Chapter 9

~Sarah~

Naramdaman ko yung init na dumaloy sa mukha ko dahil sa kilig at hindi ko din napigilang mapangiti at mapatitig sakanya at habang yung puso ko naman ay agad tumibok ng napakabilis.

Hindi ko siya kilala pero mag mula ngayon gusto ko siyang kilalanin.

Parang tumigil yung ikot ng mundo, na para bang bumagal ang pag baba ng mga snow mula sa langit, at mas lalong nag init yung mukha ko at mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, na para bang sasabog na ito nang makita ko siyang ngumiti.

My goodness! Ang pogi niya as in! Ikamamatay ko na yata to.

"Are you okay?"

Hindi ko talaga mapigilan mapatitig sakanya..

"Miss?" Narinig kong sabi niya kaya agad naman akong natauhan at inalalayan niya ako tumayo ng maayos.

"O-oh yes, I'm okay." Sagot ko naman at mas lalo naman akong kinilig nung nakita kong nakahawak siya sa braso ko.

WaaaaAaah! Nakakaloka!

"Are you sure you're okay? Why is your face so red? Are you sick?" Nag aalalang tanong nito. Naku po napansin niyang namumutla na 'tong mukha ko. Aahh! Nakakahiya!!

"I'm not sick. It's just... i felt a little hot, that's all. Thanks for catching me by the way, and i'm sorry because i wasn't looking at my back that's why i bumped into you." Sagot ko naman sabay ngiti sa huli, at natawa naman ito dahil sa sinabi ko. Shems! Ang pogi niya tumawa.

"Oh, that's kinda weird because I'm shivering right now." Sagot naman nito sa'kin. 

Enebe...

Sa totoo lang init na init na talaga ako ngayon dahil sa kilig, pinag papawisan na nga ako eh. Tapos ang sakit din ng ankle ko, hindi ko na masyado naigagalaw yung kanang paa ko dahil masakit talaga.

"You're funny, but It's alright, no problem." Sagot naman nito sa'kin at napangiti naman siya, ganun din ako.

"Are you sure you're okay? Are you hurt?" Tanong nito sa'kin. Ay wow concern, kinikilig nako sobra!

"I'm really okay, and don't worry i'm not hurt." Sagot ko naman.

"Try to walk, so I can see if you're okay." Sagot naman nito sa'kin.

Sinubukan kong mag lakad pero nung nai-apak ko na yung kanang paa ko nakaramdam ako ng sakit kaya agad naman akong inalalayan nung lalake.

"I knew it, you're not okay. Sit down and let me massage your feet." Sabi nito sa'kin. Grabe ang sweet naman niya.

May mga pag upuan sa right side namin, at malapit ito sa mga pagkainan.

"You don't have to do that, It's alright." Sagot ko naman at umiling iling naman siya at inilalayan na ulit niya akong mag lakad papunta dun sa mga upuan.

Nang makaupo na ako, iniluhod naman niya yung isa niyang paa at hinawakan niya yung paa ko at nang mahawakan na niya sa ankle ko at medyo iginalaw niya ito at dahil dun, agad naman akong nakaramdam ng sakit.

"Does it hurt?" Tanong nito sa'kin at tumango naman ako.

Dahan dahan niyang nilagay yung paa ko sa may legs niya at dahan dahan niya din itong minasahe.

In fairness, ang galing niya mag hilot.

Habang hinihilot niya yung ankle ko, hindi ko maiwasang mapatitig sakanya. Ang pogi niya nakakainis! Mukhang kaedad ko lang siya pero ang matured ng boses niya. Para bang yung itsura at galaw niya mga nasa 17 to 19 years old, pero yung boses niya nasa 23 years old na.

***

~Andrew~

Nasa kotse kami ngayon ni Mr kim, at pauwi na kami ngayon. Galing kasi ako ng studio kanina dahil may interview ako kanina.

"Number 1 trending ka ngayon, panigurado may mga reporters nanamang naka abang sa bahay niyo. Gusto mo na ba umuwi?" Narinig kong tanong ni mr kim.

"I'm tired, gusto ko na umuwi." Sagot ko naman kay mr kim, habang minamasahe ko yung ulo ko.

Napagod kasi ako sa interview kanina, kaya gusto ko na umuwi. Pero sa totoo lang, gusto ko ng icecream ngayon.

"Oh by the way, your manager is already here in Manhattan, she's with your dad now." Sagot ni mr kim sa'kin na ikinagulat ko.

