Chapter 11

Sarah

"Bakit?" Nag tatakang tanong ko sakanya pero tahimik parin ito at may tinitignan siya kaya sinundan ko yung tingin niya.

Nang makita ko na rin yung tinitignan niya... nanlaki yung mata ko dahil sa nakita ko..

Omg! Si andrew!

Nakatayo ngayon si andrew sa harapan namin ni steve at pareho na kaming nakatitig ni steve sakanya. Bakas na bakas na itsura ni andrew na nag tataka siya kung bakit kami magkasama ni steve.

Omg, nakita niya kaming magkasama ni steve. Naku, baka kung ano na isipin niya.

"Oh, hey bro." Sabi ni andrew kay steve habang si steve naman ntauhan na.

"What's up. Kararating mo lang? Diba kanina ka pa nakaalis sa bahay?" Sabi naman ni steve.

"Oh yeah, i just got here. Napaaga lang yung alis ko kanina dahil may pinuntahan ako." Sagot naman ni andrew.

"Oh, is that so." Sagot naman ni steve.

Anong klaseng sagot yan halatang kinakabahan.

"And by the way, hindi ko alam na close na close nga pala talaga kayo ng kuya ko." Sabi ni andrew sa'kin at naiilang na ako.

Omg ano sasabihin ko.

"Oo, close na close." Sagot ko.

Owemji, ang bobo.

Ilang segundo din na nag hari ang katahimikan pero nawala din ito nang magsalita si andrew.

"Steve, don't tell me nililigawan mo na siya?" Narninig kong sabi ni andrew kaya agad naman akong nag salita.

"No way." -ako

"Of course not." -steve

At ayun na nga.  Sa hindi inaasahan, nag sabay kaming mag salita ni steve at agad naman kaming nagka tinginan.

"Look andrew.. magkaibigan lang kami, tsaka nakita ko kasi siya kanina na nag hihintay ng masakyan kaya sinabay ko sa siya papunta dito sa school." Sabi naman ni steve.

Wow, magaling.

"Oh, i see. Ang swerte mo sarah. Isipin mo ba naman, close mo kaming dalawa." Sabi naman ni andrew at hindi na ako sumagot, ngumiti nalang ako.

Oho, close ko daw siya... close ko ba siya?

Ilang segundo nanamang nanahimik ang palid at grabe, nakakabingi yung tahimik.

Narinig kong tumawa agad si steve ng malakas at alam kong pinilit niyang tumawa at dahil dun pinilit ko na din tumawa at ilang saglit pa ay natawa na din si andrew.

Soooo weird haha!

"Tara na ano pang ginagawa natin dito, sabay sabay na tayo maglakad." Aya ni andrew at sumangayon naman si steve pero syempre ako hindi ako sang-ayon dun.

Duh, ang daming tao. Tsaka ano naman kayang iisipin nila pag kasama ko 'tong dalawang to, panigurado mag iinit nanaman mga ulo at dugo ng mga tao.

"Mauna na kayo. Naalala ko, kailangan ko palang pumunta sa library kasi ibabalik ko yung hineram kong libro. Alis na 'ko, ingat kayo."  Paalam ko sakanila, pero syempre joke lang yung may kailangan akong ibalik ang totoo nyan ay mag kailangan akong hanapin.

At ayun na nga nag hiwahiwalay na kami.

Habang nag lalakad ako, nakita ko na yung hinahanap kong tao. At nung nakita ko ito, bumilis yung tibok ng puso ko at parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko dahil nakita ko si nathaniel.

Owemji, dito nga talaga siya nag aaral.

Ilang sandali ay may naisip akong paraan para makausap ko siya.

Nilabas ko yung mga libro ko na nakalagay sa bag ko at nag lakad ako ng mabilis na hindi ko tinitignan yung dinadaan ko at syempre tinansya ko muna yung pagitan namin ni nathaniel para magkabanggaan kami.

At sawakas, nagsuccess ako! Nabangga ko na siya at nalaglag lahat ng hawak kong libro sa baba.

"Oh, i'm sorry." Sabi ko habang pinupulot ko isa isa yung mga libro ko.

"It's okay. Here, let me help you." Sagot naman niya sa'kin.

