Chapter 10

~Andrew~

Lumabas na ako ng classroom at nung saktong pag labas ko, may mga babaeng naka abang na sa labas ng room at agad nila akong pinuntahan.

May dalawang babae na humawak sa dalawang braso ko habang yung ibang mga babae naman sumusunod lang sa likuran.

Hinayaan ko lang na gawin nila yun kasi sanay naman na akong ginaganito ng mga fans ko sa london dati.

Basta ang kailangan ko lang gawin ngayon ay kumalma.

Nang nasa grounds na kami ng school, nakita kong may nag aayos sa may stage at ilang saglit lang at nakita ko si Mr.wooley na tinatawag niya ako.

Nasa may stage din si mr.wooley, at patuloy parin akong tinatawag nito kaya nag paalam muna ako sa mga babae na nakapaligid sa'kin at agad na akong tumakbo papunta kay Mr.wooley.

Malapit na ako sa stage at habang tumatakbo ako patungo kay mr wooley,  nakita ko si sarah na nasa ladder at nakita kong may tinitignan ito.

Papa-akyat na ako ng hagdan nang stage at nung tinignan ko ulit si sarah, nakita kong na out of balance ito kaya agad na akong tumakbo ng mabilis para masalo siya.

At nung saktong mahuhulog na siya, sakto din na nasalo ko na siya at natumba kami nito sa sahig at nagulat ako nang mapaibabaw siya sa'kin.

Habang nakahiga ako sa sahig at napaibabaw siya sa'kin, nakita kong nakapikit parin ito at dahan dahan niyang minulat yung kanyang mga mata at nung makita ako nito, agad naman itong tumayo agad dahil sa gulat at inayos niya pinagpag niya yung damit niya habang ako naman tinulungan akong bumangon ni lucas at pinagpag ko na din yung damit ko.

***

~Steve~

Nakita ko kanina si sarah na may tinitignan matapos niya akong kawayan at nakita ko din na parang ma oout of balance na ito kaya agad akong tumakbo papunta sakanya.

Pero nung habang tumatakbo na ako, nakita ko na si andrew na sinalo na si sarah nung mahuhulog na ito at dahil dun... napatigil na ako sa pag takbo ko at sa totoo lang, sa mga oras na nakita ko na sinalo ni andrew si sarah....

Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko, at parang may kuryenteng umakyat mula sa paa ko hanggang sa ulo dahil sa nakita ko. Bakit ba ako nag kakaganto...

Oo may gusto ako kay sarah, pero bakit kailangang yung pinakamamahal ko pang kapatid yung  pag seselosan ko. Mali 'to, maling mali.

***

~Sarah~

Habang inaayos ko na yung damit ko, hindi ko nanaman matignan ng diretso si andrew.

Nang matapos kong pagpagin at ayusin yung damit ko, napatingin ako sa paligid at nakita ko lahat ng tao sa paligid namin na gulat na gulat sila sakanilang nakita at parang naistatwa pa ang mga ito.

Tinignan ko si andrew at nakita ko ito na may sugat sa siko niya, hindi ko alam pero agad naman akong nag alala.

Nilapitan ko agad ito at hinawakan ko yung kamay niya at inangat ko ito para makita ko yung siko niya.

"Okay ka lang ba? Mahapdi ba? Halika, kailangan nating pumunta sa  clinic para mapalinisan mo yan. Halika na." Pag aaalala kong sabi sakanya at hindi na ako nag dalawang isip pa, agad ko na siyang hinila at tumakbo na kaming dalawa papunta sa clinic. Malapit lang naman yung clinic dito sa stage kaya tumakbo na kami ni andrew habang nakahawak parin ako sa kamay niya.

Ilang sandali, habang tumatakbo ako narealized ko itong ginagawa ko ngayon at kung sino 'tong kasama kong tumatakbo dahil halos lahat ng tao na nakakasalubong ko habang tumakbo ay nakatitig sa'kin.

Napatigil ako sa pag takbo at humarap ako sakanya at nakita ko yung itsura niya na mukhang nag tataka na siya sa ginagawa ko.

Naku sarah, anong ginagawa mo?!

Nasa tapat na kami ng clinic at agad kong binitawan yung kamay niya at nag narinig kong nag salita naman ito.

"Why? Akala ko ba dadalhin mo ako sa clinic?" Narinig kong tanong niya sa'kin.