"What?! Akala ko ba next week na siya pupunta dito?" Reklamo ko. Yung manager ko, isa rin siyang mabigat sa buhay ko, halos lahat ng galaw ko sinasabi niya kay dad.

"Inutos ng daddy mo na maagang papuntahin dito yung manager mo para mabantayan ka niya." Sagot naman sa'kin ni mr kim, na ikinatahimik ko.

"Meron ka naman ah, bakit kailangan pang mapaaga yung dating nun. And Mr. Kim pwede mo ba akong bilhan ng ice cream." Sabi ko at natawa naman si mr kim dahil sa sinabi ko.

"Gusto ko niyan. Osige, why don't we eat ice cream before we go home. Oh tamang tama, malapit na tayo sa Bryant Park." Sagot naman niya sa'kin.

Nang makarating na kami sa Bryant park, pinasuot ako ni mr kim ng mask at sumbrero para hindi ako mamukhaan ng mga tao dahil paniguradong mag kakaron ng gulo dito pag makita nila ako.

Habang nag lalakad kami ni mr kim, parang may namumukhaan akong babae at tinitigan ko ito ng mabuti.

Nilapitan ko pa ito at tama nga yung hinala ko, siya nga.

Si sarah perez.

And who's that guy? Oh maybe her boyfriend. But i don't think sarah has a boyfriend.

Pinapanood ko lang na hinihilot nung lalake yung paa niya, at kitang kita ko sa mukha ni sarah na ang saya niya.

Ano ba talaga, sino ba talaga yung lalakeng yun?

***

~Sarah~

"There you go. If it still hurts, you better go to the hospital." Sabi niya sa'kin. Sawakas tapos na niya akong hilutin, malalaman ko na name niya.

"Thank you." Pasasalamat ko. Seryoso, ang galing niya. Hindi na masyado masakit yung paa ko, hindi gaya kanina na sobrang sakit.

"You're welcome. I'm Nathaniel Dyers by the way. And you are?" Sagot niya sa'kin at agad nanaman akong kinilig nang sinabi niya yun at nang inabot niya yung kamay niya dahilan para makipag kilala.

"I-im Sarah Perez, nice to meet you Nathaniel." Pakilala ko naman at nakipag kamayan ako sakanya at nag ngitian na kaming dalawa.

My gosh! Ang lambot ng kamay niya, ayoko na bitawan.

Ilang sandali, may narinig akong pamilyar na boses at nabosesan ko na ito.. ang boses na yun ay kay kate.

"Oh! there you are sarah, shaking hands with a random handsome stranger." Sabi ni kate at dahil nun binitawan ko na kamay ni nathaniel.

"I'm kate, her bestfriend. And you are?" Tanong ni kate kay nathaniel kasabay ng pag abot niya ng kamay niya sa harap ni nathaniel.

"Nathaniel. Nathaniel dyers, nice to meet you kate." Sagot naman ni nathaniel kay kate at nag kamayan sila.

Ilang sandali, nag paalam na din si nathaniel sa'min at naiwan na kaming dalawa ni kate na nakatayo.

"Ang pogi ha." Pang aasar ni kate sa'kin.

"Naku, sure akong nainlove ka dun. Wag ka na mag deny obvious na obvious sa itsura mo ngayon. Ayan oh kinikilig ka." Pang aasar pa niya sa'kin at natawa naman ako.

"Nasan sina jasmine at karla?" Tanong ko. Si kate lang kasi yung lumapit sa'min kanina ni nathaniel.

"Nauna na silang dalawa kumain, tara na rin dun." Aya ni kate sa'kin at tumayag naman ako.

Pumunta kaming dalawa kung nasan sila jasmine at kumain na kami. At matapos naming kumain, nilibot namin 'tong Bryant Park.

Kinahapunan, nag hiwahiwalay ka kaming apat dahil may sari-sarili kaming kailangan gawin. May tutor pa kasi si jasmine at karla, habang si kate naman may ipapakilala daw sakanya yung pinsan niya. Habang ako naman, may part time job ako kaya dumeretso na ako sa pinag tratrabahuan ko.

Kinagabihan, 6:28PM na at tapos na rin yung shift ko. Nandito na ako ngayon sa isang cafe, hinhintay ko si kuya ngayon dito dahil sabi niya hintayin ko na lang daw siya dito bago kami umuwi dahil may pinuntahan lang siya saglit.

Nag order ako ng madaming pagkain at mga maiinom para sa'kin. Libre naman ni kuya eh kaya sinagad ko na haha.