Omg, namiss ko yung boses niyang napakaganda!!!

At habang tinutulungan niya ako, panahon na para sa kagagahan ko ulit.

"N-nathaniel? Nathaniel dyers right?" Sabi ko sakanya habang nakaturo yung isang daliri ko sakanya.

"Oh hey, what's up! What is your name again?" Masayang sabi niya sa'kin at inabot niya yung kamay niya dahilan para mag shake hands kami. At syempre dahil dun kinilig nanaman ako.

"Sarah." Sagot ko sakanya at nakipag kamayan na ako.

Owemji, ang lambot!

"I didn't know you're studying here also. It's nice to see you again sarah, how are you?" Tanong nito sa'kin, at nung saktong mag sasalita na ako biglang nag ring na yung bell ibig sabihin nun kailangan na namin pumasok sa classroom dahil mag uumpisa na yung klase.

Shit, first subject pala namin si Mrs Walter. Lagot ako pag nalate ako.

"I'm so sorry, but i have to go. See you around, bye!" Nag mamadali kong paalam at kinuha ko na lahat ng libro ko at binilisan ko nang tumakbo.

Ano ba yan... napaka wrong timing!

Pero sabagay, nakausap ko naman siya at nahawakan ko yung kamay niya.

Nang makarating na ako sa classroom,  buti nalang at wala pa si mrs walter.

"Bakit ngayon ka lang? Where have you been?" Tanong ni kate sa'kin at umupo na ako sa tabi niya.

"Library. May binalik akong libro." Sagot ko naman.

"Oh, okay." Sagot naman ni kate at saktong dumating na si mrs walter na nag iinit nanaman ang ulo.

Nakalipas ang mga ilang oras at natapos na rin yung klase namin at lunch break na din namin.

Nasa cafeteria na kami ngayon nila kate, karla at jasmine at kumakain na rin kami. Ilang sandali ay nakita naming dumating na sila andrew at steve dito sa cafeteria kaya agad namang nag ingay yung mga babae, pati na rin yung mga kaibigan ko.

"Look at him, he's so handsome and hot." Masayang sabi ni jasmine.

Sino? Ah sila andrew at steve.

"

Which one?" Tanong ko naman at biglang tumingin sa'kin si kate at tinignan ako nito ng nakakainis na tingin.

"Andrew smith." Sagot naman ni jasmine

"Yeah, i agree." Sabi naman ni karla nakatitig kay andrew.

Naku, kung nalaman nila yung tungkol samin ni andrew, panigurado guguho mundo ng mga 'to.

"Sa tingin niyo.. sino mas pogi sakanilang dalawa?" Tanong naman ni kate at agad naman sumagot si karla at jasmine, habang ako naman syempre tahimik.

"Ang hirap mamili kasi pareho silang pogi." Sagot naman ni karla tapos tumango naman si jasmine

"What about you sarah? Sa tingin mo.. sino mas pogi at hot sakanilang dalawa?" Tanong naman ni kate.

Sarap sapakin nitong babaeng 'to.

"Steven Smith is hotter than andrew." Sagot ko naman.

"Kung ganun, sinong mas pogi sakanilang dalawa para sayo?" Tanong naman ni karla.

Tinignan ko sila andrew at steve at tinitigan ko ito ng mabuti..

Sino nga ba mas pogi sakanila?

Habang tinititigan ko ito, agad kong nakita si nathaniel at dahil dun parang may kuryenteng dumaloy nanaman sa katawan ko at nanlaki yung mga mata ko nang makita ko siya.

"Shems, ang pogi niya talaga..." sabi ko  at nagulat nalang ako sa lumabas sa bunganga ko.

Tinignan ko sila jasmine nagulat na gulat dahil sa sinabi ko.

"No! Hindi! Nagkakamali kayo ng iniisip, lalo ka na kate tumigil ka jan. Hindi si andrew at steve yung tinutukoy ko." Sagot naman.

"Kung ganun, sino yung tinutukoy mo?" Nag tatakang tanong sa'kin karla.

"Oo nga, sino?" Pang aasar na tanong naman ni kate at natatawa ito pero nanatili parin akong tahimik.

