~Sarah~
Oh no, agad akong napaatras at natabig ko yung spoon at nahulog ito.
Oh no!!! Siguradong narinig yun sa baba.
Napakagat ako ng labi at napalaki yung mata ko nang may marinig akong papaakyat ng hagdan.
Hindi ko na alam gagawin ko, ano nang gagawin koooo!
Napansin kong medyo mahaba naman yung cover nung table, kaya agad akong pumunta sa ilalim ng table dahilan para maka tago. My goshhh sarah! Pasalamat ka mahaba yung cover nitong table!
Ilang sandali, narinig kong nag open yung pinto at ang tanging nakikita ko lang ay yung mga paa nung tao. Hindi ko alam kung sino ba 'tong nandito ngayon sa may pintuan. Hindi ko alam kung si steve ba yun o si andrew. Eh basta hindi ako lalabas.
"That's weird. There's no one here." Narinig kong sabi nung lalake at nabosesan ko agad ito.
Si andrew yung nasa pintuan.
Steve ano na bang trip mo ha, paano kung nag hanap siya dito sa loob!! Parang awa mo, na halika na.
"Wala lang naman siguro yun." Narinig kong sabi ni steve. Sawakas nandito siya, alam naman siguro niya kung nasan ako.
***
~Steve~
Pinulot ko na yung kutsara na nahulog at alam ko rin na nasa ilalim lang ng table si sarah. Kailangan ko gumawa ng paraan para makaalis na si andrew.
Nang makita kong papalapit si andrew sa may table, agad ko siyang hinawakan sa balikat. "Bakit?" Tanong ni andrew sa'kin at mukhang natatakot nga siya.
Shit, anong sasabihin ko.
"Kumain ka na ba? Gusto mo bang kumain?" Tanong ko sakanya habang nakaupo parin ako. At agad naman itong bumalik na sa pintuan.
"Sa bahay na 'ko kakain, wala naman si daddy kaya ayos lang." Sagot niya sa'kin.
"It would be better if you get the restaurant blessed first." Pahabol pa ni andrew sa'kin. Tumayo na ako habang hawak hawak ko parin yung kutsara. Hindi ko na muna 'to ibabalik dahil kailan ulit itong hugasan. "Don't tell me, hanggang ngayon naniniwala ka parin sa mga ghost, ang tanda at ang laki mo na andrew para isipin pa yan." Biro ko sakanya at nag tawanan naman kaming dalawa.
Lumabas na kami ng VIP room at isinara ko na yung pintuan at nag lakad na kami pababa ni andrew.
Ilang sandali, napatigil siya sa kanyang pag lalakad at nahawa naman ako.
Nagulat ako nang biglang tinuro niya yung upuan na nasa harapan namin, na kung saan nakalagay yung bag ni sarah.
"May kasama ka ba kanina dito steve? Sino?" Nag tatakang tanong ni andrew sa'kin habang nakaturo yung kamay niya dun sa bag.
Oh come on steve, mag isip ka ng magandang palusot.
"O-oh! Yung manager ko kanina dumaan dito para kamustahin ako, kilala mo naman ugali nun diba. Tsaka makalilimutin na kasi siya, ayan tuloy pati bag niya naiwan niya." Sagot ko sakanya at mukhang umepekto naman yung dahilan ko. "I didn't know that your manager uses a backpack as well." Sagot naman nito sa'kin.
Shit!
"Kasama niya yung anak niya kanina na pumunta dito, bag yan ng anak niya. Nakalimutan lang, idadaan ko nalang mamaya bago ako umuwi." Sagot ko kay andrew. Ayan na, mukhang umepekto na talaga.
"Oh, okay." Sagot ni andrew. Thank God! Good job Steve!
"By the way, what are you doing here? Hindi ba dapat nasa bahay ka na ng ganitong oras?" Tanong ko sakanya.