Habang kumakain ako, may nakita akong pumasok dito sa loob ng cafe na naka mask at naka sumbrero. Hinayaan ko lang ito at nag patuloy parin ako sa pag kain ko.

Ilang sandali habang kumakain ako, napapansin kong tinitignan niya ako kaya natakot naman ako. Pano kung kidnappin niya ako, paano kung rapin niya ako, pano kung obsessed pala siya sa'kin kaya niya ako tinitignan, mukha pa naman siyang criminal ngayon sa itsura niya. Naka itim na coat kasi siya kasi syempre malamig sa labas, tapos naka suot din siya ng black na sumbrero at mask.

Nagpatuloy parin ako sa pagsubo ng mga pagkain na nakalagay ngayon sa table ko, kahit na nararamdaman kong tinitignan niya parin ako habang nag oorder siya.

Ang creepy niya talaga, seryoso!

Habang kumakain parin ako, hindi ko na rin maiwasan sumulyap sulyap sakanya.

Nakakatakot siya promise! Sino ba siya bat niya ako tinitignan ng ganun?

Ilang sandali habang kumakain parin ako, halos nabilaukan ako nang bigla siyang lumapit sa'kin at umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko na dapat uupuan ng kapatid ko.

Umubo ako ng umubo hanggang sa nag alala na yung lalaking nasa harapan ko ngayon, habang yung mga ibang tao naman sa loob ng cafe tinitignan lang ako.

Inabutan niya ako ng tubig at ininom ko naman agad ito dahil ubong ubo na talaga ako. Ilang sandali habang umiinom ako, nanlaki ang mga mata ko at nagulat ako sa aking nakita nang saktong ibinaba niya yung suot niyang mask at dun ko na nalaman kung sino itong lalaking nasa harapan ko ngayon... si andrew.

"Andrew?!" Gulat kong tanong sakanya at agad naman niyang tinakpan yung bibig ko at ibinalik niya agad yung pwesto nung suot suot ng mask.

Anong ginagawa niya dito? Bakit siya nandito?

"Shhhh!" Sabi niya habang naka takip parin yung kamay niya sa bibig ko. Nakatitig lang ako sakanya dahil sa gulat. Jusko! kung ano ano na iniisip ko kanina. Rapist, kidnapper, obsessed sa'kin, my gosh! Sarah.

Nag titigan lang kami ng ilang minuto hanggang sa natauhan na kaming dalawa at inalis na niya yung kamay niyang naka takip sa bibig ko.

"O-oh, sorry about that." Sabi niya sa'kin at umayos na ito sa pag upo niya sa upuan na nasa harapan ko at inilapag niya yung hawak niyang wallet sa table. Seryoso ba siya?! Hindi siya aalis? Makikichika pa ba siya sa'kin?

"Okay ka na ba? Kung hindi pa, uminom ka muna ng maraming tubig." Pag aalalang tanong niya sa'kin. Ay wow concern.

"A-ayos na ako, salamat." Sagot ko naman sakanya.

"Anong ginagawa mo dito mag isa? Bakit mag isa mo lang kumakain ng ganitong oras? Tsaka, bakit ang dami mong kinakain? May hinihintay ka ba?" Sunod sunod niyang tanong sa'kin at uninom niya yung binili niyang iced coffee.

"Wala lang, gusto ko lang itreat yung sarili ko." Sagot ko naman.

"Mag isa mo lang talaga ngayon? Nasan na yung lalaking kasama mo kanina? Boyfriend mo yun diba?" Tanong naman niya. Oh! Si Nathaniel. pero teka, anong boyfriend?! Pero sabagay, malay mo maging boyfriend ko nga HAHA! Pano niya alam yun?

"Oh, Nathaniel?" Sagot ko naman.

"Wow, so that guy has a name." Sarcastic na sagot ni andrew.

Malamang may pangalan siya. Tao din naman siya, duh.

"Is he your boyfriend? Oh by the way, i saw you kanina sa Bryant Park and you're with daniel..." Naputol yung sinasabi niya nung agad akong nag salita. "Nathaniel." Sabi ko at itinuloy na niya yung sinasabi niya. "Oh right, Nathaniel. I saw him massaging your feet, how sweet." Sagot naman niya sa'kin. Ah, so nasa bryant park din pala siya kanina.

"He's not my boyfriend, and that's none of your business." Pag tataray kong sagot sakanya at inirapan ko ito.

