Chapter 8

~Sarah~

Pinilit ko parin itong inaabot at habang inaabot ko ito napansin kong may tumabi sa'kin at nakita ko yung kamay niya na inabot yung kaisa-isang librong natira na kailangan ko.

Omyg! Inabot niya ba yung libro para sa'kin? Sa mga palabas ko lang 'to nakikita, hindi ko akalaing mararanasan ko 'to.

Kikiligin ba ako o magagalit ako dahil baka maaagaw na sa'kin yung libro.

Dahan dahan kong tinignan ito, mula sa kamay hanggang sa mukha nung tao para malaman ko kung sino ito at para sana mag pasalamat ako dahil balak niya akong tulungan sa pag abot ng libro.

Nang makita ko na kung sino siya, nanlaki yung mata ko dahil sa gulat at dahil sa aking nakita.

Si andrew nanaman.

Nakatitig lang siya sakin habang nakatiklay ako at hindi ko naalis yung mga mata kong nakatitig sakanya at napatulala talaga ako sa harap niya.

Bakit parang lumiwanag yung paligid nung nakita ko yung pag mumukha niya.

What's wrong with me?

"Miss?" Narinig kong sabi ni andrew kaya agad naman akong natauhan.

Nung saktong natauhan ako, naramdaman kong parang nanghina naman yung mga paa ko kaya natapilok ako, at dahil na rin siguro sa pagkailang kaya naman agad akong natumba.

Nang matumba ako, nagulat ako nang maramdaman ko yung mga kamay ni andrew sa braso ko.

Sinalo niya ako!

Dahil sa gulat, agad naman akong napatingin sakanya at nagkatitigan naman kami.

Parang tumigil yung ikot ng mundo nang mag tama ang aming mga mata,

At para bang walang tao sa paligid naming dalawa.

Ano ba nangyayare? Ano 'to? What's wrong with me?

Ilang sandali, biglang narinig ko ang pag bagsak ng libro na hawak ni andrew at dahil dun agad naman akong natauhan kaya tumayo ako bigla at inayos ko yung sarili ko.

"S-sorry." Pautal kong sabi sakanya at hindi ko na ito matignan ng diretso sa mata. Oo alam kong nakatitig parin siya hanggang ngayon sa'kin pero hindi ko na kayang tignan siya dahil naiilang na ako.

Tsaka teka, bat ako nag s-sorry?

***

~Andrew~

Nakatitig parin ako sakanya hanggang ngayon dahil sa nangyare kanina.

Nang mag lapit ang aming mga mata kanina, naalala ko bigla yung mga mata ni sarah dahil hawig na hawig talaga sila. Hindi ko naalis yung pag titig ko sa mga mata niya kanina dahil parang naramdaman ko naman na siya yung babaeng matagal ko nang gustong makasama ulit.

At sa mga oras na yun, agad namang tumibok yung puso ko kasabay ng pagkirot nito.

Napapikit nalang ako dahil naalala ko nanaman yung hindi magandang pangyayare saaming dalawa ni sarah dati.

I want to be with her again. I miss her smile, her voice, her laughter, i miss her so badly.

***

~Sarah~

Nakikita kong nakapikit siya ngayon sa harapan ko na para bang may malalim na iniisip.

Ang weird, ano ba nangyayare dito sa taong to? Ano bang trip niya haha.

Natatawa ako ha...

Ilang sandali, minulat na niya yung kayang mga mata at agad ko namang ibinalin yung tingin ko.

Nakita kong pinulot niya yung libro at lumapit ito sa'kin at inabot naman niya ito.

"Ikaw nalang mauna gumamit nitong libro, mukha kasing kailangan mo na eh. Mag babasa nalang muna ako ng ibang libro at hihintayin nalang kitang matapos." Sabi ni andrew sa'kin at ngumiti naman ito.

Seryoso ba siya? So hihintayin niya ako? Pero anong oras na mag f-four o'clock na. Hindi ko naman agad matatapos yung gagawin ko kasi madami pa akong hindi nakokompleto, tsaka siguro ng five o'clock or 5:30 na rin ako matatapos nito.

Pano siya kung hihintayin niya ako? Edi mga six o'clock na siya matatapos?

Inabot ko yung libro at ngumiti at nag pasalamat ako sakanya at tumalikod na ito at nag umpisa nang mag lakad.

Napayuko nalang ako. Sa totoo lang nakokonsensya ako, eh kung mag share nalang kaya kami?

Ahhh! Ano ba yan, hindi ko yata kaya!