"Hindi mo sasabihin? Pag bilang ko ng lima at hindi mo pa sinabi tatawagin ko yung magkapatid dito." Natatawang sabi ni kate at mukhang hindi ito nag bibiro.

Sasabihin ko na kaya?

"Isa." Sabi ni kate.

"Dalawa." Sabi naman ni karla

"Wait, what is tagalog of three again?" Tanong naman ni jasmine.

"Tatlo." Sagot ni kate sakanya habang ako tahimik parin.

Panigurado kasi na aasarin nila ako pag nalaman nila yung crush ko, parang nung nasa middle school palang kami.

"Tatlo" Sabi naman ni jasmine pero medyo nabubulol ito kaya natawa naman ako ng konti.

"Hindi mo pa talaga sasabihin?" Sabi ni kate sa'kin, habang sila karla at jasmine naman ay patuloy na tumatawa.

"Osige na nga! Si Nathaniel dyers." Sagot ko sakanila na ikinagulat ni jasmine, at si kate naman pinag patuloy na niyang kumain na para bang wala akong sinabi. Habang yung si karla naman, nag tataka tungkol sa sinabi ko.

"What did you just say? You have a crush on Nathaniel dyers?!" Gulat na tanong ni jasmine.

"Yeah." Sagot ko naman at ngumisi nalang si kate.

"Who... oh! Yung trainee ng agency nila steve?" Gulat na tanong ni karla.

"Oo." Sagot naman ni kate kay karla.

Tinignan ako ni jasmine at karla at ngumiti sila tapos sabay silang nag salita.

"Yiee!" Pang aasar nila sa'kin pero napangiti naman ako.

Kinilig ako eh, bat ba!

Ilang sandali, nagulat kaming tatlo nang biglang tumayo si kate at tinuro niya si nathaniel at palagay ko balak niyang tawagin ito kaya agad kong binaba yung kamay niya at pinaupo ko siya.

"Are you out of your mind?" Sabi ko sakanya at bigla naman silang nag tawanan nila karla at jasmine.

Sabi ko na nga ba aasarin nanaman nila ako.

"What? You have a crush on--" medyo malakas na sabi ni karla dahilan para marinig ni nathaniel pero hindi na niya ito natuloy dahil agad kong tinakpan yung bibig niya.

"Ano ba, tumigil na kayo please!" Pag mamakaawa ko sakanila at sa wakas na sila.

"Oh siya nga pala, balita ko may bagong project si andrew dito kaya umuwi siya dito sa nyc." Tanong ni karla.

"Oo nga daw, leading woman niya daw si Rosie Diaz." sagot naman ni kate.

Si Rosie Diaz nga pala, isa siya sa mga sobrang sikat na actress dito america at halos magkaedad lang kami.

"Really?" Sagot naman ni jasmine.

Matapos namin mag chika chika tungkol kay andrew, sakto din na tapos na kami kumain kaya niyaya ko silang pumunta kami sa may bleachers para manood volleyball kasi nag lalaro si nathaniel.

Habang nanonood kami, may lumapit samin na kaklase namin at pinapatawag daw sina jasmine at karla, kaya umalis na sila.

Naiwan kaming dalawa ni kate na nanonood ng volleyball at habang nanonood kami nag salita si kate.

"Uy teka lang ha, mukhang kailangan ko mag cr. Ito, hawakan mo muna 'tong pagkain ko." Sabi ni kate sakin habang yung isang kamay niya naka hawak sa tiyan niya at agad naman niya binigay sakin yung lay's chips na kinakain niya.

"Osige, bilisan mo ha." Sagot ko naman sakanya habang kinakain ko yung lay's chips niya at agad na itong tumakbo.

Habang pinapanood ko si nathaniel na nag lalaro, nakaramdam na ako ng uhaw kaya kinuha ko yung tubig ko.

Nahihirapan ang buksan 'to kasi may mga cheese yung fingertips ko, kaya habang binubuksan ko ito nagulat ako nang may biglang kumuha sa tumbler ko kay agad ko itong tinignan.

Si andrew...

Pawis na pawis ito at hingal na hingal, ano bang ginawa nitong taong to.

"Hey, what do you think you're--" hindi ko na natuloy yung sinasabi ko dahil nakita ko itong binubuksan niya.