"Owie! That hurts my ears a little bit." Sagot niya sa'kin kasabay ng pag himas himas niya sa tenga niya at ibinaba niya yung suot suot niyang mask.

"Pero alam mo, feeling ko may gusto ka sakanya. Kitang kita ko sa mga galaw at itsura mo kanina. You like him ano?" Pang aasar niya sa'kin. Tinignan ko siya ng masama habang siya naman nakangiti ng nakakaasar na ngiti.

"No, i don't." Pag tataray ko namang sagot sakanya.

"Yes, you do." Pang aasar pa nito sa'kin. Konti nalang isisigaw ko nang nandito sa loob ng cafe si Andrew Smith para umalis na si andrew dito sa harapan ko.

"No, i don't. " Sagot ko ulit sakanya. Urghh! Nakakainis yung ngiti niya ngayon as in! Nang aasar yung ngiti niya na ewan.

"Don't deny it, i know you like him." Pang aasar pa niya sa'kin. Hindi ka talaga titigil...

"Stop teasing me or else isisigaw ko ngayon na nandito ka." Sagot ko sakanya na ikina-ayos naman niya ng sarili niya at uminom na ito ng iniinom niya kanina. Ayan, madali ka naman palang kausap eh.

Ilang sandali, tumahimik na kaming dalawa at nag patuloy na ako sa pag kain ako, habang siya naman patulot paring iniinom niya yung binili niyang iced coffee.

Habang kumakain ako, tinignan ko siya at agad niya naman akong tinignan ulit ng nakakaasar na tingin at mas nainis pa ako nung ngumiti nanaman siya ng nang aasar. Alam niyo ba yung ngiti niya, alam niyo yung kapag inaasar kayo ng kaibigan niyo tungkol sa crush niyo. Ganun, ganun na ganun yung ngiti niya.

"You do like hi--" Hindi na niya natuloy yung sinasabi niya dahil agad akong tumayo at akmang mag sasalita na ako pero agad niyang tinakpan yung bunganga ko at pinaupo niya ako.

"Hindi na, sorry na. Hindi na mauulit." Sabi niya sa'kin at nakita kong nakatingin na yung ibang tao saamin. Nawe-weirduhan na siguro sila saming dalawa ni andrew.

Ilang sandali, pinag patuloy ko na yung kinakain ko at habang kumakain ako, nakita kong tinititigan ako ni andrew habang kumakain.

Ano bang trip nito? Gusto niya ba 'tong pagkain ko? Naiinggit ba siya?

Napatigil ako sa pag kain ko at nag titigan kami.

"Gusto mo ba?" Tanong ko sakanya kasabay ng pag turo ko sa kinakain kong caramel cake ngayon. Umiling iling naman siya at nag patuloy na siya sa pag inom niya.

Oo nga pala, naalala ko na. Favorite nga pala ni andrew 'tong kinakain ko ngayon na caramel cake. Nung bata kasi kami ang hilig hilig niya talaga kumain ng ganitong flavor ng cake. Naalala ko pa nga, nung nasa classroom kami noon sa pilipinas, oo mag kaklase din kami dun dati. Kalagitnaan na ng klase tapos gutom na gutom na ako nun, tapos napansin noon ni andrew na nagugutom ako, kaya yung baon niyang favorite niyang cake ibinigay na niya sa'kin at kinain ko yung cake na yun ng patago sa loob ng classroom.

Dahil sa naalala ko tungkol dito sa caramel cake na kinakain ko ngayon, nawalan na ako ng gana.

Tinignan ko siya at nag p-phone siya ngayon. Nakaramdam nanaman ako ng kirot sa puso nang tignan ko siya.

Naiiyak ako.

Habang tinitignan ko siya, napansin niyang nakatingin ako sakanya kaya tinignan niya din ako at agad ko namang inalis yung tingin ko sakanya.

Gusto ko na umalis dito, kailangan ko na umalis bago pa tumulo yung luha ko.

Inayos ko na yung gamit ko at nang matapos kong ayusin tumayo na ako.

"Aalis ka na?" Tanong niya sa'kin. Hindi ko nanaman siya matignan sa mata dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Mag sasalita na sana ako pero hindi na ako nakapag salita dahil agad siyang tumayo habang nakatitig siya na phone niya na para bang may importante siyang nakita at kailangan na niya mag madali.

"Oh, sorry i have to go. May kailangan kasi akong puntahan. See you around." Sagot naman niya sakin at nginitian ako nito at nag madali siyang maglakad.