Ano na? Mag share nalang kaya kami?

Eh bahala na!

Tinignan ko siya at nakita ko siyang nag lalakad papalayo at agad ko naman akong nag salita.

"Teka, A-andrew." Malakas kong pagtawag sakanya at agad naman siyang napatigil sakanyang pag lalakad.

My gosh, seryoso ba to? Lumabas talaga yun sa bibig ko?! Anong kalokohan 'to sarah.

Wala nakong magagawa, natawag ko na eh.

"E-eh kung mag s-share nalang tayo?P-para sabay na rin tayong matapos kung gusto mo." Pautal kong sabi at ngumiti naman si andrew.

"Are you sure? I-i mean kaya ko namang hintayin ka matapos." Sagot naman nito sa'kin, pero tumango nalang ako at tinawag ko na siya ulit gamit naman yung kamay ko.

Seryoso ba 'tong ginagawa ko?!

Nakita kong ngumiti si andrew at agad naman itong lumapit sa'kin.

"So, san tayo?" Tanong nito habang nakangiti at napangiti naman ako.

Tumingin tingin ako ng mga bakanteng table sa paligid at saktong may nakita kong bakanteng table na malapit sa binatana, pero nasa may bandang pinakalikod na yung table.

"Pwede na siguro dun." Sagot ko kasabay ng pag turo ko dun sa bakanteng table na malapit sa bintana at nag lakad na kaming dalawa papunta dun.

Nang makarating na kami sa may table, agad siyang pumunta sa uupuan kong upuan at nagulat naman ako nang hinila niya yung upuan at tinignan niya ako at binigyan niya ako ng ~umupo ka na, look.~

Ang kilala kong andrew dati ay gunun parin hanggang ngayon. Wala siyang pinagbago, gentleman parin siya at napakabait niyang tao. Nag papasalamat ako dahil ganito parin siya hanggang ngayon.

Nginitian ko siya at nag pasalamat ako at umupo na ako.

Oo nga pala mag kaharap nga pala kami. Nakakailang as in!

Nang makaupo na kaming dalawa, inilapag ko na yung libro at wala na kaming ibang ginawa kundi tumitig lang sa libro.

Shems! Ang awkward!

Mauna na kaya akong gumamit.

Tumingin ako sakanya at napatingin din siya bigla sa'kin. At nang mag tama ang mga mata namin, agad namin itong ibinalin.

"Mauna ka na."

"Mauna ka na."

Sabay naming pagkasabi at dahil dun nag ngitian kami pero ibinalin ko na agad yung tingin ko dahil nahihiya at naiilang ako.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at agad naman itong tumabi saakin.

Ano sa tingin niya ginagawa niya? Seryoso ba siya ngayon? Aalis na yata ako!!

"B-bakit ka nandito?" Nag tatakang tanong ko sakanya habang nakatingin ako sa libro na nasa harap naming dalawa.

"Sino bang kinakausap mo? Ako ba o yang libro na nasa harapan natin?" Sagot niya sa'kin at natawa naman ito.

Hindi ko kasi siya matignan sa mata dahil hindi ko kaya.

Nag ipon muna ako ng lakas ng loob bago ko siya tignan.

Nang makaipon na ako ng lakas ng loob, tinignan ko na siya at nginisian ko ito at binigyan ko siya ng ~haha nakakatawa, look~

"Alam mo, mabuti pa mag umpisa na tayo. Para matapos na at makauwi na tayo. At isa pa, wala tayong matatapos kung magkakahiyaan lang tayo dito. " Sabi nito at agad niyang nilabas yung laptop niya at binuklat na niya yung libro na nasa harapan naming dalawa.

"Hindi naman ako nahihiya, baka ikaw." Angal ko naman at napangisi naman siya.

"Sobrang dami ko nang nakakasalamuhang tao na hindi ko close at kilala. Tsaka ano ka ba, parang hindi mo naman ako kilala." Sagot naman nito sa'kin. Wow ha, medyo ang hangin niya dun pero ayos lang naman kasi talaga naman kasing sikat siya.

"Nag eenjoy ka pa ba sa career mo? May privacy ka pa ba?" Tanong ko naman habang nilabas ko na rin yung laptop ko at inopen ko na ito.

Wala masyadong dumadaan na tao dito sa napili kong pag upuan naming dalawa ni andrew tsaka sinadya ko talagang pinili dito, para na rin hindi kami ma-issue.