Oh sorry naman, tinutulungan lang pala ako buksan yung tumbler ko.

At nung nabuksan na niya ito, akmang kukunin ko na sana yun pero agad naman nitong inangat yung tumbler ko at pinapanood ko siyang inumin yung tubig ko.

Nanginginig na ako sa galit ngayon, parang gusto ko nang pumatay dahil sa nakikita ko ngayon.

Uhaw na uhaw na 'ko!!

"Hoy!!! Tubig ko yan!" Malakas kong sabi sakanya pero hindi niya ako pinapansin.

"I'll kill you, andrew smith!" Naninig kong may nag tawag ng pangalan niya at napatingin naman si andrew si likuran niya.

Nakita ko si alex na tumatakbo at mukhang pagod na pagod na rin ito.

Nang nakita ni andrew si alex, agad binigay ni andrew sa'kin yung tumbler ko at agad na itong tumakbo.

Aba'y tignan mo nga naman 'tong taong to, hindi manlang nag pasalamat.

Tinignan ko kung may laman pa yung tumbler ko pero ayun na nga, ubos na ubos!

Ugrrh! Gagastos nanaman ako para sa lintik na tubig na yan.

Umupo nalang ako dahil sa inis at pinag patuloy ko nalang panoorin si nathaniel baka mawala pa yung init ng ulo ko.

Nasan na ba kasi si kate, nauuhaw na ako.

Ilang saglit pa ay dumating na si kate at tinignan ko ito.

"Ahh, success!" Sabi nito kasabay ng pag hawak niya sa tiyan niya at umupo na ito sa tabi ko.

"Nasan yung tubig mo? Pahingi naman ako." Pag mamakaawa ko sakanya at nag tataka naman ito kung bakit ako ganito.

"Nasa room, bakit?" Nag tatakang tanong nito.

"Tara, pahingi ako ah." Masayang sagot ko naman pero nag tataka parin siya kung bakit ako ganito ngayon.

Paano ba naman kasi...

"Kabibili lang natin kanina ng tubig, ngayon ubos mo na?" Nag tatakang tanong nito sa'kin at tumango naman ako.

Bumili kasi kami ng tubig kanina tapos nilagay ko sa tumbler ko yung tubig.

Agad napatingin si kate kay nathaniel at binalik niya yung nanlilisik niyang tingin sa'kin.

"Don't tell me, binigay mo sakanya yung tubig mo?" Gulat na tanong nito sa'kin.

"Hindi ah! Si andrew yung kumuha." angal ko sakanya at mas nanlaki naman yung mga mata niya kasabay ng pag dahan dahan niyang pag ngiti sa'kin.

Hay nako.

"Ayie, dapat isang gallon na yung binigay mo sakanya." Kinikilig at natutuwang sagot nito sa'kin at inerapan ko nalang siya.

"Omg, nag indirect kiss na kayo!" Malakas na sabi nito at dahil nun nanlaki yung mga mata ko at hindi ko napigilan yung kamay ko kaya hinampas ko yung braso niya.

"Ow! Joke lang naman eh!" Natatawang sabi nito sa'kin habang hinihimas niya yung braso niya.

"Tara na nga, nauuhaw na ako." Aya ko sakanya at tumayo na kaming dalawa at nag lakad na kami papuntang classroom.

Nang makarating na kami sa classroom, dumeretso na agad ako sa desk ni kate at hinanap ko yung water bottle niya.

Nang mahanap ko na ito, mas lalong nag init yung ulo ko nang makita ko itong walang laman.

Urghhhh! Uhaw na uhaw na ako!!

Binalik ko yung water bottle ni kate sa bag niya at tinignan ko si kate na nag papacute at nag sorry.

Lumabas muna ako ng classroom at nasa corridor ako ngayon at sinandal ko yung ulo ko sa pader na nasa gilid ko habang pinapanood ko si nathaniel na nag lalaro.

Ayoko na bumaba ng building para bumili ng tubig. Ang taas taas kaya nitong room namin tapos mapapagod ako, edi mas lalo akong nauhaw.

Nakakainis talaga yung andrew na yun, nakakainis talaga.

Ilang sandali habang nag eemote ako, nagulat ako nang may biglang may malamig na dumikit sa kaliwang pisnge ko.

