aaya samin ni steve na maki-upo nalang sa tabi nila nila pero hindi kami pumayag. Umupo na kami at nung pag upo ko, napansin kong nasa kabilang table lang pala yung babaeng lagi kong nakikita at laging kinukuha yung atensyon ko at halos kaharap na namin sila, nasa table sila na kaharap lang namin kaya kitang kita ko talaga yung mukha niya. Grabe hawig nga niya talaga si sarah. Kung si sarah nga ito, anong ginagawa niya dito?

Tinignan ko rin yung kamay niya at hindi ko nakita yung bracelet na binigay ko sakanya.

Hindi 'to si sarah.

"Hey, why are you not eating?" Sabi ni steve sa'kin. Kinuha ko na yung spoon and fork ko at nag umpisa nakong kumain.

Hindi ko talaga mapigilan na hindi tignan yung babaeng yun, bakit ba niya laging ninanakaw ang atensyon ko? Hawig niya kasi talaga eh, hawig na hawig niya si sarah. Eh kung tanungin ko na kaya yung pangalan niya, para malaman ko na kung sino ba talaga siya. Pero pano kung hindi nga si sarah yun? Pano kung nagkamali nanaman ako. Nung nasa london kasi ako may nakita nanaman ako na hawig ni sarah pero nag kamali lang ako. Halos lagi kong sinusundan yung babae at lagi kong tinanong kung siya ba yung babaeng hinahanap ko.

Kung sakaling tanungin ko 'tong babaeng 'to. Pero paano nga kung magkamali nanaman ako?

***

~Steve~

Tinignan ko si andrew habang kumakain ako at nakita ko siyang may tinitignan kaya sinundan ko yung tingin niya at nakita ko na kung sino nga yung tinitignan niya.

Si sarah.

Ano na kayang iniisip neto, napapansin na kaya niya? Naaalala niya ba si sarah? Nakikilala ba niya?

Ilang sandali napatitig na rin ako kay sarah. Pinapanood ko siyang kumakain habang nag tatawanan at nag uusap sila ng mga kaibigan niya. Ayokong mawala ang ngiting yun sa mukha niya dahil lang kay andrew. Sa tutuusin nga nararamdaman kong may pinag dadaanan na si sarah ngayon dahil kay andrew. Malakas si sarah, alam kong kaya niyang labanan ang ano mang dumating na pagsubok sa buhay niya.

***

~Andrew~

Habang tinititigan ko siyang kumakain at nakikipag usap at tawanan sa mga kaibigan niya biglang nag salita si alex dahil dun natauhan ako. "Hey! What are you two looking at?" Tanong ni alex kasabay ng pag hawak niya sa balikat namin ni steve dahilan para matauhan ako. Isa rin sa mga kaibigan ni steve si alex at close na rin kami dahil mag kaklase naman kami. Hindi naman sila mahirap pakisamahan kaya naging close din kaming lahat agad.

Matapos naming kumain sakto din na nag ring yung bell dahilan para bumalik na kami sa klase namin.

Nag hiwalay na kami ni steve dahil magkaiba kami ng building, habang si alex naman hindi na nakasabay sa'kin dahil pinuntahan niya yung girlfriend niya.

Nang makarating naman ako sa classroom namin umupo na ako sa inuupuan ko at dumating na din si Mrs Robins. chemistry tacher namin at nag start na yung klase.

***

~Sarah~

Nang matapos na yung klase namin kay mrs robins agad na'kong nag paalam kila kate at kina jasmine at karla dahil kailangan ko na pumunta sa part time job ko. 3:00 pm na kasi tapos 3:50pm yung pasok ko sa trabaho at dun naman ako sa cafe ngayon. Hindi ko na hinintay sila kate dahil baka malate ako kaya nag umpisa nakong maglakad paalis.

Habang nag lalakad ako paalis ng building naramdaman 'kong parang may sumusunod sa'kin, at dahil dun napatigil ako sa pag lalakad at lumingon ako. Nagulat ako sa aking nakita dahil nakita ko si andrew na nasa likuran ko. Bakit? Bakit niya ako sinusundan? Nag umpisa nanamang mag hiyawan at nag usap usap yung mga tao sa paligid namin dahil nakita nila si andrew.

"Excuse me, are you following me?" Lakas loob kong tanong sakanya at dahil dun nagsi-tahimik naman lahat ng tao sa paligid namin. Oh no, ganun na ba kalakas yung pag sabi ko!? tama ba tong ginawa ko?!

"Oh my god, what the hell is happening?" Narinig 'kong sabi nung isang babae.

"Yo sweetheart, why would andrew smith follow you?" Sabi naman nung isang babae. Hinayaan ko ito at tinignan ko na ulit si andrew.

Bakas na sa mukha niya na nag tataka na siya sa sinabi ko, at nginisian naman ako neto. Shit ano ba 'tong katangahang pinasok ko! Nakakahiya.

"Why would i---" hindi na niya naituloy yung sinabi niya dahil tinalikuran ko na siya agad dahil sa kahihiyan. Ayan na nga ba sinasabi ko eh! Nakakahiya ka sarah!