"Yes, I still enjoy my career kahit 5 years ko nang ginagawa. Nakakapagod din naman at nakakastress pero nakakaya ko naman kasi mahal ko yung trabaho ko. And my privacy? Hindi ko alam kung meron pa ako nun." Sagot naman nito sa akin kaya napangiti nalang ako.

***

~Steve~

Nasa studio ako ngayon dahil may taping kami ngayon para sa commercial. 

Nang matapos na kaming mag shoot, nag paalam na ako sakanilang lahat pati na rin sa manager ko at pinaiwan ko na rin yung P.A ko dahil hindi ko na siya kakailanganin.

Habang nag d-drive ako pauwi ng bahay, agad na nag ring yung phone ko at nakita kong tumatawag si kate sa'kin.

Oo tama kayo. Si kate nga, yung bestfriend ni sarah. Close din kami ni kate dahil madalas kasi siyang kasama ni sarah at sa tuwing nag sasama naman kami ni sarah, napapasama na rin si kate.

Kinuha ko na yung phone ko at sinagot ko na ito.

"Hello?" Tanong ko.

"Oh hey, what's up." Sagot naman nito sa'kin.

"Napatawag ka, May problema ba?" Nag tatakang tanong ko kay kate. Tsaka lang naman tumatawag sa'kin si kate kapag tungkkol kay sarah.

"Can i ask you something?" Tanong naman nito sa'kin.

"Oh, okay sure. Ano yun?" Sagot ko naman.

"Kasama mo ba ngayon si sarah?" Tanong nito sa'kin.

"No, I'm not with her right now. Why? Is there a problem?" Tanong ko naman.

"Talaga ba?! akala ko kasi kasama mo siya ngayon. Balak kasi namin pumasyal ngayong araw na 'to, gabi na pero hindi parin namin siya kasama, at nag aalala na kaming lahat dito. Sabi niya kasi kanina na may gagawin lang siya saglit sa library, tapos ilang beses ko na siyang tinatawagan, pero hindi matawagan yung phone niya. Try mo ngang tawagan siya steve." Sagot naman nito sa'kin na may halong pag aalala.

Nakaramdam ako ng kaba at nag umpisa na akong mag aalala dahil 6pm na tapos mababalitaan ko yun.

"Wala pa ba siya sa bahay nila? Baka naman umuwi na." Nag aalalang sagot ko.

"Tinawagan ko na kanina si tita samara kanina, hindi pa naman daw siya nakakauwi. Nag aalala na nga ako eh, pumunta na rin ako sa school kanina pero wala naman siya dun." Nag aalalang sagot ni kate sa'kin at dahil sa sinabi niya mas lalo akong kinabahan.

"Sa pinag tratrabahuan niya? Wala ba siya dun, na check niyo na ba?" Nag aalalang tanong ko.

"Wala siyang trabaho ngayon, off niya." Sagot naman ni kate.

"Osige tawagan nalang kita mamaya kung alam ko na kung nasan siya, ako na bahala. Wag ka mag alala." Sagot ko kay kate para kumalma siya dahil halatang halata na sa pag sasalita niya na kabadong kabado siya.

"Osige, salamat. " Sagot nito sa'kin at binabaan ko na ito at agad ko naman tinawagan si sarah.

Pauwi na sana ako pero dineretso ko nalang sa school.

Tinawagan ko na rin si harry at on the way na rin siya papuntang school dahil nag babakasakali kami na nandun si sarah.

Nang makarating na ako sa school, patuloy ko paring sinusubukan tawagan si sarah pero hindi talaga matawagan yung phone niya.

Ano na bang nangyare sakanya, nasan ba siya...

Habang nag lalakad nako papaloob ng school, narinig kong may tumawag sa pangalan ko at napalingon ako.

Mabuti nalang nandito na si harry.

Agad tumakbo si harry papalapit sakin at sabay naming hinanap si sarah sa bawat room ng school.

Napuntahan na namin halos lahat ng room dito pero wala si sarah kaya dumeretso naman kami sa library ni harry.

Nang makarating kami sa library,  nakita naming kakaonti nalang yung tao dito at wala dito si sarah.

"Nasan na ba kasi yun?" Nag aalalang pag sabi ni harry at trinatry parin niyang tinatawagan si sarah.

Ilang sandali, Naalala ko yung lagi naming inuupuan ni sarah kapag nandito kami sa library kaya agad naman kaming tumakbo ni harry papunta dun sa pinakadulo ng library.