Tinignan ko agad yung gilid ko at nakita ko si steve na nakangiti habang hawak hawak niya yung isang water bottle.

Hindi na ako nag dalawang isip pa at agad ko nang kinuha yung tubig na hawak niya at nagulat naman si steve nang agad kong kunin ito sa kamay niya.

"Wow." Natatawang sabi nito sa'kin habang ako naman, patuloy paring umiinom ng tubig.

Sawakas naka inom na rin ako.

Matapos kong inumin yung tubig, binigay ko ito ng walang laman kay steve at nag pasalamat ako sakanya.

"Uhaw na uhaw ka yata?" Narinig kong tanong nito habang nakatingin ako kay nathaniel na umiinom ng tubig. "Oo sobra. Nakakainis yung kapatid mo eh, ininom niya yung tubig ko kanina." Sagot ko sakanya na ikina-tawa nito.

Nakakatawa ba yun?

"I know. Kaya nga ako nandito, kasi pinapaabot niya yung tubig na ininom mo na." Sagot niya sa'kin at napangisi naman ako.

"Mabuti naman at pinalitan niya. Salamat nga pala, paki sabi na din sakanya." Sagot ko naman sakanya habang nakatitig parin ako kay nathaniel.

Owemji! naka topless na siya ngayon.

Grabe ang hot niya sobra!

"Hey, grabe namang titig yan. Malulusaw na yung tao oh! Tsaka nga pala sarah, may kailangan akong sabihin sayo." Narinig kong sabi ni steve pero tinakpan ko yung bunganga niya dahilan para tumigil siya sa pag sasalita.

"Osiya, kailangan ko na umalis. Tama na katititig sakanya." Sabi ni steve kasabay ng pag hawak niya ng ulo ko at hinarap niya ako sakanya.

Tinignan ko ito at nginitian ko nalang siya. "Behave." Sabi pa neto at tumango naman ako.

Inalis na niya yung kamay niyang nakahawak sa ulo ko at nginitian niya ako at umalis na ito.

At ilang sandali, nag ring na din yung bell ng school kaya pumasok na kami sa loob ng classroom.

Nasa gitna na kami ng klase at agad naman akong binulungan ni kate. "So anong feeling ng kaklase mo yung childhood sweetheart mo?" Natatawang tanong niya sa'kin. "Shut up." Sagot ko sakanya at nakinig nalang ulit ako sa teacher.

Ilang saglit pa ay kinausap nanaman niya ako. "Anong feeling ng nasa likod mo lang yung matagal mo nang hinihintay na tao?" Bulong pa nito sa'kin at tinignan ko lang ito ng masama.

Habang nakikinig ako, naramdaman ko na lalapit nanaman sa'kin si kate para bumulong kaya tinignan ko na ito agad at binigyan ko siya ng masamang tingin.

Hindi na ako makapag concentrate tuloy, nakakainis.

Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko nanaman na lalapit si kate kaya agad ko siyang tinignan at nung saktong pag tingin ko sakanya at nagka-untugan kami ng ulo.

"Oww!"-Ako

"Aray!"-kate

Sabay naming sabi kasabay ng pag himas namin sa ulo naming dalawa.

Napansin din namin na tumigil yung teacher na nasa harapan at tinignan namin ito ni kate, nakatitig yung teacher saaming dalawa at nung nanahimik na kami pinagpatuloy na niyang mag turo ulit.

Ilang sandali, habang nakikinig ako ay   binulungan nanaman ako ni kate. "May ipapakita ako sayong meme, matatawa ka dito promise." bulong nito sa'kin kasabay ng pag lagay niya ng phone niya sa ilalim ng desk niya at tinignan ko naman ito.

Sa hindi inaasahan, hindi ko napigilan yung tawa ko dahil sa pinakitang meme sa'kin ni kate. Sadyang nakakatawa kasi talaga kaya nailabas ko yung malakas kong tawa.

Tumawa ako ng malakas at naalala kong nasa kalagitnaan pala kami ng klase.

Owemji bat ang tahimik nilang lahat?

Napatingin ako sa paligid at nakita kong nakatingin nanaman silang lahat sa'kin, ganun din si andrew.

