Sarah
Tumayo na ako sa ikina-uupuan ko at pilit akong pinapaupo nila kate pero hindi ko sila pinapakinggan. Sumo-sobra na si chantel. At isa pa, bakit ni isa sa mga tao dito hindi nila kayang lumapit kina chantel?
Mag lalakad na sana ako pero nagulat ako nang biglang may humila sa'kin.
Hindi ko makilala kung sino siya dahil nakasuot siya ng sumbrero at nakasuot ito ng mask at naka sweatshirt. Ngunit yung kanyang pangbaba, kitang kita na dito siya nag aaral sa school.
Sino siya? Bakit niya ako hinila?
"W-who are you?" Takot at nag aalala kong tanong sakanya.
"L-let me go!" Reklamo ko pa pero patuloy parin niya akong hinihila hanggang sa makarating kami sa likod ng cr na malapit sa cafeteria.
Napasandal ako sa pader at agad naman niya akong cinorner gamit ang kanyang dalawang kamay.
Sisigaw na sana ako, pero bigla niyang inalis niya yung sumbrero niya ganun din yung suot suot niyang mask at nanlaki naman yung mata ko dahil sa gulat.
Si steve.
Bakit niya ako dinala dito? Bakit? Tsaka isa pa, bakit kailangan niya pang mag suot ng ganun.
"Steve?!" Gulat kong tanong sakanya.
"Ano sa tingin mo yung balak mong gawin kanina? Pano kung napano ka? Paano kung may nangyare sayong hindi maganda?" Sunod sunod niyang tanong at bakas sa mukha nito na alalang-alala siya.
"Bakit? Masama bang tumulong? Masama bang pagtanggol ko si Alexandra sa mga pinag gagawa ni chantel sakanya? Kung yung ibang tao natatakot harapin si chantel, pwes ako hindi." Pataray kong sagot kay steve.
"Hindi naman masama kung tumulong ka at ipagtanggol mo si Alexandra. Nut my point is, kilala mo naman si chantel hindi ba? Hindi ka niya tatantanan hanggang sa hindi niya nagagawa yung gusto niyang gawin. Ayokong nakikita kang nasasaktan at naaapi, kaya please lang sarah... isipin mo yung ikabubuti mo." Nag aalalang sagot ni steve, kasabay ng pag hawak niya ng mga balikat ko.
Oo alam kong ganun talaga si chantel, hindi ka niya tatantanan hanggang sa hindi niya nagagawa yung mga gusto niyang gawin. Marami nang taong pinagbubuhatan ni chantel ng kamay, pati na rin lalaki napagbubuhatan niya. Sa palagay ko nga, ang pamilyang smith na dito nag aaral nalang yung hindi niya nagagalaw, dahil takot siya sa mga smith. Mas mataas kasi yung posisyon ng pamilyang smith sa school na ito at mas mababa naman ang pamilya nila chantel. Wala rin magawa yung mga guro dito dahil marami na ring napatalsik si chantel na mga guro dito sa school na 'to.
"Ayos lang yun, nandyan ka naman palagi para sa'kin diba?" Sagot ko kay steve kasabay ng pagtawa ko. Madalas kasi akong prinoprotektahan ni steve dito at alam din ng buong campus na close talaga kami at hindi na yun issue dito. Pero nung una, syempre hindi talaga maiiwasan yung maissue kaming dalawa.
Lumapit si steve sa'kin at agad naman niyang pinitik yung noo ko.
"Aray!!" Agad naman akong napahawak sa noo ako at hinaplos haplos ko ito dahil sa sakit.
"Paano kung wala ako? Pano kung nasa trabaho ako? Paano ka?" Sunod sunod na tanong niya sa'kin at natawa nalang ako.
"Teka, bakit ka pa nag suot ng kung ano-ano para hindi ka makilala ng mga tao? Hindi naman na tayo mai-issue pag nag sama tayong dalawa, anong trip mo?" Nag tatakang tanong ko sakanya. Ano bang trip neto?