"May binili kasi ako, tapos naisip ko na rin na dumaan muna dito saglit. Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong naman niya sa'kin. "Maya-maya pa siguro ako makakauwi, kailangan ko pa kasing mag ayos dito sa restaurant para bukas." Sagot ko naman sakanya. Opening kasi nitong restaurant bukas at marami kasing dadating na mga reporters mag kakaron ng press conference bukas, kaya kailangan naming pag handaan.
***
~Sarah~
Nakaupo na'ko ngayon sa mga upuan na nandito sa VIP room, at nag hihintay pumunta si steve dito.
Ilang sandali, naalala ko yung bag ko.
My gosh sarah! Ano na kayang nangyayare sa baba, nakita kaya ni andrew? nagawan ba ng paraan ni steve?? Oh no!
Bakit ba ang malas ng araw ko ngayon!!!
Ilang sandali habang paikot-ikot ako dito sa loob, Kumatok na si steve at binuksan niya na yung pinto. Agad naman akong lumapit sakanya "Yung bag ko? Ano? nakita ba niya? Nagawan mo ba ng paraan? Ano? Nasan yung bag ko?" Sunod sunod kong tanong sakanya dahil alalang-alala na talaga ako, pero nakangiti lang siya. Nagawa pa niya talagang ngumiti ha.
"Oo nakita niya, pero don't worry, nagawan ko ng paraan. Nakaalis na rin siya at yung bag mo nasa baba. Halika na, handa na yung makakain natin. Bumaba na tayo." Dahil sa sinabi niya agad namang umaliwalas yung pakiramdam ko, at bumaba na kami para kumain.
Tamang tama gustom na'ko.
Matapos naming kumain at mag kwentuhan, hinatid niya na ako, at nag paalam na siya sa'kin at pumasok na'ko sa loob ng bahay.
"I'm home!" Malakas kong sabi dahilan para malaman nila mommy na nakauwi na ako, at dumeretso na ako sa salas dahil nandun si mommy.
"Oh you're here. Did you have a good day? Kamusta yung klase mo?" Tanong ni mommy sa'kin at hinalikan ko siya sa pisnge. "Ayos naman po, nasan si kuya mommy?" Tanong ko naman. "Ayun, tulog na. Napagod daw siya sa group study kanina." Sagot ni mommy sa'kin. Ah group study pala ha...
Humanda siya bukas.
Ilang sandali, naalala ko si kate. "Eh si kate po mommy? Asan siya?" Nag tatakang tanong ko kay mommy. "Ah, hinahanap ka pala niya kanina, tsaka pinapasabi rin niya na bukas nalang siya matulog dito." Sagot naman ni mommy. Ngumiti nalang ako at umakyat ako ng hagdan at nag paalam na'ko kay mommy at dumeretso na'ko sa kwarto ko at nag bihis na rin ako at humilata na ako sa bed.
Kinabukasan, bumaba nako at dumeretso na'ko sa kusina dahil nag tatawag na si mommy para kumain ng umagahan. Lagot si kuya ngayon, gagawin ko lahat mapagalitan lang siya.
Hinalikan ko na si mommy sa pisnge at umupo na 'ko. Napansin kong wala pa si kuya, "mommy, si kuya hindi pa ba gising?" Tanong ko kay mommy. "Gising na siya. Nasa labas siya, nag lilinis ng sasakyan. Ah! Oo pala, mas mabuti pang tawagin mo na siya at kumain na tayo." Sagot ni mommy sa'kin at dahil dun agad naman akong lumabas ng bahay para tawagin si kuya.
Tinawag ko na si kuya at binigyan ko siya ng ~halaka lagot ka. look~ at pumasok na ako sa loob at bumalik na 'ko sa kusina.
"Asan na yung kuya mo?" Tanong ni mommy sa'kin habang nag hahanda siya ng mga makakain ngayong umaga. Nasa labas, ayaw na niya pumasok dahil mapapagalitan HAHA!!
