~Andrew~
Ilang sandali dahan dahan akong lumingon sakanya. 9
Nagkatitigan kaming dalawa at ilang minutong nag hari ang katahimikan.
Ilang sandali, lumapit ako sakanya at kinuha ko yung kamay niya at agad ko siyang niyakap. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil namiss ko siya ng sobra. Hindi na'ko mag tataka kung hindi siya si sarah, dahil siya nga si sarah. Hindi ako makapaniwalang nakayakap ako sakanya ngayon.
"H-hey, w-what are you doing?" Narinig kong tanong niya sa'kin, at mas lalo ko siyang niyakap dahil sa narinig ko. Ilang sandali tumingin ako sakanya at hinawakan ko yung pisnge niya. I really missed you sarah. "I've waited you for so long, and i have looked for you...i'm sorry i left you. Im sorry i didn't say goodbye properly. Im sorry." Sabi ko sakanya habang hawak ko yung pisnge niya at niyakap ko ulit siya. Gusto kong lumuha dahil sa halo halong pakiramdam ko.
"A-andrew, wait. I think you've mistaken me for someone else. Look andrew, I'm not the girl you've been waiting for. I'm so sorry." Narinig kong sabi niya at dahil dun dahan dahan akong napabitaw sa pag yakap ko sakanya. Ano? Anong ibig niyang sabihin?
"W-what do you mean?" Nag tatakang sagot ko sakanya. "I'm sarah." Sagot niya sa'kin. Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. "Sarah Perez." Sagot ulit niya sakin. Dahil sa sinabi niya dahan dahang nawala ang mga ngiti sa labi ko at agad akong napaatras dahil sa narinig ko.
Nagkamali nanaman ako.
Hindi siya yung babaeng hinahanap at hinihintay ko, Hindi siya si Sarah Crisostomo.
Dahil sa kahihiyang ginawa ko, humingi ako ng tawad kay sarah. "I-i'm sorry i mistook you for someone else. I'm really sorry Ms. Perez." Sabi ko sakanya. Bakas na sa mukha niya na galit na galit na siya sa'kin. Alam kong mapapahamak siya dahil sa ginawa ko, kaya gagawin ko lahat lahat huwag lang siyang pagtuunan ng pansin ng mga tao. Aayusin ko 'tong gulong pinasok ko. "Oh, I'm andrew smith by the way. Im very sorry. " Inabot ko yung kamay ko sakanya at nag pinakilala ko yung sarili ko. Pero nung akala kong kakamayan rin niya ako, tinignan niya lang yung kamay ko at umalis na agad siya.
***
~Sarah~
Nakarating na'ko sa pinag pa-part time job ko at nag bihis na rin ako. Mag damag kong iniisip yung pangyayare kanina. Hindi ko na nagawang makipag kamayan pa sakanya dahil pinag titinginan na ako ng mga tao. Ugrhhh! Pano na'ko bukas. Ano na mangyayare sa'kin, paniguradong pag tutuunan ako ng pansin ng mga tao sa school, oh no.
Pero teka, yung sinabi ni andrew kanina... Totoo bang hinintay niya talaga ako at hinanap niya ako? Kung ganun, bakit gindi niya ako binalikan sa pilipinas...
Bigla kong naalala yung mga ginawa ko kanina sakanya. Ayos lang kaya siya? Nasaktan kaya siya sa ginawa ko? Pinagkakaguluhan na kaya siya ng mga tao?
Oo alam kong mali yung ginawa ko kanina, maling-maling nagsinungaling ako sakanya.. Pero kailangan ko talagang gawin yun para sakanya at dapat kong gawin yun.
Matapos kong mag trabaho, nag bihis na ako at tinignan ko na yung relo ko para makita ko kung anong oras na. 7pm na at madilim na sa labas. Tinawagan ko na si kuya para sunduin ako pero hindi siya sumasagot. Lumabas na'ko ng cafe, habang patuloy ko paring tinatawagan si kuya ngunit hindi parin niya sinasagot.