"Bakit? Gusto mo bang malaman na ni andrew kung sino ka? Syempre mag tataka yun kapag nakita niyang close tayo sa isa't-isa at mag tataka rin yun kung bakit kita hinila. Tsaka ayoko namang oras orasin niya akong tanungin tungkol sayo, ano naman sanang maisasagot ko. Tsaka tinutulungan rin kita sa mga plano mo." Sagot naman niya sa'kin at sumang-ayon naman ako dahil sa sinabi niya.
Ibang klase talaga 'tong si steve, kapatid niya si andrew pero nagagawa parin niya akong tulungan sa bagay na yun.
Matapos naming mag usap, sinamahan niya na akong maglakad papuntang classroom ko.
Hindi na kami nai-issue kapag nag sasama kami ni steve dito sa campus kasi sanay na silang lahat at alam naman nilang lahat kung ano talaga kami ni steve.
Nang malapit na kami sa room, ang daming mga babae ang nasa labas ng room namin at halatang inaabangan nanaman nila si andrew. Hindi na ako nasamahan ni steve papuntang room dahil baka dumugin din siya ng tao.
Dapat ang dalawang magkapatid na to nag ho-home school nalang eh! Maaabala nila lahat ng studyante dito.
Pumasok na ako sa loob ng room at napatingin naman ako kay andrew at nakita kong natitig ito saakin, dahil dun agad kong ibinalin yung tingin ko at umupo na ako sa tabi ni kate.
"Hey, are you okay? May nangyare bang masama sayo? Sino yung humila sayo kanina? Wala bang ginawang masama sayo yun? Sinundan ka naman namin nila jasmine at karla pero hindi na namin kayo naabutan." Sunod sunod na pagsabi ni kate at alalang-alala talaga siya sa'kin. Nag mag sasalita na sana ako bigla namang nag salita sina karla at jasmine at umupo sila sa desk namin ni kate.
"Are you okay?" Tanong ni karla. "Are you hurt?" Tanong naman ni jasmine habang hinahawakan niya yung mga pisnge ko. Mahal na mahal talaga nila ako haha.
"I'm fine, and nothing happened to me." Sagot ko sakanilang lahat.
"Thank God!" Sabay sabay nilang sagot.
Pagkatapos ng klase, naramdaman kong parang mabigat yung pakiramdam ko at palagay ko mag kakasinat ako ngayon kaya tinawagan ko yung nag babantay ngayon sa pag tratrabahuan ko na hindi muna ako makakapasok dahil palagay ko lalagnatin ako.
Nang makauwi na ako sa bahay, nag pahinga ako at umidlip muna ako.
May tumawag sa phone ko at bigla namang tumunog ng malakas yung phone ko at dahil dun nagising ako.
"Hello?"
"Hey, are you okay? Where are you?" Tanong ni steve sa'kin.
"I'm fine and I'm home." Sagot ko habang nakapikit at nakahiga pa ako.
"Drink lots of water and don't forget to take your meds."nag aalalang sagot nito sakin.
"Okay." Tipid kong sagot sakanya at pinatay ko na ito at bumangon na ako dahil gabi na rin.
Nilalagnat na talaga ako, ramdam na ramdam ko yung init sa mata ko at init ng pag hinga ko at nilalamig din ako.
Bumaba na ako ng kwarto at dumeretso na ako sa kusina para uminom ng gamot.
"What happened to you? Are you sick?" Tanong ni kuya habang nanonood ito ng tv. "Yeah." Tipid kong sagot sakanya at umupo na ako sa table sa kusina at ihiniga ko yung ulo ko sa table.
"Are you okay?" Narinig kong tanong ni mommy at pumunta naman ito sa tabi ko at hinawakan niya yung noo ko dahilan para malaman kung may sinat ba ako.
"Naku, ang taas ng lagnat mo nak, teka ipaghahanda na kita ng makakain para makainom ka na ng gamot." Sabi ni mommy at agad naman itong kumuha ng pagkain ko.
Matapos naming kumain nila mommy at kuya uminom na ako ng gamot at medyo guminhawa na yung pakiramdam ko at dumeretso muna ako sa terrace sa taas para lumanghap ng hangin.
Habang tinitignan ko yung kalangitan at pinapanood kong bumababa ang mga snow mula sa langit, pumasok nanaman si andrew sa isip ko. Naalala ko yung mga nangyare nung isang araw.