Nag patuloy nako sa aking pag lalakad at habang nag lalakad ako nag salita ulit si andrew. "At bakit naman kita hindi susundan kung may gusto akong itanong sayo." Narinig kong sabi ni andrew at dahil dun napatigil ako sa pag lalakad at nagulat ako sa'king narinig. Oh no, katapusan mo na sarah kilala at naaalala ka na niya. Bakit siya mag tatagalog kung hindi niya ako naaalala diba? Shems! Napatingin ako sa paligid at bakas sa mga mukha nila na nag tataka sila kung anong sinabi ni andrew.

Ilang sandali nilingon ko na si andrew. "What do you want? And how did you know i'm filipino?" Pag tataray at pag tatakang tanong ko sakanya. "I can always tell the features, and i also heard you talking to your friend in tagalog that's how i knew. Mas okay na yung mag usap tayo gamit yung lengguwaheng madalas gamitin sa pilipinas para hindi ako maissue ganun din ikaw." Sagot ni andrew sa'kin. Hooo! Thank God hindi niya ako naalala. Well may point naman siya na mas mabuting gamitin namin yung tagalog.

"And by the way, I want to ask you something." Sabi naman ni andrew at dahil dun napa crossed arms naman ako. At inilibot ko yung mata ko at nakita kong focus na focus yung mga tao saming dalawa. Haha hindi niyo kami maiintindihan!!

"About what?" Tanong ko naman kay andrew. Please sana hindi niya ako nakikilala.

Ilang sandali nagulat ako nang biglang lumapit ng konti sakin si andrew. Ano bang balak nitong taong 'to.

"You don't like me?" Tanong niya sa'kin, habang yung mga tao sa palagid ay gulat na gulat parin. Napaubo ako sa narinig ko dahil para bang tumigil yung pag hinga ko. Aba'y ang kapal naman ng mukha niya. Hindi lahat ng babae may gusto sakanya no! "At isa pa, lagi mong nakukuha yung atensyon ko. Bakit? Ano bang meron sayo para makuha mo yung atensyon ko?" Sabi niya ulit sa'kin. Aba malay ko ba.

Dahil ang awkward na, pinilit kong tumawa nalang. Ilang saglit pa habang tumatawa ako napatigil nanaman ako dahil biglang mas lumapit nanaman si andrew. Nag tinginan kami at dahil mas pina-awkward niya pa yung nangyayare ngayon, umatras ako.

"Are you seriously asking me that right know?" Tanong ko sakanya. "I don't get attracted to every person i see that easily." pahabol kong sabi sakanya. Good job sarah! Bakas na sa mukha niya na curious na curious talaga siya. "You're an odd one. You're the only student here who looks at me and talks to me that way. Why are you pretending that you don't like me." Sabi niya. Konti nalang mahahampas ko na 'to. Ano bang ibig sabihin niya, kakaiba ako kasi hindi ko siya gusto? Duh?! At isa pa, bat naman ako mag prepretend na hindi ko siya gusto kung talagang hindi naman talaga.

Tinalikuran ko nalang siya dahil sa inis at nag lakad na ulit ako. "Wait!" Narinig ko nanamang sabi niya at dahil dun napatigil nanaman ako sa aking pag lalakad at nilingon ko siya. Hay nako, kailan ba siya matatapos malalate na'ko!

Napalaki nanaman yung mata ko nang biglang lumapit nanaman siya sakin. Grabe hiyang hiya nako sa mga tao dito, ang tahimik nilang lahat at nakafocus sila saming dalawa ni andrew. Akala ko ba mas okay pag nag tagalog kami, huhu.

"What's your name?" Nagtatakang tanong sakin ni andrew. Oh no, sabi ko na nga ba eh. "Why would i tell you my name?" Pataray kong sagot sakanya at napacrossed arms nanaman ako, at tinalikuran ko na ito. Mag lalakad na sana ako pero naramadaman kong hinawakan niya yung kamay ko. Napatingin ako sa kamay ko na hawak ni andrew at nagulat ako ng agad naman niya itong hinila.

Halos nagdikit kami sa isa't-isa at nararamdaman ko yung pag hinga niya. Binitawan niya yung kamay ko at inilipat niya yung kamay niya sa waist ko. Halos 4 inches nalang yung pagitan ng mga bibig naming dalawa. Ilang minuto ding naghari ang katahimikan at para bang tumigil ang ikot ng mundo dahil sa pangyayareng ito. Ang bilis ng pag tibok ng puso ko, kinakabahan ako.

Ilang sandali natauhan na ako at tinulak ko siya dahilan para bitawan niya ako.

***

~Andrew~

Pagkatulak siya sa'kin natauhan ako, Ano bang naisip ko bat ko ginawa yun.

"Sorry, I got carried away." Sabi ko sakanya dahil sa maling ginawa ko. Tumalikod na ako at napansin ko lahat ng tao sa paligid namin na gulat na gulat sa nakita nila.

Mag lalakad na sana ako pero hindi ito natuloy nang biglang nag salita yung babae.

"I'm Sarah, my name is sarah." Narinig 'kong sabi niya at dahil dun napalaki yung mga mata ko dahil sa gulat. Ano? pano nangyare yun?

Imposible!

Ilang sandali dahan dahan akong lumingon sakanya.