"Nandito na, nandito na tayo sa clinic. Ikaw nalang pumasok mag isa, kasi naalala ko may inaayos pala ako sa stage. Sorry, i have to go." Sagot ko naman at nakita ko naman na tumango na ito kaya tumakbo na ako papaalis at bumalik na ako sa stage.

***

~Andrew~

Pumasok na ako sa loob ng clinic at pinalinis at pinagamot ko na yung siko ko.

Habang ginagamot ito, may biglang nag bukas ng pintuan mg clinic at nagulat kami nung nag lilinis ng siko ko.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni steve sa'kin.

"Yes, I'm okay. Don't worry, gasgas lang 'to." Sagot ko naman sakanya pero hindi parin ito kumakalma.

"Paano kung nainfection yan? Lagot ka sa manager mo ngayon nyan, may photoshoot ka sa sunday diba?" Nag aalalang tanong sakin ni steve pero tumayo ako at tinapik tapik ko nalang yung braso niya at nag thank you at nag paalam na ako sa nurse.

Lumabas na ako at sinundan na ako ni steve.

***

~Sarah~

Natapos na kaming mag decorate ng stage at umupo na ako sa may bench na malapit sa oval.

Huminga ako ng malalim at inilabas ko ito habang nakapikit yung mata ko.

Minulat ko yung mata ko at napatitig nalang ako sa mga nag lalaro.

Hindi ko napigilan yung sarili ko kanina na mag alala kay andrew, panigurado din namang nasaktan din yung likod niya nung natumba kaming dalawa tapos nasugatan pa siya ayun tuloy double kill.

Kamusta na kaya siya ngayon, pinagamot niya kaya yung nga sugat niya? Sana hindi siya nakahalata dun sa ginawa ko kanina na pag alala at pag dala sakanya sa clinic. 

Tsaka parang wala lang naman yun, siguro ang iisipin lang naman niya siguro nag mamagandang loob lang ako dahil sa pag salo niya sa'kin kanina.

"Ang lalim ng iniisip mo ah." Narinig kong sabi ni kate at napatingin ako sakanya, may dala dala siyang juice at bread at inabot niya sa'kin ito at umupo na siya sa tabi ko.

"Thank you." Pasasalamat ko sakanya.

"Ang pogi nung mga nag lalaro no? Kaya ka siguro nandito." Pang eechos na sabi ni kate sa'kin.  Oo madami talagang pogi.

Teka lang, may naalala ako!

Si Nathaniel..

"Hey, have you seen nathaniel around the campus?" Tanong ko kay kate. "Who the hell is nathaniel? I don't even know him." Sagot naman ni kate. Panong hindi niya alam eh nung Friday nandun siya nung nabunggo ko si Nathaniel.

"Seryoso ka? Hindi mo ba siya naaalala?" Tanong ko naman.

"Hindi nga, tsaka sino ba yun? Ano ba meron dun, ano ba meron sainyo?" Nag tatakang tanong ni kate sa'kin.

"Nathaniel dyers. Dude, hindi mo ba naaalala? Yung sa Bryant park? Yung nakita mong kasama kong lalake." Mabilisang sagot ko sakanya at mukhang nag sink in na ito sa utak niya.

"Oh! Yung pogi? Yung crush mo?" Malakas na pagkasabi ni kate.

Ayos lang na malakas yung pagkasabi niya kasi hindi naman siya maiintindihan dito ng mga tao na nasa paligid namin.

"Oo tama ka, nakita mo ba siya?" Tanong ko naman. Ay teka napaamin tuloy ako ng di oras pero sabagay ayos lang si kate lang naman to eh haha.

"Ay wow, so crush mo nga yung taong yun... ikaw ha!" Pang eechos niya sa'kin pero nginisian ko lang ito.

Napaamin tuloy ako ng 'di oras.

"Sabi ko na nga ba, magkakagusto ka dun eh. Oo nakita ko siya kanina, nagulat nga din ako eh hindi ko akalaing nag aaral pala siya dito. Eh sa laki ba naman ng school at napakaraming tao dito, tsaka hindi ko rin alam na may mga pogi din pala dito sa school hindi lang si steve at andrew." Sagot naman ni kate at nung marinig ko ito nakaramdamn ako ng kilig at excitement.