Tinignan ko si kate at sinenyasan niya ako "halaka, lagot ka." Sabi niya sa'kin kasabay ng pag turo niya sa teacher na nasa harap ngayon, gamit yung nguso niya.

Dahan dahan kong tinignan yung teacher na nasa harap naming lahat ngayon at nang mag tama na ang aming mata ngumiti ako pero bakas sa mukha niya na nagagalit na ito.

"Get the hell out of my class Ms Perez! Now!" Malakas niyang sabi na ikinagulat ko naman. Grabe nakakahiya, si kate naman kasi nakakainis!

Tinignan ko si kate at binigyan ko ito ng masamang tingin na para bang kahit anong oras mapapatay ko na siya.

Tumayo na ako sa ikinauupuan ko at kinuha ko na yung bag ko pero nung nailagay ko na ito sa likod ko agad namang nag salita si Mrs Thompson. "Leave your bag and stay outside! Now!" Malakas niyang sabi habang ako naman naistatwa sa kahihiyan.

May mga tumatawa nang estudyante pero hinahayaan ko lang sila.

Arghhh! Nakakahiya.

Lumabas na ako ng classroom at isinandal ko na yung likod ko sa wall at nanatili akong nakatayo.

***

Andrew

Lumabas na si sarah ng classroom habang si mrs thompson naman ay pinagpatuloy na niya yung pag tuturo niya.

Urgh! Ang swerte ni sarah napalabas siya. Gusto ko din lumabas, naboboring na ako dito.

Eh kung gawin ko din kaya yung ginawa ni sarah, baka sakaling palabasin din ako.

Nilabas ko yung phone ko at nilagay ko ito sa ilalim ng desk ko. Minessage ko si mr kim na tawagan niya ako at sawakas tumawag nga siya.

Nagring ng malakas yung phone ko at napatigil si mrs thompson sa pag sasalita habang yung mga kaklase ko naman ay nakatingin na silang lahat sa'kin.

Hindi ko sinagot yung tawag at agad ko itong binabaan at binulsa ko na yung phone ko.

Matapos kong ibulsa, nag turo na ulit si mrs thompson at ilang saglit pa ay nag message nanaman ako kay mr kim na tawagan ako at tinawagan naman ako ulit nito at nag ring nanaman ng malakas 'tong phone ko.

Napatigil si mrs thompson sa pag tuturo. "Get out." Sabi nito sa'kin pero hindi naman siya naiinis.

Nanlaki naman yung mata ko dahil sa sinabi niya at dahil din kasi makakalabas na ako.

"I'm so sorry. I have to take this call, its a call from my manager. " Dahilan ko naman at tumayo na ako sa ikinauupuan ko at lumabas na ako ng classroom.

Nang makalabas na ako, hindi ko na sinagot yung tawag at pinatay ko na agad phone ko.

Nang mag lalakad na ako, nakita ko si sarah na nakatingin sa'kin. "What are you looking at?" Tanong ko sakanya. "Nothing." sagot naman niya sa'kin at pumunta naman ako sa tabi niya.

"Why are you here?" Tanong niya sa'kin. "Wala lang, naboboring na kasi ako sa loob." Sagot ko naman na ikina- tawa niya.

Ilang sandali, agad itong napaupo at hinawakan niya yung paa niya at mukhang masakit ito.

"Hey, are you okay? Anong nangyayare sayo?" Tanong ko sakanya pero hindi ito sumasagot kasi mukhang masakit yung paa niya.

"Wala 'to, nag c-cramps lang." Sagot naman niya sa'kin.

Pumunta ako sa harapan niya at umupo ako at hinawakan ko yung paa niya at agad naman itong nagulat dahil sa ginawa ko."What do you think you're doing?" Mag tatakang tanong niya sa'kin. "Wag kana mag inarte, akin na." Sagot ko sakanya at nilagay ko yung isang paa niya at nakapatong na ito sa legs ko. Naka P.E uniform naman siya kaya ayos lang.