Nung nakalayo na ito, nakita ko yung wallet niya na naiwan sa table kaya agad ko itong kinuha at hinabol ko siya pero nang makalabas ako ng cafe hindi ko na siya naabutan.

Ano ba yan, so kailangan ko 'tong ibigay sakanya bukas.

Ah hindi na pala kailangan na ako mag bigay, ipapaabot ko nalang kay steve.

Tinawagan ko na si kuya na wag na niya ako sunduin sa may cafe kasi mauuna na akong uuwi at pumayag naman si kuya kaya umuwi na ako.

Nabayaran na nga pala yung mga kinain ko kanina dahil bago ko pa kainin yung mga yun, binayaran na lahat ni kuya.

Pag uwi ko ng bahay, nag bihis na ako at nang matapps nakong mag bihis bumaba na ako para manood.

Umupo na ako sa sofa habang sumusubo ako ng pagkain na kinuha ko sa ref at inopen ko na yung tv, at nung saktong pag open ko ng tv... saktong may commercial na nandun si andrew. Ine-endorse niya yung chanel na perfume at hindi na ako mag dedeny pa, ang pogi at ang hot niya tignan dito.

Hindi ko na napansing pinapanood ko na yung commercial at habang pinapanood ko ito may nag salita sa likuran ko.

"Si andrew na ba yan, anak?" Tanong ni mommy sa'kin at sakto namang nakita kong top less na si andrew kaya agad naman akong nabilaukan.

Agad namang kumuha ng tubig si mommy at ininom ko na ito agad kasabay ng pag haplos haplos ni mommy sa likod ko.

Nang mahimasmasan na ako, kinuha ko yung remote at nilipat ko ito sa ibang chanel.

"Hindi po, hindi si andrew yun." Sagot ko naman at tumawa nalang si mommy.

Habang hinahaplos parin ni mommy yung likod ko, bigla namang dumating si kuya at nag bless na ito kay mommy.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni mommy habang ako naman nanonood na ulit.

"Traffic. Akyat muna ako mommy at mag bibihis muna ako." Narinig kong sagot ni kuya kay mommy. "Osige nak, bilisan mo at kakain na tayo." Narinig kong sagot naman ni mommy at narinig ko din na umakyat na si kuya.

Habang nag eenjoy ako sa pinapanood ko, nagulat ako nang biglang inagaw ni kuya yung remote sa'kin at umupo ito sa tabi ko.

"Can't you see i'm watching?" Tanong ko sakanya.

"Ang corny ng pinapanood mo, dapat yung pinapanood mo, ganito." Sagot niya sakin at nilipat niya yung chanel sa basketball.

"As if namang manonood ako nyan?" Sagot ko sakanya. "Edi wag ka manood, easy." Sagot naman niya sa'kin na ikinainis ko naman.

"Pero ako naman nauna ah!" Malakas kong sabi at agad kong inagaw yung remote sakanya pero nabawi na din ito agad.

"Kuya ano ba, patapusin ko muna yang pinapanood ko." Sabi ko pa sakanya pero tahimik na ito at tinago niya yung remote sa likuran niya.

"Give it to me!" Pagpupumilit ko sakanya. "Hindi pwede, manahimik ka jan." Chill na sagot ni kuya sa'kin at mas lalo naman akong nainis kaya nag dabog nalang ako at pumunta na ako sa kusina para kumain.

Kinabukasan, Friday na at may pasok na ulit kami. Hinatid na ako ni kuya sa school at ayos na ulit kami, hindi na ulit ako galit sakanya kasi nag sorry na siya kagabi.

Nang makarating na ako sa classroom nakita ko nanamang pinagkakaguluhan nanaman ng mga babae si andrew.

Oh wait, oo nga pala yung wallet niya. Teka, dala ko ba...

Napatigil ako sa pag lalakad at chineck ko yung bag ko at oo nga dala ko nga.

Ako na kaya mag bibigay sakanya? O kay steve na? Teka nasan ba si steve kahapon ko pa siya hindi nakikita. Ano bang date ngayon? November 29 na pala. Ah oo pala naalala ko na, may photoshoot pala si steve, so kailangan ko nga talagang ibigay tong wallet kay andrew. Eh ano naman, ibibigay ko lang naman eh.

"Good morning!!! Ano ginagawa mo dito sa harapan?" Narinig kong sabi ni kate sa likod ko habang naka akbay na ito sa'kin.

"May chineck lang ako." Sagot ko naman at umupo na kaming dalawa, hay nako late nanaman si jasmine at karla.