Pero teka, akala ko ba hindi niya naaalala eh nakita niya kanina si nathaniel bago ako nag tanong sakanya tungkol dun.

"Seriously? Akala ko ba hindi mo siya naaalala tapos kanina sabi mo nakita mo siya tapos kanina sabi mo sa'kin hindi mo siya naaalala  at tsaka paano mo nalaman na dito siya nag aaral?" Nag tatakang tanong ko naman sakanya.

"Pinapaamin lang kita, nag pretend lang ako na hindi ko maalala yun para mapaamin ka at ayun nga totoo nga yung hinala ko na may gusto ka sakanya." Natatawang sagot ni kate sa'kin.

Hayop talaga 'tong babaeng 'to

"I hate you!" Natatawa na may halong inis na sagot ko sakanya, kasabay ng pag hampas ko sa balikat niya at tumawa nalang ito.

"Pero teka, dito siya nag aaral? Matagal na siyang nag aaral dito? Bakit ngayon ko lang siya nakita dito sa school?" Nag tatakang tanong ko ulit kay kate.

"Balita ko hindi daw siya madalas pumasok, tsaka nakita ko kasi kanina na nag uusap si alex tapos yun yung ano ba name nun, Nathaniel. Tapos napansin ko din na naka school Uniform si nathaniel kaya syempre nakichika agad ako kay alex nung pagkatapos nilang mag usap." Sagot naman niya sakin na mas ikinasaya ko pa.

"Teka nga sarah, nabalitaan ko kanina na may kaganapan nanaman sainyo ni andrew sa stage kanina. Bakit ba parang lagi kayong may ganap? Yung totoo, may namamagitan ba sainyong dalawa? Umamin ka, or else..." Sunod sunod na sabi ni kate sa'kin at nanlaki naman yung mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"Wala, walang meron sa'min tsaka alam mo namang may gusto ako kay nathaniel diba?" Sagot ko kay kate at nag tinginan kami "yiii, hampasin kita jan eh!" Pang eechos niya sa'kin habang ako naman, syempre hindi mo mapigilang ngumiti.

"Ano ba nangyare sainyo kanina sa stage?" Tanong ni kate sakin at dahil dun nakaramdam nanaman ako ng konting lungkot.

Lagi nalang akong nalukungot kapag tungkol kay andrew, nakakainis naman.

"Sinalo niya ako." Sagot ko na ikinagulat naman ni kate at agad akong hinampas nito sa braso.

"Ow!" Reklamo ko kasabay ng pag haplos ko sa braso ko.

"Girl, ang haba ng hair mo! So totoo nga yung mga sinasabi ng mga tao ngayon dito sa school. Grabe sa dinami dami ng tao sa stage kanina, talagang si andrew smith pa ang sasalo sayo." Masayang sabi ni kate sa'kin. Wow ha, so parang suportado pa siya sa reaksyon niya ngayon.

"Oo nga, pwede namang si nathaniel" sagot ko naman. "Pwede din namang si steve kasi alam naman ng tao dito sa campus na magkaibigan kayo." Sagot naman niya. "Pwede din naman." Sagot ko sakanya.

"Tingin mo, aawayin kaya ako ng mga fans ni andrew? Paano naman kasi, issue nanaman yun ngayon dito sa buong campus, Urghh! Paano ako papasok ngayon sa room, paano ako makakapag lakad ng payapa dito sa campus, panigurado galit silang lahat sa'kin." Pag aalala kong sagot kay kate.

"Ang oa mo, tsaka hindi naman siguro. Tsaka teka nga sarah, okay ka lang ba? Napapansin ko kasi these past few days simula nung dumating si audrew madalas na kitang makitang nakatulala tapos ang tahimik mo pa tapos parang lagi kang wala sa mood. Ano ba nangyayare sayo? Sabihin mo nga sa'kin yung totoo, anong meron sainyo ni andrew?"  Seryosong tanong ni kate sa'kin at tinignan ko ito saka ako sumagot.

"Wala." Sagot ko naman.

"Kilala kita. Sabihin mo na sa'kin ngayon, wag mo na hintayin na ako pa makakatuklas kung ano talaga nangyayare sayo. Kaibigan mo 'ko sarah, at nandito lang ako palagi para sayo." Sabi ni kate sa'kin at nakaramdam naman ako ng konsensya.