Nang malapit na kami dun, parang may naririnig kaming boses habang papalapit kami ng papalapit at agad naman kaming napatigil ni harry sa pagtakbo at nagulat kami sa aming nakita.

Nakita namin si sarah at si andrew na masayang nag kwekwentuhan at nag tatawanan.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, kung malulungkot ba ako dahil sa nakikita ko ngayon, o magiging masaya ako dahil nahanap na namin ni sarah.

Teka, anong ginagawa ng kapatid ko dito? Tinawagan ko kasi siya kanina at sabi niya nasa bahay na siya pero anong ginagawa niya dito, kasama si sarah?

Teka?! Alam na kaya niya yung tungkol kay sarah kaya close na sila ulit?!

Agad namang napahawak si harry sa balikat ko dahil sa pagod at nag tinginan kami. Dahil sa pag hawak niya ng balikat ko agad naman akong natauhan at nawala na yung mga iniisip ko.

"Ano ba nangyayare sakanilang dalawa? Akala ko ba iiwasan ni sarah yang kapatid mo? Ano nangyare?" Sunod sunod na tanong ni harry sa'kin.

"Hindi ko nga din alam." Sagot ko naman at ngumisi naman si harry at nang mag lalakad na sana siya papalapit kila sarah, agad ko siyang hinila dahil baka makita siya ni andrew.

Kilala at namumukhaan pa kasi ni andrew si harry, baka pag nakita ni andrew si harry masira na lahat ng plano ni sarah.

"What are you doing?" Nag tatakang tanong ni harry.

"Alam mo namang hindi ka pwede makita makita ni andrew diba? Dahil pag nakita ka niya masisira lahat ng plano ni sarah." Sagot ko naman sakanya.

"Oo nga pala, osige uuwi na ako. Ikaw nalang bahala mag uwi sa kapatid ko. Mag ingat kayo ha." Sagot naman nito sakin at tinapik niya yung balikat ko at umalis na ito.

"Oo sige, mag iingat ka din sa paguwi." Sagot ko naman sakanya habang papalayo siya sa'kin at itinaas niya lang yung kanang kamay niya.

Ilang sandali, naalala ko bigla si kate kaya agad ko na itong minessage na nakita ko na si sarah.

Pumunta na ako kila sarah ay nang makita nila akong dalawa, nawala bigla ang masayang pag tatawanan nila.

Nanlaki naman yung mata ni sarah dahil sa gulat ng makita niya ako, habang si andrew naman, nakatingin lang sa'kin.

"Nandito ka lang pala andrew, kanina pa kita hinahanap. Nag aalala na kami nila mommy sayo, bakit hindi kapa umuuwi? At isa pa, tinawagan kita kanina at ang sabi mo sakin nasa bahay ka na. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay andrew.

"Oh hey sarah, nandito ka rin pala. Hindi ko alam na close din pala kayo ng kapatid ko, natutuwa akong makita ka ulit." Masayang pag sabi ko kay sarah at inabot ko yung kamay ko sakanya at ilang segundo niyang tinitigan yung kamay ko, at nag hari din ang katahimikan. Ilang sandali, kinamayan naman ako nito at nginitian niya ako. Bakas na bakas na sa mukha niya na takang taka siya sa mga ginagawa ko ganun na rin yung mukha ni andrew.

Agad ko namang binignan si sarah ng ~Ako bahala, look~ at ngumiti naman si sarah.

"Teka, magkakilala kayo? Pano?" Nag tataka at gulat na tanong sa akin ni andrew.

"Oo matagal na naming kilala ang isa't-isa simula pa nung nag aral siya dito. Madalas kasi siyang kumakanta dito sa school sa tuwing may event, tsaka kasali kasi siya sa Student Government dito sa campus, kaya naging close na rin kami." Sagot ko naman.

Totoo yung sinabi ko, President kasi ako ng Student Government dito sa school, habang si sarah naman secretary namin siya. Ako na rin nag pilit kay sarah dati na sumali siya para mas may mga maging close pa siyang tao.

"Oh, talaga ba? Wow sarah, hindi ko alam na biniyayaan ka ng panginoon ng magandang talent. At hindi ko din alam na kasali ka pala sa Student Government dito sa school. That's cool. " Sabi ni andrew kay sarah at ngumiti lang si sarah.

Magaling kumanta si sarah, tapos kapag may mga event dito sa school pinupush namin nila kate at jasmine na kumanta si sarah. Nung una syempre nahihiya hiya pa siya, pero ngayon... ewan ko lang, sanay na siya eh.