Umupo ako sa mga upuan na nasa labas ng cafe habang tinatawagan ko si kuya pero hindi na talaga siya sumasagot. Napatingala nalang ako sa kalangitan at ipinikit ko yung mga mata ko at isinandal ko yung likod ko kasabay ng paghinga ko ng malalim.
Sa totoo lang kanina ko pa hinihintay at inaasahang dumating si steve para i-comfort ako. Wala na akong ibang masabihan ng nararamdaman ko dahil siguro nasanay lang ako kay steve na siya palagi yung nag co-comfort sakin kaya mas komportable akong nag oopen sakanya. Oo alam kong ang weird kasi kapatid ni andrew si steve, tapos sobrang close naming dalawa ni steve.
Ilang sandali may tumigil na sasakyan at napatingin naman ako dun. At ilang sandali nakita ko si steve na lumabas ng sasakyan niya, at may bitbit siyang maiinom at pagkain. Nakatitig parin ako sakanya at napangiti naman ako. Tinignan niya rin ako kasabay ng pag ngiti niya sa'kin.
Nag lakad na siya patungo sa'kin at binigay niya yung bitbi-bitbit niya. "Para sa'kin ba 'to?" tanong ko sakanya. Umupo naman siya sa tabi ko. "Ano pa ba sa tingin mo, Pinapahawak ko lang?" Patawang sagot niya sa'kin. "Malay ko ba. Thanks steve." Pasasalamat ko sakanya at kinain ko na yung binigay niyang pagkain.
"4 hours, and 21 minutes." Sabi ko sakanya habang kinakain ko yung binigay niyang pagkain. "Ang alin?" Sagot naman niya sakin. "I waited for you." Sagot ko naman sakanya. Mag sasalita na sana siya pero nag salita agad ako. "Hindi na kita sinubukang tawagan dahil alam kong busy ka at ayokong maistorbo kita sa mga bagay na ginagawa mo." Pahabol kong sagot sakanya at kumain ulit ako. "Hindi mo kailangang mag isip ng ganyan dahil dadating at dadating ako." Sagot naman niya sakin at natawa naman ako sa sinabi niya. "Naring ko yung nangyare kanina sainyo ni andrew kanina sa hallway ng school. Pero wag ka mag alala, inayos na naming dalawa ni andrew ang lahat kaya hindi ka pag tutuunan ng pansin ng mga tao bukas. " Napatigil naman ako sa aking pagkain dahil sa narinig ko. Sabi ko na nga ba kakalat yung nangyare kanina. Eh ano pa bang inaakala ko, alam naman ng lahat na sikat at kilala si Andrew. Pero buti na lang naayos nilang dalawa. "Ayos ka lang ba? Alam kong nahihirapan ka na sa mga pangyayare ngayon. Ano nang balak mong gawin?" Tanong niya sa'kin. Huminga naman ako ng malalim at ibinaba ko yung pagkain na kinakain ko. "No, I'm not okay steve. It's really frustrating. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin sa tuwing nakikita ko siya, hindi ko na rin alam kung makakaya ko pa bang itago ang pagkatao ko. Nahihirapan na'ko. At sa tuwing nakikita ko siya nararamdaman ko ulit yung mga masasakit na naramdaman ko nung iniwan niya ako. Mas mabuting itago ko nalang ang totoo kung sino talaga ako para hindi na kami mag lapit pa ng mas lalo sa isa't-isa. Alam kong iiwan nanaman ulit niya ako, at alam ko rin na mas importante ang career niya kesa sa'kin. Sino ba naman ako para sabihin sakanya na wag niya na akong iwan. Nasaktan na'ko, at ayoko nang masaktan pa ulit. Pero kung sakaling malaman ni steve kung sino ako, kung ano man ang mangyayare, edi mangyare lang, tatanggapin ko." Sagot ko kay steve. Hinaplos haplos niya yung buhok ko at isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya. Madalas akong cinocomfort ni steve kapag may mabigat akong pinag dadaanan. Nag papasalamat nga ako dahil nandito siya palagi para sa'kin. "Everything's gonna be alright. Huwag ka masyadong magisip hindi rin yun makakabuti sayo." Payo niya sakin habang hinahaplos niya yung balikat ko. "Thank you for always being there for me." Sagot ko sakanya. Ilang sandali habang nakapikit ako biglang may tumawag sa'kin. Kinuha ko yung phone ko na nakalagay sa bulsa ko at tinignan ko kung sino yun.