Habang nakaupo na ako, iniisip ko nanaman kung pano ko ibibigay kay andrew 'tong wallet niya. Pano ba?

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo, ang aga aga. Hindi ka nanaman ba kumain ng maayos?" Narinig kong tanong ni kate sakin at dahil dun natauha ako.

"Tama ka, nagugutom ako." Sagot ko naman. "Don't worry, may pagkain ako dito." Sagot naman niya at nag ngitian kaming dalawa.

Ilang sandali, nagulat kaming lahat nang biglang pumasok si calvin.

"Oh, my. I have a shocking news." Sabi nito na ikina curious naman naming lahat.

"There will be no classes this afternoon." Masayang sabi niya.

Halos lahat na ng lalaki dito sa room sobrang saya dahil sa balitang hinatid saamin ni calvin.

"What?" Sagot naman ni kate kay calvin.

"Seriously?" Narinig ko namang sagot nung isa naming kaklase pero hindi ko na ito tinignan.

"Yes, i heard it a while ago." Sagot naman ni calvin, na sobrang ikinasaya na naming lahat.

Ilang sandali, habang nag sasaya kami bigla namang dumating yung class president namin at nakita kong sabay sabay lang silang dumating nila karla at jasmine.

Buti nalang nakaabot pa sila karla at jasmine, kung hindi lagot sila kay Mrs Walter nyan.

"Calvin, will you sit down?" Sabi ni lucas habang nakatayo ito sa harapan at mukhang may ia-announce ito.

"Lucas, is it true that we don't have class this afternoon?" Narinig kong tanong naman ni chantel.

"Who said that?" Tanong naman ni lucas at lahat kami agad naming tinuro si calvin.

"We have class this afternoon and on Monday afternoon, we have no class because teachers will gather for their meeting for next week's festival." Sabi ni lucas na ikinasaya parin namin. Syempre kahit papano wala parin pasok ng hapon sa monday.

"And also, all the officers of the Student Government, go to our gymnasium because we have a meeting for the Christmas festival." Pahabol pang sagot ni lucas na ikinalungkot ko. Ayoko ng ganito eh, meeting meeting. Ah oo pala, officer din si lucas ng Student Government at treasurer naman siya.

"To all the officers of student government, we have to go now. And to all who left in this room, wait for Mrs Walter." Sabi ni lucas at nag chikahan na agad yung mga tao dito sa room at lumabas na na si lucas at ako naman, tumayo na rin ako at kinuha ko na yung bag ko at umalis na din ako.

Matapos naming nag meeting, dumeretso na kami sa stage ng school para mag decorate na dahil yun yung pinagmeetingan namin kanina.

"Sarah, can you help me put this." Sabi ni lucas kaya tumango naman ako at lumapit sakanya.

May dalawang ladder na at nasa isang ladder naman si lucas dahil nilalagay niya yung mga letters.

Nilapitan ko siya at inabot ko yung isang side nung ilalagay naming dalawa at umakyat na din ako sa isang ladder na nasa side ni lucas.

Habang nag aayos kami, saktong lunch break na kaya nagsi labasan na yung mga studyante.

Nakita kong lumabas ng classroom si andrew at may mga babaeng nakapaligid sakanya at napangisi naman ako dahil dun.

Bakit pa kasi siya pumasok, hindi na makakapag aral ng maayos yung mga babae dito dahil sakanya.

"Sarah!" Narinig kong may nag tawag ng pangalan ko kaya hinanap hanap ko naman ito.

Ilang saglit pa ay nahanap ko na rin ito... si steve, papalapit siya sa'kin.

Ngumiti naman ako at kumaway naman ako sakanya.

Habang kumakaway ako, napatigil ako sa pagkaway ko nang bigla kong makita si.....Nathaniel, may hawak siyang phone at may tinatawagan ito.

Dahan-dahang bumaba yung kamay ko at nakaramdam nanaman ako ng init na dumaloy sa mukha ko.

Anong ginawa niya dito? Dahil sakanya nabuo na yung araw ko.

Agad nanlambot yung mga paa ko kaya agad naman akong na out of balance.

Nang mahuhulog na ako, napapikit ako at nung akala kong mahuhulog ako sa sahig, bigla akong may naramdaman na may sumalo sa'kin at natumba naman kami nito at napaibabaw naman ako sakanya.

Oh no!

Dahan dahan kong iminulat yung aking mga mata at nang maimulat ko na yung mata ko.... nagulat ako nang makita ko kung sino yung sumalo sa'kin.