Sabihin ko na ba, hindi ko na kasi kayang mag tago ng sikreto kay kate, tsaka mapapagkatiwalaan ko naman siya eh.

Osige na nga sabihin ko na.

Tumingin ako sa mga nag lalaro at nananatili parin akong tahimik.

"Talagang hindi---" hindi na natuloy ni kate yung dapat sasabihin niya dahil  nag salita na ako agad.

"Kababata ko siya---" hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko nang biglang tumayo si kate dahil sa gulat.

"Wait, what? What did you just say? Magkababata kayo?!" malakas niyang sabi at napangiti naman ako. Sabi ko eh, ganyan na ganyan yung magiging reaksyon niya.

"Kumalma ka kate, tsaka umupo ka nga nakakahiya." Pag pupumilit kong sabi sakanya.

Pinakalma ko siya at pinaupo ko na rin at nung mapakalma ko na siya, nag umpisa na akong mag salita ulit.

"Mag kababata kami ni andrew, bestfriend ko siya simula pa nung kinder pa ako. Naging magkaibigan yung---" hindi ko nanaman natuloy yung sinasabi ko nang biglang sumapaw nanaman si kate.

Itong babaeng 'to, konti nalang mahahampas ko na 'to.

"Akala ko ba hindi mo siya kilala, sinabi mo sa'kin na hindi mo siya kilala nung dumating dito sa school si andrew tapos ngayon sasabihin mo sa'kin na kababata mo siya?!" Gulat na may halong konting galit na sabi ni kate.

"Kate kumalma ka sabi, paano ko maikwekwento sayo ang lahat kung ganyan ka." Sabi ko sakanya at tumahimik naman si kate.

"Naging magkaibigan kasi yung mga magulang namin, at dahil nun mas napaglapit kami ni andrew sa isa't--" hindi ko nanaman naituloy yung sinsabi ko nang bigla nanaman siyang mag sasalita pero inunahan ko na ito agad.

"Can you please shut up for a second?" Inis kong sabi at napangiti naman si kate at tumahimik na ito.

Mag sasalita na sana ako ulit pero pinigilan niya ako.

"Pero teka, so kaya pala close na close kayo ni steve?" Tanong niya sa'kin. "Oo tama ka, kaya makinig ka na." Sagot ko naman sakanya at ayun, sawakas nakapag kwento na rin ako sakanya.

Nag lalakad na kami pabalik ng classroom at nag k-kwento parin ako sakanya.

Matapos kong mag kwento, saktong nasa mga locker na kami ni kate na nasa labas ng room namin.

"Ikaw na yata yung pinaka swerteng babae sa buong mundo, hindi ko akalain na may kaganapan palang ganun sa buhay mo at si andrew pa talaga ha." Sabi ni kate sa'kin habang may inaayos siya sa loob ng locker niya.

Habang ako naman, ngumiti nalang ako at binuksan ko na yung locker ko.

At nung pag bukas ko nito, agad bumungad sakin yung wallet ni andrew. Oo nilagay ko yung wallet niya dito sa locker ko dahil wala pa akong lakas na loob para harapin siya.

Kinuha ko yung wallet at tinitigan ko ito.

Ibibigay ko na kaya? Pano kung kailanganin niya?

Inatras ko yung sarili ko ng konti para makita ko kung nasan si andrew, at ayun na nga nakita ko siyang lumabas ng classroom namin habang may mga babaeng nakasunod sakanya habang papunta si andrew sa locker niya.

Ibigay ko na kaya?

"Kanino yan?" Narinig kong tanong ni kate at dahil dun nagulat naman ako.

"K-kay andrew.." sagot ko naman sakanya at nanlaki ang mga mata nito.

"Dude, don't tell me ninakaw mo yan." Sabi ni kate sa'kin kaya agad ko naman itong binatukan.

"Hindi no, kahapon kasi nagkita kami sa isang cafe tapos naiwan niya 'tong wallet niya sa table kaya kinuha ko na tapos ibibigay ko sakanya ngayon." Sagot sakanya at mas nanlaki naman yung mata niya.

"Omg! So alam na niya kung sino ka talaga? Pano niya nalaman?" Gulat na tanong ni kate at napapikit nalang ako dahil sa inis.

"Hindi ano ka ba, hindi pa niya alam." Sagot ko sakanya.