Gustong-gusto ko siyang kausapin ng maayos, gustong-gusto ko siyang makasama, gustong-gusto kong maging close ulit kami pero paano mangyayare yun, kung patuloy akong kinakalaban ng masasakit na ala-ala.
Napayuko nalang ako sa lungkot at pumikit ako.
"Masyadong malamig dito, hindi ka ba nilalamig? Tsaka nilalagnat ka, mabuti pa siguro kung pumasok ka na sa loob." Narinig kong sabi ni kuya at agad naman akong napatingin sakanya.
May hawak siyang dalawang cup at tinabihan ako nito at binigay niya sakin yung isang cup.
Inabutan ano ng tea ni kuya at agad ko naman itong inamoy.
Habang inaamoy ko yung sa'kin, napansin kong parang amoy coffee yung kay kuya. "Bakit coffee sayo, tapos sakin tea?" Tanong ko sakanya at agad naman niyang pinitik yung noo ko.
"Nag iisip ka ba ha? Alam mong may sakit ka, tapos gusto mo ng kape?" Sagot ni kuya sa'kin at parang galit ito kaya tumawa nalang ako habang hinahaplos ko yung masakit kong noo gawa ng pag pitik niya.
"Siya nga pala, nabalitaan kong nag aaral si andrew sa school niyo? Kamusta ka naman? Anong plano mo?" Tanong ni kuya sakin. Oo alam ni kuya yung mga pangyayare samin ni andrew dati. "Oo tama ka, nag aaral nga si andrew dun. Palagay mo ba kaya kong maging okay pag ganun
Nag panggap nalang akong hindi ko siya kilala, para hindi na kami mas lalong mapaglapit sa isa't-isa." Sunod sunod kong sagot sakanya.
"Why did you have to do that if you knew you could've just said who you really are. You're only making things harder for yourself. They will find out the truth eventually. Remember Sarah, you can't keep a secret forever." Payo ni kuya sa'kin.
"I know. Pero kung sakaling panahon na para malaman ni andrew kung sino ako, syempre hindi ko alam kung ano magiging reaksyon niya, tingin mo ba kuya mapapatawad kaya niya ako sa mga balak kong gawin." Sagot ko kay kuya at humigop ako sa iniinom kong tea.
"Syempre kapag nalaman na niya, hindi naman maiiwasan na masaktan siya dahil sa mga kalokohan mo. Pero malay mo mapatawad ka niya diba." Sagot naman ni kuya sa'kin at ngumiti nalang ako at napatingala sa kalangitan.
Agad naman niyang hinaplos haplos yung buhok ko.
Sweet naman ng kuya ko, hinahaplos niya yung buhok na parang aso.
"Everything's gonna be alright. Malakas at matapang ka, at alam naming lahat yun." Sabi naman ni kuya.
Oo mukhang malakas at matapang nga ako sa panlabas ko, pero sa totoo lang alam ko sa sarili ko na mahina at naduduwag ako sa lahat ng bagay.
I hate myself.
Kinabukasan, natapos na yung klase namin ng pang umaga at wala na kaming pasok ngayong hapon kasi may importanteng meeting daw yung mga teachers.
Lalabas kami ngayon nila kate dahil sa usapan namin kahapon, pero pinauna ko na sila at sabi ko susunod nalang ako dahil marami pa akong gagawin.
Hindi ko pa kasi natatapos yung bagong project na pinagawa samin tsaka mukhang paubos na rin yung librong pag titignan tungkol dun sa project, may mga nag uwi na kasi ng mga libro kahapon at kanina pero it-try ko parin na icheck baka sakaling meron pang natira.
Naglalakad na 'ko ngayon papunta sa library para gawin ko na yung dapat kong gawin para maipass ko na bukas.
Ilang sandali, nagulat naman ako nang biglang tinabihan at sinabayan naman ako ni andrew mag lakad.
Ugrrhh! Nandito nanaman siya.
Andrew parang awa mo na, lubayan mo na 'ko.
Nahihirapan na ako.
"Hey." Narinig kong sabi ni andrew at nginitian ko lang siya. Sapat na siguro yung ngiti, naiilang na'ko eh.
"You really don't talk that much do you?" Tanong naman niya. Duh, sayo lang naman ako ganito. Kung alam mo lang sana kung gano ako kadaldal.