"I'm here." Narinig kong sagot ni kuya. Oh luh, pumasok.
"Halika na, kumain na tayo." Sagot naman ni mommy at umupo na si kuya sa harap ko.
"Kamusta lakad niyo ni steve kagabi?" Tanong ni kuya sa'kin habang nag lalagay siya ng tubig sa baso niya. Well, ayos lang naman yung samin ni steve. Eh kayo ng na meet mo ayos lang ba?
Yan!!! Yan yung gusto kong itanong pero hahanap pa 'ko ng tsyempo para masabi ko yun, siguro mas okay muna yung dadahan dahanin ko.
"Ayos naman, san lakad mo kahapon kuya?" Sarcastic kong tanong sakanya. Agad naman niya akong tinignan ng masama. Hinihintay ko lang umupo si mommy para masabi ko na yung mga dapat kong sabihin na ikagagalit ni mommy kay kuya.
"Sa bahay ng classmate ko, nag group study kami." Sagot naman niya sa'kin at tinitignan niya ako ng masama. "Oh bat ang pangit ng tingin mo sa'kin? Mommy oh, si kuya ang aga-aga inaaway nanaman ako. Nag tatanong lang naman ako eh." Sumbong ko kay mommy at binigyan ko ng pekeng ngiti si kuya.
"Magsi-tigil kayong dalawa." Narinig kong sagot naman ni mommy, at nakita kong binelatan ako ni kuya. Ay wow ha, humanda ka sakin. Tinignan ko siya ng masama at nung mag susumbong na sana ako, agad nalang nag salita si mommy.
"Manalangin na tayo. Harry ikaw na mag lead." Sabi ni mommy at agad naman nag salita si kuya. "Si sarah na daw po mommy." Sagot ni kuya at dahil dun umangal naman ako. "Bat ako? Ako nag pray nung isang araw. Ikaw na rin kuya madaya ka." angal ko.
"Ako nag pray kagabi nung wala ka." Sagot naman ni kuya. Mag sasalita na sana ako pero biglang nag salita si mommy.
"Kayong dalawa, hindi na ba kayo titigil? Mag pray lang hindi niyo pa magawa? Mag tuturuan pa kayo? Osige, wag na tayo mag pray at hindi rin tayo kakain." galit na sabi ni mommy. Kaya nga naman kasi.
"Sorrry mommy."-kuya
"Sorry ma."-ako.
Sabay naming sagot ni kuya at nanalangin na si kuya.
Matapos niyang manalangin, nag umpisa na kaming kumain.
"Anong ginawa niyo dun sa bahay ng classmate mo kuya?" Pangbwiwisit kong tanong sakanya, habang siya naman tinitignan niya lang ako ng masama.
"Group study nga." Medyo malakas na pag sabi ni kuya. Habang si mommy naman, patuloy pa ring kumakain ng almusal.
"Anong topic niyo dun? Marketing, meeting, or womanizing?" Tanong ko naman at agad naman siyang nabilaukan. "Kuya, dahan dahan kasi sa pagkain." Kunwareng nag aalalang sabi ko sakanya at agad naman ako nitong tinignan ng masama.
"Sarah anak, bakit naman nila pag aaralan ang womanizing?" Natatawang sagot ni mommy at agad naman nag salita si kuya. "Oo nga!" Ay wow, grabehan.
"Oh, nakita ka daw nung kaibigan ko sa may--" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil agad akong sinubuan ni kuya ng tinapay. "Salita ka ng salita, hindi ka na tuloy nakaka-kain ng maayos. Ayan kumain ka, masarap yan." Sabi ni kuya at nginitian naman ako nito.
Matapos naming kumain, pumasok na kami sa school. Ugrrh! ayoko na pumasok! Bakit ba kasi ang layo ng monday sa friday, tapos yung friday ang lapit sa monday!! Gusto ko na mag bakasyon! Tsaka ayoko na makita si andrew.