"Alam mo, mas mabuti kung ibigay mo na yan sakanya. Pano kung kailangan na kailangan niya pala yan, sige na sarah ibigay mo na." Payo ni sa'kin at nag dadalawang isip pa ako.

"Pano ko maibibigay sakanya 'to ngayon eh tignan mo naman ang daming tao dito, alam mo naman yung kaganapan samin kanina diba." Sagot ko sakanya.

"Don't worry, ako bahala sayo." Sabi niya sa'kin at tinapik tapik niya yung balikat ko at agad niyang sinara yung locker niya at nag lakad na siya papunta kay andrew.

Jusko, ano naman kayang gagawin nitong babaeng to.

Nakita kong binulungan niya si andrew at tumingin naman si andrew sa'kin.

Matapos bulungan ni kate, tinignan ako ni kate at kinindatan niya ako at pumasok na ito sa loob ng classroom.

Habang si andrew naman, nakita ko siya na papalapit sakin at nung nakalapit na ito sinenyasan ko siya na sundan niya ako.

Nakarating na kami sa rooftop ng school na hindi nahahalata ng mga tao at nung nandito na kami sa rooftop wala na kaming ibang ginawa kundi tumayo at kahit isang salita walang lumalabas sa bunganga namin.

Mapapanis laway ko nito.

"Bakit? Anong sasabihin mo?" Narinig kong sabi ni andrew at napatingin ako sakanya.

"Ha?" Sagot ko naman. Hindi ko alam pero yan lang talaga yung lumabas sa bibig ko, jusme nakakaloka.

"Sabi kasi ni kate may kailangan ka daw sabihin sa'kin. Ano ba yun?" Tanong niya sa'kin.

Nice one kate.

"Ah oo, ito." Sabi ko sakanya at agad ko naman nilabas yung wallet niya sa bulsa ko.

Nanlaki yung mata niya nung nakita niya yun at agad naman niya itong kinuha.

"Where did you get this?" Tanong niya sa'kin.

"Naiwan mo sa cafe kagabi nung magkasama tayo." Sagot ko naman.

"Oh, thank you! Mabuti nalang ikaw naka kuha nito." Masayang pasasalamat niya sa'kin at ngumiti nalang ako.

"Dahil jan, may reward ako sayo at alam kong magugustuhan mo 'to." Sabi niya sa'kin pero nag umpisa na akong mag lakad. Hindi ako interesado sa reward na yan.

"Nathaniel dyers." Sabi niya sa'kin at dahil dun, agad naman nanlaki yung mata ko at napatigil ako sa pag lalakad at nilingon ko siya. Omg, ano daw?

Please sarah, pigilan mong mapangiti.

"Ano? Si nathaniel yung ibibigay mong reward sa'kin? Anong klaseng reward yan?" Tanong ko sakanya at pilit kong hindi ngumiti pero hindi ko na talaga napigilang mapangiti at kiligin.

"I knew it, you like him." Sagot ni andrew sa'kin at dahil dun agad naman akong nag deny.

"Hindi ah!" angal ko sakanya at napangiti naman ito.

"Kung ganun, bakit ka namumutla?" Sagot sa'kin ni andrew. Nakakainis.

"Hindi ah, naiinitan lang ako." Sagot ko naman, tapos syempre nag inarte akong naiinitan.

"Naiiitan ka sa weather na ganito? Halos triplehin ko na nga yung suot kong sweater dahil sa sobrang lamig tapos naiinitan ka?"  Natatawang sagot niya sa'kin pero tinignan ko nalang ito ng masama.

"Eh ano bang pake mo? Tsaka bakit si nathaniel?" Tanong ko sakanya at napangiti nanaman si andrew.

"Close sila ni steve dahil isang trainee si nathaniel sa agency namin." Sagot niya sa'kin.

"Oh, ano naman ngayon?" Sagot ko naman na parang hindi ako interesado sa sinasabi niya.

Wow, so mag momodeling pala si nathaniel.

"Tutulungan kitang mapalapit sakanya, since madalas naman kaming mag kita sa studio." Sagot niya sa'kin.

No way!

"Hindi na, salamat nalang." Sagot ko sakanya at umalis at iniwan ko na siya sa rooftop at bumalik na ako sa classroom.