Here we go again. It's kate.
Sinagot ko ito at halos sumakit yung tenga ko dahil sa sigaw niya.
"Sarah, totoo ba yung nabalitaan ko kanina sa school? Sinundan at niyakap ka ni andrew sa hallway kanina? Bakit hindi mo sinabi agad sa'kin? Akala ko ba hindi tayo mag tatago ng sikreto sa isa't-isa. Ano? Okay ka lang ba? Wala bang nangyareng masama sayo?" Sabi ni kate. Hindi ko kasi sinabi sakanya yung past namin ni andrew, pero mukhang panahon na para malaman na din niya. "Wag ka mag alala, okay lang ako. Pumunta ka nalang sa bahay mamaya dun kana matulog kung gusto mo malaman yung buong kwento." Sagot ko sakanya at binabaan ko na siya.
"Bakit ka nga pala nandito steve?" Tanong ko sakanya. "Tinawagan ako ni harry kanina, may ime-meet daw kasi siya ngayong gabi kaya bilin niya sa'kin kanina na sunduin ka. Tsaka pumunta na rin ako dito dahil sa nalaman ko kanina. Alam kong kailangan mo'ko ngayon kaya pinuntahan na kita." Sagot niya sa'kin. Ano?! Napaka hayop talaga ni kuya mas uunahin pa niya yung iba kesa sa kapatid niya. Lagot siya mamaya kay mommy.
Nag lakad at pumasok na kami ni steve sa kotse niya at nag umpisa na siyang mag drive. "Kailan babalik si andrew sa london? Tsaka ano bang ginagawa niya dito?" Tanong ko kay steve habang nag ddrive siya.
"May project kasi si steve dito, kinuha siyang maging leading man sa isang tv series na gagawin palang kaya siya umuwi dito, pero pinag iisipan na rin niya na ilipat na niya yung pag momodeling dito sa newyork pero hindi pa naman niya sigurado. siguro mahigit 8 months lang siya dito. Nag enroll na rin siya dahil pinilit niya si mommy kasi wala naman daw siyang gagawin sa bahay dahil sa February pa naman daw sila mag uumpisa. Napaaga lang yung uwi niya." Sagot sakin ni steve. Sabi ko na nga ba, babalik siya sa london. So 8 months pa pala akong mag titiis at 8 months din akong mas-stress.
"Kamusta naman daw siya?" tanong ko habang iniinom ko naman yung binigay niyang juice. "Ayos lang naman daw siya, medyo tumigas nga lang ng konti yung ulo niya." Patawang sagot ni steve, dahil dun napatawa na din ako ng konti.
Ilang sandali napansin kong parang ang layo na namin ni steve. "Steve? Where are we going? Hindi dito yung daan papunta sa bahay." Nag aalalang pagsabi ko sakanya. Nginitian niya ako at pinagpatuloy parin niyang mag drive. "Uy, ano ka ba gabi na pagagalitan ako." Nagaalalang pag sabi ko ulit sakanya. Lagot din ako neto kay mommy. "Don't worry, pinaalam na kita kay tita at kay harry at pumayag sila. Iuuwi din kita agad sainyo." Sagot niya sa'kin. "Where are we going?" Tanong ko sakanya. "You'll see." Sagot naman niya sakin.