Minasahe ko ito sandali at naging okay na siya. "Hindi na masakit?" Tanong ko sakanya. "H-hindi na." Nauutal niyang sagot sa'kin. "Sino mas magaling saamin ni nathaniel mag masahe?" Biro ko sakanya at tinignan naman ako nito ng masama at tumayo na ito. "Mukhang ako." Biro ko pa sakanya at mukhang naiinis na ito. "Just kidding." Sabi ko sakanya pero hindi parin ito nag salita.

***

Sarah

Nanatili akong tahimik at sumandal nanaman ako sa pader.

Tinignan ko ito at mukhang nag hihingay na mag pasalamat ako kaya sige na nga!

"Thanks." Mabilisan kong pag sabi sakanya at agad na din akong naglakad papalayo pero sinundan naman ako nito.

"Where are you going?" Tanong niya sa'kin habang nakasunod parin ito sa'kin.

San nga ba ako pupunta?

"Mag c-cr ako." Sagot ko sakanya pero sumusunod parin ito. 

Nang makababa na kami sa building namin, may hindi ako inaasahang makita kaya agad naman akong napatigil sa pag lalakad at naramdaman ko din na tumigil si andrew.

Nakita ko si nathaniel na umiinom ng tubig at ang hot nito uminom kaya napatitig naman ako sakanya.

Ilang sandali habang nakatingin ako sakanya, may nakita akong maganda at sexy na babae at lumapit ito sakanya.

Sino naman kaya yun?

Nilapitan niya si nathaniel at pinapanood ko silang nag uusap at ilang saglit lang ay nakita kong hinawakan ni nathaniel yung waist nung babae at inilapit niya ito sakanya at nanlaki yung mata ko sa aking nakita at para bang guguho na yung mundo ko nang makita kong ginawa niya yun.

Pinapanood ko silang masayang nag tatawanan habang magkalapit ang mukha nila at magkadikit ang katawan nila.

D-don't tell me..... girl... friend niya yun!!!

No way!

At ilang saglit pa ay nakita kong hinalikan niya yung babae at dahil dun parang nawasak yung puso ko at parang gumuho yung mundo ko.

Hindi ko alam kung bakit pero nararamdaman ko yung mga luhang bumababa sa mata ko.

***

Andrew

Nakatayo lang si sarah ngayon sa harapan ko na para bang naistatwa ito at nakita ko din na nakatingin ito kay nathaniel at dun sa kasama niyang babae.

Sabi ko na may gusto ito dun sa lalaking yun eh.

Nakita kong yumuko si sarah kaya naglakad naman ako papunta sa harap niya.

Nakita kong may luhang pumatak habang nakayuko siya. "Are you okay?" Tanong ko sakanya pero hindi ito sumasagot.

Inilabas ko yung handkerchief na nakalagay sa bulsa ko at inabot ko ito sakanya ngunit hindi parin niya ito kinukuha.

Kaya kinuha ko yung kamay niya at inilagay ko yung handkerchief ko sa kamay niya at hinawakan naman niya ito at ipinunas na niya sa mata niya.

Tinignan niya ako at nakita kong pulang pula yung mata niya at may luha parin na bumababa mula sa mata niya,  kaya naisipan ko naman na icomfort ito.

"Okay lang yan, wag ka na umiyak. Marami ka pang makikilalang tao sa mundo. Tsaka tahan na, ang pangit mo pag umiiyak ka." Sabi ko sakanya at kinuha ko yung handkerchief ko na hawak niya at agad niya akong tinignan ng masama habang may mga luhang pumapatak sa mga mata niya kaya pinunasan ko yung luha niya agad.

***

Steve

Naglalakad na ako galing cafeteria dahil bumili ako ng tubig at habang nag lalakad ako, nakita ko si nathaniel na may kahalikang babae.

Bakit ba naman mag kakagusto si sarah dito? Hindi ba niya alam na matagal nang in a relationship itong si nathaniel.

Sinubukan ko naman na sabihin sakanya kanina yung tungkol kay nathaniel pero pinigilan niya ako.

Nilibot ko nalang yung tingin ko at napatigil naman ako nang makita ko si sarah at si andrew sa baba ng building nila.

Nakita kong pinupunasan ni andrew yung mukha ni sarah at nakita ko din na tumawa naman si sarah at nang makita ko itong tumawa, biglang kumirot agad yung dibdib ko.

Ano nanaman ba 'tong nararamdaman ko...