Pero teka anong isasagot ko.
Sasagot pa ba ako?
Takbo na kaya ako?
Naiilang ako.
"Yeah, i-i think so." Pautal kong sagot. Ano ba nangyayare sa'kin, nanginginig nako.
Stay calm sarah.
"By the way, I'm sorry about yesterday. I made lots of mistakes." Sagot niya.
Buti alam mo, pero salamat na rin dahil inayos niyo agad ni steve para hindi ako pagtuunan ng pansin ng mga tao. Panigurado kung hindi niyo ako tinulungan paniguradong inaaway na ako ng mga studyante dito sa school.
"It's fine. I don't think about the past."
Sagot ko naman. Syempre char lang yan haha, walang oras na hindi ko iniisip yun.
"Oh, okay. Thanks!" Sagot naman niya sa'kin at nginitian ko siya. Osige, panahon na siguro para umalis ka na sa tabi ko.
"You must be going somewhere." Sabi niya habang naka crossed arms siyang nag lalakad.
Jusko, hindi pa siya tapos?! Ayaw pa niya talaga niyang umalis.
"Yeah, library. What about you? Where are you going?" Tanong ko sakanya.
"Tamang tama, sa library rin ako pupunta para sa pinapagawa ni Mrs robbins. Sabay na tayo, tutal didiretso ka din naman dun." Sagot naman niya sa'kin, pinapahirapan mo talaga ako eh no?
Agad naman akong nag react dahil sa narinig ko. "ANO?!" Gulat kong tanong sakanya at nakita ko yung mukha niyang parang nag tataka dahil sa sinabi ko.
My gosh sarah! Ano naman ginawa mo?!
"What do you mean?" Nag tatakang tanong niya sa'kin.
Isip sarah dali.
"A-anong hindi mo pa natapos?" Sagot ko. Tama ba? Ayos na ba yan?
"Ah, akala ko naman galit ka sa'kin." Sagot niya sakin habang nakahawak siya sa dibdib niya na para bang lumuwag yung paghinga niya niya dahil sa palusot ko.
"Marami-rami pa." Sagot niya sakin at ngumiti nalang ako dahil wala na akong maisagot.
Tutuloy pa ba ako sa library? Pero kung hindi kasi ako tumuloy baka hindi ko na matapos dahil marami akong gagawin bukas. Urrggh! Anong gagawin kooo!
Eh bahala na, makiki-ride nalang ako sa sinabi niya para hindi halatang iniiwasan ko siya.
Pinapakinggan ko nalang siyang nag k-kwento tungkol sa pagiging model niya,at nag patuloy na kami sa pag lalakad.
Dami niyang chika, as in.
Nang makarating na kami sa library, nag hiwalay na kami kasi baka maissue kami.
Dumeretso na ako sa shelves kung saan nandun yung libro at nag hanap ako.
Asan na ba yun, mukhang naubos na nga yata talaga.
Pano na 'to.
Pati rin kasi sila jasmine, karla at kate walang naheram dito sa library. Makiki-share nalang daw si jasmine kay alex tsaka si karla naman naki-share narin sa isa naming kaklase, habang si kate naman sa'kin nanaman aasa.
Ilang sandali, habang nag hahanap ako sawakas may nakita rin ako!
Nag iisang libro pero ang taas ng ikinalalagyan nito at mukhang hindi ko to maaabot dahil hindi naman ako biniyayaan ng katangkaran.
Pinilit ko parin itong inaabot at habang inaabot ko ito napansin kong may tumabi sa'kin at nakita ko yung kamay niya na inabot yung kaisa-isang librong natira na kailangan ko.
Omyg! Inabot niya ba yung libro para sa'kin? Sa mga palabas ko lang 'to nakikita, hindi ko akalaing mararanasan ko 'to.
Tinignan ko kung sino ito para sana mag pasalamat at nagulat naman ako sa aking nakita.
Si andrew nanaman.
Nakatitig lang siya sakin habang nakatiklay ako at hindi ko naalis yung mga mata kong nakatitig sakanya at napatulala talaga ako sa harap niya.
Bakit parang lumiwanag yung paligid nung nakita ko yung pag mumukha niya.