Hinayaan ko na lang siya at nag hintay nalang akong makarating kami sa lugar kung san niya ako dadalhin.
Ilang sandali itinigil na ni steve yung sasakyan, at tinignan ko yung paligid
Nandito kami ngayon sa isang parking lot. "Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay steve pero hindi niya ako pinansin at lumabas na ito at pinag buksan na niya ako ng pinto. Ilang sandali bumaba na'ko ng kotse at sinara na ni steve yung pinto. Patuloy parin akong nag tataka kung bakit kami nandito.
"Steve, ano ba? Anong ginagawa natin dito?" Pangungulit kong tanong ko sakanya. "Basta sundan mo lang ako." sagot naman sakin ni steve. Ha? Ano bang trip nito? San ba niya ako dadalhin?
Sinundan ko lang siyang mag lakad hanggang sa tumigil siya sakanyang pag lalakad at tumigil siya sa harapan ng isang napakagandang restaurant at napatigil na rin ako. Ilang sandali biglang nag salita si steve. "Ta-daaaa!!!" Malakas niyang pag sabi habang naka turo yung kaliwang kamay niya sa restaurant. Oh, okay kakain lang kami?
"A-anong ginagawa natin dito steve? Kakain ba tayo? Anong meron?" Nag tatakang tanong ko sakanya. Tinignan ko yung restaurant at mukhang walang tao sa loob. "Steve, don't tell me nirentahan mo nanaman 'tong restaurant na 'to ngayong gabi?" Nag tatakang taning ko sakanya. Oo alam kong may kaya si steve pero hindi naman niya 'to kailangang gawin.
Napansin kong biglang sumimangot si steve at biglang lumapit siya sa'kin. Oh wow, nag kamali yata ako haha.
"Sarah, ano ka ba eto na yun." Masayang sabi niya sa'kin, pero hindi ko parin gets yung sinasabi niya. Anong eto? Tinaas ko yung kilay ko dahil hindi ko parin talaga maintindihan.
"Eto ang ali---" hindi ko na natuloy yung dapat kong sasabihin nung tinignan ko ng maigi yung restaurant at namukhaan ko na ito. My goshhhhh sarahh!!! Eto na nga, eto na yung restaurant na matagal nang pinangarap ni steve itayo.
Tinignan ko si steve at kitang kita ko sa mga mata at labi niya kung gano siya kasayang naitayo niya yung pangarap niyang restaurant.
"No steve, you're kidding me right?" Masaya kong tanong sakanya. Hindi ako makapaniwalang matutupad na niya yung isa sa mga pangarap niya. Matagal niya din 'tong pinagipunan at pinag hirapan.
"Hindi ako nag bibiro sarah, yan na nga oh, nakatayo na sa harapan nating dalawa. Sayang nga lang hindi mo namukhaan bigla." Sagot niya sa'kin. At bigla namang napalaki yung mata ko at napatakip ako ng bibig ko habang nakatingin sa restaurant. Grabe ang ganda!
"I'm so happy for you steve and I'm so proud of you!!!" Masayang sabi ko sakanya.
"Thank you so much sarah. I brought you here because i want to celebrate with you." Sagot naman niya sa'kin. "Mag dradrama pa ba tayo dito? Hindi ko pa ba ako itotour sa restaurant mo? Hindi mo pa ba ako pakakainin?" Patawang tanong ko sakanya at bigla namang natawa si steve. "Okay sige, tara na sa loob. " sabi niya sakin at nag umpisa na kaming mag lakad.
***
~Steve~
Pinag-buksan ko na siya ng pinto at inalalayan ko na siyang pumasok sa loob ng restaurant.
Nang makapasok na kaming dalawa, agad kaming binati ng mga staff dito at kitang kita ko talagang sobrang napasaya ko si sarah dahil dito. Dinala ko siya dito upang surpresahin at pagaanin ang loob niya at sumaya siya.