Pumasok na ako sa classroom at hindi ko napigilan yung sarili kong mapasulyap kay andrew, nakikipag usap si andrew kay alex at kay chantel at nag tatawanan sila. Ano kayang pinag uusapan nila?
Nang natapos na yung unang subject namin, nag hintay kami para sa last subject namin. Kapag tuesday kasi dalawa lang subjects namin pag umaga ganun din pag hapon.
"Ahh! Thank God it's the last subject for this morning. I want to eat, im so hungry!" Sabi ni kate habang nakasandal yung ulo niya sa balikat ko. "What's new? You're always hungry naman diba." Sagot ko sakanya at natawa naman sila jasmine at karla sa likod namin. "Oh by the way, hindi mo pa nasasabi sa'kin yung ganap kahapon sainyo ni andrew." Bulong sa'kin ni kate. Pero nagulat naman ako nang biglang lumapit si karla at jasmine saamin ni kate. Ano ba yan, mag bubulong na nga ang lakas lakas pa, edi sana sinabi nalang niya ng malakas.
"Oh right! What happened yesterday?" Tanong ni jasmine.
"Are you guys keeping a secret from us?" Tanong naman ni karla.
"It's nothing, Andrew just mistook me for someone else." Sagot ko sakanila. Alangan namang sabihin ko sakanila ngayon dito sa room kung ano talaga yung nangyayare saaming dalawa ni andrew.
"Shut the fuck up Calvin, Can you just sleep forever? Your voice is so distracting, I can't focus!" Inis at malakas na pagsabi ni chantel kay calvin(Calvin Matthews) habang nag babasa ng libro si chantel, habang si Calvin naman ginagaya niya lang yung mga sinasabi ni chantel at natulog na ito.
Si Calvin nga pala, siya yung palaging maingay at palaging tulog dito sa classroom. May itsura naman siya at marami ring nag kakagusto sakanya dito sa campus. Walang araw na hindi nag babangayan si Calvin at chantel, yun na yata yung cycle ng buhay nila dito sa school.
Ilang minuto pa ang nakalipas, sawakas dumating na yung teacher namin na gustong gusto naming lahat, Si Mr.wooley.
"All right guys, the class has begun." Malakas na sabi ni Mr.wooley, pero hindi parin siya pinansin ng ibang studyante.
"Let go of your phones because we're about to start." Utos ni Mr.wooley pero hindi parin nakikinig yung iba.
"Ms.Chantel Peterson, that's enough. And you Mr. Alex Wilson put down your phone or else i will confiscate it." Narinig kong utos ni Mr.wooley.
"Mr.Matthews wake up! You're always sleepy because you starve yourself. Wake up! Mr.Smith wake him up." Narinig kong utos ni Mr.wooley kay andrew kaya agad naman akong napatingin kay Mr.wooley dahil sa narinig kong name ni andrew.
"Guy's let's study!" Sabi ni Mr.wooley kasabay ng pag palo niya sa table niya dahilan para marinig ng iba.
Ilang sandali, narinig naming bumukas yung pinto at napatahimik kaming lahat habang nakatingin sa pintuan.
Nandun sa pintuan Lucas (Lucas brown) Siya nga pala yung class president namin. At oo nga pala, ako nga pala yung class vice president pero wala akong ginawa kanina para mapatahimik yung klase dahil may pinapakita si kate saakin.
"Guys. Mr.Wooley is here." Malakas na sabi ni Lucas at agad namang bumalik sa mga upuan yung kaklase namin. Hindi ko alam kung bakit ganun, pero kasi kapag nag salita na si lucas daig niya pa mga teacher para mapatahimik yung klase namin.
"Mr. Wooley i'm sorry, i arrived late."