"By the way, anong ginagawa niyong dalawa dito? Hindi ba dapat ganitong oras nakauwi na kayo?" Tanong ko pa.

Kitang-kita ko na sa itsura ni sarah yung pagiging kabado niya. Calm down sarah, ako bahala sayo.

"Tinapos namin yung project na pinapagawa ni mrs.robbins, tsaka iisa nalang kasi yung natitirang libro dito sa library tungkol dun sa project kaya nag share nalang kami ni sarah. Medyo natagalan nga lang pero mabuti at natapos na namin." Sagot ni andrew sa'kin at ngumiti naman ito matapos niyang mag salita.

Tinignan ko ulit si sarah, nakatingin lang siya sa laptop niya at hindi ito nag sasalita.

"Close na ba kayo?" Tanong ko at agad naman akong tinignan ni sarah.

"No."-sarah

"Yes."-andrew

Sabay nilang sagot at napatingin naman ako sakanilang dalawa. Hindi ko alam pero agad akong napa crossed arms.

"Ano ba talaga?" Tanong ko.

"O-oh, para kasi sa'kin close na kami pero hindi ko alam na para sakanya hindi pa pala. But that's okay, it's not that important tho." Sagot ni andrew at hindi ko alam sa sarili ko bakit ako napapangiti dahil sa sinabi niya. Siguro natawa lang ako.

***

~Sarah~

"O-oh, i'm sorry. I mean, hindi pa naman kami gaano ka close kaya nag no ako." Sagot ko naman.

Gosh! Ano bang klaseng palusot yan sarah!

Kanina kasi habang gumagawa kami ng project ni andrew, napasarap kasi yung kwentuhan naming dalawa. Sa totoo lang, pinilit ko naman yung sarili ko na iwasan at wag pansinin si andrew pero sobrang hirap.

Kanina, sinubukan kong hindi siya pansinin at sinubukan ko din magalit pero sa bawat susubukan ko na, kinakalaban ako ng saya ni andrew. Nakikita ko sa itsura niya na sobrang saya niya dahil sa mga kwento niya, at   hindi ko kayang mawala yung sayang yun. Hanggang sa hindi ko na napigilan yung sarili ko na mapalapit na sakanya.

Habang patagal ng patagal na nag tatawanan kami, nakakalimutan ko na yung mga masasakit na alala na naranasan ko sakanya.

Mali 'to, masasaktan ka lang ulit sarah.

Nang maalala ko yung plano kong gawin, agad ko nang inayos yung mga gamit ko at matapos kong ayusin, agad na akong nag paalam sakanilang dalawa.

"Oh, sorry kailangan ko na pala umuwi. Mauuna na ako, at a-andrew salamat nga pala sa libro." Paalam ko at nginitian ko nalang silang dalawa.

"Sumabay ka na sa'min, gabi na baka mapano ka." Sabi naman ni andrew na ikinalaki ng mata namin ni steve. Hindi pwede, baka makita niya si mommy at harry.

Tinitigan lang ako ni steve na para bang nag hihintay siya ng sagot ko.

"H-hindi na. Susunduin kasi ako ngayon ng kapatid ko, sinabihan ko kasi siya kanina na sunduin niya ako." Sagot ko naman at nakita kong dahan-dahang itinaas ni steve yung kamay niya hanggang sa tiyan niya at nag thumbs-up  naman ito at ngumiti siya at napangiti na rin ako.

Hindi na napansin ni andrew yung ginawa ni steve kasi nasa likod ni steve si andrew.

"Oh, okay. Mag iingat ka." Sagot naman ni andrew sa'kin at binigyan naman ako ng ngiti nito, at nginitian ko nalang din siya at nag lakad na ako papaalis ng library.

Habang nag lalakad ako, tinawagan ko si kuya para sunduin ako. Nag hihintay ako ngayon sa labas ng school.

Ilang sandali, dumating na si kuya at umuwi na kaming dalawa.

***

~Andrew~

Nakasakay na kami ngayon ng kotse ko at pauwi na rin kaming dalawa ni steve.

Nakatingin ako ng diretso sa daanan, at wala na akong ibang inisip kundi pagkain, dahil nagugutom na ako.

Ilang sandali, naalala ko yung kanina. So, matagal na pala silang mag kakilala nung sarah perez. Bakit never ko narinig sa bunganga ni steve na may pagkahawig si sarah perez at sarah crisostomo.

"Hindi mo ba nakikitang hawig si Sarah Perez at si Sarah Crisostomo?" Tanong ko kay steve.