Nasa library kami ni sarah dati nung 2nd year high school siya, tinutulungan ko siya dati sa assignment niya na tungkol sa mga pangarap. Hanggang sa tinanong niya ako kung ano bang pangarap ko, si sarah lang yung taong nag tanong sakin sa buong buhay ko kung anong pangarap ko. Sumagot ako kay sarah at sinabi ko sakanya na pangarap ko talagang mag tayo ng isang malaki at magandang restaurant. At dahil dun sa sinabi ko, agad kinuha ni sarah yung pencil niya at sabi niyang mag imagine ako ng magiging itsura ng pangarap kong restaurant. Magaling gumuhit si sarah kaya lahat ng nasabi ko ginuhit niya. Naaalala ko pa nga yung sinabi niya nung matapos niyang iguhit, "ako dapat ang maging unang costumer mo sa restaurant mo." At nangako naman ako sakanya. At ngayong araw na 'to ay natupad ko na yung pangako ko.
itinour ko si sarah sa loob ng restaurant at kitang kita ko talaga na sobrang napasaya ko siya, dahil yung iginuhit niya ay nag katotoo na. Sabay naming pinangarap ni sarah na maitayo ko itong restaurant. Naitayo ko to dahil sa suporta at tiwala niya sakin.
Matapos ko siyang itour, dinala ko na siya sa isang table at hinila ko ng konti yung upuan dahilan para umupo siya at ngumiti naman siya sakin at pumunta na rin ako sa upuan ko na nasa harap lang niya.
"Nagustuhan mo ba?" Taning ko sakanya. "Sobra. Hindi ako makapaniwalang totoo to." Masayang sagot niya sa'kin. Sobrang saya ko dahil napasaya ko siya, ayokong nawala ang nga ngiti niya dahil lang sa kapatid ko. Importante silang dalawa sa'kin kaya tutulungan ko rin si sarah sa mga balak niyang gawin. Hindi pwedeng malaman ni andrew na si sarah ay nandito sa newyork at hindi rin pwedeng malaman niya na yung si sarah perez ay si sarah crisostomo na ang babaeng matagal niya nang hinahanap at hinintay. Ang hindi alam ni sarah, bumalik si andrew sa pilipinas 4 years ago pero hindi niya nadatnan si sarah sa pilipinas. Sinubukan kong sabihin kay sarah yun dati pero hindi ako nagkakaron ng oras para masabi yun sakanya. Importante si andrew at sarah sa'kin, at alam ko din na mahal ni andrew si sarah simula pa nung mga bata kami. At alam kong kayang isuko ni andrew ang lahat para lang kay sarah.
Pero ang totoo kung bakit ko tinutulungan si sarah sa mga plano niya ngayon ay dahil...
Matagal na'kong may gusto sakanya at hindi ko hahayaang mawala siya sa'kin.
***
~Sarah~
Masaya kaming nag uusap si steve tungkol dito sa restaurant. Sobra niya akong napasaya dahil dito. Kahit papano nakalimutan ko saglit ang mga problema ko at gumaan yung aking pakiramdam.
Ilang sandali, habang kumakain na kami ni steve may kotseng tumigil sa labas ng restaurant at nakita kong napalaki agad yung mga mata ni steve. Agad siyang tumayo at hinila na niya ako papunta sa VIP room na nasa second floor.
"Steve? What's happening? Bat mo'ko dinala dito?" aalalang tanong ko sakanya. Bakit? Ano bang meron?
"Stay here and don't make any noises. I'll be back." Alalang sagot niya rin sa'kin at agad na siyang bumaba.
Sumilip ako sa pintuan at nagulat ako sa aking nakita.
Si andrew.
Oh no, agad akong napaatras at natabig ko yung spoon at nahulog ito.
Oh no!!! Siguradong narinig yun sa baba.
Napakagat ako ng labi at napalaki yung mata ko ng may marinig akong papaakyat ng hagdan.
Hindi ko na alam gagawin ko, ano nang gagawin koooo!