"That's alright. No worries. "
"Okay class, today we'll....." gusto naming lahat si Mr.wooley dahil minsan, hinahayaan niya lang kaming gawin yung gusto namin dito sa room, pero saka niya lang kami hinahayaan kapag wala na talagang gagawin. Bagong teacher si Mr.wooley dito at halos lahat ng pinapasukan niyang classroom dito sa campus gusto siya. Pero pag malapit na yung exam, nagiging strikto na siya.
Nang matapos na yung klase, pumunta na kami sa cafeteria para kumain ng panghalian. Grabe buti nalang talaga hindi ako pinag-tuonan ng pansin ng tao dahil sa ganap samin ni andrew kahapon.
"We don't even have time to study for exams. What? A new project?" Reklamo ni kate sa harapan namin nila karla at jasmine, habang ako kain lang ng kain.
"You're right." Sagot naman ni karla.
"I don't want to go to school anymore." Sagot naman ni jasmine. Ako rin ako na.
"Me too." Sagot naman ni kate.
"Guys, why don't we go somewhere after our class? What do you think?" Aya ni karla. Ha? Lumabas lang kami last week tapos lalabas nanaman ulit?
"I need to study for exams and I also need to do what Mr. wooley asked us to make." Sagot naman ni kate, Sus kala mo naman nag aaral talaga ng maayos.
"I have a date with Alex." Sagot naman ni jasmine. Ah oo pala, sila ni alex. Mahigit 2 years na rin silang dalawa.
Ilang sandali, nagsi-tinginan naman silang tatlo sa'kin, dahil dun napatigil ako sa pag kain.
"oh, sorry. I can't, i need to go to work." Sagot ko naman. Aww sorry karla.
"It looks like I'll be staying at home then" Malungkot na sagot niya samin.
"We can go out tomorrow." Sagot ko naman, at sumangayon naman sina jasmine at kate.
"Really?" Masayang sagot ni karla at tumango naman kami nina jasmine at kate.
Ilang sandali, may bigla kaming narinig na parang may nahulog at napansin ko lahat ng tao may tinitignan at dahil dun sinundan ko yung tingin nila.
"Ahhh! Sawang-sawa nakong palaging nakikita si chantel na binubully si Alexandra. I want to kill them." Iritang sabi ni kate saamin nila jasmine at karla at agad naman kaming napatingin kay kate dahil aa sinabi niya. Jusko kate, mauuna kang mamamatay kung ganun.
Nakita ko si chantel at yung isang kaklase naming babae na si Alexandra. Simula nung dito mag aral si Alexandra, madalas na siyang binu-bully ng grupo ni chantel kahit wala namang ginagawang mali si Alexandra, at ngayon pinupuntirya nanaman siya ni chantel.
Pinapanood naming tinatapunan ni chantel si Alexandra ng mga masasakit na salita ni chantel habang si Alexandra naman ay nananatili paring nakayuko. Walang taong nag tangkang lumapit sakanilang dalawa dahil natatakot sila kay chantel.
Ilang saglit, nakita kong hinampas hampas ni chantel si Alexandra at dahil dun hindi ako nakapag timpi. Oo may karapatan akong patigilin sila dahil vice president ako sa classroom namin at kaklase ko si chantel at Alexandra, at isa pa wala akong takot kay chantel. Tsk! Kahit pag patayan oa kaming dalawa. At tsaka teka nasan ba kasi si lucas!!!
Tumayo na ako sa ikina-uupuan ko at pilit akong pinapaupo nila kate pero hindi ko sila pinapakinggan. Sumo-sobra na si chantel. At isa pa, bakit ni isa sa mga tao dito hindi nila kayang lumapit kina chantel?
Mag lalakad na sana ako pero nagulat ako nang biglang may humila sa'kin. hindi ko makilala kung sino siya dahil siya ay naka sumbrero at may suot siyang mask at naka sweatshirt. Ngunit yung kanyang pangbaba, kitang kita na dito siya nag aaral sa school.
Sino siya? Bakit niya ako hinila?