"Nakikita at napapansin ko naman yun. Nung una ko ngang nakita si Sarah Perez sa school akala ko nga siya yung kilala nating sarah sa pilipinas. Pero ayun nga, napagtanto ko na hawig lang talaga sila." Sagot naman nito sa'kin.

"Pero bakit hindi mo sinabi sa akin na may nakita kang hawig ni sarah?" Tanong ko sakanya at napangisi naman siya.

"What was that?" Tanong ko sakanya dahil sa ginawa niyang pag ngisi.

"Kailangan ko pa bang sabihin sayo yung bagay na yun kung alam kong hindi naman talaga siya si sarah, oo tama ka, hawig talaga sila pero hindi siya si sarah na matagal mo nang hinihintay at hinahanap." Sagot naman niya sakin.

I know.

"Pero kailangan mo parin sabihin sakin steve, Alam mo namang importante si sarah sa'kin diba, kaya lahat ng tungkol kay sarah crisostomo impotante sa'kin." Sagot ko naman sakanya at natawa naman ito.

"Ang cheesy mo. Ilang taon na ang nakalipas, hindi ako makapaniwalang ganyan ka parin kapag tungkol kay sarah." Sagot ni steve saakin na ikinatahimik ko naman ito.

Tama siya, ilang taon na ang nakalipas at ganito parin ako kapag tungkol kay sarah. Pero kahit anong mangyare hinding hindi ako mag sasawang hanapin siya.

***

~Sarah~

Kinabukasan, Thursday na at wala kaming pasok ngayon kaya pinagplanuhan namin nila kate na lalabas kami ngayon.

Tapos na akong gumayak para sa labas namin nila kate at tapos na rin daw silang lahat. Kaya ngayon, on the way na ako papunta sa Bryant Park dahil dito kami mag kikita-kita nila kate.

Nang makarating na ako sa Bryant Park, nag lakad lakad nalang muna ako dahil ang tagal nila.

Grabe, ang ganda naman dito. Ang gaganda ng mga decorate nila dahil mapalit na yung sa Christmas, dapat gabi nalang pala kami pumunta dito para mas maganda dahil paniguradong napaka colorful nitong place na to kapag gabi.

Tsaka kahit saan ako tumingin sa taas,  may nakikita akong building. Napapalibutan kasi 'tong Bryant Park ng mga building.

Habang nag llalakad ako may mga nakikita akong bumili ng icecream, kumakain, bumibili ng mga gamit, may mga nag pi-picture, may mga couples din na naka holding hands at may mga bata naman na pinapanood bumaba ang mga snow mula sa kalangitan.

Ilang sandali, habang nililibot ko yung mga mata ko nakita ko na sila kate na paakyat ng hagdan kaya agad naman akong nag lakad papalikod at habang nag lalakad ako ibinaba ko konti yung sarili ko para hindi nila ako mapansin.

Nakita kong may tatawagan si kate at nagulat naman ako nang biglang mag ring yung phone ko pero agad ko itong pinatay.

Gosh! Narinig yata ni kate yung ring kasi medyo malapit lang naman kami sa isa't-isa.

Habang nag lalakad ako palikod, naramdaman kong may nabangga ako kaya agad ko naman itong tinignan.

Nung saktong paglingon ko, agad naman akong natapilok at nagulat ako nang saluhin ako nung lalaking nasa likuran ko.

Nakahawak siya ngayon sa waist ko at hindi ko napigilan mapatitig sakanya dahil.....

ANG POGI NIYA!!!!!!

Ang puti niya, ang tangos ng ilong niya, napaka ganda ng kanyang mata at ang ganda ng shape ng mukha niya.

Yung kilay niya, grabe mas maganda pa sa pinapangarap ko. At higit sa lahat.... yung labi niyang mukhang sobrang lambot at napakaganda ng kulay at shape nito.

Ang perfect mo naman po kuya!

Naramdaman ko yung init na dumaloy sa mukha ko dahil sa kilig at hindi ko din napigilang mapangiti at mapatitig sakanya at habang yung puso ko naman ay agad tumibok ng napakabilis.

Hindi ko siya kilala pero mag mula ngayon gusto ko siyang kilalanin.

Parang tumigil yung ikot ng mundo, na para bang bumagal ang pag baba ng mga snow mula sa langit, at mas lalong nag init yung mukha ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, na para bang sasabog na ito nang makita ko siyang ngumiti.

My goodness! Ang pogi niya as in! Ikamamatay ko na yata to.