Omg so mag momodeling nga talaga siya? Tsaka close sila ni steve. Kailangan ko makita ngayon si steve kailangan ko tulong niya omg my heart!!!

Kinabukasan, excited na akong pumasok dahil hu-huntingin ko si nathaniel. Tinawagan ko din si steve kagabi na kailangan ko tulong niya at may sasabihin ako sakanya at sabi naman niya dadaanan niya nalang ako dito sa bahay ngayong umaga para sabay na kami pumasok.

Inayos ko na yung damit ko at sinuot ko na yung bag ko dahil narinig ko na yung busina ni steve.

Bumaba na ako ng hagdan at nung saktong pag baba ko, nakita kong kinakausap ni steve si mommy at si kuya.

"Mommy mauna na po kami." Paalam ko kay mommy at hinalikan ko na ito sa pisnge at nagpaalam na rin si steve at hinila ko na ito palabas ng bahay dahil sa sobrang excited ko.

Nakasakay na kami ng kotse ni steve at on the way na kami sa school.

"So, ano yung sasabihin mo sa'kin?" Tanong niya sa'kin.

"Balita ko close mo si nathaniel." Sagot ko naman at hindi ko mapigilang ngumiti.

"Nathaniel?" Nag tatakang tanong niya sa'kin.

"Nathaniel dyers." Sagot ko naman.

"Oh, dyers. Yes he's my friend, what about him?" Tanong naman niya sa'kin.

***

~Steve~

Paano niya nakilala si nathaniel?

"I like him." Narinig kong sabi ni sarah at dahil dun nagulat ako at agad kong naapakan yung break ng kotse ko dahil sa gulat.

Buti nalang naka seatbelt si sarah.

"Ano?!" Sagot ko sakanya at mukhang nagulat si sarah dahil sa sinabi ko.

"A-ano, may pusa! May pusang tumawid. Naku, dapat hindi sila nag lalakad lakad sa highway dahil delikado." Palusot ko at tinuloy ko na mag drive, habang si sarah naman mukhang nag aalala.

"Asan yung pusa, uy baka nasagasaan mo yun. Dahan dahan kasi sa pag d-drive steve, ayoko pa maki reunion sa mga ancestors ko." Sabi ni sarah sa'kin habang nag ddrive ako at natawa naman ako ng konti sa sinabi niya.

"Hindi. Safe yung pusa, wag ka na mag alala." Sagot ko skanaya na ikinakalma na niya.

Pero teka, tama ba yung narinig ko kanina na gusto niya si nathaniel?

"May gusto ko kay nathaniel? But wait, paano mo siya nakilala?" Tanong ko kay sarah.

"Long story, ayoko pa mag kwento ngayon. And steve, balita ko trainee niyo siya at close daw kayo. So naisip ko baka naman pwedeng tulungan mo naman akong maging close kami ni nathaniel, kung gusto mo lang at hindi naman sa desperada ako. Pero please. " Nag papacute na sabi ni sarah sa'kin.

Seryoso ba 'to? Tama nga yung narinig ko, may gusto nga siya kay nathaniel. BAKIT?!

"O-oo sige, bakit hindi. No problem, ako bahala sayo." Sagot ko naman. Shit! Anong sinabi ko?! Ayoko nga!

***

~Sarah~

Ilang sandali, nakataring na rin kami sa school pero dumeretso na kami sa parking lot ng school kung saan nag papark ang mga kotse ng mga studyante.

Lumabas na ako ng kotse ni steve at inayos ko yung uniform ko at hinintay ko habang hinihintay ko lumabas si steve.

Wala namang katao tao dito dahil nasa likod 'to ng school.

Lumabas na si steve ng kotse niya at may inabot siya sa'kin na pagkain.

"Ano 'to?" Tanong ko.

"Pagkain mo, pinaabot sa'kin ni mommy mo para ibigay sayo." Sagot niya sa'kin at nag pasalamat na ako at nag lakad na kami.

Habang nag lalakad kaming dalawa, nilalagay ko yung pagkain na binigay sakin nag taka ako bakit napatigil sa pag lalakad si steve.

"Bakit?" Nag tatakang tanong ko sakanya pero tahimik parin ito at may tinitignan siya kaya sinundan ko yung tingin niya.

Nang makita ko na rin yung tinitignan niya... nanlaki yung mata ko dahil sa nakita ko..

Omg! Si.....